Ang sagot sa tanong na ‘yan ay depende kung ang tinutukoy natin ay ang discipline na kung tawagin ni Jay Adams ay formal o informal church discipline. Ang informal church discipline ay ang pag-confront privately, habang ang formal church discipline naman ay nangangailangan ng church-wide process. 

  1. Informal. Anumang kasalanan, seryoso man o hindi, ay maaaring magdulot ng private rebuke sa pagitan ng magkapatid sa pananampalataya. Hindi ibig sabihin nito na papansinin natin palagi tuwing nagkakasala ang churchmate natin. Ang ibig sabihin lang, ang lahat ng kasalanan, kahit gaano kaliit, ay pasok sa mga bagay na pwedeng pag-usapan ng magkapatid kay Cristo privately at nang may pagmamahalan, depende sa sitwasyon.
  1. Formal. Kung isa-summarize natin ang sinasabi sa Bible, kailangan talaga ng formal church discipline kapag may kasalanang malinaw, seryoso, at hindi pinagsisisihan.
  • Ang kasalanan ay dapat malinaw na nakikita. Dapat nakikita ito ng ating mga mata o naririnig ng ating mga tenga. Hindi dapat na basta-basta lang mag-conclude ang church na alisin ang isang kapatid kapag may kahina-hinalang pagnanasa at yabang sa puso niya. Ito’y hindi dahil binabalewala natin ang karumihan ng puso. Sa halip, alam ng Panginoon na hindi natin kayang makita ang puso ng isa’t isa—at sa tamang panahon, lalabas din naman ang totoong laman ng puso (1 Sam. 16:7; Matt. 7:17ff.; Mark 7:21).
  • Pangalawa, ang kasalanan ay dapat na seryoso. Kung bawat maliit na kasalanan ay uungkatin ng church, baka matakot na ang mga tao at mauwi sa pagiging legalistic ang lahat. Dapat may lugar pa rin sa pag-ibig na “nagtatakip ng maraming kasalanan” sa buhay ng isang church (1 Pet. 4:8 AB). Hindi lahat ng kasalanan ay kailangang habulin nang sobra-sobra. Praise God, hindi gano’n ang ginawa niya sa atin.
  • Finally, ang formal church discipline ang tamang aksyon kapag ang kasalanan ay hindi pinagsisisihan. Ang isang taong involved sa seryosong kasalanan ay napagsabihan na ng mga katotohanan at utos ng Diyos sa Bible, pero nagpapatuloy pa rin siya sa kasalanan. Saan man tingnan, mas niyayakap ng taong ito ang kasalanan nang higit pa kay Jesus. Ang exception lang dito ay kung sobrang bigat ng kasalanan na magdudulot ng pagku-kwestyon sa katunayan ng profession of faith kay Cristo (tingnan ang 1 Corinthians 5 bilang halimbawa).

Salin ni Galen Ezekiel Carlos mula sa 9Marks article na “When should a church practice church discipline?” (Ang material na ito ay galing sa article ni Jonathan Leeman na may title na, “A Church Discipline Primer.”)

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply