- Ang biblical theology ay nagtuturo sa isang Kristiyano na maunawaan ang kanyang sariling kuwento batay sa kuwento ng Diyos. Kapag nauunawaan ng isang Kristiyano na ang Diyos ay may kapangyarihan sa buong kasaysayan at gumagawa ng isang malawak na plano ng kaligtasan sa loob ng libu-libong taon, nakakatulong ito na makita ang kanyang sariling kuwento sa tamang pananaw.
- Ang biblical theology ay nagtuturo sa isang Kristiyano kung saan siya nanggaling at saan siya pupunta. Pinagsama-sama ng biblical theology ang buong kuwento ng Bibliya, mula sa paglikha hanggang sa bagong paglikha. Kapag nauunawaan ng isang Kristiyano na nagsimula siya sa kasalanan tulad ng lahat ng sangkatauhan ngunit ngayon ay patungo na sa walang hanggan ng masayang pakikisama sa Diyos at sa mga anak ng Diyos, magbibigay ito ng inspirasyon sa pagtitiis, pag-asa, at kagalakan sa gitna ng mga paghihirap.
- Itinuturo ng biblical theology sa isang Kristiyano kung paano nagkakatugma ang buong Bibliya. Kung titingin ka lang sa isang aklat sa Bibliya nang hindi mo alam kung saan ito itinakda sa kasaysayan ng pagtubos, malamang na malito ka at panghinaan ng loob. Ngunit ang biblical theology ay tumutulong sa mga Kristiyano na maunawaan kung paano nagkakatugma ang buong Bibliya, na nagbibigay-liwanag sa ating pag-unawa sa bawat bahagi.
- Ang biblical theology ay nagtuturo sa isang Kristiyano kung paano ilapat ang lahat ng iba’t ibang bahagi ng Bibliya sa kanyang buhay. Ano kaya ang kinalaman ng mga handog sa Levitico sa isang Kristiyano? Paano naman ang pananakop ng mga Israelita sa Canaan? O ang paghahari nina David at Solomon? Ang biblical theology ay tumutulong sa mga Kristiyano na maunawaan ang lahat ng mga bahaging ito ng Bibliya kaugnay ng gawain ni Cristo na kanilang tinutukoy, at tinutulungan nito ang mga Kristiyano na makita ang kaugnayan ng mga ito sa kanilang buhay ngayon.
Salin mula sa 9Marks article na Why is biblical theology essential for a Christian’s discipleship and growth?
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

