Bakit Maaasahan ang Bible?

Hindi dapat paniwalaan ang lahat ng nababasa mo. Alam natin ‘yan. So, bakit maaasahan ang Bible? Para sagutin ‘yan, kailangang masagot ang ilan pang mga katanungan. Historically reliable ba ito? Accurate ba ang mga Bible translations? Accurate ba ang pagkakopya sa mga orihinal? Itong mga orihinal nga ba ang dapat na nasa Bible? Kapani-paniwala ba ang mga orihinal na sumulat? Nagkamali ba ang mga orihinal na sumulat? Ano ang dahilan mo para maniwala? Sa huli, ang tanong na “maaasahan ba ang Bible?” ay daan lamang para sa mas mahalagang tanong: "Maaasahan ba si Jesus?"

Ano ang Gospel?

Ano ang ibig sabihin ng mga Kristiyano kapag sinabi nila ang tungkol sa “gospel ni Jesus”? Ang ibig sabihin ng salitang “gospel” ay “mabuting balita.” Kaya ang tinutukoy ng mga Kristiyano na gospel ay walang iba kundi ang mabuting balita tungkol kay Jesus! Ang mensahe ng Diyos ay ito, “Mabuting balita! Narito ang paraan kung paano ka maliligtas!” Iyan ay isang balita na hindi mo maaaring balewalain. Hindi lang dapat pakinggan. Kailangan din ng pagtugon.

[Free Study Guide] Tulung-Tulong sa Paglago: Pagdidisciple sa Local Church

Ang pagdidisciple ang isa sa mga pangunahing tema sa pagtuturo ni Jesus, ngunit hindi ito masyadong binibigyang-diin ngayon sa maraming churches. Ang study guide na ito ay isang pagsisiyasat sa itinuturo ng Bibliya tungkol sa discipleship. Kasama sa mga topics na tatalakayin ay ang pangangailangan, tungkulin, at hadlang sa pagdidisciple. Gamit ang mga discussion questions … Continue reading [Free Study Guide] Tulung-Tulong sa Paglago: Pagdidisciple sa Local Church