Note: Ang artikulong ito ay mahalaga sa konteksto ng mga Filipino churches dahil tinutulungan tayo nito kung paano maunawaan ang kabuuan ng kuwento ng Bibliya—hindi lang ang mga paboritong talata o hiwa-hiwalay na aral. Sa kultura natin kung saan madalas hati-hati ang pag-aaral ng Bibliya (halimbawa, “verse of the day” o topical preaching), ipinapaalala ng artikulong ito na lumalago tayo sa pagkaunawa sa itinuturo ng Salita ng Diyos kapag nakikita natin kung paano magkakaugnay ang mga kuwento at mga tema sa buong Bibliya. Sa ganitong paraan, nagiging mas matibay ang pagpapahayag ng ebanghelyo sa mga local churches, at mas nagiging malalim ang pananampalataya ng mga mananampalataya—hindi lang driven ng emotions, kundi sa pagkaunawa sa plano ng Diyos sa kabuuan ng Kasulatan.
*****
“Paano ko mapapalalim ang pagkaunawa ko sa biblical theology?”
1. Pag-aralan ang Bibliya ayon sa mga tema nito (thematically). Bagaman dapat mong pag-aralan ang lahat ng Kasulatan nang malalim at malawakan, maaaring makatulong na basahin ang Scriptures in order o tuloy-tuloy para masundan mo ang mga tema na makikita sa kabuuan ng Bibliya. Kung pag-aaralan mo kung paano nag-develop sa kabuuan ng Kasulatan ang mga tema tula ng paglikha at bagong sangnilikha, pamamahinga tuwing Sabbath, pagiging hari, tipan, at pananahan ng Diyos kasama ng kanyang bayan, magkakaroon ka ng malawak na larawan ng kaluwalhatian ng Diyos at ng kamanghaan ng kaligtasan.
2. Magkaroon ng katulad na attitude ng Bagong Tipan sa Lumang Tipan. Sa pag-aaral mo ng Bagong Tipan, bigyan ng pansin kung paano nito tinutupad, nililinaw, pinatitingkad, at minsan ay pinapalitan ang isang bagay sa Lumang Tipan. Sa paggawa mo nito, mauunawaan mo ang pagiging isa (unity) ng Kasulatan, ang pagiging isa ng mga layunin ng pagliligtas ng Diyos sa buong kasaysayan, at ang maraming aspeto ng kasaganaan ng gawa ng pagliligtas ni Cristo.
3. Pag-aralan ang Lumang Tipan nang may pagtingin kay Jesus at sa Bagong Tipan. Sa pagbabasa mo ng Lumang Tipan, magtanong ng katulad ng, “Saan matatagpuan ang passage na ito sa timeline ng redemptive history? Paano tumuturo kay Jesus ang passage na ‘to? Paano binubuo ng passage na ito ang pundasyon ng pinaniniwalaan ng mga Kristiyano? Anu-anong mga talata sa Bagong Tipan ang nagbibigay liwanag sa mga tanong na ito?
4. Pag-aralan ang mga aklat ng propesiya sa Lumang Tipan. Ang mga aklat ng propesiya sa Lumang Tipan ay naglalaman ng pinakamayamang katuruan ng Bibliya tungkol sa buhay, ministeryo, at supremacy ni Jesu-Cristo. Pinalalalim din nila ang kaalaman natin tungkol sa Diyos at itinuturo tayo sa kalubusan ng gawa ng pagliligtas ng Diyos.
5. Magbasa ng isang magandang libro tungkol sa biblical theology. Magsimula sa libro ni Graeme Goldsworthy na The Goldsworthy Trilogy o ang libro ni Vaughan Robert na God’s Big Picture: Tracing the Storyline of the Bible.
*****
Isinalin ni Marie Manahan mula sa isang article sa 9Marks website, “How Can I Grow in My Understanding of Biblical Theology?”, noong March 10, 2010.
