February 17, 2013 | By Derick Parfan | Scripture: Acts 5:1-11
Listen now…
Download sermon audio
Uncomfortable Story
Apat na kuwento na ang napag-aralan natin sa series natin sa Acts. So far, so good. Magagandang kuwento ito ng magagandang nangyayari. Umakyat si Jesus sa langit at nangakong babalik siya. Bumaba ang Espiritu at nagbigay kapangyarihan sa iglesia para maging matatapang na saksi ng muling pagkabuhay ni Jesus. Libu-libo na ang bilang ng mga miyembro nila. Namumuhay sila na parang isang pamilya. Masayang-masaya. Bagamat may hindi magandang nangyari tulad ng pagkakulong ng mga apostol, pag-uusig sa kanila, at pambubugbog, masaya pa rin sila kasi alam nilang ito ang kalooban ng Dios at may magandang nangyari pagkatapos nito.
Obviously what we’re seeing here is a picture of an ideal church, what God intends for his church to be. Gusto natin ganyan din sa atin. Pero malayo pa tayo diyan. Kahit na intention ng series natin ngayon ay makita ng mga hindi pa members na dapat kayong magpamember sa BBCC, hindi ko sinasabing this is a perfect church. Walang perfect church. At kung meron ka mang makita, wag kang magpamember doon, hindi na magiging perfect iyon. Hangga’t nandito pa ako sa church, this is far from perfect. Mangyayari lang iyon sa pagbabalik ng Panginoong Jesus.
Kaya wag natin ding iisiping “perfect church” ang church sa Acts. Katunayan ang maririnig nating kuwento ngayon ay hindi kumportableng pakinggan. Tungkol sa pera (na sensitibong topic sa maraming tao) na nauwi sa kasalanan (na iniiwasan nating pag-usapan) na nauwi sa kamatayan (na kinatatakutan ng marami). This is not a comfortable story because it is so close to the issues of our hearts. But we need to hear these kinds of stories. Unang-una na ay dahil ito ay salita ng Dios para sa ating iglesia at para sa lahat ng naririto kahit hindi members ng church.
The Story of Barnabas and Ananias
Pakinggan n’yo kung ano ang nangyari sa Acts 4:32-37; 5:1-16:
Noong panahong iyon, nagkakaisa ang damdamin at isipan ng mga tagasunod ni Jesus. Itinuturing nilang ang mga pag-aari nila ay hindi kanila kundi para sa lahat.
Walang kinakapos sa kanila dahil ibinubuhos ng Dios ang kanyang pagpapala sa kanilang lahat at bawat isa ay ibinabahagi ang kanilang pagpapala sa mga kapatid na nangangailangan.
Ganyan din ang ginawa ng isang lalaki na ang pangalan ay Barnabas. Ipinagbili niya ang kanyang bukid at ibinigay sa mga apostol ang pinagbilhan para ibigay sa kung sinuman ang nangangailangan.
Mayroon pang isang lalaki na ang pangalan ay Ananias. Ibinenta nila ng kanyang asawang si Safira ang ilan sa kanilang pag-aari. Ibinigay niya ang ilan sa mga napagbilhan sa mga apostol, pero ang sabi niya ay iyon na ang buong halaga ng napagbilhan. Kasabwat niya ang kanyang asawa sa panlolokong ito.
Kaya’t sinabi ni Pedro, “Ananias, bakit ka nagpadala kay Satanas at nagsinungaling ka sa Espiritu Santo? Bakit mo binawasan ang pinagbilhan mo ng lupa? Bago mo ipinagbili ang lupa, hindi ba iyo iyon? At nang maipagbili na, hindi ba iyo rin ang pinagbilhan? Bakit mo naisipang gawin iyon? Hindi ka sa amin nagsinungaling kundi sa Diyos.”
Nang marinig ito ni Ananias, siya’y patay na bumagsak, at lahat ng nakabalita sa pangyayaring iyon ay pinagharian ng matinding takot. Lumapit ang ilang binata, binalot ang bangkay, at siya’y inilibing.
Pagkaraan ng may tatlong oras, dumating naman ang kanyang asawa na walang kamalay-malay sa nangyari. Kinausap siya ni Pedro, “Sabihin mo sa akin, ito nga ba lamang ang kabuuang halagang pinagbilhan ninyo ng inyong lupa?” “Oo, iyan lamang,” sagot ng babae.
Kaya’t sinabi sa kanya ni Pedro, “Bakit nagkaisa kayong subukin ang Espiritu ng Panginoon? Hayan! Kadarating pa lamang ng mga naglibing sa iyong asawa, at ikaw naman ngayon ang isusunod nilang ilibing!”
Noon di’y nabuwal si Safira sa paanan ni Pedro at namatay. Pagpasok ng mga binata, nakita nilang patay na siya kaya’t inilibing siya sa tabi ng kanyang asawa.
Nakadama ng matinding takot ang buong iglesya at ang lahat ng nakabalita nito.
Marami pang mga himala ang ginawa ang mga apostol – nakapagpapagaling sila ng mga maysakit na dinadala sa kanila pati mga inaalihan ng mga demonyo. Namamangha ang mga tao dito. Parami nang parami ang bilang nila, pero mayroon ding ibang hindi mangahas na sumama sa kanila. Regular silang nagtitipun-tipon bilang magkakapatid sa Panginoon.
Barnabas or Ananias?
Ano ang nangyari sa mag-asawa Ananias at Safira? Ipinagbili nila ang property nila at ang ilan sa pinagbilhan ay binigay sa mga apostol para ibahagi sa mga nangangailangan, tulad ng ginagawa ng marami sa kanila noong panahong iyon. Mainam naman ang ginawa nila. Pero ang hindi mainam ay ang sabihin nilang ang ibinigay nila ay 100% nang pinagbilhan samantalang hindi naman. Mamaya makikita natin kung ano ang kasalanan nila. Ngayon alam natin na dahil doon. Namatay silang mag-asawa bilang hatol ng Dios.
Alam n’yo ba na ang ibig sabihin ng “Ananias” ay “Yahweh has been gracious”? Pero nakita ba sa response niya ang nag-uumapaw na grace ni God? Hindi. At sa halip na pagpalain siya ng Dios, hinatulan siya. Si Safira? Ang pangalan niya ibig sabihin “sapphire” o “beautiful,” siguro maganda talaga siya, pero lumutang ang pangit na nasa puso niya. Imbes na bumango ang pangalan niya, naging isang mabahong bangkay. This story is indeed an ugly story. And scary, too.
Nagsimula ang chapter 5 sa salitang “but,” ibig sabihin ang ipinapakitang larawan sa kuwento ng nangyari kina Ananias at Safira ay salungat ng larawang ipinakita ni Barnabas. Ang isa ay pangit, ang isa ay maganda. Ang isa ay di dapat tularan, ang isa ay dapat tularan. Ang isa ay discouraging, ang isa ay encouraging. Ang isa ay salungat sa nais ng Dios sa kanyang iglesia, ang isa ay ayon sa kalooban ng Dios.
Bakit, ano ba ang ginawa ni Barnabas? Pareho din ni Ananias na ipinagbili ang ari-arian niya, pero ang kaibahan lahat ibinigay niya alang-alang sa mga kapatid na nangangailangan. Hindi lang si Barnabas ang ganito, kundi lahat ng mga kaanib ng iglesia na nagmamay-ari ng mga bahay at lupa (4:34). Ang ibig sabihin ng pangalan ni Barnabas ay “son of encouragement” (4:35). Talaga namang maraming maeencourage sa ginawa niya lalo na ang mga naghihirap sa church nila. He was living true to his name, unlike Ananias and Sapphira.
This is a reminder for us Christians, that we bear the name of Christ. Na ang ginagawa ba natin ay totoo o ayon sa pangalan ni Jesus o salungat sa kanyang kalooban? Tulad nga ng sabi ni Pablo, “Only let your manner of life be worthy of the gospel of Christ” (Phil. 1:27). Tulad ni Barnabas. Hindi tulad ni Ananias.
Believers or Unbelievers?
Obviously si Barnabas ay isang tunay na Cristiano. Hindi lang siya basta kabilang sa local church nila, kundi maging sa universal, invisible church. Kung saan kabilang ang lahat ng tunay na sumasampalataya kay Cristo. At ganito ang picture ng church na lahat ay tunay na Cristiano: “Now the full number of those who believed were of one heart and soul, and no one said that any of the things that belonged to him was his own, but they had everything in common…There was not a needy person among them, for as many as were owners of lands or houses sold them and brought the proceeds of what was sold and laid it at the apostles’ feet, and it was distributed to each as any had need” (4:32, 34-35).
Ipinapakita ng larawang ito na merong unity sa church. Hindi na makasarili ang mga tao. Ang pag-ibig ni Cristo ay bumago at nag-uumapaw sa puso nila kaya malaya na silang magmahal ng iba, kahit pa mga dati nilang kaaway, kahit pa mga taong may utang sa kanila na matagal nang hindi bayad. Bukod doon, malaya na rin sila sa pag-ibig sa mga material na bagay. Mahirap ang ginawa nilang iyon na ibenta ang ari-arian nila at ibigay sa mahihirap na members nila. Imposible sa tao iyon. Pero dahil sa pag-ibig ni Cristo, masaya nilang nagagawa iyon dahil hindi na pera ang dinidiyos nila. This is a picture of a true Christian Church. Si Barnabas ay isa sa magandang halimbawa niyan.
How about Ananias? Siyempre hindi siya ganoon, pati asawa niya. Kaya nga pinarusahan sila ng Dios. Ang tanong, Cristiano nga kaya ang mag-asawang ito? Maaaring mga tunay na Cristiano sila dahil hindi naman sila ibinilang o itinuring na tulad ng mga di sumasampalataya. Members sila ng church, may relasyon kay Cristo at sa Espiritu. Kung Cristiano sila, parang ang lupit naman ng ginawa ng Dios at ni Pedro sa kanila. Patay agad. Wala man lang disciplinary procedure? Dapat nating marecognize na ito ay unique sa history ng church, hindi na ito naulit pa sa Acts na dinisiplina ng Dios ang isang Christian at pinatay.
Pero paalala ito sa atin na kahit sa church, oo nga’t mga tunay na tayong Cristiano, pero umaasta tayo na parang mga hindi Cristiano. Warning ito sa atin na may disiplina ang Dios. Gagamitin niya ang church tulad ng ginawa ni Pedro para kumprontahin kayo. Kaya nga pinirmahan natin sa covenant natin, “Tatanggapin ko at magpapasakop ako sa pagdidisiplina ng iglesia.” Kung umiwas ka man sa pagdidisiplina ng iglesia, hindi mo malalampasan ang disiplina ng Dios at alalahanin nating isa sa form of discipline niya ay ang kamatayan o premature death (see 1 Cor. 11:30; 1 John 5:16).
Meron namang ilang nagsasabi na maaaring ang mag-asawang ito ay hindi mga tunay na Cristiano. Pwede kasi parang sa halip na mapuspos sila ng Espiritu, si Satanas na ang kumontrol sa kanila, parang tulad ng ginawa niya kay Judas. Saka ang form of punishment ng Dios ay reminder sa mga taong nagsasabing Cristiano sila pero hindi naman na hindi man sila mamatay agad, pero ito rin ang sasapitin nila balang araw. The local church is composed of both believers and unbelievers. Hindi ko alam kung sino sa inyo ang tunay, although I hope and pray na lahat kayo. But there are those who professed to be believers but they were really unbelievers. If this is the case of Ananias, then what happened is a picture of future judgment for all false professors of faith.
Sabihin man nating Cristiano sila o hindi, let’s not waste more time debating that. Tulad ng mga nagtatanong din sa akin kung Cristiano ba ang tao na iyon kung ganoon ang ginagawa niyang mga kasalanan. But let this story serve as a warning to us na iwasan ang kasalanan nila at tularan ang kay Barnabas. That we all be serious in matters about the church and what God intends for his church. This is a serious story, calling for a serious re-commitment to Christ. Peter was not playing games with the couple. So, “Let us stop playing games with the church” (David Platt).
Ano ba ang dapat nating iwasan sa ginawa ni Ananias? Ano ba ang kasalanan niya? Ano naman ang kaibahan dito ni Barnabas na siya namang dapat nating tularan?
Freedom or Sense of Duty?
Not out of duty. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Pedro ang ginawa nitong mag-asawa. Pero nang kumprontahin muna niya si Ananias, sabi niya, “While it remained unsold, did it not remain your own? And after it was sold, was it not at your disposal? Why is it that you have contrived this deed in your heart? You have not lied to men but to God” (5:4). Hindi naman batas sa church na dapat ibenta ang bahay at lupa para ibigay sa church. Those were voluntary in their part, not compulsory. Hindi ito sapilitan. Nang ibenta nila, hindi naman din requirement ibigay lahat. Voluntary din. Pero ang problema nila, dahil siguro nakikita nilang ganito ang ginagawa ng marami, feeling nila kailangan sila din dapat ganoon. Ayaw ng Dios ng ganoon.
But out of the freedom we have in Christ. Ang gusto niya iyong malaya at masaya sa pagbibigay. “Each one must give as he has decided in his heart, not reluctantly or under compulsion, for God loves a cheerful giver” (2 Cor. 9:7). Ganoon ang ginagawa ng mga tulad nina Barnabas. Masaya sila. Ganoon din sa panahon noon ni Haring Hezekiah na nag-umapaw ang mga offerings for the temple, “And Hezekiah and all the people rejoiced because God had prepared for the people, for the thing came about suddenly” (2 Chronicles 29:36).
Maraming mga tao, ang nagiging factor sa decision nila kung magjojoin sa isang church ay ang sagot sa tanong na, “Anu-ano ba ang bawal diyan?” Hindi iyon ang main issue sa atin. Kundi iyong transformed hearts. Anu-ano ba ang gagawin mo na magpapakita na binago na ng Dios ang puso mo. Malaking bagay dito ang tungkol sa pagbibigay. Kaya nga nakalagay sa members’ covenant natin: “Uugaliin ko ang pagkakaloob sa gawain ng BBCC nang masaya ayon sa pagpapala sa akin ng Diyos.” Naniniwala po tayo na biblical ang “tithing” o giving at least ten percent of our gross income to the Lord – sa church, sa missions, sa Christian causes. Ginagawa po namin iyang mag-asawa. At ng marami sa members natin na siyang talaga namang pinakamasaya sa church. Pero hindi ito dapat ituring na isang “batas” kundi maipakita natin kung gaano tayo kasaya sa pagbibigay, kung gaano kalaki ang pagpapala ng Dios, kung gaano natin kamahal ang church natin at ang mga taong hanggang ngayon ay hindi pa nakakarinig ng mabuting balita. Sana po mapalitan na ang tanong ng marami na, “Kailangan ba talagang 10% ang ibigay?” ng ganitong tanong, “Pwede bang hindi lang 10% ang ibigay ko, kundi lagpas-lagpas pa?”
Generosity or Love of Money?
Not love of money. Oo nga’t ibinigay ng mag-asawa ang bahagi ng napagbilhan sa mga apostol, hirap na hirap silang pakawalan ang iba pa. They love their money and the things that money can buy. Ito ang problema nila. Ito rin ang problema ng marami ngayon kaya hirap na hirap mapakawalan ang pera para sa pagbibigay. Kaya payo ni Pablo, “But if we have food and clothing, with these we will be content. But those who desire to be rich fall into temptation, into a snare, into many senseless and harmful desires that plunge people into ruin and destruction (like what happened to Ananias!). For the love of money is a root of all kinds of evils. It is through this craving that some have wandered away from the faith and pierced themselves with many pangs” (1 Timothy 6:8-10).
But overflowing generosity. Kapag ganito na ang nangyayari sa church tulad ng sa Acts, kapag may lumapit na isang kapatid na hirap na hirap sa buhay at nangungutang ng malaki, hindi mo pinautang kasi sabi mo, “Hindi ako nagpapautang, pero ibebenta ko ang iPad at laptop ko para ibigay ko sa iyo. Wag mo nang babayaran. Sa iyo na iyon.” That’s overflowing generosity. Kapag may pagawain sa simbahan o may kailangang suportahang missions project at malaki naman talaga ang kailangan, tapos marami sa inyo sinabi, “Hindi muna ko bibili ng kotse ngayon, hindi ko muna ipapaayos ang bahay namin, magfafasting ako para makatipid, para maibigay ko sa misyon,” that’s overflowing generosity. At kung ganoon ang mangyayari sa bawat isa sa atin, we will really be free from the love of money. And we will be truly happy.
Tulad ng iglesia sa Macedonia: “We want you to know, brothers, about the grace of God that has been given among the churches of Macedonia, for in a severe test of affliction, their abundance of joy and their extreme poverty have overflowed in a wealth of generosity on their part. For they gave according to their means, as I can testify, and beyond their means, of their own accord, begging us earnestly for the favor of taking part in the relief of the saints” (2 Corinthians 8:1-4).
Integrity or Hypocrisy?
Not Hypocrisy. Ang problema kasi nitong mag-asawa ay hindi naman iyong kulang ang bigay nila. Pero iyong sabihing ibinigay nila lahat pero hindi naman. Iyon bang ipakita sa tao na generous ka pero hindi naman pala. Kaya nga sabi ni Pedro sa kanya, hindi ka sa tao nagsinungaling kundi sa Espiritu. Bakit? Kasi naman, ang pagiging generous ay obvious work of the Spirit in a person’s life. Pero kung ipakita mo sa tao na Spirit-filled ka, pero hindi naman pala, that’s hypocrisy. Kinumpronta na nagsinungaling pa. Kaya sabi ni Pedro, “You have agreed together to test the Spirit of the Lord” (5:9). Diyan galit ang Panginoon. Yes, God loves a cheerful giver. But he also hates a deceitful giver. Hindi mo pwedeng lokohin ang Dios. Hindi tayo pwedeng magpanggap na mahal natin ang Dios kung ang nasa puso naman pala natin ay ang pag-ibig sa sarili natin. Hindi tayo pwedeng magpanggap na mapagbigay, kung ang nasa puso naman natin ay pagkamakasarili. Be warned of the danger of hypocrisy. God hates it so much, God abhors it. This story is proof of that.
But Integrity. Gusto ng Dios na makita sa atin iyong saganang pagbibigay na nanggagaling sa pusong masaya, nagmamahal sa Dios, sa iglesia at sa mga taong hanggang ngayon ay di pa nakakakilala kay Cristo. Sa lahat ng ginagawa natin, overflow ng kung ano ang nasa puso natin. What is seen outside is what is going on inside. That’s integrity.
Spirit-Filled or Satan-Filled?
Spirit-filled. Obviously, ang Espiritu ay Dios din. Sabi ni Pedro na nagsinungaling sila sa Espiritu, nagsinungaling sila sa Dios. Ipinapakita sa atin dito na hindi mo pwedeng maliitin o balewalain ang Espiritu. Siya nga ang dahilan kung bakit nagkakaisa ang iglesia, siya nga ang dahilan kung bakit nagiging mapagbigay ang mga Cristiano. “The fruit of the Spirit is love, joy…” (Gal. 5:22). Ito ay panawagan sa lahat ng Cristiano na mamuhay nang puspos ng Espiritu (Eph. 5:18), na ginagabayan, na pinangungunahan, na pinalalakas, na kinokontrol ng Espiritu sa lahat ng bahagi ng buhay, sa lahat ng oras.
Not Satan-Filled. Kung hindi, maaaring ibang espiritu ang makaimpluwensiya sa atin. Tulad ng nangyari kay Judas. Tulad ng nangyari kay Ananias. Sabi ni Pedro sa kanya, “Why has Satan filled your heart to lie to the Holy Spirit” (5:3)? They let Satan take charge, instead of the Spirit. Wag din nating balewalain si Satanas. Totoo siya. Totoong “Si Satanas ang kaaway ng Diyos at kasama ng mga demonyo, ay humahadlang sa mga gawain ng Diyos at umaatake sa mga mananapalataya” (Statement of Faith). Kaya naman, “Ang mga mananampalataya ay dapat lumaban sa Diyablo at umiwas sa lahat ng uri ng kapangyarihan o karunungan na nagmumula sa kanya” (Statement of Faith). We are commanded to resist him, firm in faith, and submit to God (1 Peter 5). Hindi ito nagawa ni Adan at Eba nang tuksuhin sila ng ahas. Hindi ito nagawa ni Ananias at Safira nang maipluwensiyahan sila ni Satanas. Sa pagkain man o sa pera o sa Internet o sa TV o sa trabaho, gagamitin ni Satanas para ilayo tayo sa Dios, para sumuway tayo sa Dios, para sirain ang misyon ng Dios, para guluhin ang pagkakaisa sa iglesia. Pero magtatagumpay ba siya?
The Greatness of God
Great fear because of great judgment. Siyempre hindi magtatagumpay si Satanas. At isa sa dahilan kung bakit ganito kagrabe ang nangyari dito ay para ipakita ng Dios kung gaano siya kadakila. Hindi kayang sirain ni Satanas ang plano ng Dios para sa iglesia. Gusto ring ipakita sa atin ng Dios na seryoso siya sa kasalanan at hindi natin puwedeng sirain ang templo ng Espiritu – ang iglesia. “Do you not know that you are God’s temple and that God’s Spirit dwells in you? If anyone destroys God’s temple, God will destroy him. For God’s temple is holy, and you are that temple” (1 Corinthians 3:16-17). Kaya nga si Achan pinatay din ng Dios (Joshua 7). Pati si Adan at Eba, dahil sa isang kasalanan nila, pumasok ang kamatayan. Dito sa story ngayon, ipinapaalala ng Dios na he is the great judge. At ano dapat ang response natin doon? “And great fear came upon all who heard of it” (Acts 5:5). Inulit ulit, “And great fear came upon the whole church and upon all who heard of these things” (5:11). Tama lang ito sa mga tao – kahit Cristiano na – na nawawala na ang takot sa Dios at sa kanyang kabanalan.
Great power because of great grace. Pero hindi naman takot lang ang gusto ng Dios na maramdaman natin. Na sa pamamagitan nito we experience his great power and great grace. “And with great power the apostles were giving their testimony to the resurrection of the Lord Jesus, and great grace was upon them all” (4:33). Paano mangyayari ito? Hindi ba’t kung magkakaisa tayo, magmamahalan sa isa’t isa, at matututong magbigay nang sagana at masaya. Oo nga’t may nabawas na dalawa. Pero dahil sa ginagawa ng Espiritu sa unity at purity ng church, higit na marami pa ang nadadagdag. Ganyan ang kapangyarihan ng Dios na hindi kayang pantayan ng Kaaway. “And more than ever believers were added to the Lord, multitudes of both men and women” (5:14). Ganyan din ang mangyayari sa church natin kung magtutulungan tayong panatilihin ang unity and purity sa church natin.
Team Barnabas for Team Cambodia
Money is a test for our church’s unity (free to love each other) and purity (free from the love of things). Hindi ko iiwasang pag-usapan natin ito, kahit pa sensitive na topic sa marami. Dahil para din naman ito sa church natin. Ngayon taon, we approved a monthly budget na more than 100,000 pesos. Makikita kung nagkakaisa talaga tayo at mahal natin ang iglesia (hindi ang sariling bulsa) kung magiging tapat tayo sa pag-iikapu at pagbibigay ng mga offerings.
Tanda rin ng pagpapala ng Dios ang makapagbigay pa tayo nang higit sa regular nating ibinibigay. Halos 170,000 na ang nakalaan para sa target na 250,000 para sa ating Training Center Project. Pagkatapos ng concert sa Sunday, baka 40,000 na lang ang kailanganin natin. Nagiging posible ang parang imposible dahil sa pagkilos ng Espiritu sa church at espiritu ng pagkakaisa at pagbibigay.
Hindi pa tapos. Sa May 3-17, pupunta naman tayo sa Cambodia para makapartner ng mga Christians doon sa pag-abot sa mga Cambodians na karamihan ay mga Buddhists. At hopefully merong isa o dalawa sa kasama sa team ang iconsider na maging long term missionary doon. Keep in mind that this is a short-term trip with a long-term vision. Kaya nga kahit malaki ang kailangang i-raise (240,000), gagawin natin, kasi ito ay kalooban ng Dios.
We really encourage you to be partners with us in this work by giving, not just praying. Hindi dahil gusto lang naming may makuhang pera sa inyo. Kundi para marealize natin na ang perang malilikom para dito ay “God’s money from God’s people to do God’s work.” It’s not really about Cambodia or our church or your money but it is about God. That story of Ananias and Sapphira will make sense if we know that it is about God. The missions to Cambodia will make sense when we know it is from him, through him and for him. At bilang tugon, let us not be like Ananias. Let us all be like Barnabas.
1 Comment