August 18, 2026

Ang discipleship ba ay isang “programa” o isang “lifestyle”?

By 9Marks

Note: Mahalaga ang artikulong ito dahil tinutulungan nitong iwasto ang karaniwang pananaw sa discipleship bilang isang event o ministry slot lang. Sa maraming churches sa Pilipinas, madalas na nakikita ang discipleship bilang “programa” na may schedule, curriculum, at attendance—pero ang layunin ng artikulo ay ibalik ito sa pagtutulungan para sa patuloy na pagsunod kay Cristo. Sa kulturang sanay sa mga structured activities, paalala ito na ang tunay na discipleship ay hindi nakapaloob sa program kundi sa araw-araw na pamumuhay ng pananampalataya, kung saan ang bawat Kristiyano ay aktibong tumutulong sa paglago ng iba.

*****

Hindi dapat tingnan o ituring ng church ang discipleship na parang isang special event o magarang programa. Ang discipleship ay hindi isang bagay na paminsan-minsan lang o kaya ay kakaiba, isang bagay na nakahiwalay sa kabuuan ng ating buhay Kristiyano. Ang pagiging isang Kristiyano ay pagiging isang disciple ni Cristo. At ang pagiging disciple ni Cristo ay nangangahulugang

  • paghingi ng tulong sa iba para maging katulad ni Cristo (maging isang disciple);
  • pagtulong sa iba na maging katulad ni Cristo (mag-disciple).

Kaya nga, dapat tingnan ng church ang discipleship bilang isang lifestyle. Dapat itong maging ordinaryong bahagi ng pagiging isang Kristiyano at isang miyembro ng church. Ito ang ginagawa ng isang tagasunod ni Cristo.

Ibig sabihin, maaari o maaaring hindi gumamit ang mga churches ng programs para i-promote ang discipleship. Pero paniguradong gusto nilang i-promote ang isang culture of discipleship. Dapat na maging normal para sa mga mas batang Kristiyano na i-discuss ang mga usaping espirituwal sa mga mas nakatatandang Kristiyano habang magkasalong kumakain. Dapat na normal lang para sa mga mas batang Kristiyano na maglaan ng oras sa bahay ng mga nakatatandang Kristiyano para makita ang mga ito na ina-apply ang kanilang pananampalataya sa bawat bahagi ng buhay, maging sa kung paano nila ihanda sa pagtulog ang kanilang mga anak. Sa biyaya ng Diyos, ang isang church na nagtataguyod ng isang kultura ng pagdi-disciple ay mapupuno ng mga miyembro na lalong nagiging katulad ng Panginoong Jesus (1 Cor. 11:1).

*****

Isinalin ni Marie Manahan mula sa 9Marks article, “Should Churches Primarily View Discipleship as a ‘Program’ or a ‘Lifestyle’?“, March 11, 2010.

Share this Post

Facebook
Email

RELATED ARTICLES