November 11, 2026

7 Bagay na Matututunan Natin mula sa mga Puritans

By Joel Beeke

Pagmamahal sa Katotohanan, Pagkamuhi sa Kasalanan

Maraming mga bagay ang ino-offer ng mga Puritans para sa mga modern Christians. Una na rito ang paghubog nila sa isip mo ayon sa Bible. Mahal nila ang Bible, pinamumuhay nila ang Bible, inaawit nila ang Bible, ipinapangaral nila ang Bible, binabasa nila ang Bible, sinasaulo nila ang Bible. Araw-araw nilang isinasaisip ang Bible. Sila ay mga theologians at preachers na hinubog ng Bible.

Ang sinabi tungkol kay Spurgeon ay puwede ring sabihin tungkol sa lahat ng Puritans. Puwede mong tusukin ang ugat nila kahit saan at dadaloy mula roon ang dugong puspos ng Salita ng Diyos (bibline blood). Sadyang ganoon sila mag-isipโ€”iyon ang kanilang pagkakakilanlan. Kailangan natin ng ganoong focus o atensyon sa Salita ng Diyos.

Pangalawa, gustung-gusto nila ang mangaral tungkol kay Cristo. Sa bawat sermon, para silang merong flashlight na nakatutok sa teksto at sinusubukang hanapin si Jesus, ilabas siya roon, ilagay siya na parang placard sa harap mo, at magpahayag tungkol sa kanyang kaluwalhatian at kagandahan hanggang pakanaisin mo siya. Makikitang si Cristo talaga ang nasa sentro ng mga sermon nila (Christocentric).

Ikatlo, puwede tayong matuto mula sa Puritans kung paano i-convict ang mga tao sa kanilang kasalanan. Sa panahon ngayon, merong mga preachers sa pulpito na magsasabi ng isang bagay na napaka-convicting at pagkatapos ay sasabihin, โ€œMga kapatid, hindi ko intensyon na maipakita at kumbinsihin kayo sa laki at bigat ng inyong kasalanan o anupaman.โ€ Nais ng mga Puritans na i-convict ang mga tao. Tulad ng ginawa ng Diyos nang hanapin niya si Adan, matagpuan ito sa likod ng mga puno, at tawagin niya ito. Nais ng mga Puritans na tawagin ang mga tao palabas mula sa mga pinagtataguan nila at dalhin sila sa harap ng Diyos para makita ang tunay nilang kalagayan. Iyan ang nais nating gawin para makita nila na kailangan nila ang Panginoong Jesu-Cristo. Marami tayong matututunan tungkol sa conviction sa kasalanan at tungkol sa preaching mula sa mga Puritans.

Mapagpakumbaba at Handa

Ikaapat, marami rin tayong matututunan mula sa mga Puritans tungkol sa pagharap sa pagdurusa o paghihirap. Ang average Puritan family ay may siyam na anak. Apat o lima sa mga ito ay namamatay bago pa maging mga adult. Hindi bago o kakaiba sa kanila ang paghihirap, at pinababanal sila ng mga ito. Nagsusulat sila tungkol dito, nangangaral sila tungkol dito. Alam nila kung paano harapin ang malalalim na paghihirap ng buhay.

Natutunan din natin mula sa mga Puritans kung paano sawayin ang ating pagmamalaki. Kinamuhian nila ang sarili nilang pagmamataas. Namuhay sila nang may tunay na kapakumbabaan. Kailangang-kailangan din natin ng higit na pagpapakumbaba. Kailangan nating supilin ang ating pagmamataas at maglingkod sa Diyos nang may mababang loob at simpleng puso, na hindi nagnanais ng pagkilala para sa ating sarili, ngunit tapat na naglilingkod sa kanya nang buong puso.

Ang ๐—ฃ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ง๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ๐˜€ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ง๐—ผ๐—ฑ๐—ฎ๐˜† ay mga klasikong aklat na madaling bitbitin at hindi nakaka-overwhelm basahin. Maingat itong in-edit para sa mga modernong mambabasa, na pinadali ang mga mahihirap na salita noong unang panahon, habang pinapanatili ang tunay na kahulugan ng mga may-akda.

May Makalangit na Pag-iisip at Kapaki-pakinabang Dito sa Lupa

Natutunan din natin sa mga Puritans kung paano mahalin ang mga tao. Nang dumating ang salot o malaking apoy sa London, karaniwan sa mga umalis ay mga non-Puritan ministers dahil sa takot nila na maapektuhan ng salot. Itinaya ng mga Puritans ang buhay nila. Pumunta sila sa kanilang mga miyembro, nagministeryo, nanatili hanggang sa huli, at naging tapat sa mga ito.

Mahal nila ang kanilang kongregasyon. Mahal nila ang pangangaral. Mahal nila ang kanilang Diyos. Mahal nila ang mga bagay tungkol sa Diyos. Ang pinaka-kinakailangan sa evangelicalism ngayon ay nag-aalab, at marubdob na pag-ibig para sa Diyos at para sa tao.

Panghuli, itinuturo sa atin ng mga Puritans na mamuhay para sa walang hanggan. Tulad ng sinabi ni Richard Baxter, dapat ay laging nakatuon ang isang mata natin sa walang hanggan at ang isang mata sa panahon o buhay natin ngayon sa lupa. Habang mas nagfo-focus tayo sa walang hanggan, mas lalo tayong napapabanal sa paraan ng pamumuhay natin ngayon dito sa lupa. Ang kaisipang โ€œsobra siyang makalangit, wala na siyang magagawang mabuti sa lupaโ€ ay talaga namang hindi sasang-ayunan ng mga Puritans. Habang nagiging mas makalangit ka, mas maraming kabutihan sa lupa ang gagawin mo dahil lalo kang nagiging katulad ni Cristo, lalo mong mamahalin ang mga tao, lalo kang magiging isang evangelist, lalo mong ipapamalita ang gospel, at lalo kang magiging handang mamuhay nang buong-buo at para lamang sa iyong minamahal na Tagapagligtas.

Si Joel R. Beeke (PhD, Westminster Theological Seminary) ay nakapagsulat na ng higit sa one hundred books. Siya ang chancellorย at professor of systematic theology and homiletics sa Puritan Reformed Theological Seminary; pastor ng Heritage Reformed Congregation sa Grand Rapids, Michigan; editor ng Banner of Sovereign Grace Truth; board chairman ng Reformation Heritage Books; president ng Inheritance Publishers; at vice president ng Dutch Reformed Translation Society.

*****

*This article was translated by permission from the original English article, “7 Things We Can Learn from the Puritans,” published by Crossway.

Share this Post

Facebook
Email

RELATED ARTICLES

It seems we canโ€™t find what youโ€™re looking for.