Noong ako ay nasa elementary, isa sa mga paborito kong isagot kapag naglalaro kami sa playground ay tungkol sa spelling: “Huwag kang magsasabi ng mga salitang hindi mo kayang i-spell!” Para sa mga batang hindi athletic tulad ko, ito na ang pinakamabuti na kaya naming gawin.

Ilang taon pagkatapos, hindi ko na ibinibigay ang utos na ito sa mga mapangmaliit na bullies, pero fan pa rin ako ng ethos nito. Dapat ay alam nating i-spell ang mga salitang sinasabi natin. Pero, para sa mga layunin ng librong ito, gusto kong i-update nang kaunti ang kasabihang ito: “Huwag kang magsasabi ng mga salitang hindi mo kayang ipaliwanag.”

Sa ating panahon ng pagpapanariwa ng gospel-centrality, maaaring nakakagulat sa iyo na ang salitang “gospel” ay isa sa mga salitang iyon. Madalas natin itong sabihin pero hindi ako sigurado kung kaya natin itong ipaliwanag. Naririnig natin ito madalas, pero kung sa susunod na Linggo ay magtanong ka ng sampung miyembro ng church para ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin nito, baka makakuha ka ng sampung magkakaibang sagot.

Simula nang maisulat ito noong 2010, ang libro ni Greg Gilbert na Ano ang Gospel? ay nakatulong sa mga Kristiyano at hindi Kristiyano sa problemang ito. Tinulungan niya tayo na hanapin sa Salita ng Diyos ang kahulugan o definition natin ng napakahalagang salitang ito: gospel.

Sinulat namin ang study guide na ito para sa isang simpleng dahilan: para gabayan ka sa pagbabasa ng librong iyan. Simple lang ang structure at goals nito. Isa lamang itong simpleng pagtingin sa bawat chapter ng libro, para mapilitan kang magdahan-dahan at pag-isipang mabuti ang iyong binabasa. Ang mga tanong ay hindi gaanong tungkol sa nilalaman kundi higit para sa pagbubulay-bulay; hindi naka-focus sa tamang sagot kundi sa tapat na pagmumuni-muni.

Para kanino ito? Sa tingin ko, ang kahit na sinong Kristiyano ay makikinabang sa libro ni Greg at sa katotohanan ng gospel. Ngunit sa tingin ko, ang study guide na ito ay maaaring higit na naaangkop para sa mga di-Kristiyano o mga bagong Kristiyano. Mahihimok nito ang mga di-Kristiyano na pag-isipan ang kanilang katayuan sa harap ng Diyos na siyang lumikha sa kanila; sasabihan sila na i-consider kung saan nila nilalagak ang kanilang tiwala, at kung bakit walang ibang makasasapat na sagot maliban sa gospel. Ang mga bagong Kristiyano ay tuturuan tungkol sa mga pangunahing bahagi na bumubuo ng kanilang pananampalataya; sa pamamagitan ng pananahan sa gospel, lalo nilang mapag-aalab ang kanilang lumalagong pag-ibig para kay Cristo.

Paano mo ito gagamitin? Para sa iyong sariling pag-aaral? One-on-one ba? Sa small groups? Kahit paano. Umaasa kami na gagamitin ito ng mga nakatatandang miyembro ng church para i-disciple ang mga bagong Kristiyano, at ang mga Kristiyano ay gamitin ito para ibahagi ang ebanghelyo sa mga di-Kristiyano. At higit pa riyan, sino ang nakakaalam? Ang Diyos ay napaparangalan habang itinatanim ng kanyang mga anak ang buto o binhi ng gospel.

Inulit na naman ang salita—gospel. Alam mo ba ang ibig sabihin nito? Umaasa ako na oo. Isa iyang mahalagang tanong. Pero may mas mahalaga pang tanong na dapat i-consider: Naniniwala ka ba rito?

Nawa ay magkaloob ang Diyos ng maraming mata na makakita, mga tainga na makarinig at mga pinalambot na puso para maniwala.

Alex Duke


Pwede mong i-download ang PDF ng Ano ang Gospel? dito.

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply