“Ang pag-aasawa ay hindi lamang gawa ng tao, na pwedeng baguhin ayon sa kaugalian ng lipunan. Ito ay likha ng Diyos, na nilikha upang ipakita sa ating isipan ang kagandahan ng Tagapagligtas na kusang nag-alay ng sarili para sa kanyang kasintahan (bride), at ng kasintahan na buong pasasalamat na ibinabalik ang sarili sa kanya” (Ray Ortlund).
Ephesians 5:22-33 • Si Cristo at ang Mag-asawa
Sa halip na maging “cultural” yung view natin sa pag-aasawa, prayer ko na ito ay maging “biblical.” Sa halip na maging “transactional,” prayer ko na ito ay maging “transformational” (o gospel-driven, nakadepende sa gospel, o sa ginawa ni Cristo para sa atin).
Ephesians 5:15-21 • Paglakad sa Karunungan
Sa kasamaan ng panahong kinalalagyan nating mga Kristiyano ngayon, mas lalo nating kailangang maging wais at hindi foolish, na mangyayari kung inuunawa nating mabuti at maingat na sinusunod ang kalooban ng Panginoon ayon sa pangunguna ng Banal na Espiritu.
Ephesians 5:7-14 • Paglakad sa Liwanag
Sa halip na tayo’y makibahagi sa mga gawain ng mga di-Kristiyano (mga gawa ng kadiliman), dapat na tayo’y ‘wag matitinag na magpatuloy na mamuhay ayon sa liwanag at maging matapang na ilantad ang mga gawa ng kadiliman sa liwanag ni Cristo. At para mas maging personal sa atin ang application nito, kailangang matutunan natin ang dalawang bagay: gospel-driven confession at gospel-exposing confrontation.
