Ang panalangin ni Cristo para sa pagkakaisa ng mga Kristiyano ay isang malaking challenge sa mga churches ngayon. Sa article na 'to, tinukoy ni Conrad Mbewe ang sampung paraan kung paanong maaaring makasira ng church, kabilang ang pagiging makasarili, kawalan ng pasensya, at tsismis. Kaya dapat nating ipaglaban ang tunay na pagkakaisa sa pamamagitan ng pagmamahalan at pagkakaunawaan.
Ephesians 5:7-14 • Paglakad sa Liwanag
Sa halip na tayo’y makibahagi sa mga gawain ng mga di-Kristiyano (mga gawa ng kadiliman), dapat na tayo’y ‘wag matitinag na magpatuloy na mamuhay ayon sa liwanag at maging matapang na ilantad ang mga gawa ng kadiliman sa liwanag ni Cristo. At para mas maging personal sa atin ang application nito, kailangang matutunan natin ang dalawang bagay: gospel-driven confession at gospel-exposing confrontation.
Ephesians 5:1-6 • Paglakad sa Pag-ibig
Ang buhay Kristiyano ay ang pamumuhay nang may paglago sa pag-ibig. Paano tayo lalago sa pagmamahal? Ang pagmamahal ng Diyos ay dapat nating tularan, at dapat ding magtulak sa atin para magpatuloy sa pagmamahal. Ang anumang karumihan ay dapat nating talikuran. Ang kaparusahan ng Diyos ay dapat nating katakutan, at dapat ding magtulak sa atin para magpatuloy sa pagmamahal. Hindi lang ito sa sarili mong paglago sa kabanalan. We have to realize na may responsibilidad tayo na tulungan ang bawat isa sa ganitong paglago
Ephesians 4:25-32 • Ang Bagong Buhay kay Cristo (Part 2)
Ang sanctification ay isang proseso ng pagbabago sa buhay ng mga Kristiyano na dapat seryosohin. Kabilang dito ang pag-aalis ng mga kasalanan tulad ng pagsisinungaling, galit, at pagnanakaw, at pagpapalit dito ng mga virtues gaya ng katapatan at pagpapatawad. Ang tamang motivations para dito ay nakaugat sa ebanghelyo at sa ating pakikipag-isa kay Cristo.
