Gaano man kahirap ang daan na nilalakaran mo ngayon o lalakaran mo balang araw—anuman ‘yang libis ng lilim ng kamatayan na itinakda ng Diyos na lakaran mo, mao-overcome natin ang anumang takot sa puso natin kung aalalahanin natin at paniniwalaan natin na si Yahweh, ang Panginoong Jesus mismo, ang kasama natin.
Psalm 23:1-3 • Si Yahweh, Aking Pastol
Ang Psalm 23 ay awit ni David, na awit ni Cristo at tungkol kay Cristo, at awit din ng bawat Kristiyano na mga tupang ang pastol ay si Cristo. Kaya, lumapit ka kay Cristo, patuloy na magtiwala sa kanya, sundin ang boses niya, at masusumpungan natin ang kapahingahan, kasiyahan, at kalakasang hinahanap natin. Sigurado ‘yan.
Ang Hiwaga at Yaman ng Apostles’ Creed
Sa paglalakbay natin sa Credo, tutuklasin natin ang nilalaman nito nang sa gayon ay maranasan din natin ang yaman at hiwaga nito. Simple lang ito, maikli lang, at madaling kabisaduhin ng bata at matanda. Pero kahit simple ay may taglay itong hiwaga o mystery.
Walang Nakakakuha ng Church na Gusto Nila
Walang sinuman—totoo 'yan, walang sinuman—ang makakakuha ng church na gusto nila. Lahat tayo ay may kanya-kanyang opinyon, kagustuhan, o minsa’y paninindigan na hindi perpektong aakma sa mismong church. Kailangan nating lahat na unahin ang interes ng iba bago ang sarili nating interes, at isakripisyo ang kagustuhan natin alang-alang sa pangangailangan ng buong katawan.
