Sa halip, magpaalalahanan kayo araw-araw, habang ang panahon ay matatawag pang “Ngayon” upang walang sinumang madaya sa inyo ng kasalanan at sa gayo’y maging matigas ang puso. (Heb. 3:13)

Kahapon ay nakatanggap ako ng isang note of encouragement mula sa isang kaibigan. Tatlong pangungusap lang iyon pero ginamit ito Panginoon para gisingin ang kinakailangang lakas sa kaluluwa ko.

Ang pagtanggap ko ng note na iyon ay nag-udyok sa akin na buksan ang Bible ko at tingnan kung ano ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa encouragement. Sa pagbabasa ko ng bawat talata, nakita ko kung gaano kahalaga ang encouragement bilang expression ng pag-ibig para sa mga anak ng Diyos. Sa isang pagtingin, ang encouragement ay parang oxygen sa buhay ng isang church. Pinananatili nitong tumitibok ang puso, malinaw ang isip, at inspirado ang mga kamay para maglingkod.

Dahil napakahalaga ng encouragement sa church, hindi lang ito basta nirerekomenda ng Diyos; ipinag-uutos niya ito (1 Tes. 4:18, 5:11; Heb. 3:13).

Bakit Natin Kailangan ng Encouragement

Iniutos ng Diyos sa kanyang mga anak na palakasin ang loob ng isa’t isa dahil alam niyang kailangan natin ito. Sa Gospel of John, nagbabala si Jesus na, “Magdaranas kayo ng kapighatian sa sanlibutang ito,” na sinundan niya ng kinakailangang encouragement: “ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!” (Juan 16:33).

Nabubuhay tayo sa isang wasak na mundo kung saan ang lahat ng bagay ay tumatawag sa atin sa pagiging makasarili at kawalang pag-asa. Ninanakaw ng kasalanan ang ating kagalakan, bumabagsak ang ating pangangatawan, hindi natutuloy ang mga plano natin, naglalaho ang mga pangarap natin, humihina ang ating paninindigan, dumidilim ang ating pananaw. Ipinangako sa atin ang paghihirap (1 Ped. 4:12), pag-uusig (Juan 15:20; 2 Tim. 3:12), at iba’t ibang uri ng mga pagsubok (San. 1:2–3).

Kapag walang encouragement sa buhay ng isang church, pakiramdam ng mga tao ay hindi sila minamahal, hindi sila mahalaga, walang silbi, at kinalimutan na. Alam ng Diyos na kailangan ng mga anak niya ng mga paalala na punô ng biyaya, kaya tinatawag niya tayo na paalalahanan ang isa’t isa araw-araw hanggang sa pagbabalik ng kanyang Anak (Heb. 3:13).

Ano ang Encouragement?

Ang biblical encouragement ay hindi naka-focus sa pagpuri mo sa haircut ng isang tao o kaya ay pagsasabi sa kanila kung gaano kasarap ang niluto nilang kaldereta. Mahalaga ang ganoong uri ng encouragement, pero ang tinutukoy sa Bibliya ay Christian encouragement.

Ang encouragement ay ibinabahagi nang may pag-asa na palalakasin nito ang loob ng isang tao sa Panginoon (Col.4:8). Ipinapakita nito ang evidences of grace sa buhay ng isang tao para makita niya na ginagamit siya ng Diyos. Itinuturo nito ang isang tao sa mga pangako ng Diyos na nagtitiyak sa kanya na lahat ng kinakaharap niya ay nasa ilalim ng kontrol ng Diyos.

Ipinapakita ng New Testament na ang encouragement ay regular na bahagi ng buhay ng early church (Gawa 13:15, 16:40, 18:27, 20:1–2, 27:36). Nagbahaginan sila ng mga salita na siksik sa Kasulatan para gisingin ang isa’t isa sa pananampalataya (Gawa 14:22), pag-asa (Roma 15:4), pagkakaisa (Roma 15:5; Col. 2:2), kagalakan (Gawa 15:31), kalakasan (Gawa 15:32), pamumunga (Heb. 10:24–25), katapatan ( 1 Tes. 2:12), pagpapatuloy (Heb. 10:25), at sa katiyakan ng pagbabalik ni Cristo (1 Tes. 4:18).

Ang encouragement ay mahalagang paraan ng pagbabahagi ng biyaya sa isa’t isa noon at ngayon.

Paano Ako Lalago sa Pagiging Isang Encouragement sa Iba?

Walang nag-iisang “tamang paraan” para i-encourage ang isa’t isa, pero heto ang ilang ideya para tulungan kang magsimula.

1. Manalangin sa Diyos na gawin kang encourager. Hilingin sa kanya na bigyan ka ng pusong nagmamahal sa iba at ng creativity para malaman mo kung paano ito ipapakita. Hingin sa kanya na tulungan kang patayin ang pagiging self-centered at lumago sa pagnanais na i-encourage ang iba. Dahil nasisiyahan ang Diyos sa pagtulong sa mga anak niya na sumunod sa kanyang mga kautusan, makapagtitiwala tayo na tuturuan tayo ng kanyang Espiritu kung paano pagpalain ang iba para sa kanyang kaluwalhatian at para sa kanilang kabutihan.

2. Pag-aralan si Barnabas at hingin sa Diyos na gawin ka niyang katulad niya. Si Barnabas ay tinawag na “son of encouragement” ng early church (Gawa 4:36). Siya ang uri ng tao na gusto mong makasama habang naglilingkod ka sa Diyos. Hindi lang siya isang spiritual cheerleader, pero siya ay isang taong may matibay na paniniwala na nagnanais na makitang lumago ang church at ginagawa ang lahat ng kaya niya para mangyari ito. Hilingin mo sa Diyos na bigyan ka at ang iyong church ng pusong katulad ni Barnabas.

3. Gawing isang pang-araw-araw na disiplina ang pag-encourage. Natural para sa ilan sa atin ang magbigay ng encouragement, pero hindi para sa iba. Meron akong reminder sa calendar ko bawat araw na mag-send sa isang tao ng encouraging note, email, text, o phone call. Kailangan ko ang reminder na ito para tumigil, manalangin, at pagkatapos ay intentional na subukang i-encourage ang isang tao kay Cristo.

4. Manalangin sa Diyos na ipakita sa iyo kung sino ang bibigyan mo ng encouragement. Hilingin sa Diyos na ipaisip sa iyo kung sino ang kakausapin mo. Isang paraan para gawin ito ay sa pananalangin gamit ang membership directory ng inyong church.

5. Gamitin ang Bibliya. Wala nang makaka-encourage pa sa atin nang katulad ng mga pangako mula sa Salita ng Diyos. Gumawa ng listahan ng mga Scriptures na ginamit ng Diyos para i-bless ka personally o isang excerpt mula sa binasa mo sa iyong daily devotional. Ang sa akin ay Mga Awit, Roma 8, at ang Gospels. Maghanap ka at magbahagi ng kayamanan ng biyaya ng Diyos sa iba.

6. Maging specific. Ang note na natanggap ko mula sa aking kaibigan ay may dalawang specific na paraan na nakita niya ang evidences of grace sa buhay ko. Noong basahin ko ang mga ito, na-humble ako at napaalalahanan ng katotohanan na talaga ngang gumagawa ang Diyos sa akin at sa pamamagitan ko. Kailangan ko iyon.

7. Regular na i-encourage ang iyong pastor. Kung may sinabi ang pastor na ginamit ng Diyos, ipaalam mo ito sa kanya. Huwag mag-expect ng response mula sa kanya, pero mag-send ka sa kanya ng ilang pangungusap sa text o sa isang card. Wala nang mas nakaka-encourage sa pastor kaysa marinig ang mga specific na paraan na ginamit ng Diyos ang isang sermon o counseling session para gumawa o kumilos sa iyong buhay.

8. Ipanalangin na lumikha ang Diyos ng culture of encouragement sa inyong church. Hingin sa Diyos na gawin ang inyong church na isang community na minamahal ang isa’t isa sa specific at nararamdamang paraan katulad ng encouragement. Hingin sa Diyos na gamitin ka na tumulong na pag-alabin ang apoy na iyon. Huwag ma-discourage kung hindi maibalik sa iyo ang encouragement na ibinigay mo (Mat. 6:3–4; Efe. 6:3–8) o kung wala kang nakikitang bunga mula rito (Gal. 6:9–10). Ang paglikha ng isang church culture na nagluluwalhati sa Diyos ay nangangailangan ng mahabang panahon, maraming panalangin, at masaganang biyaya. Ine-encourage kita na magpatuloy.

9. Maging marunong. Kung gusto mong i-encourage ang isa na mula sa opposite sex, magkaroon ka ng discernment kung paano ito mabuting gawin. Kung magbibigay ako ng encouragement sa isang babae sa kongregasyon na walang asawa, sasabihin o ipapaalam ko ito sa aking asawa at isesend din sa kanya ang email. Kung magbibigay ako ng encouragement sa isang kapatid na babae na may asawa, sasabihin ko rin ito sa aking asawa, ise-send din ito sa kanya at sa asawa ng taong ine-encourage ko. Maaari mo ‘yang gamiting opportunity para i-encourage ang mag-asawa.

10. Magsimula. Sino ang puwede mong i-encourage ngayon? Sino ang isang taong napagpala ka na gusto mong pasalamatan? Anong verse ang puwede mong i-share sa kanya? Paano ito maaaring gamitin ng Diyos?

Nawa ay higit pa sa kaya nating isipin ang gawin ng Diyos sa pamamagitan ng kaunting encouragement (Efeso 3:20:21).

Salin sa Filipino/Taglish ng “Encourage One Another: Giving Grace with Your Words na isinulat ni Garrett Kell; isinalin ni Marie Manahan.

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

One thought on “I-encourage Natin ang Isa’t Isa

Leave a Reply