Maraming pastor ang nahihirapang hikayatin ang kanilang church sa pagbabago at madalas ay nagiging sanhi ito ng alitan. Para magkaroon ng tunay na pagbabago, kailangan ang pagtuturo mula sa Bibliya, pagpapakita ng pangmatagalang commitment, at pagmamahal sa Diyos at sa mga tao.
Anu-ano ang mga nararapat na panindigan ng mga pastor?
Ang mga pastor ay dapat ipaglaban ang pitong pangunahing bagay: ang gospel, pagkakaisa ng iglesya, awtoridad ng Bibliya, personal na integridad, kabanalan ng iglesya, kapakanan ng mga tupa, at pangangaral ng Salita ng Diyos. Ang mga prinsipyong ito ay gabay sa kanilang desisyon kung kailan dapat manindigan.
Kailan dapat magsagawa ng church discipline ang isang church?
Ang church discipline ay maaaring informal o formal. Ang informal discipline ay ang pribadong pag-confront sa mga kasalanan, habang ang formal discipline ay para sa mga seryosong kasalanang hindi pinagsisisihan. Dapat malinaw at seryoso ang kasalanan bago isagawa ang formal discipline.
Pagbibigay at Pagtanggap ng Godly Criticism
Kahit na hindi ito natural para sa atin, gusto kong i-suggest na ang pagbibigay at pagtanggap ng godly criticism ay mahalagang elemento sa buhay ng healthy relationships at healthy churches.
