Ephesians 4:17-24 • Ang Bagong Buhay kay Cristo (Part 1)

Itinuturo sa atin ni Pablo sa vv. 17-24 ng Ephesians 4 ang ganito: Nang matutunan natin ang katotohanang nakay Cristo, nagkaroon na tayo ng bagong pagkatao; kaya dapat lang na iwanan na natin ang ating dating pamumuhay at ipamuhay ang bagong buhay na meron tayo kay Cristo. Nakilala na natin ang tamang daan. Wala na tayo sa dating daan, kaya dapat na magpatuloy tayo sa bagong daan. Ito ang bagong buhay na meron tayo kay Cristo. Ito ba ang naglalarawan ng buhay mo ngayon?

Ephesians 4:15-16 • Sama-sama sa Paglago

Dahil sa iba’t ibang unbiblical views tungkol sa buhay Kristiyano at tungkol sa kahalagahan ng paglagong Kristiyano, mahalagang sagutin sa Ephesians 4:15–16 ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano ang mangyayari kung hindi tayo lalago? 2. Ano ang paglagong Kristiyano? 3. Gaano kahalaga si Cristo sa paglagong Kristiyano? 4. Gaano kahalaga ang church sa paglagong Kristiyano? 5. Ano ang layunin natin bilang mga miyembro ng church? 6. Ano ang kailangan nating gawin para sama-sama tayo sa paglago?