Radical Transformation

March 10, 2013  |  By Derick Parfan  |  Scripture: Acts 9:1-31

Listen now…

Download  sermon audio

Note: The gap in the audio is the testimony of Ptr. Larry San Pedro. You can watch it here.

[youtube http://www.youtube.com/watch?v=KRprbYetp0o]

Impossible?

Merong isang salita na ginagamit natin – hindi man sinasabi pero nasasaisip natin – na nagpapakita ng kakulangan ng pagtitiwala natin sa Diyos. Ito ay ang salitang “imposible.”

Maaaring meron sa inyo ngayon na ngayon lang nakadalo sa church namin, napilit lang kayo ng kaibigan n’yo, pinagbigyan n’yo lang. Pero sa isip-isip mo, “Imposible na akong magbago.” Lalo na kung iisipin mo ang napakaraming kasalanang nagawa mo o mga kasalanan at pang-aabusong ginawa sa iyo ng ibang tao. O kahit sa tingin mo Christian ka na, nagsisi ka na sa kasalanan mo at nagtitiwala kay Jesus, pero kapag naiisip mo ang mga patuloy na struggles mo sa kasalanan at mga sakit na nararamdaman mo sa puso mo, sinasabi mo rin, “Imposible na akong magbago. Ganito na lang siguro hanggang mamatay ako makapiling ang Diyos sa langit.

O kaya naman, kapag nakikita mo ang ibang tao – asawa mo siguro, o tatay, o anak, o kaibigan – tapos puro kabulastugan ang ginagawa at sayang na sayang na ang buhay. Sasabihin mo sa sarili mo, kahit na minsan ay naipagpray mo siya, “Imposible nang magbago iyan!” Wala nang pag-asa iyan. Sa impiyerno na ang tungo niyan. Tsk, tsk, kawawa naman.

O kaya naman, maaaring naniniwala kang posible pang magbago ang kaibigan mo at kayang-kaya ng Diyos na gumawa ng paraan para mangyari iyon. Pero ang pinagpepray mo ay ganito, “Lord, sana po merong isang tao na kasama ko sa church na gamitin mo para maishare sa kanya ang Story of God.” Ganoon ang prayer mo kasi sa isip-isip mo, “Imposibleng gamitin akong instrumento ng Diyos para sa mga kamag-anak o mga kaibigan ko. Kasi alam nila ang buhay ko dati.”

Kapag pinag-uusapan natin ang pagbabago, hindi lang pagbabago ng ugali, pagkawala ng bisyo, pagbabago ng gawain ang pinag-uusapan natin. We are talking about true transformation. A transformation of the heart. Puso mo man o puso ng ibang tao. At kung sasabihin nating imposibleng mangyari, baka nakakalimutan na natin ang napakaraming kuwentong pinagdaanan natin sa Story of God’s Church sa Book of Acts.

Anu-ano ang parang imposibleng mangyari na nangyari? [Hintaying sumagot]. Nabuhay muli ang Panginoong Jesus. Nagsalita ang mga Christians noon sa iba’t ibang wika na hindi naman nila pa pinag-aralan. Nakalakad, nakatakbo at nakalundag ang lumpo. Napalayas ang mga masasamang espiritu. Nabago ang buhay ng mga tagasunod ni Jesus – sa relasyon nila sa Diyos, sa relasyon sa isa’t isa, pati sa relasyon sa mga taong umaaway sa kanila.

Bakit nangyari ang mga ito? Tulad ng sa tanong ni Pedro noon kay Jesus, “Sino na lang ang maliligtas (o magbabagong-puso)?”, ang sagot ay, “Imposible ito sa tao pero hindi sa Dios, dahil ang lahat ay posible sa Dios” (Mark 10:26-27 ASD). Posible kahit na sobrang grabe na ang kalagayan ng puso ng tao? Kung hirap pa rin tayong maniwala doon, pakinggan n’yo ang kuwentong ito, kung paanong binago ng Diyos ang puso ng isang taong ang pangalan ay Saulo, na mas kilala natin sa pangalang Pablo. This is true radical heart transformation.

The Story of Saul’s Conversion

Pakinggan n’yo kung ano ang nangyari sa Acts 8:1-3; 9:1-31:

Si Saulo, isang pinuno ng relihiyon ng mga Judio, ang siyang pumayag sa pagpatay kay Esteban. Habang ang mga tagasunod ni Jesus ay kung saan-saan nakakarating para ipamalita ang tungkol kay Jesus, ito namang si Pablo ay kung saan-saan din nagpupupunta para subukang wasakin ang iglesia.

Patuloy ang pagbabanta niya sa buhay ng mga tagasunod ni Jesus. Pinuntahan pa niya ang punong pari para humingi ng mga sulat bilang katibayan na binibigyan siya ng kapangyarihang hulihin ang sinumang sumusunod kay Jesus.

Nang malapit na siya sa lungsod ng Damascus, bigla siyang napalibutan ng nakakasilaw na liwanag mula sa langit. Natumba siya at may narinig siyang boses na nagsasabi, “Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig?” Sumagot si Saulo, “Sino po ba kayo?” Sinagot naman siya, “Ako si Jesus na iyong inuusig. Tumayo ka at pumunta sa lungsod, at doon ay may magsasabi sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.”

Natahimik lang ang mga kasama ni Saulo dahil nakarinig lang sila ng boses, pero wala silang nakita. Nang tumayo si Saulo, napansin niyang hindi na siya makakita. Kaya inakay siya ng mga kasama niya hanggang sa Damascus. Tatlong araw siyang hindi nakakita.

Sa lungsod na iyon, nagpakita si Jesus kay Ananias, isa sa mga tagasunod niya. Sinabi sa kanya ni Jesus sa isang pangitain, “Puntahan mo si Saulo. Nananalangin siya sa akin ngayon. At pinakita ko sa kanya sa isang pangitain na pupunta ka sa kanya at ipapatong mo ang kamay mo sa kanya para muli siyang makakita.”

Pero sumagot si Ananias, “Panginoon naman, marami po akong nabalitaan tungkol sa kalupitan ng taong iyon sa mga kapatid ko sa Jerusalem.”

Pero sinabi ng Panginoon, “Lumakad ka na at gawin ang pinapagawa ko, dahil pinili ko siyang maglingkod sa akin, para ipakilala niya ako hindi lang sa mga Judio, kundi pati sa mga hindi Judio at sa mga hari nila.”

Kaya pinuntahan ni Ananias si Saulo. Ipinatong niya ang kamay niya kay Saulo at sinabi, “Kapatid na Saulo, pinapunta ako rito ng Panginoong Jesus para muli kang makakita at mapuspos ng Banal na Espiritu.”

Pagkatapos noon, biglang nakakita ulit si Saulo. Tumayo siya at nagpabautismo.

Ilang araw siyang nanatili roon kasama ang iba pang kapatid sa Panginoon. Pumunta siya sa mga bahay-sambahan ng mga Judio at nangaral, “Si Jesus nga ang Anak ng Diyos!” Nagtaka ang mga nakarinig sa kanya at sinabi, “Hindi ba’t ito ang taong umuusig sa mga tagasunod ni Jesus sa Jerusalem?”

Lalong humusay si Pablo sa pangangaral. Pinatunayan niya sa kanila na si Jesus nga ang Ipinangakong Tagapagligtas. Paglipas ng ilang araw, nagplano ang mga pinunong Judio para patayin siya. Pero may nakapagsabi sa kanya ng plano nila, kaya isang gabi, isinakay siya ng ilang mga kapatid sa isang malaking basket at ibinaba sa labas ng pader ng lungsod.

Pagdating niya sa Jerusalem, gusto niya sanang makisalamuha sa mga tagasunod ni Jesus doon, pero takot sila sa kanya. Akala nila ay nagpapanggap lang si Saulo na isa na sa kanila. Pero isinama siya ni Bernabe at dinala sa mga apostol. Ikinuwento ni Bernabe sa kanila kung paanong nagpakita ang Panginoon kay Saulo. Ikinuwento din niya kung paanong buong tapang siyang nangaral tungkol sa Panginoon tulad din ng iniutos sa kanya.

Pagkatapos siyang tanggapin ng mga apostol, patuloy siyang matapang na nangaral tungkol kay Jesus. Ilang mga lalaking nakadebate niya ang nagplanong patayin siya. Nang malaman ito ng ilan, pinauwi muna nila si Saulo sa Tarsus, sa bayang kinalakhan niya.

Pagkatapos noon, naging matiwasay ang pamumuhay ng iglesia sa buong Judea, sa Galilea at sa Samaria. Lalo pa silang dumami nang nagpatuloy na lumakas ang kanilang pananamapalataya, namuhay na may takot sa Panginoon, at pinalakas ng Banal na Espiritu.

Radical Life Transformation

Obviously, napakalaking pagbabago ang makikita natin sa buhay ni Saulo (o Pablo later on). Kung titingnan natin ang relasyon n’ya sa mga Christians, malaki ang pagbabago. From zealous murderer to faithful brother. Siya ang pumayag para patayin si Stephen. Siya ang nagpapadampot sa mga tagasunod ni Jesus – lalaki man o babae – para ikulong sila. Ang life mission statement n’ya ay ganito: “I will destroy the church!” Kaya lahat ng dapat niyang gawin para mabura sa mundo lahat ng tagasunod ni Jesus gagawin niya. Siya na rin ang nagsabi, “Inusig at nilait ko ang mga sumasampalataya sa kanya” (1 Timothy 1:13 ASD). “Inusig ko ang iglesia ng Dios” (1 Cor. 15:9; pati Phil. 3:6).

Pero nagbago iyon. Hindi na niya sisirain ang pamilya ng Diyos dahil isa na siya sa kabilang sa pamilya ng Diyos. Ang mga members ng church ay itinuturing na niyang mga kapatid kay Cristo. Kahit pa ang ilan ay medyo naiilang at natatakot sa kanya noong una kasi pinagdududahan kung tunay ang pagbabagong nangyari sa kanya. Pero pinakita niyang kahit maging sarili niyang buhay ibibigay niya para sa kapakanan ng iglesia. Siya mismo ay inusig. At sa mga susunod na kuwento makikita nating, ikukulong siya at mapapatay dahil sa pagmamahal niya sa iglesia. Sa halip na wasakin ang iglesia, ang mission statement na niya ay gawin ang lahat ng magagawa niya para maitaguyod ito at maiharap na ganap kay Cristo (Col. 1:28). Devotion to the church. That’s radical transformation.

Kung sa relasyon naman sa mga taong hindi niya kalahi, ito ang malaking pagbabago: from being a proud Jew to being a gospel preacher to the Gentiles. Sabi niya, “Ako’y tinuli noong walong araw pa lamang ako (sign of the covenant with Abraham). Ako’y isang Israelita mula sa lahi ni Benjamin. Kaya kung pagiging tunay na Judio ang pag-uusapan, talagang tunay akong Judio” (Phil. 3:5).  Pero ang kanyang pagmamalaki sa sarili niyang lahi ay binago ng Panginoon nang gawin siyang mangangaral para sa mga hindi Judio. Dati wala siyang pakialam sa kanila, pero ngayon ang ambisyon niya ay ito: “through [Jesus] we have received grace and apostleship to bring about the obedience of faith for the sake of his name among all the nations” (Romans 1:5). Compassion and passion for the nations. That’s radical transformation.

Kung sa relasyon naman sa Panginoong Jesus ito ang malaking pagbabago, from Jesus-hater to Jesus-lover. Sabi niya sa 1 Timothy 1:13, “Nilapastangan ko siya (si Jesus!) noong una” (ASD). Kasi hindi siya naniniwalang si Jesus ang Messiah, ang ipinangakong tagapagligtas. Para sa kanya, impostor lang si Jesus. He hates this Jesus. That’s why he hates his followers. Pero nagbago iyon. Pagtayo niya sa bahay sambahan ng mga Judio ang sabi niya, “Jesus is the Son of God” (Acts 9:10). Dati nilalapastangan niya ang Diyos mismo dahil si Jesus ay Diyos na nagkatawang tao. Ngayon, sabik niyang sinasabi sa iba, “Ito ang tunay na tagapagligtas at Panginoon. Maniwala kayo sa kanya.” That’s devotion to Jesus. That’s radical transformation.

Kung titingnan naman natin ang pagtingin ni Pablo sa sarili niya, napakalaki din ng pinagbago, from trusting in his self-righteousness to trusting in Jesus-righteousness. Noong una naman kasi, hindi naman tinitingnan ni Pablo o ng mga kababayan niya na masamang tao siya. Katunayan ang ginagawa niyang pag-uusig sa iglesia, para sa kanila, ay pagsunod sa Diyos. At iyon ang pinakananais ni Pablo, ang makasunod sa mga utos ng Diyos. Kaya sabi niya, “At kung pagsunod sa Kautusan ng mga Judio naman ang pag-uusapan, talagang sinunod ko ito dahil dati akong Pariseo. Kung tungkol naman sa sigasig ng pagsunod ko sa relihiyon ng mga Judio, inusig ko ang iglesya. Walang maipipintas sa akin pagdating sa pagsunod sa Kautusan” (Phil. 3:5-6). Para sa kanya “blameless” siya. He was trusting in his own righteousness. Pero nagbago iyon. Sabi niya sa verse 9, “Hindi na ako nagtitiwala na maging matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan kundi sa pananampalataya kay Cristo. Ang pagiging matuwid ko ay kaloob sa akin ng Dios nang sumampalataya ako kay Cristo.”

Ang nangyari kay Paul ay radical transformation. Heart transformation ang pinag-uusapan natin dito. Hindi lang behavior modification. Kaya kung meron man ditong sa tingin n’yo ay relihiyoso kayo, mabait na, hindi naman masama ang ugali, pino kung kumilos, wala akong pakialam kung ganoon kayo. Hindi iyon ang isyu. Hindi n’yo puwedeng sabihing, “Hindi ko kailangan ang ganyang radical transformation, hindi naman ako kasing grabe ni Pablo noon.” Well, have you looked at your heart lately? Hindi ba’t may mga ginagawa tayong mabuti at sa tingin natin ay para sa Diyos o para sa kapwa natin pero ginagawa natin para maitaas ang sarili natin? We all have heart issues. Kailangan nating lahat ng heart transformation. At para mangyari ito, talaga namang major heart surgery ang kailangan. This is the essence of the New Covenant, kung saan ipinangako ng Diyos, “I will give you a new heart.”

Because of Jesus

Paano nagbago ang puso ni Pablo? Because of Jesus, because he met Jesus. Ganito ang naexperience ni Pablo nang makatagpo niya ang Panginoong Jesus sa daan papunta sa Damascus.

Radical Mercy. “But I received mercy…” (2x in 1 Tim. 1:13, 16). Kung tayo ang huhusga sa sitwasyon, sino ang mas nakakaawa ang kalagayan? Ang mga taong ipinapakulong ni Saulo o siya na nagpapakulong? Natural, iisipin natin mas kaawa-awa ang mga Cristianong nagdurusa sa kulungan at ang iba ay ipinapapatay. Pero naranasan ni Pablo ang kabutihan ni Cristo, na tumingin sa kanya at naawa dahil si Pablo ang mas kahabag-habag ang kalagayan dahil hiwalay siya sa tunay na buhay na nakay Cristo. Hindi sinabi ni Jesus sa kanya, “Tumigil ka na, awang-awa na ako sa aking iglesya na hirap na hirap na.” Parang ang sabi niya, “Tumigil ka na, awang-awa na ako sa iyo.”

Radical Grace. Dahil sa ginagawa ni Saulo sa iglesia, ang karapat-dapat na hatol sa kanya ay parusahan ng Diyos. Pero hindi iyon ang naranasan niya kundi grace, God’s goodness to those who don’t deserve it. Sabi pa niya, “And the grace of our Lord overflowed for me with the faith and love that are in Christ Jesus” (1 Tim. 1:14). “By the grace of God I am what I am” (1 Cor. 15:10). “To me, though I am the very least (lit., “less than the least”) of all the saints, this grace was given” (Eph. 3:8). Hindi sinabi sa kanya ni Jesus na may hawak na espada, “Heto ang para sa iyo!” Parang nakaunat ang kamay ni Jesus na gustung-gusto na siyang yakapin at ilapit sa kanya, although Paul deserves the opposite.

Radical Patience. “But I received mercy for this reason, that in me, as the foremost, Jesus Christ might display his perfect patience as an example to those who were to believe in him for eternal life” (1 Tim. 1:16). Hindi niya sinabi kay Pablo, “Tama na! Inuubos mo ang pasensiya ko. Hindi ko na palalagpasin ang ginagawa mong kasamaan.” Kundi isang malumanay at mahinahon na, “Saul, Saul, why are you persecuting me?” Hindi lang ito isang tanong na sinasabi ni Jesus, “Paki-explain please.” Hindi ganoon. Kundi isang invitation na isuko na ang sarili niya, lumapit kay Jesus, sumunod sa kanya, maglingkod sa kanya.

Hindi lang naman si Pablo ang nakaexperience nito. Lahat tayong naranasan at nararanasan ang radical transformation sa atin. We are transformed into the image of Jesus as we behold the glory of the Lord (2 Cor. 3:18) – his radical mercy, his radical grace, his radical patience. Kaya napapakanta si Pablo, “To the King of ages, immortal, invisible, the only God, be honor and glory forever and ever. Amen” (1 Tim. 1:17).

Through the Church

Hindi man magpakita sa atin si Jesus nang mukhaan tulad ng kay Pablo, bagamat may mga nababalitaan tayo sa ibang mission fields na nagpapakita si Jesus sa pamamagitan ng panaginip, pero may instrumentong ginagamit ang Panginoon para sa ganitong klaseng radical transformation. And I am talking about the church, na hinuhubog ng Panginoon para maging kawangis niya. In his image. Ibig sabihin, kung paano si Jesus humarap sa mga taong tulad ni Pablo, ganoon din dapat ang ipakita nating mercy, grace and patience. Bakit nga hindi? Pansinin n’yo ang mga salitang ginamit sa Acts 9 na tumutukoy sa iglesya o sa Christians.

The disciples of the Lord” (9:1). Kapag sinabing disciples, Jesus will show you the way to live and you will follow his lead. Ganyan ang mga members ng church. Nagpakita din si Jesus kay Ananias, isa sa mga disciples (hindi ito ang Ananias na asawa ni Sapphira sa Acts 5, patay na iyon). Sabi ni Jesus sa kanya, “Puntahan mo si Saulo, para patungan ng kamay, para makakita at mapuspos ng Espiritu.” “Wait lang, Lord. Sure ba kayo diyan? Si Saulo ba kamo? Hindi ba kayo nagkakamali?” Hindi naman ganoon ang sinabi niya, pero parang ganoon din ang idea. Siyempre hesitant siya, kahit sino sigurong Christian. Lalo na kung isa sa kamag-anak o kaibigan mo ang pinakulong o pinapatay niya. Pero sabi sa kanya ni Jesus, “Kung ano ang sinabi ko, iyon ang gawin mo.” Sumunod si Ananias. And that’s what a disciple of Jesus does. Follow his Lord.

“Belonging to the Way” (9:2). Ito ang first time na ginamit ang “The Way” para tukuyin ang Christianity o ang Christian church. Ilang beses pa itong ginamit sa Acts. Pero dito, nagpapaalala ito siguro sa atin ng sinabi ni Jesus, “I am the way, the truth and the life. No one comes to the Father except through me” (John 14:6). Bilang mga Christians, ang tungkulin natin ay ituro sa mga tao kung saan ang daan, ang nag-iisang daan para maligtas at para makapamuhay nang ayon sa kalooban ng Diyos. We point everyone to Jesus, the Way.

In union with Christ: “Why are you persecuting me?” (9:4). Pansinin n’yo ang tanong ni Jesus kay Saulo. Hindi, “Why are you persecuting my church?” Kasi para sa kanya, kung anong ginagawa ni Saulo laban sa iglesya, kay Cristo niya ginagawa. Nagpapakita ito ng napakagandang relasyon natin sa Panginoong Jesus. We are in Christ, united with Christ. Parang mag-asawa na hindi mo mapaghihiwalay. Kaya naman posible ang radical transformation sa atin, because of our union with Christ. Kaya posible din tayong maging agents of transformation para sa ibang tao, dahil kay Cristo na nasa atin.

“Jesus’ saints” (9:10). Kapag sinabing “saint” hindi ito tulad ng idea natin ngayon na mga ginawang santo at santa ng Romano Katoliko tulad ni Pedro Calungsod. Sa New Testament, ang “saint” ay tumutukoy sa lahat ng Christian. Ang basic idea nito ay iyong pinabanal o ibinukod mula sa kasalanan at likong pamumuhay tungo sa kabanalan at pagsunod sa Diyos. Ibig sabihin, ang puso natin, ang lifestyle natin, ang treatment natin sa ibang tao ay iba sa mundong ito. Pansinin n’yo kung ano ang tawag ni Ananias kay Saulo, “Brother Saul…” (9:17). If Jesus was not ashamed to call us “brothers” (Heb. 2:11), ganoon din ang pinakita ni Ananias. Noong natatakot ang mga believers sa tangka ni Saulo na makisalamuha sa kanila, ano ang ginawa ni Barnabas? Hindi ba’t ikinuwento sa kanila kung ano ang ginawa ni Jesus sa buhay ni Saulo? Tamang-tama sa ibig sabihin ng pangalan niya na nakita natin sa Acts 4, “son of encouragement.” Bakit ganito sila kay Saulo? Kasi naman, the church is…

Bearing “the name” of Jesus (3x in 9:14-16). Sa verse 14, ang tawag sa mga Christians, those who “call on his name.” Si Pablo, ano ang magiging calling niya? “To carry his name” (v. 15) sa mga Gentiles at “to suffer for his name’s sake” (v. 16). Ang iglesya – bawat isa sa atin – ay nagiging instrumento ng Diyos para sa radical transformation ng mga tao sa paligid natin kung sa bawat salita natin, bawat gawa natin, dala-dala natin ang pangalan ng Panginoong Jesus.

Telling a Radical Story

Kung dala-dala natin ang pangalan ng kaisa-isang pwedeng bumago sa buhay ng mga tao, siyempre ikukuwento natin ito sa iba. Si Pablo tumahimik ba siya? Hindi! Kahit sa harap ng mga hari at mga pinuno at mga kaaway niya ikinuwento niya kung ano ang ginawa sa kanya ng Panginoon (see Acts 22; 26). Ang pangarap niya sa buhay ay matapos ang ministeryo ipinagkatiwala sa kanya – “to testify to the gospel of God’s grace” (Acts 20:24). Si Barnabas, hindi ba’t ikinuwento din niya sa mga apostol ang ginawa ni Jesus para kay Saulo? Ang mga members ng church noon, sa tingin n’yo ba’y hindi nila ito pinagkukuwentuhan din? Sa tingin n’yo ba’y hindi nila ikinalat ang balitang ito sa mga taong hindi pa naniniwala kay Cristo? Hindi ba’t nagbigay ito ng kumpiyansa sa kanila na patuloy na ibahagi si Cristo sa iba?

Ano ang naging epekto sa church nitong kuwento ng radical transformation na nangyari kay Pablo? Makikita natin sa dulo ng kuwento ngayon, sa verse 31, na sa halip na kaguluhan ang mangyari sa church nagkaroon ng kapayapaan, sa halip na mawasak ang iglesya lalo pang tumibay, sa halip na sa tao sila matakot sa Diyos sila patuloy na sumamba, at sa halip na matalo sila ng pag-atake ng Kaaway naranasan nila ang pagkilos ng Banal na Espiritu, at sa halip na kumonti ang bilang nila, lalo pang dumami at marami ang nakakilala kay Cristo.At hindi ba’t ganito din ang mararanasan ng church natin kung ikinukuwento din natin sa iba kung paano tayo binago at patuloy pang binabago ng Panginoon?

Radical transformation is possible (and certain) because of the radical grace of Jesus at work through the Spirit and the Church. Dahil diyan, huwag tayong magsasawang ikuwento ang pagbabagong ginawa at ginagawa ng Panginoon sa buhay natin. Sa ilan sa inyo na talaga namang kitang-kita ang karumihan at kaguluhan ng buhay n’yo noon, obvious ang pagbabagong ginawa sa inyo ng Panginoon. Pero sa mga katulad ko na lumaki na sa church, sa isip-isip siguro natin, “Ano naman ang ikukuwento ko sa kanila, e hindi naman ako lasenggo noon, hindi naman ako mabisyo, hindi naman ako nag-adik?” Tandaan natin heart transformation ang pinag-uusapan dito. Laking simbahan ka man, pero kung dati’y hiwalay ka kay Cristo, masasabi natin sa iba, “Patay dati ang puso ko, ngayon buhay na buhay dahil kay Cristo. Ang tiwala ko dati sa sarili ko, ngayon kay Cristo na. Walang kuwenta ang buhay ko noon, ngayon maikukuwento ko na sa iba dahil kay Cristo.”

Posible dahil kay Cristo. Iba na ngayon ang sasabihin at iisipin mo, “Posibleng magbago ako dahil kay Cristo!”; “Posibleng magbago ang taong iyan dahil kay Cristo!”; “Posibleng gamitin akong instrumento ng Diyos para sa mga kamag-anak at kaibigan ko dahil kay Cristo.” Panahon na, mga kapatid kay Cristo, para tanggalin ang salitang “imposible” sa bokabularyo nating mga Cristiano.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.