Hindi natin pababayaan ang ating mga pagtitipon bilang isang pamilya ng Diyos upang sama-samang umawit, manalangin, makinig at mag-aral ng mga salita ng Diyos, at magsalu-salo sa hapag ng Panginoon (Heb. 10:24-25; Eph. 5:19-20; Acts 2:42-47).
Part 4: Pagmamahalan sa Church
Sama-sama tayong mamumuhay nang may pagmamahalan bilang magkakapatid sa Panginoon at bahagi ng iisang Katawan, sa pamamagitan ng pangangalaga at pagbabantay sa buhay ng bawat isa, at tapat na pagtuturo at pagtutuwid sa bawat isa ayon sa hinihingi ng pagkakataon (John 13:34-35; 1 Cor. 12:12; 13:4-6; Col. 3:16; 1 Thess. 5:14; Gal. 6:1-2; 2 Tim. 3:16-17).
Part 3: Pagkakaisa sa Church
Pagsisikapan nating manalangin at gawin ang lahat para mapanatili ang pagkakaisang mula sa Espiritu sa pamamagitan ng kapayapaang nagbubuklod sa atin, na may pagpapakumbaba, pagmamalasakit sa kapakanan ng iba, at pagpapatawad sa isa’t isa tulad ng pagpapatawad sa atin ng Diyos (Eph. 4:1-6, 31-32; Phil. 2:1-4).
Part 2: The Grace of Covenant Membership
Ito ang ibig sabihin na mapabilang sa covenant people of God. Kinikilala natin na napabilang tayo dahil lamang sa biyaya ng Diyos. Hindi dahil mas karapat-dapat tayo kaysa sa iba. By grace alone through faith alone in Christ alone. At kasama sa pagiging covenant people of God ang pagtupad ng mga obligasyon na dapat nating gawin para makapamuhay ayon sa nais ng Diyos para sa mga taong kabilang sa kanyang tipan. Hindi tayo ang nagse-set ng sarili nating rules sa covenant na ‘to. Ang Diyos ang sovereign King at tayo ay nasa ilalim ng kanyang pamamahala.
