Ang mga Kristiyano ay nag-iistruggle kung walang nagpapastor sa kanila. Sa katunayan, nangyayari ang ilan sa ating pinakamalaking pagkukulang dahil sinasayang natin ang isa sa pinakamalaking provisions ng Diyos para sa ating mga kaluluwa—ang mga pastor. Ang mga pastor ay may mahalagang papel na ginagampanan sa buhay natin.
Galatians 6:1-10 • Ang Kristiyano at ang Kapwa Kristiyano
Ang bawat isang Kristiyano, mga taong pinapatnubayan ng Espiritu, ay may responsibilidad na dapat gawin para sa ikabubuti ng ibang Kristiyano—ng mga nahulog sa kasalanan, ng mga may dinadalang kabigatan, ng sarili rin natin, ng mga leaders natin, at ng bawat member ng church.
2 Corinto 6:14-7:1 • Ang Kristiyano at ang Di-Kristiyano
Tama ba na ang isang Kristiyano ay magkaroon ng malalim na relasyon sa isang di-Kristiyano? Bakit nga ba hindi tama? Isa lang ba itong opinyon, o preference lang ng pastor, o payong kaibigan? Halina't tuklasin natin ang sinasabi sa Salita ng Diyos tungkol sa pakikipagrelasyon at pananampalataya.
Ephesians 1:15-23 • Kailangang Ipag-pray Natin ang Bawat Isa
Sa mga panahong sinasabi nating, "Ayoko na. Hindi ko na kaya. Hindi ko na alam ang gagawin ko," yun nga ang panahong mas kailangan pa nating mag-pray. Sino ang dapat dapat nating ipag-pray? Ano ang dapat nating ipag-pray? At paano tayo dapat mag-pray? 'Yan ang sasagutin sa sermon na 'to.
