Psalm 32
A Maskil of David
Blessed is the one whose transgression is forgiven,
whose sin is covered.
2 Blessed is the man against whom the Lord counts no iniquity,
and in whose spirit there is no deceit.3 For when I kept silent, my bones wasted away
through my groaning all day long.
4 For day and night your hand was heavy upon me;
my strength was dried up as by the heat of summer. Selah5 I acknowledged my sin to you,
and I did not cover my iniquity;
I said, “I will confess my transgressions to the Lord,”
and you forgave the iniquity of my sin. Selah6 Therefore let everyone who is godly
offer prayer to you at a time when you may be found;
surely in the rush of great waters,
they shall not reach him.
Bago yung verse 1 ng Chapter 32 ng mga Awit, may makikita kayong nakalagay diyan na “Isang Maskil” or “A Maskil of David”.
Ano ba ang ibig sabihin ng Maskil?
Kung ang gamit niyo ay MBB, study Bible or Poimen, may nakalagay diyan sa ibaba na footnote na “Ang kahulugan ng salitang ito’y hindi tiyak. Maaaring ito’y tumutukoy sa isang uri ng awit o isang tono ng awit.” Pero sa Hebrew language, ang Maskil ay mula na root word na “Sakal” na ibig sabihin ay “Instructive”. So maaaring isinulat ni David yung Psalm 32 hindi lang para gamitin sa pagkanta in their worship service kundi upang bigyan ang bumabasa nito ng instructions or para turuan tayo ng mga katotohanan mula sa kayang mga sulat na ito. So kung ito yung goal ng buong Chapter na ‘to, to provide instruction, yun ngayon ang titingnan natin, anong mga instructions ang itinuturo sa atin ngayong umaga.
Yung first word sa Awit na ‘to ay Blessed, sa tagalog ay “Mapalad”. Dalawang beses ginamit sa Chapter na ‘to yung word “Blessed” – sa verse 1 at inulit din sa verse 2.
Sa Hebrew translation, ang word na ito ay “Esher”. Hindi Ezer, “Esher”. Na ang ibig sabihin ay Blessedness or Happiness. So kung ito yung ibig sabihin nito, pwede nating sabihin sa verse 1. na “Happy, ang taong pinatawad ang pagsuway, na ang kasalanan ay tinakpan”. And then sa verse 2, Happy ang tao na hindi pinaparatangan ng kasamaan ng Panginoon.
Totoo ba ‘to sa atin? Na happy ang mga taong pinatawad na ang mga kasalanan? Yes, happy tayong lahat ngayong alam na natin na pinatawad na ang kasalanan natin.
Pero ang ginamit na salita dito ay Blessed, hindi lang basta happy. Ibig sabihin, ito ay kakaibang level of happiness. Hindi katulad ng happiness ng pagkakaroon ng jowa or happiness dahil naka-graduate ka na or board passer ka na or pag nakuha mo yung unang sweldo mo. Blessedness is beyond happiness na kayang ibigay ng tao or ng mundo. Kaya nga hindi laging appropriate na sabihin natin na bine-bless ng Diyos ang isang tao dahil dumadami ang kayamanan niya, or nagiging maayos ang lovelife niya, or nakukuha niya yung mga bagay sa mundo na gusto niyang makuha. Because Blessedness or true happiness ay hindi maibibigay ng mundo. It is a gift from the Lord na mararanasan lang ng isang tao na may tamang relasyon at pagkakilala sa Panginoon.
Sabi sa Reformation Study Bible, “to be ‘blessed’ is to enjoy God’s special favor and grace”.
Ano yung mga special favors and grace na ‘to that we can enjoy bilang God’s blessed people? Tingnan natin.
- Complete Forgiveness
Sabi sa verses 1-2.
Mapalad siya na pinatawad ang pagsuway,
na ang kasalanan ay tinakpan.
Mapalad ang tao na hindi pinaparatangan ng kasamaan ng Panginoon,
at sa kanyang espiritu ay walang pandaraya.
Madalas naririnig natin na sinasabi ng mga Filipino, “magsisimba muna ko para makapag bawas ng kasalanan.” Hindi ko alam kung sino nagpauso ng kasabihan na yun, kung kasabihan ba tawag dun, pero para sa mga taong nagsasabi nito, masaya na sila na nababawasan lang yung kasalanan nila. Hindi ko alam kung okay na ba sila na kalahati lang ng kasalanan nila yung pinatawad o talagang wala sa option or menu nung simbahan nila yung full pardon or complete forgiveness.
Bakit, kalahati lang ba ng katawan ng Panginoong Hesus ang napako at namatay sa krus? Kulang ba ang paghihirap at parusa na dinanas ng Panginoong Hesus at hindi nito kayang bayaran ng buo ang lahat ng kasalanan mo? No.
1 Juan 2:2 Siya ang kabayaran para sa ating mga kasalanan, at hindi lamang para sa atin kundi para din sa kasalanan ng buong sanlibutan.
Ang regalo ng Diyos na pagpapatawad at kaligtasan through Jesus ay sapat at higit pa para sa buong mundo, ito ay buo, perpekto, kumpleto at hindi natatapos at hindi nawawala, kaya nga ang tawag dito ay buhay na walang hanggan. Dahil Diyos ang nagbigay, walang kahit sino or kahit anong bagay ang may kakayanang kumuha nito sa ‘yo. Not even the angels, Satan, sin, or death ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos, which is in Christ Jesus our Lord.
Kaya ikaw na taga sunod ni Kristo, ikaw yung tunay na “Mapalad or Blessed” dahil nauunawaan mo ang ginawa ng Panginoong Jesus at dahil alam nating pinatawad na hindi lang kalahati or wamport kundi lahat ng kasalanan natin, dahil dun meron tayong true happiness dahil nararanasan natin yung complete forgiveness. Complete, meaning hindi na pwedeng dagdagan at hindi rin pwedeng bawasan. Kumpleto na, tatanggapin mo nalang, aangkinin mo nalang.
Para mas maunawaan natin yung pangangailangan natin for complete forgiveness at yung nature ng forgiveness. Tingnan natin yung 3 salita na ginamit ni David about sa kasalanan at yung 3 salitang ginamit niya tungkol sa pagpapatawad.
A. Three Words for Sin
Hindi natin makikita yung 3 words for Sin sa salin sa tagalog. Kaya gagamit tayo ng ESV version.
Sabi sa verses 1-2 ng ESV.
Blessed is the one whose transgression is forgiven,
whose sin is covered.
Blessed is the man against whom the Lord counts no iniquity,
and in whose spirit there is no deceit.
Yung unang salitang ginamit diyan is the word transgression (nakita natin yan sa v.1) na sa Hebrew word ay pesha‛ (פֶּ֫שַׁע), na ang ibig sabihin ay “rebellion” or “revolt”.
Ito yung kasalanan na tulad ng pagrerebelde sa Diyos. Nagrerebelde ba tayo sa Diyos? Hindi ibig sabihin na ito lang yung mga ginagawa nating kasalanan na laban sa Diyos or literal na kinakalaban natin ang Diyos tulad ng pag nagalit yung isang tao sa Diyos ay nagsasalita siya ng mga masasakit na salita laban sa Diyos o minumura niya ang Diyos or sumasamba siya kay Satanas. Well, obvious na nagpapakita yun ng rebellion pero hindi lang yun.
Yung pagtatanim ba ng galit sa tao ay pagrerebelde sa Diyos? Yung panalalait ba sa isang tao ay pagrerebelde sa Diyos? Yung pagsisinungaling ba sa asawa mo ay pagrerebelde sa Diyos? Yung kabastusan ba sa magulang ay pagrerebelde sa Diyos? Yes.
Minsan hindi direkta yung kasalanan natin sa Diyos pero lahat ng kasalanan ay direktang pagsuway sa Diyos. Ito yung narealize ni David sa ginawa niyang kasalanan kay Bathsheba at Uriah pagkatapos siyang usigin ni propetang Nathan.
Sabi ni David sa Awit 51:4
Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala,
at nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin…
Nakita natin dito kung paano inacknowledged ni David na, oo nagkasala siya kay Bathsheba at kay Uriah, pero higit na nagkasala siya sa Diyos.
So yung first word ay transgression na ang ibig sabihin ay “rebellion” or “revolt”.
Yung pangalawang salitang ginamit diyan ay sin, sabi sa verse 1 “whose sin is covered”. Na sa Hebrew word ay ḥaṭā’āh (חֲטָאָה), na tumutukoy sa idea of “missing the mark”.
Ito kasalanan ni David for his failure na mamuhay according sa kabanalan ng Diyos. Parang lahat yata ng tao ay failure dito.
Si David lang ba and dapat mamuhay ayon sa kabanalan ng Diyos?
1 Pedro 1:14-16 Bilang masunuring mga anak, huwag kayong umayon sa masasamang pagnanasa tulad ng ginagawa ninyo noong kayo’y wala pang tunay na pagkaunawa. Dahil ang Diyos na pumili sa inyo ay banal, dapat din kayong magpakabanal sa lahat ng inyong ginagawa, sapagkat nasusulat, “Magpakabanal kayo, sapagkat ako’y banal.”
Bilang mga masunuring anak, ang expectation sa atin, “Dahil ang Diyos na pumili sa atin ay banal, dapat din tayong magpakabanal sa lahat ng ating ginagawa, sapagkat nasusulat, “Magpakabanal kayo, sapagkat ako’y banal.”
So yung pangalawang salita ay “Sin” na ang ibig sabihin ay failure na mamuhay according sa kabanalan ng Diyos.
Yung pangatlong sailtang ginamit diyan ay iniquity, sabi diyan sa verse 2. “Blessed is the man against whom the Lord counts no iniquity.” Na sa Hebrew translation ay ‛āvōn (עָוֹן), na ang ibig sabihin ay conscious or intentional offense, or guilt incurred by such an offense.
Sinasabi dito na pag nagkasala tayo, pag nagkasala ka, ikaw ang gumawa nun, intention mo na gawin yun, aminin natin na nagkasala tayo at guilty tayo sa ginawa natin. Wala ng alibi, wala ng turu-turuan, hindi mo pwedeng sabihin na “hindi ko alam yung nangyari, lasing ako nun”. Alam natin yung ginawa nating kasalan, at ginawa natin yun kahit na alam nating kasalanan yun. Yun ang ibig sabihin nung pangatlong word na iniquity.
So transgression, sin, at iniquity. Yung ating pagrerebelde sa Diyos, yung ating mga ginagawa or yung dapat ay ginagawa natin pero hindi natin ginagawa na hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos, yung pagiging intentional at conscious natin sa paggawa ng kasalanan at pagiging guilty natin sa lahat ng ito. Ginamit ni David yung iba’t ibang salitang tumutukoy sa kasalanan para makita natin yung tunay na kapangitan na picture ng kasalanan. Ginagawa tayong aware ng Diyos sa mga uri ng kasalanan kasi minsan yung kasalanan will present sa atin na kasing ganda ni Bathsheba o kaya naman ay kasing sarap ng isang mansanas kaya mag-ingat tayo.
So ngayon, pagkatapos nating makita yung tatlong salitang tumutukoy sa kasalanan, tingnan naman po natin yung ginamit ni David na tatlong salita na tumutukoy naman sa kumpletong pagpapatawad ng Diyos.
B. Three Words for Forgiveness
Unang salitang ginamit ay forgiven (v. 1) 1 Blessed is the one whose transgression is forgiven, na sa Hebrew translation ay nāśā’ (נָשָׂא), na ang ibig sabihin ay to “lift, carry, [or] take”. Na nagsasabi sa atin na ang pagiging forgiven ay dahil merong iba na kumuha at pumasan ng ating kasalanan. Merong iba na nag-alis ng bigat o ng burden ng kasalanan. Forgiven is to “lift, carry, [or] take”.
Ikaw ba ay nabibigatan at nahihirapan na, kapatid, dahil sa kasalanan? Sabi ng Panginoong Jesus sa Mateo 11:28 “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan”.
Ito talaga yung nararamdaman ng isang makasalanan after being forgiven, na parang may inalis na pabigat sa buhay natin at pinalitan ng kapahingahan. So yun yung una, forgiven.
Pangalawang salitang ginamit sa pagpapatawad ay covered. (v. 1) “whose sin is covered.”
Sa Hebrew translation ito ay kāsāh (כָּסָה), na ang ibig sabihin ay to “cover, conceal, hide. Paano ba natin matatakpan or maitatago ang kasalanan natin? We cannot. Kahit na si David na isang makapangyarihang hari, ay hindi nagawang i-cover, i-conceal, or i-hide yung kasalanan niya nang mabuntis niya sa Bathsheba.
Dahil pinilit niyang i-cover yung kasalanan niya, nanganak pa ito ng sunod-sunod na kasalanan na naglagay sa kanya sa isang malungkot na sitwasyon.
Ang nag-iisang paraan para ma-cover yung ating kasalanan ay sa pamamagitan ng makapangyarihang dugo ng ating Panginoong Hesus.
Yun yung pangalawa, covered. Nandiyan pa kayo? Ano yung una? Forgiven.
At ang pangatlo ay “counts no” (v. 2) “the Lord counts no iniquity”.
Sa salin ng NIV ay does not count. Sa NKJV ang word na ginamit ay “does not impute” na ang Hebrew translation ay ḥāšaḇ (חָשַׁב), na ang ibig sabihin ay “to reckon” or “to count or to account” something as belonging to someone. Ang pinakamalapit na tagalog nito ay “ibinilang or ibinibilang”.
Parehong salita ang ginamit dun sa kwento ni Abraham:
Sabi sa Gen 15:5-6 Ang Biblia. Siya’y dinala niya sa labas at sinabi, “Tumingala ka ngayon sa langit, at iyong bilangin ang mga bituin, kung mabibilang mo.” At sinabi sa kanya, “Magiging ganyan ang iyong binhi.”Sumampalataya siya sa Panginoon; at ito’y ibinilang na katuwiran sa kanya.
Kaya nga po mga kapatid, kung paanong dahil sa pananampalataya natin sa Panginoong Jesus, tulad ni Abraham, ay ibinilang ng Diyos sa atin ang pagiging matuwid. Dahil naman sa kumpletong pagpapatawad sa atin ng Diyos ay hindi na niya ibinibilang sa atin ang ating mga kasalanan. Ito yung dahilan kung bakit tayo ay may true happiness.
So, our transgression is forgiven, our sin is covered, and He does not count our iniquity. Yan ang 3 mga salitang ginamit ni David para ipakita sa atin yung complete forgiveness ng Diyos at kung bakit ang bawat isang pinatawad na ay tunay na “Blessed or may true happiness”.
Tatlong iba’t ibang salita ang ginamit ni David para sa kasalanan na nagpapakita kung gaano kalaki ang problema ng tao dahil sa kasalanan at tatlong iba’t ibang salita din ang ginamit para makita natin yung complete forgiveness ng Diyos.
Complete forgiveness na di natin deserve at dahil lamang sa biyaya ng Diyos. Ito ang napakagandang regalo ng Diyos na inaalok sa lahat ng tao, wala kang katalo-talo. Pero may missing element dito. Napaka-importante pero madalas ay namimiss. At maraming mga tao, yung iba ay nagsasabing Kristiyano na sila ngayon, ang kulang ang pagkaunawa pagdating sa pagpapatawad ng ating kasalanan. At maraming nagsasabing sila ay Kristiyano ang pupunta sa impiyerno dahil dito. Ang madalas na namimiss ng tao ay yung pagsisisi.
Hindi natin pwedeng angkinin yung pagpapatawad at kaligtasan pero mamumuhay parin tayo sa kasalanan. Bago yung pagpapatawad sa kasalanan, meron munang pagsisisi sa kasalanan. Hindi ka pwedeng humingi ng tawad sa kasalanan na nakaplano mo pang ulitin bukas. Kaya sabi sa verse 2 “at sa kanyang espiritu ay walang pandaraya.”
Hindi natin pwedeng dayain ang Diyos para lang makuha natin yung biyaya ng Diyos. Malinaw ba yun?
Now, pwede mo bang sabihin na pinatawad ka na ng Diyos pero hindi ka naman nagsisisi sa mga kasalanan mo? Hindi. Walang pagpapatawad kung walang pagsisisi. “E kapatid, di ko kayang magsisisi at talikuran yung kasalanan ko.” Of course, di mo kaya. Hindi ko din kaya. Nobody can. Paano na?
Nakadepende ba ang pagpapatawad sa pagsisisi? Yes. Nakadepende ba ang pagsisisi sa tao? No. Kasi kung nakadepende sa atin yung pagsisisi, hindi tayo magsisisi, hindi tayo lalayo sa kasalanan, hindi natin aayawan yung kasiyahan at satisfaction ng mundo, wala tayong kakayahang piliin yung holiness against the worldly pleasures maliban nalang na baguhin ng Diyos ang puso natin sa pamamagitan ng Gospel. Bakit Gospel? For the Gospel is the power of God for salvation.
Ang salvation ay work of God, kasama dito yung pagsisisi, kapatawaran ng kasalanan, at pagbabago sa atin ng Diyos. Lahat ito ay galing sa Diyos.
Hindi loloobin ng Diyos na magkaroon ng participation sa kaligtasan ang kahit isa mang tao, upang walang sino man ang maaaring magmalaki sa kanyang ginawa. Ang kalooban ng Diyos ay umasa tayo at magtiwala sa magagawa niya at ibalik sa kanya all the Glory.
Yung kapatawaran at pagsisisi ay magkaiba pero magkasama sa iisang biyaya ng Diyos. Kaya nga sa Chapter na ‘to kitang-kita natin kung paanong hindi mapaghihiwalay yung pagsisisi ni David at pagpapatawad ng Diyos.
Sa verse 3-4 Makikita natin na ang hindi pagsisisi ay parusa sa sarili.
Nang hindi ko ipinahayag ang aking kasalanan, nanghina ang aking katawan
sa pamamagitan ng aking pagdaing sa buong araw.
Sa araw at gabi ay mabigat sa akin ang iyong kamay,
ang aking lakas ay natuyong gaya ng sa init ng tag-araw.
Walang mabuting dulot ang kasalanan lalong lalo na yung kasalanan na ayaw nating aminin at pagsisihan, una, sa ating katawan. Sabi ni David sa verse 3, “Nang hindi ko ipinahayag ang aking kasalanan, nanghina ang aking katawan”. Naniniwala akong literal na nanghina yung katawan ni David. Maaaring nagkaroon siya ng sakit physically, or mentally, like depression. Dahil sa kanyang kasalanan at dahil na din sa naging bunga nung kanyang kasalanan.
Nandun yung kanyang pagdaing sa buong araw na nagpapakita ng kanyang kalungkutan. So yung kasalanan niya ay nakaapekto na din sa kanyang isip.
Sa verse 4 ang sabi ay “Sa araw at gabi ay mabigat sa akin ang iyong kamay.” So hindi siguro literal na nakapatong yung kamay ng Diyos sa katawan ni David, pero ramdam nung kanyang espiritu yung bigat ng galit ng Diyos dahil sa kanyang tinatagong kasalanan.
So, tinuturuan tayo dito na ang kasalanan ay walang mabuting magiging bunga sa ating katawan, sa ating isip at sa ating espiritu. Pero hindi dahil nakagawa ng kasalanan si David ay iniwan na siya ng Diyos. Kadalasan, tao ang lumalayo sa Diyos kapag may tinatago tayong kasalanan. Hindi siya iniwan ng Diyos, sinamahan siya ni Yahweh at dinisiplina siya tulad ng ginagawa ng Ama sa kanyang Anak.
Nakakahiyang aminin ang kasalanan, hindi madaling magsisisi at tumalikod sa kasalanan. Mas madaling manisi ng ibang tao or try to justify yung ating kasalanan o kaya naman mas okay na wag nalang nating pag-usapan. Paminsan-minsan lang naman. Wala namang nakakakita or nakakaalam.
Tandaan natin, walang mabuting bunga ang pagtatago ng kasalanan. Kung ngayon ay iniisip mo na mahirap at hindi mo kayang magsisisi at talikuran yung iyong mga kasalanan. Try Hell.
Sa verse 5 makikita naman natin yung The Beauty of Confession. Sabi sa verse 5:
Kinilala ko ang aking kasalanan sa iyo,
at hindi ko ikinubli ang aking kasamaan;
aking sinabi, “Ipahahayag ko ang aking paglabag sa Panginoon;”
at iyong ipinatawad ang bigat ng aking kasalanan.
Kung kanina ay nakita natin na walang mabuting bunga ang pagtatago ng kasalanan. Dito naman sa verse 5 ay makikita natin yung Beauty ng pag-amin at pagsisisi sa kasalanan.
Sabi dito, “Kinilala ko ang aking kasalanan sa iyo, at hindi ko ikinubli ang aking kasamaan.” Ang tunay na pagsisisi ay nagsisimula sa pag-amin na mali yung ginagawa nating kasalanan. Walang pagdadahilan, walang alibi, walang pagtuturo, at walang reservation. Hindi tunay na pagsisisi kung 2 lang sa 10 kasalanan na ginagawa mo ang handa mong talikuran. Sa pag-amin natin ng kasalanan, wala dapat tayong ikinukubli sa Diyos, as if naman na pwede tayong magtago ng kasalanan sa kanya. Sabi pa dun, “Aking sinabi, ‘Ipahahayag ko ang aking paglabag sa Panginoon.’”
Ito yung confidence na meron yung isang tao na alam niya na hindi tatanggihan ng Diyos ang isang taong buong pusong nagsisisi at umaamin sa kanyang kasalanan at alam niya na walang kasalanan ang hindi kayang patawarin ng Diyos. Magkakaroon lang tayo ng ganitong confidence once alam natin yung ginawa ng Panginoong Jesus para sa atin. Once alam natin yung laki ng pag-ibig na Diyos sa atin.
John 6:37
Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay lalapit sa akin; at ang lumalapit sa akin kailanman ay hindi ko itataboy.
Sabi pa dun, “at iyong ipinatawad ang bigat ng aking kasalanan.”
That sounds like instant forgiveness.
Awit 86:5
Sapagkat ikaw, Panginoon, ay mabuti at mapagpatawad,
sagana sa tapat na pag-ibig sa lahat ng sa iyo ay tumatawag.
Kaya nga we should be ready to confess our sins, dahil ang ating Diyos Ama sa langit is so ready to forgive and accept us back bilang kanyang mga Anak. So after ng repentance ay instant forgiveness and restoration ng relationship natin sa Ama.
Verse 6:
Kaya’t ang bawat isang banal
ay manalangin sa iyo;
sa panahong matatagpuan ka, tunay na sa pagragasa ng malaking tubig,
siya’y hindi nila aabutan.
Sabi dun “Kaya,” sa ESV ang sabi ay “For this cause,” na nagpapahiwatig ng specific reason or condition na makikita natin sa nakaraang verse. So kung ikokonek natin yung natutunan natin sa verse 5 papunta sa verse 6, pwede nating sabihin na “ang ating Diyos Ama sa langit is so ready to forgive ang ating mga kasalanan and accept us back bilang kanyang mga Anak (v. 6) kaya’t ang bawat isang banal ay manalangin sa iyo or manalangin sa kanya.”
Dahil sa kaligayahan na natagpuan ni David sa pamamagitan ng pagsisisi at kapatawaran na kanyang tinanggap, He is encouraging yung ibang tao na gawin ang parehong bagay. Si David – bilang Hari ng Israel – is setting an example para sa iba. Ito yung testimony niya from being miserable sa kasalanan to overflowing joy dahil sa natanggap niyang kapatawaran.
Kaya importante yung ating mga testimonies na naririnig especially sa ating evening service. Gusto naming marining kung paano kumilos ang Diyos sa buhay mo at ano yung pwede naming tularan sa example mo bilang isang Kristiyano and also to rejoice with you sa tagumpay na naranasan mo sa Panginoong Jesu-Cristo.
Yung experience ni David ay isang encouragement at example para sa iba na nagpapakita na ang Diyos ay ready and willing na patawarin tayo sa ating kasalanan. Pero yung phrase na “sa panahong matatagpuan ka” ay nagbibigay ng babala sa atin na darating ang oras na hindi ka na patatawarin ng Diyos. Maaring ito ay sa pagbabalik ng ating Panginoong Jesus or pag patay na tayo.
Isaiah 55:6-7
Inyong hanapin ang Panginoon habang siya’y matatagpuan,
tumawag kayo sa kanya habang siya’y malapit.
Lisanin ng masama ang kanyang lakad,
at ng liko ang kanyang mga pag-iisip;
at manumbalik siya sa Panginoon, at kanyang kaaawaan siya;
at sa aming Diyos, sapagkat siya’y magpapatawad ng sagana.
Ngayon ang araw ng pagsisisi at panunumbalik sa Diyos. Wag mo nang ipagpabukas, kapatid. Kung gagawin mo ito, sabi sa Isaiah 55:7, “Siya’y mapagpatawad ng sagana.” Parang yan yung kinanta natin kanina. His Mercy is More and he will abundantly pardon.
Lumapit tayo sa Diyos ngayong umaga habang siya’y matatagpuan, habang siya’y malapit, at aminin sa Diyos ang ating kasalanan. Pagsisihan at talikuran ang ating kasalanan, tanggapin ang kanyang kapatawaran at biyaya ng buhay na walang hanggan. Lahat ng ito ay sa Panginoong Jesus lang natin matatagpuan at mararanasan. Sa Panginoong Jesus lang tayo mayroong true happiness, sa Panginoong Jesus lang kaya tayo ay tinatawag na blessed people dahil sa kanya tayo ay may tunay na kapahingahan.
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

