Gospel Blessing: An Overview of Deuteronomy

Ang Deuteronomy ay isang aklat sa Bibliya na nagkwekwento ng patuloy na kabutihan ni Yahweh sa paglalakbay ng mga Israelita, at pag-uulit sa kanila ng mga mabuting utos ng Diyos upang ihanda sila sa pagpasok sa lupang pangako, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagsunod sa mga utos ng Diyos at pagtitiwala sa Kanya. Ito'y sumasalamin sa paglalakbay natin sa buhay bilang mga Kristiyano at walang lubos na nakasunod sa kautusan, kundi si Cristo lamang, kaya ang Deuteronomy, at lahat-lahat sa Bibliya, at lahat-lahat sa buhay natin ay tungkol kay Jesus!

Gospel Discipline: An Overview of Numbers

Ang Numbers ay isang aklat sa Bibliya na nagkwekwento ng kasaysayan ng Israel, na sumasalamin sa kundisyon ng puso natin bilang mga makasalanan na nangangailangan ng Tagapagligtas. Lahat tayo ay makasalanan, mamamatay rin dahil sa kamandag ng ahas. Meron lang isang paraan—only one way—para tayo’y mabuhay. Si Cristo lang. So we look to Christ para sa ating kapatawaran, kaligtasan, kapahingahan, at kagalingan.

Gospel Rescue: An Overview of Exodus

Ang buong Exodus ay nagpapaalala sa atin na hindi lang ito kuwento ng Israel, ito rin ay kuwento ng buhay natin. At bago ito maging kuwento ng buhay natin, dapat nating alalahanin na ito ay kuwento ni Jesus. Siya ang tunay at nakahihigit na Moises. Siya ang tunay at nakahihigit na panganay na Anak ng Diyos. Siya ang tunay at nakahihigit na Passover Lamb. Siya ang tunay at nakahihigit na tinapay at tubig. Siya ang tunay at nakahihigit na Propeta, Pari at Hari. Siya ang tunay at nakahihigit na Tabernacle. Siya ang tunay at nakahihigit sa lahat para sa atin. Siya ang lahat-lahat sa atin.‌