Ang isang church na may biblikal na pagkaunawa sa conversion ay…

  1. Mag-iingat sa kung sino ang tatanggapin nito bilang miyembro.
  2. Sisiguraduhin na ang lahat ng gustong maging miyembro ay kayang ipaliwanag ang gospel.
  3. Magtatanong kung may mga kasalanan pa bang hindi pinagsisisihan.
  4. Maingat na pangangasiwaan ang baptism at Lord’s Supper. Hindi pipilitin ng mga miyembro ang kanilang mga pastor na bautismuhan ang mga tao nang madalian at walang pagsusuri. Ang Lord’s Supper ay poprotektahan nang maayos (ibig sabihin, ang taong nangangasiwa nito ay magpapaliwanag kung para kanino ito at kung sino ang hindi pwedeng makibahagi).
  5. Magiging maingat sa mga uri ng evangelism na maaaring maghikayat ng mga maling pananampalataya o pananampalatayang sa bibig lamang, sa pamamagitan man ng pagmamanipula ng emosyon o paglalahad ng isang pinababaw na gospel.
  6. Hindi babalewalain ang kasalanan. Ang mga miyembro ay may pananagutan sa isa’t isa, pinapaalalahanan, at sinasaway ang isa’t isa. Gayundin naman, sila ay…
  7. Nagpapatupad ng maayos na church discipline.
  8. Gumagawa ng mga pormal na paraan ng pagpapanatili ng malinaw na paghihiwalay ng iglesya at ng mundo, tulad ng paglalaan ng mga pampublikong gawain ng paglilingkod para sa mga miyembro lamang.

Ang isang church na may hindi biblikal na pagkaunawa sa conversion ay maaaring…

  1. Mapuno ng mga taong taos-pusong nagpapahayag ng pagkakilala kay Jesus, ngunit hindi naman nakaranas ng tunay na pagbabago na ipinapakita ng Bibliya bilang conversion.
  2. Tinatawag ang kanilang mga sarili na mga Kristiyano kahit hindi naman. Titingnan ng mga di Kristiyano ang mga “Kristiyano” na ito at sasabihin, “Kristiyano ka? Pero yung pamumuhay mo ay katulad lang ng pamumuhay ko! Bakit ako dapat maniwala sa ginagawa mo kung pareho lang naman ang buhay natin?”

Salin sa Filipino/Taglish ng What practical difference does a biblical understanding of conversion make in the life of a church? Mula sa 9Marks.

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply