AMOS 1: Tiyak ang pagpaparusa ng Diyos sa lahat ng nagpapatuloy sa pagkakasala—tulad ng pagmamalupit sa kapwa tao. Ang mga namumuno ay may malaking pananagutan sa Diyos. Ang babalang ito ay dapat seryosohin ng lahat. Si Cristo lang ang paraan para maligtas. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) September 20, 2021
AMOS 2: Maging ang mga itinuturing na kabilang sa bayan ng Diyos ay hindi makaliligtas sa parusa ng Diyos—kung binabalewala nila ang Salita ng Diyos at pinababayaan ang mga nangangailangan. Walang sinuman ang malakas. Si Cristo lang, na siyang Tagapagligtas. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) September 20, 2021
AMOS 3: Walang kakayahan ang tao na maging matuwid sa harapan ng Diyos. Ang tiyak na paghatol at pagliligtas ay nasa mga kamay ng Diyos. Ito ang mensaheng dapat ipangaral sa lahat—na inako ni Cristo ang hatol ng Diyos para tayong mga makasalanan ay maligtas. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) September 20, 2021
AMOS 4: Paulit-ulit ang Diyos na nagbibigay ng babala at nagpapadala ng mga sakuna para hikayatin ang mga tao sa tunay na pagsisisi. Nakapangingilabot sa mga di-nagsisisi na harapin ang banal na Diyos. Silang mga nakay Cristo lang ang handang humarap sa Diyos. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) September 21, 2021
AMOS 5: Masaklap ang sasapitin ng mga taong ang pagsamba sa Diyos ay rituwal lang, at galing sa pusong walang pakialam sa kapwa, lalo na sa mga mahihirap at nangangailangan ng hustisya. Magbalik-loob at gumawa ng mabuti—yan ang nais ng Diyos ng katarungan. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) September 23, 2021
AMOS 6: Tiyak ang parusa ng Diyos sa mga taong ginagamit ang kapangyarihan sa pagpapayaman, mga mayayabang at binabaluktot ang katarungan. Makaliligtas ang mga nagpapakumbaba at kumikilala kay Jesus bilang kanilang kaligtasan, katuwiran at kayamanan. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) September 23, 2021
AMOS 7: Mayaman ang awa ng Diyos. Tumutugon siya sa panalangin na nagmamakaawa, nagpapatawad at inililigtas sa parusa ang mga di karapat-dapat. Pero may hangganan ang pasensya ng Diyos sa mga taong patuloy na nagmamatigas at ayaw makinig sa kanyang mga babala. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) September 24, 2021
AMOS 8: May hangganan ang pasensya ng Diyos. May araw na itinakda para parusahan ang mga taong umaawit sa pagsamba ngunit nandaraya at nanlalamang sa kapwa. Ang araw na yun ay punô ng pagtangis at hinagpis. Ang salita ng Diyos ay ipagkakait din sa kanila. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) September 24, 2021
AMOS 9: Walang makaliligtas sa tiyak na pagpaparusa ng Diyos sa mga taong ang kumpiyansa ay nasa sarili nila, sa lahi nila, at sa relihiyon nila. Ngunit tiyak din ang katuparan ng pangakong pagpapanumbalik ng Diyos sa lahat ng lahi sa pamamagitan ni Cristo. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) September 24, 2021