Ang pag-asa natin na magpapatuloy tayong sumasampalataya, hanggang sa araw na malulubos ang kaligtasan natin sa second coming ni Cristo, anuman ang mangyari, gaano man kahirap, ay hindi nakatali sa tibay ng pananampalataya natin. Ito ay nakatali sa Diyos—Ama, Anak, Espiritu.
Gospel Encouragement: The Message of 1 Thessalonians
Discouragement is a shared experience, leader ka man ng church o ordinary member ka ng church. Maraming posibleng dahilan para madiscourage ka, pero hindi kailangang lahat ‘yan ay mauwi sa discouragement. Possible, but not certain ang discouragement dahil merong mga paraan na ginagamit ang Diyos para ibigay sa atin yung encouragement na kailangan natin. God’s solution sa discouragement ay hindi palaging yung alisin ang source or cause of discouragement natin, but to give us the grace we need to encourage us na magpatuloy hanggang sa dulo.
Gospel Sufficiency: The Message of Colossians
Hindi pwede sa buhay Kristiyano na nakahiwalay kay Cristo. Hindi rin pwede na nakakonekta ka nga kay Cristo pero dinadagdagan mo pa si Cristo ng kung anu-ano na para bang kulang pa si Cristo.
Gospel Joy: The Message of Philippians
We know na hindi madali na maranasan ang kagakalan sa oras ng kahirapan. Mas natural sa atin ang kalungkutan, kabalisahan, pag-aalinlangan. Pero dapat makita natin na napakabuti ng Diyos na iniutos niya na magalak tayo dahil ito ang gusto niya para sa atin na maranasan natin hindi pagkatapos ng mga kahirapan kundi sa gitna mismo ng kahirapan.
