The Chalcedonian Definition (Tagalog)

Ang Chalcedonian Definition ang pinakamalinaw na pahayag hanggang ngayon sa persona ng Panginoong Jesu-Cristo. Ipinapahayag nito kung sino si Cristo ngayon: Diyos at tao, isang persona sa dalawang kalikasan. Kilala rin ito sa paglalatag ng isang serye ng mga pagtanggi ng mga katuruan tungkol kay Cristo kapag itinuturo nito na ang mga kalikasan ni Cristo ay “walang pagkakahalo, walang pagbabago, walang pagkakahati, walang pagkakahiwalay.”