Kapag naririnig natin ang “catechism,” karaniwang pumapasok sa isip natin na ito ay isang Roman Catholic practice. Pero dapat ipaalala sa atin na ito ay essential part ng historical Protestant tradition, at nakaugat sa mandato ng Bibliya sa atin na ituro ang tamang doktrina (Luke 1:4; Acts 18:25; Gal. 6:6). Sa pagkahumaling ng maraming mga churches ngayon sa mga modern discipleship methods, nakaligtaan natin ang kahalagahan ng katekismo sa pagdi-disciple sa church.

Kumbinsido ako na malaki ang maitutulong sa atin ng Heidelberg Catechism. Ang katekismong ito ay isinulat ni Zacharias Ursinus, sa tulong din ni Caspar Olevianus, noong 1563 sa Heidelberg, Germany, sa ilalim ng pangangasiwa ni Elector Frederick III, ruler ng Palatinate. Kahit na sa konteksto ng ibang kultura, at mahigit 400 years na ang nakakaraan, naniniwala ako na marami ang maituturo sa atin ng Heidelberg Catechism dahil biblikal ang mga doktrinang nakasulat dito, meron itong devotional value, pastoral ang approach nito, at nakadisenyo ito para sa pagkakaisa sa pananampalataya.

Heto ang 53 lessons (plus one introductory lesson) na itinuro ko sa online Bible study series ng church namin mula January 2021 hanggang September 2022.

Mapapakinggan din ito sa Spotify at sa YouTube. Heto rin ang lahat ng slides na ginamit sa mga lessons.

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply