Sa librong Delighting in the Trinity, tinawag ni Michael Reeves ang Trinity na “ang sentrong namamahala sa lahat ng paniniwalang Kristiyano” at “ang cockpit ng lahat ng kaisipang Kristiyano.” Hindi ito irrelevant o secondary doctrine, ngunit isang doktrina na napakahalaga.
Ang Athanasian Creed
Sa matagal na panahon na ay kinikilala na ang Athanasian Creed bilang malinaw na kapahayagan ng pananampalatayang Kristiyano tungkol sa Trinity, ang biblikal na katuruan na ang Diyos ay isang Diyos lamang, ngunit namamalagi sa tatlong personang pantay-pantay sa pagka-Diyos: ang Diyos Ama, ang Diyos Anak at ang Diyos Espiritu.
