Exodus 32 • Ang Gintong Baka

Ang Diyos ng Exodus 32 ay ang Diyos nating mga Kristiyano. At ang Diyos na ito, si Yahweh, ay committed at zealous para sa kanyang sariling karangalan. Hindi niya hahayaang ang puso natin ay magpatuloy na tumingin sa mga bagay na higit na mababa ang halaga kung ikukumpara sa Diyos. God is committed in exposing our idols—hangga’t meron pang natitirang diyos-diyosan sa puso natin. At ‘wag tayong matatakot kapag ginagawa ‘yan ng Diyos.

Exodus 30-31 • Banal na Gawain, Banal na Kapahingahan

Kay Cristo lang natin matatagpuan ang tunay na kapahingahan. Christ is “the Sabbath rest for the people of God” (Heb. 4:9). Kaya nga nagtitipon tayo every Sunday, hindi dahil isa itong obligasyon o kabigatan sa atin. Kundi dahil sa pagpapa-alala sa atin ng Diyos sa natapos nang ginawa ni Cristo para sa atin—sa gospel na inaawit natin, sa preaching na pinapakinggan natin, sa Lord’s Supper natin—nararanasan natin ang espiritwal na kapahingahan na kailangan natin.

Exodus 28-29: Ang Kahalagahan ng Tungkulin ng mga Pari

Jesus Christ is our great high priest. Sa sermon na ito ay muling ipinapakita sa atin ng Diyos ang kanyang kaningningan, kabanalan at kadakilaan mula sa exodus hanggang sa matupad ito kay Cristo, bilang Diyos na nagkatawang-tao, namuhay nang matuwid at walang kasalanan, namatay bilang kabayaran sa kasalanan ng sanlibutan, muling nabuhay, nananatiling tagapamagitan at representative ng tao sa Diyos bilang great high priest magpakailanman. Ang sermon rin na ito ay naglalaman ng makabuluhang implikasyon sa ating pang-araw-araw na buhay at pananampalataya, na patuloy na tumingin, umasa, magtiwala sa ginawa ni Cristo.

Exodus 25–27: “Ang Tirahan ni Yahweh”

Kung ang glorious presence ng Diyos ang end goal ng gospel, ang layunin ng existence ng church, ito rin ang end goal ng history. Kung diyan pala patungo lahat ang kasaysayan ng mundo, ‘yan din dapat ang nasa sentro ng buhay mo ngayon. Hindi pera, hindi trabaho, hindi pamilya, hindi sarili mong ambisyon, hindi ang misyon na baguhin ang mundo. Kundi ang makapiling ang Diyos, manirahan sa bahay ng Diyos, maranasan ang presensiya ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo. To live for his glory. To enjoy his glory. May we live our lives for only one thing: “that I may dwell in the house of Yahweh all the days of my life” and “forever” (Ps 27:4; 23:6)