February 3, 2013 | By Derick Parfan | Scripture: Acts 3:1-26
Download
sermon audio
One Body, Many Members
Sa part 1, nakita natin ang pagiging sentro ni Jesus sa church. Sa part 2 naman, nakita natin ang kapangyarihan ng Espiritu kapag ang church ay nakasentro kay Cristo. Nakita nating pinakamahalaga sa church ang ginagawa ng Dios – Ama, Anak at Espiritu. Pero dahil baka isipin ng iba sa inyo na, “Ay ganoon pala, ibig sabihin ba noon, hindi na mahalaga ang ginagawa ko.” Lalo na sa ilan sa inyo na hindi directly involved sa mga “espirituwal” na ministries ng church, kundi doon sa paglilinis o pagkukumpuni o pagdidisenyo ng ating building. Hindi ko sinasabing hindi mahalaga ang mga iyon. Pero nililinaw lang natin na kahit ano man ang ginagawa natin – preaching man o cleaning – basta ginagawa natin para kay Cristo at sa kanyang misyon, at sa kapangyarihan ng Espiritu, hindi masasayang iyon. “Therefore, my beloved brothers, be steadfast, immovable, always abounding in the work of the Lord, knowing that in the Lord your labor is not in vain” (1 Cor. 15:58)
Kaya hinihikayat namin kayo na pumirma na sa membership application at sa church covenant dahil dito. Oo nga’t kung Cristiano ka na ay kabilang ka na sa “universal church”: “Mayroong pagkakaisang espirituwal ang lahat ng mga tunay na mananampalataya sa ating Panginoong Heus-Kristo, bumubuo ng isang pandaigdig at di-nakikitang iglesia, kung saan si Kristo ang ulo” (Statement of Faith). Pero hindi mo mararamdaman iyon kung hindi ka miyembro at magcocommit sa isang “local church”: “Ang iglesia lokal ay isang organisadong grupo ng mga mananampalataya sa isang tiyak na lugar na binubuo ng mga nagpapahayag ng kanilang pananampalataya kay Kristo at kusang-loob na nagsama-sama at pinanglilingkuran ng mga tagapamuno na pinili sang-ayon sa panuntunan ng Biblia (Statement of Faith). Na sa pamamagitan ng local church, ito ang commitment natin: “Paglilingkuran ko ang Panginoon nang bukal sa loob, matiyaga, at matapat ayon sa ibinibigay na kalakasan at kakayahan sa akin ng Panginoon” (Church Covenant).
Tayo’y isang pamilya. We are one body with many members at bawat tungkuling ginagampanan ng bawat isa ay mahalaga (Eph. 4:4-6; Rom. 12:4-8; 1 Cor. 12:11-12). But we must keep the goal in mind. Hindi lang magturo ng Bibliya, hindi lang tumugtog, hindi lang magbigay, hindi lang magpagod, kundi sa lahat ng gagawin si Jesus ang mabigyan ng karangalan.
“The Lord Added”
Mahalaga ang ginagawa natin. Hindi naman puwedeng wala tayong gawin. Pero ang point ng Book of Acts ay ipakita sa atin unang-una kung ano ang ginagawa ng Dios. Iyon ang pinakamahalaga sa lahat. Kahit magsasalita tayo, kahit mag-ubos tayo ng oras, kahit gumastos tayo ng maraming pera, kahit tumagaktak ang napakaraming pawis natin, kahit sumakit ulo natin sa kapaplano, kung hindi naman powerfully kikilos ang Dios, balewala ang lahat. Ito ang nakita nating ginagawa ng Dios…
So those who received his word were baptized, and there were added that day about three thousand souls (2:41); And the Lord added to their number day by day those who were being saved (2:47); But many of those who had heard the word believed, and the number of the men came to about five thousand (4:4).
Malinawag na si Lord ang nagdadagdag sa bilang nila at sa bilang natin ngayon. Pero may paraan para mangyari iyon. Iyon naman ang nais niyang gawin natin. May bahagi din ang bawat isa sa atin. Hindi naman nakatunganga lang itong mga Cristiano noon nang mangyari iyon. May pakikibahagi sila. Ganito ang nangyari…
The Story of Peter’s Healing of the Lame Beggar
Galing ang kuwentong ito sa Acts 2:43-47; 3:1-26; 4:1-4:
Araw-araw, parami nang parami ang mga idinaragdag ng Dios sa bilang ng mga tagasunod ni Jesus. At patuloy na gumagawa ang Dios ng maraming mga himala at mga kamangha-manghang bagay sa pamamagitan nila para ipakilala kung sino talaga si Jesus.
Isang hapon, kasama ni Pedro si Juan na pumunta sa bahay-sambahan (templo) para manalangin. Nang malapit na sila, may isang pulubi – lumpo mula pa pagkabata – na buhat-buhat ng ilang lalaki. Araw-araw kasi, dinadala siya rito para humingi ng limos sa mga taong papasok dito.
Nang makita niya sina Pedro at Juan, humingi siya ng limos. Tinitigan silang dalawa ng lalaking lumpo, at naghihintay na malimusan.
Pero sinabi ni Pedro sa kanya, “Wala akong perang maibibigay sa iyo. Pero ibibigay ko sa iyo kung anong meron ako. Sa pangalan ni Jesus, tumayo ka at maglakad!”
Pagkatapos, hinawakan ni Pedro ang kamay niya at tinulungang tumayo. Ang dating lumpo ay magaling na ngayon!
Tumayo siya agad, nagpalakad-lakad, tumalun-talon, at nagpupuri sa Dios.
Nang mapansin ng mga tao na ang lalaking ito ang lumpong namamalimos, lubos silang namangha dahil magaling na siya.
Ito namang lalaking ito, parang ayaw nang humiwalay kina Pedro. Lagi siyang kasama kung saan sila magpunta. Kaya lahat ng mga namangha sa nangyari ay nagtakbuhan palapit sa kanila.
Sinamantala ni Pedro ang pagkakataon, at sinabi niya sa mga tao, “Mga kababayan ko, bakit kayo nagtataka sa nangyari? Bakit kayo ganyang makatitig sa amin na para bang napalakad namin siya dahil meron kaming espesyal na kapangyarihan o dahil mabuti kami sa harapan ng Dios. Hindi!”
“Ang Dios ang gumawa nito para parangalan si Jesus. Oo, si Jesus na itinakwil n’yo at pinatay – siya na nagbigay ng buhay sa inyo ang pinatay n’yo – ngunit muli siyang binuhay ng Dios!
“Kami mismo ang makapagpapatunay na nangyari nga ito. At kayo rin ang mga saksi na dahil sa pangalan ni Jesus – sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya – kaya lubos na gumaling ang taong ito.”
“Kaya ngayon,” tuloy ni Pedro, “Magsisi na kayo at lumapit sa Dios, para patawarin niya ang inyong mga kasalanan, at matanggap n’yo ang bagong buhay mula sa Panginoong Jesus.”
Habang nagsasalita pa sina Pedro at Juan, nilapitan sila ng ilang mga pinuno ng kanilang relihiyon. Nabahala kasi sila dahil nagtuturo sila tungkol kay Jesus. Ipinaaresto sila at ipinakulong. Pero kahit ganito ang nangyari sa kanila, marami sa mga nakarinig sa kanilang mensahe ang sumampalataya. Umabot ng 5,000 lalaki ang nadagdag sa lumalaking pamilya ng Dios.
Multiplication, not Mere Addition
Mamaya, madadagdagan na naman ang bilang natin dahil sa limang magpapabautismo. Maganda ang nangyayari sa church natin. Buwan-buwan may dinaragdag ang Dios. Pero wala pa tayo sa level noong nangyari sa Acts. Addition pa lang ang nangyayari. Hindi pa multiplication. Nasa 10,000 hanggang 20,000 siguro ang bilang nila. Talagang sumabog sa dami. Ipinapakita lang nito na ang lahat ng nangyari ay gawa ng Dios. At walang makapipigil sa Dios!
Sa dulo ng kuwento, inaresto silang dalawa. Hindi ba’t karaniwang kapag may isang religious movement na nakasentro sa lider, kapag nawala na ang lider, ikinulong o ipinapatay, nawawala na rin ang mga miyembro? Pero dito anong nangyari? Dumami pa lalo! Sinong maygawa? Nasa kulungan na nga ang dalawa. Iyan ang kapangyarihan ng Dios at ng kanyang salita. Parang ulan, hindi babalik sa langit na hindi nakapagdilig at nakapagpatubo (Isa. 55:10-11). Ikulong mo man ang mga mensahero, “the word of God is not bound” (2 Tim. 2:8-9; tingnan din ang Phil. 1:12-14).
Throughout the book of Acts, we will see how God is sovereign over all the things happening in the growth and expansion of his church. Malinaw din nating makikita ang mga paraan na ginagamit niya para mangyari ang kalooban niya, pangunahin na dito ang church na ginagawa ang sang-ayon sa kanyang kalooban, church na nagiging salamin ng karakter ng Dios.
There’s Mercy, not Apathy
Nakita na natin kung paanong sa church, kahit sarili nilang ari-arian binebenta nila para makatulong sa mga kapatid nilang nangangailangan (2:45). Nakikita ng ibang tao na sila nga ay mga tagasunod ni Jesus sa klase ng pagmamahal nila sa bawat isa (John 13:35). Pero hindi ibig sabihing ang love na ito ay sa kanila lang. Hindi ito exclusive, kundi overflowing pati sa ibang tao. Kaya nga sabi sa Acts 2:47, they were “having favor with all the people.” Kasi nga, they extend mercies to those in need, kahit pa hindi pa members ng church.
Ganito ang ipinakita ni Pedro at Juan. May nadatnan silang namamalimos sa may pasukan ng templo. Pumunta sila doon para manalangin tulad ng ginagawa nila bilang mga Judio. Pero hindi nila binilisan ang lakad nila at sinabing, “Huwag na nating pansinin iyan, late na tayo.” Huminto sila. Hindi nila iniwasan ng tingin ang pulubi, tulad ng normal na ginagawa natin kapag may namamalimos sa atin. Kundi tinitigan pa nila at sinabing, “Look at us” (3:4). Nakita nilang may pangangailangan ang pulubi. Nakita nilang may pagkakataong ipakita hindi ang awa nila, kundi ang awa ng Dios.
Sa Old Testament, maging hanggang sa New Testament, inaasahan ng Dios na gagawin ng kanyang mga anak ang kanilang obligasyon na magbigay ng tulong sa mga mahihirap. Hindi ko alam kung paano nag-iba ang pag-iisip natin ngayon doon. Nagdadahilan pa tayo na, “Hindi naman makakatulong sa kanila ang barya na maibibigay ko.” Ano ang alternative natin? Hindi na magbigay? O kaya, “Ay, bawal na sa batas ang maglimos.” Iyon ba talaga ang intensiyon natin, ang sumunod sa batas? O ang umiwas lang sa obligasyon natin sa Dios? Ano ba ang mahalaga? Ang batas ng Dios o ang batas ng tao?
Ito ang mercy: na maibigay natin sa isang tao ang kailangan nila (hindi lang ang gusto nila) ayon sa ating kakayahan. Kung ano ang kailangan! Ano ang kailangan ng namamalimos? Pera lang ba? Hindi! Mas higit na kailangan niyang makalakad at sa pamamagitan noon ay makakilala kay Jesus. Ayon sa kakayahan natin! Kaya ba ni Pedrong sustentuhan ang pulubing iyon at bigyan ng kayamanan? Wala naman siyang ganoon karaming pera. Pero ano ang meron siya? Meron siyang kapangyarihang galing kay Jesus. Iyon ang ibinigay niya. Sabi niya, “Sa pangalan ni Jesus, tumayo ka at maglakad!” (3:6).
Hindi naman sinasabi sa atin dito na sabihin natin sa iba na nangangailangan ng tulong natin, “Sorry, wala akong maibibigay sa iyo.” OK lang kung wala talaga. Pero paano kung meron naman. Tapos sabihin lang natin, “I will pray for you.” “If a brother or sister is poorly clothed and lacking in daily food, and one of you says to them, ‘Go in peace, be warmed and filled,’ without giving them the things needed for the body, what good is that” (James 2:15-16)?
Isang paraan ng pagpapakita ng awa ay ibigay kung ano ang kailangan nila. But the greatest act of mercy is to give them what they need most, na kapag wala sila noon ay balewala na ang lahat ng bagay. Walang iba kundi ang Panginoong Jesus – na higit na kailangan natin kaysa healing from cancer o material riches. Siya mismo ang nagsabi, “Ano ang mapapala ng isang tao kung makamtan man niya ang lahat ng kayamanan sa mundo kung mapapahamak naman ang kanyang kaluluwa” (Mark 8:36)?
Kung si Jesus ang ibibigay natin sa mga tao, siguradong may himalang mangyayari…
There’s a Miracle, not Ordinary Human Effort
At ganoon ang nangyayari sa unang church. Bahagi ito ng pangako ng Dios na mangyayari sa pagdating ng Espiritu. “And I will show wonders in the heavens above and signs on the earth below, blood, and fire, and vapor of smoke” (Acts 2:19; cited from Joel 2:30). Bumaba ang Espiritu. Ano nangyari? Bigla silang nakapagsalita sila sa iba’t ibang wika na hindi naman nila pinag-aralan. Himala iyon. “And awe came upon every soul, and many wonders and signs were being done through the apostles” (Acts 2:43). Hindi lang ilan, kundi maraming nangyayaring ganito.
Isa rito ay ang nangyari sa kuwento natin ngayon. Sinabi ni Pedro sa pulubi, “In the name of Jesus, rise up and walk.” Puwedeng sabihin nitong lumpo, “Kala ko may ibibigay kayo sa akin, wala naman pala, titingin-tingin pa kayo. Tapos sabihan mo pa kong tumayo at maglakad, ni mula nga pagkabata hindi ko naranasan iyon. Nang-aasar ba kayo? Joke, joke, joke ba iyan?” Hinawakan ni Pedro ang kamay niya. Itinayo at iyon, nakatayo siya, nakahakbang, naglakad-lakad na at nagtalun-talon pa na nagpupuri sa Dios. Bakit nga hindi magpupuri sa Dios, e alam niyang walang ibang makagagawa noon kundi ang Dios lang.
Isa iyan sa mga “wonders and signs” na ginagawa ng mga apostol. “Wonders” kasi kung makita mo nga naman ang nangyari, anong magiging reaksyon mo? Kaya ang mga taong manghang-mangha sa nangyari, dinumog sina Pedro. Pero ang goal ng mga miracles na ito (kahit sa panahon pa ni Jesus) ay hindi lang para kunin ang interes at atensiyon ng mga tao. Kaya nga tinawag din na “signs” kasi isa itong marka at palatandaan na may itinuturo – at ang itinuturo ay walang iba kundi si Jesus!
Kaya sabi nila Pedro, “Men of Israel, why do you wonder at this, or why do you stare at us, as though by our own power or piety we have made him walk” (3:12)? Hindi naman si Pedro ang nagpagaling, kundi si Jesus na ang kanyang kapangyarihan ay dumaloy sa pamamagitan ng pananampalataya nina Pedro. “And [Jesus’] name—by faith in his name—has made this man strong whom you see and know, and the faith that is through Jesus has given the man this perfect health in the presence of you all” (3:16).
May himala pa ba ngayon? Totoo ngang may mga grupo na nagsasagawa ng mga “miracle crusades” o “healing services” pero ang iba naman ay peke o iba naman ang motibo. Pero hindi ibig sabihin noon na babalewalain na natin ang mga himala. Hangga’t gumagawa pa rin si Jesus, hangga’t nasa atin pa rin ang Espiritu, hindi imposibleng may mga himalang mangyari. Oo nga’t sinasabi nating himala ang “changed lives” pero kung naniniwala tayong kayang baguhin ng Dios ang puso ng tao at himala din iyon, hindi ba’t mas madaling gawin na tanggalin ng Dios ang cancer o muling makalakad ang pilay? Araw-araw may himalang nangyayari. Hindi natin nakikita kasi hindi tayo nagmamasid. Or, we don’t believe.
Dahil sa nangyari, puwedeng ipagmalaki nila Pedro ang sarili nila. Pero hindi nila ginawa. Pwedeng samantalahin din para mapagkakitaan, tulad ng ginagawa ng ilan ngayon na mga “miracle-workers” daw. Pero din nila ginawa. Kasi nga ang point ng miracles ay ituro kung sino si Jesus. Hindi sapat na gumagawa lang ang church ng mabuti sa kapwa, hindi sapat na may himalang nangyayari. Kailangang maipakilala natin kung sino si Jesus. Iyon ang mahalaga. Iyon din ang ginawa ni Pedro.
There’s the Message, not Silence
Nakita ng mga tao ang mabuting ginawa nila. Nakita ng mga tao ang himalang ginawa nila. Dinumog sila ng mga tao. Sinamantala ni Pedro ang pagkakataon para ipahayag sa kanila ang mensahe tungkol kay Cristo. At hindi ba’t ganito din ang dapat nating gawin, samantalahin ang lahat ng pagkakataon para maikuwento si Jesus sa iba. Hindi pwedeng tahimik lang.
Tulad ng una niyang sermon sa Acts 2, ganoon din ang ginawa niya. Sinabi niya sa kanila na ang nangyari ay dahil kay Cristo. Na siya ang “Holy and Righteous One” (3:14). Kung magkakaroon man tayo ng kabanalan at katuwirang kailangan para makalapit sa banal na Dios, siya ang kailangan natin. Sinabi din niyang si Jesus ang “Author of Life” (3:15). Kung magkakaroon man tayo ng buhay sa halip na kamatayan dahil sa atin mga kasalanan, siya ang kailangan natin. Kaya nga ibinalita ni Pedro na siya’y pinatay nila ngunit muling binuhay ng Dios.
Hangal ang tao. Sa halip na piliin si Jesus, kasalanan pa ang pinili nila. Sa halip na tanggapin si Jesus bilang Panginoon, itinakwil nila at sinabing, “Ako ang panginoon ng buhay ko. Ako ang masusunod.” Ang nagsasabi niyan ay malala pa sa isang lumpo mula sa pagsilang.
Pero may mabuting balita. Binayaran na ni Jesus lahat. Ginawa na niya ang hindi natin magawa at ayaw nating gawin. Ang tugon natin ay ano, “Repent therefore, and turn again” to God (3:19). Anong pangako ng Dios? Patatawarin ang lahat ng kasalanan natin, buburahin na, wala na (3:19). At magkakaroon tayo ng bagong buhay na malulubos hanggang sa pagbabalik ni Cristo (3:20).
Iyan ang mensahe ni Pedro. Iyan ang mensaheng pinaniniwalaan natin at ikinukuwento natin sa iba. Iyan ang mensaheng dapat tanggapin ng bawat isa sa inyo na ngayon ay hindi pa tumatanggap kay Cristo. Kung ayaw n’yong makinig sa kanya, tandaan n’yo to, “You shall listen to him [Jesus] in whatever he tells you. And it shall be that every soul who does not listen to [him] shall be destroyed…’ (Acts 3:22-23). It is not a joke. It is not a light matter. Your life, your eternity depends on him.
In the Name of Jesus
The important thing is not just what we do even if what we are doing is right. But why we do it, and how we do it. Ang point ng story ngayon ay hindi iyong ginawa nilang pagpapakita ng awa, pagpapakita ng himala, at matapang na pangangaral. Kundi kung bakit at paano nila ginawa iyon. They did it “in the name of Jesus.” Ito ang paulit-ulit nating naririnig sa kuwento, at marami pa sa mga susunod.
Ano ba ang ibig sabihin ng “pangalan ni Jesus”? Sa ngayon, pag sinabing pangalan, parang ID lang iyan, o kung ano ang tawag sa iyo ng tao. Pero noon, kapag sinabing “pangalan” kumakatawan ito sa karakter o sa tao mismo na nagdadala ng pangalang iyon. Kapag sinabing “pangalan ni Jesus,” ibig sabihin, “si Jesus mismo…wala nang iba.”
Kapag ginawa nila “sa pangalan ni Jesus” – tatlo ang implikasyon noon. Una ay ang dahilan: because of Jesus – who he is, what he has done. Lahat ng ginawa nila Pedro ay dahil kay Cristo – sa kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Bakit mo ginagawa ang mga ginagawa mo? Bakit natin ginagawa sa church ang mga ginagawa natin? Dahil ba sa ginawa ni Cristo?
Ikalawa ay ang paraan: through Jesus – through his power mediated by the Spirit. May sariling kakayahan ba si Pedro magpagaling? Galing din kay Jesus iyon. Paano ba natin ginagawa ang mga ginagawa natin? Nakadepende ba tayo sa Dios o sarili nating pera o kakayahan o karunungan?
Ikatlo ay ang layunin: for Jesus, for his glory and his glory alone. Ginawa ito ni Pedro hindi para itaas ang sarili niya, kundi itanghal kung sino si Cristo. Iyon din naman ang gusto ng Dios Ama na mangyari, “The God of Abraham, the God of Isaac, and the God of Jacob, the God of our fathers, glorified his servant Jesus” (3:13). Ang Espiritu, di ba’t ganoon din ang ginagawa? Minsan nga may narinig akong isang pastor na nagsabi na kapag hindi natin pinapansin ang Spirit sa church natin, hindi tama iyon, hindi daw puwedeng puro Jesus na lang. Sabi nga ni Jesus tungkol sa Espiritu, “He (the Spirit) will glorify me, for he will take what is mine and declare it to you” (John 16:14). Kung nasa spotlight si Jesus sa church natin, hindi magseselos ang Dios Ama at Dios Espiritu, kasi iyon naman ang misyon niya na mangyari sa church.
Ngayon, sa nakita natin sa kuwentong ito, anu-ano ang gusto ng Dios na gawin natin sa pangalan ni Jesus? Show deeds of mercy in his name. Sabi natin sa covenant natin, “Mag-aakay ako ng mga tao kay Cristo bilang kanilang Tagapagligtas at Panginoon sa pamamagitan ng aking mabuting halimbawa at pagsaksi.” Hindi lang salita, kundi may gawa. Ang gagawin nating mabuti sa iba hindi para ipakitang mabuti tayo kundi para ipakita ang kabutihan ng ating Panginoon. “And whatever you do, in word or deed, do everything in the name of the Lord Jesus” (Col. 3:17). Kung halimbawa mamaya, habang nagkakainan tayo, may dumating na mga pulubing Badjao, mabaho kasi di pa naliligo. Kung palalayasin natin, ano ang masasabi nila tungkol kay Cristo? Pero kung tatabihan natin, papakainin, kukumustahin, ipagpepray, ano ang masasabi nila tungkol sa Jesus na sinusunod natin. Ang pangalan niya ang nakasalalay dito.
Hindi ba’t may pangako tayo sa covenant natin: “Ipananalangin ko nang regular ang paglago at mga gawain ng iglesia”? So, pray in his name. Hindi mangyayari ang mga himala kung hindi tayo mananalangin. Hindi tayo masyadong nananalangin kasi hindi na tayo naniniwala sa himala. Pero hindi ba’t totoo ang pangako ni Jesus, “Truly, truly, I say to you, whoever believes in me will also do the works that I do; and greater works than these will he do, because I am going to the Father. Whatever you ask in my name, this I will do, that the Father may be glorified in the Son. If you ask me anything in my name, I will do it.” (John 14:12-14). Ganyan manalangin ang church noon, “While you stretch out your hand to heal, and signs and wonders are performed through the name of your holy servant Jesus” (Acts 4:30). [Tawagin ko si Ptr. Ronnie, para ikuwento sa atin kung ano ang nangyari sa kanilang pamilya na nagpakita kung paanong ang panalangin sa pangalan ni Jesus ay makapangyarihan…]
Nakita ni Ptr. Ronnie na si Jesus ang maygawa nito. Nakita ito ng kanyang pamilya. Pwede ba namang tatahimik lang sila? Hindi siyempre. So preach the name of Jesus. Huwag mo nang hintaying may himalang mangyari bago mo gawin. Hindi ba’t may himala nang nangyari sa buhay mo? Paano mangyayari ngayon ang himala sa buhay ng mga kapamilya mo kung hindi nila maririnig ang pangalan ni Jesus?
Ngayon, lahat ng mga may gustong hilingin sa Panginoon na sa tingin n’yo ay imposible sa tao, lumapit kayo sa harap. Kung hihilingin natin ito sa pangalan niya – ayon sa kanyang kalooban, para sa kanyang karangalan, at naniniwalang walang imposible sa kanya – sabi niya, nangako siyang ipagkakaloob niya. Ipanalangin natin ang bawat isa. Sa bawat isa sa atin ibinigay na ang kapangyarihan na makagawa ng mga bagay na imposible sa tao. Tapos, kapag nakita n’yong sumagot ang Dios at ginawa ang imposibleng hinihiling n’yo, sabihin n’yo sa iba, ipamalita n’yo kung ano ang ginawa niya. Let us bear witness about him and cause people to wonder in his life-transforming power.
1 Comment