Isinulat ni Greg Gilbert ang librong Sino si Jesus? upang matulungan ang mga babasa nito na sagutin ang napakahalagang tanong na ito. Sinulat namin ang study guide na ito para gabayan ka sa pagbabasa ng kanyang libro. Nakadisenyo ang mga ito na maging evangelistic tool, pero magagamit din ito para i-disciple ang mga bagong Kristiyano.
Kailan dapat magsagawa ng church discipline ang isang church?
Ang church discipline ay maaaring informal o formal. Ang informal discipline ay ang pribadong pag-confront sa mga kasalanan, habang ang formal discipline ay para sa mga seryosong kasalanang hindi pinagsisisihan. Dapat malinaw at seryoso ang kasalanan bago isagawa ang formal discipline.
Paano ba nangyayari ang discipleship?
Pangunahing nangyayari ang discipleship sa pamamagitan ng pagtuturo at pagtulad. Pinakaepektibo itong nagagawa sa pamamagitan ng pag-ibig. Habang buong pagmamahal nating tinuturuan ang mga nakababatang mananampalataya sa daan ng kabanalan at pamumuhay na kapuri-puri, sila ay lumalago sa pagiging katulad ni Cristo sa pamamagitan ng pagtulad sa ating buhay at doktrina.
Walang Nakakakuha ng Church na Gusto Nila
Walang sinuman—totoo 'yan, walang sinuman—ang makakakuha ng church na gusto nila. Lahat tayo ay may kanya-kanyang opinyon, kagustuhan, o minsa’y paninindigan na hindi perpektong aakma sa mismong church. Kailangan nating lahat na unahin ang interes ng iba bago ang sarili nating interes, at isakripisyo ang kagustuhan natin alang-alang sa pangangailangan ng buong katawan.Â
