Bilang isang church leader, ano ang magagawa ko para maging kultura ang discipleship sa church?

  1. Paglaanan mo ng panahon sa iyong weekly schedule ang mga nakababatang Kristiyano (sa breakfast at lunch, mga errands, regular sermon reviews, etc.).
  2. Kung marunong magbasa ang iyong congregation, mag-request ng pastoral budget para sa book giveaways. Maglagay ng mga books sa iyong office para pang-giveaway. I-encourage ang church na basahin ang mga ito at mag-schedule ng time para pag-usapan ang libro.
  3. Gumawa ng paraan para ma-encourage ang mga mas malalalim na Christians sa inyong church na makipag-fellowship sa iba (“Bro, sino ang kasama mong mag-lunch ngayon?”). At mag-isip ng paraan para makapag-connect ang bawat members (“Bro, kape tayo nila John minsan.”).
  4. I-apply mo ang iyong preaching hindi lang sa indibiduwal, kundi para sa buong church din (hal. “Ano ang sinasabi sa atin ng passage na ito bilang isang church? Ibig sabihin dapat ay willing tayo na magpalakasan at magtuwid sa isa’t isa.”). Mag-isip ng mga paraan para ma-encourage ang discipleship at pagbabantayan sa isa’t isa sa iyong sermon applications.
  5. I-preach at i-apply ang gospel. Kapag tama at malinaw ang pangangaral ng gospel, dapat itong magbunga ng mga Kristiyanong nauunawaan na may shared responsibility sila na magpaalalahanan, mag-counsel, at mag-disciple sa isa’t isa, dahil tayo ay bahagi ng pamilya ni Cristo. Kaya hangga’t maaari, tulungan nating makita ng congregation ang connection ng kanilang profession of faith at ng calling na mahalin ang isa’t isa.
  6. Mag-offer ng adult education classes patungkol sa discipling at counseling.
  7. Mag-offer ng Sunday School classes sa mas specific na mga topics tulad ng “Fear of Man” o “God’s Will and Guidance.”
  8. Gamitin ang church membership classes para i-set ang expectation ng regular involvement sa buhay ng bawat isa. 
  9. Gamitin ang church membership interview para tanungin ang candidate kung gusto niyang mag-involve sa one-on-one discipleship.
  10. Maglagay sa inyong church library ng magagandang resources tungkol sa discipleship. 
  11. I-consider ang paglalagay ng booklet display sa church para sa mga babasahin na maikli at madaling maunawaan tungkol sa iba’t ibang topics (tulad ng sa CCEF). Kung maaari, i-offer ang mga booklets na ito nang libre.
  12. I-promote at ipamigay din ang mga books at booklets na iyon mismo mula sa pulpito, para makita ng church na mahalaga talaga ang mga resources na iyon.
  13. Bilang pastor, i-model mo ang kababaang-loob at paghikayat na ika’y maitama.
  14. Pwede ring mag-provide ng recommended resources sa mga small groups, depende sa klase ng grupo nila—halimbawa, para sa young married groups, singles groups.
  15. Kung kaya ng resources ng church, i-consider na mag-hire ng full-time pastor na pwedeng mag-focus talaga sa counseling ministry.
  16. At kung may kakayahan pa, magandang mag-hire din ng isang babae na pwedeng maglaan ng oras sa counseling at sa pagpo-promote ng discipleship sa mga kababaihan sa congregation.
  17. I-encourage din ang mga church members na umattend ng mga conferences at mga online training courses tulad ng sa Christian Counseling Education Foundation (CCEF).
  18. Mag-offer ng counseling training class para sa church members at/o small group leaders. May dalawang solid na curriculum ang CCEF—How People Change at Helping Others Change. Madaling gamitin ang leader’s guides at workbooks nila, kaya mas madali para sa mga pastors, lay leaders, at members na turuan ang isa’t isa kung paano mag-counsel gamit ang Bibliya at kung paano mas maaalagaan ang bawat isa. (www.ccef.org)
  19. Basahin din ang Instruments in the Redeemer’s Hands ni Paul David Tripp.
  20. I-encourage yung mga tinutulungan mong maghanda para sa full-time pastoral ministry na basahin ang When People Are Big and God Is Small ni Ed Welch.
  21. Manalangin. Hilingin sa Diyos na mag-raise up siya ng mga elders, godly women, at mga mature disciplers sa inyong congregation na tutulong mag-alaga sa mga tupa.

(Ang listahang ito ay ang substance ng article na “Twenty Ways to Cultivate a Culture of Counseling” ni Deepak Reju).


Salin ni Galen Ezekiel Carlos mula sa 9Marks article na “How can I as a church leader help cultivate a culture of discipleship?

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply