Ang pagdi-disciple ba ay isang bagay na tanging ang mga pastor, mga elders, at iyong mga “mature” ang gumagawa? O ito ba ay para sa lahat?
Part 12: Pananatili at Pag-alis sa Church
#10: Kung tayo man ay tawagin ng Diyos sa ibang lugar, sa lalo’t madaling panahon ay sisikapin nating makipag-isa sa ibang iglesiya kung saan ay maipamumuhay natin ang damdamin ng tipang ito at ang mga prinsipyo ng Salita ng Diyos.
Part 11: Tulung-tulong sa Misyon
#9: Patuloy tayong magbibigay nang masaya at naaayon sa pagpapala sa atin ng Diyos para makatulong sa ministeryo ng iglesya at mga gastusin nito, sa mga mahihirap at mga nangangailangan, at sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita sa lahat ng mga bansa (Matt. 28:19; Acts 2:44-45; 4:34-35; 1 Cor. 16:1-2; 2 Cor. 9:7; 1 Pet. 4:10-11).
Part 10: Tulung-tulong sa Ministeryo
#8: Pagtutulungan natin ang pagpapatuloy ng mga ministeryo sa iglesyang ito na nakasentro sa Mabuting Balita ni Cristo, sa pagpapanatili ng sama-samang pagsamba, mga ordinansa, pagdidisiplina, at pagtuturo ng mga tamang doktrina, nang may mapagpakumbaba at masayang pagpapasakop sa mga itinalaga ng Diyos na mga tagapanguna (Gal. 1:6–9; 1 Cor. 5:1–13; 11:17–34; Heb. 13:17; 1 Pet. 5:1–5)
