Ang church mismo ay biyaya ng Diyos para sa ating paglago sa gospel. Si Cristo ang source ng lahat ng biyaya—para sa kaligtasan at sa pang-araw-araw na lakas na kailangan natin. Binigay niya ang mga church leaders para i-equip ang mga members, at ang bawat member naman ay tinawag para maglingkod at magtulungan. Kapag lahat ay gumagawa ng bahagi nila, ang resulta ay unity, maturity, at paglago kay Cristo. Pero kung walang growth, madaling matangay ng maling katuruan. Kaya’t ang bawat isa—leaders at members—ay mahalaga sa pagpapalakas ng buong katawan ni Cristo.
Ephesians 4:1-6 • Pagkakaisa sa Espiritu
Merong isang Diyos, merong isang gospel, merong isang church—kaya dapat na nagkakaisa ang church. Hindi tayo ang lumilikha ng pagkakaisang ito; binabantayan natin at pinagyayaman natin ang pagkakaisang ito sa pamamagitan ng pagtataglay ng mga katangiang katulad ni Cristo. Ito ang klase ng pamumuhay na consistent sa gospel na pinaniniwalaan natin. Ito ang mensahe ng Ephesians 4:1-6.
Psalm 23:5-6 • Si Yahweh, Aking Tahanan
Makikita natin sa Psalm 23 na mabuti talaga ang Diyos sa atin na kanyang mga anak. Mabuti ang Diyos araw-araw, at magpakailanman. Pero dahil madali para sa atin ang makalimot at pagdudahan ang kabutihan ng Diyos, especially sa mga panahong tayo’y lumalakad sa “libis ng lilim ng kamatayan,” paano nga ba natin palaging maaalala ang kabutihan ng Diyos?
Psalm 23:4 • Si Yahweh, Aking Gabay
Gaano man kahirap ang daan na nilalakaran mo ngayon o lalakaran mo balang araw—anuman ‘yang libis ng lilim ng kamatayan na itinakda ng Diyos na lakaran mo, mao-overcome natin ang anumang takot sa puso natin kung aalalahanin natin at paniniwalaan natin na si Yahweh, ang Panginoong Jesus mismo, ang kasama natin.
