March 17, 2013 | By Derick Parfan | Scripture: Acts 10:1 – 11:18
Listen now…
Download sermon audio
An Ear Problem
Meron tayong lahat na sakit sa tenga. Anong ibig kong sabihin? We have a problem listening to God. We have a problem hearing God’s voice. Naniniwala ako na kinakausap tayo ng Diyos sa iba’t ibang paraan. Pero maraming tao ang hindi nakikinig, nagbibingi-bingihan, para bang walang naririnig. Marami tayong boses na naririnig araw-araw. Balita sa TV. Tsismis ng kapitbahay. Sermon ni Nanay. Paulit-ulit na bilin ni misis. Buhay-buhay ng ibang tao na nasa Facebook. Pero hindi ba’t ang first priority natin bilang mga Cristiano – mga anak ng Diyos, mga tagasunod ni Jesus – ay makinig sa sinasabi ng Diyos?
Kelan mo huling narinig na nagsalita sa iyo ang Diyos nang malinaw na malinaw? Bago ka gumawa ng desisyon – tungkol sa trabaho, sa pera, o sa pamilya – naging basehan ba ng desisyon mo ang sinasabi ng Diyos o ang sarili mo lang gusto o pangarap sa buhay? Yes, we have a problem listening to God. Akala natin noon lang nagsasalita ang Diyos. Kay Moises sa burning bush. Kay Daniel sa panaginip. Kay Maria sa pamamagitan ng isang anghel. Akala natin noon lang iyon, ngayon hindi na.
Sa iba naman na naririnig pa ang sinasabi ng Diyos, meron pang isang problema. We also have a problem responding to God’s voice. Malinaw ang instruction niya na nakasulat sa Bibliya. Malinaw ang plano niya sa buong mundo na gusto niyang makibahagi ka doon. Alam mo iyon. Hindi mo maikakaila iyon. Pero you’re not responding kung ano ang sinasabi niya. Hindi lang tenga ang problema natin. We have a problem of the will. Alam na natin kung ano ang gusto ng Diyos pinipili pa natin ang sa sariling gusto natin. Madali naman para sa lahat sa atin sumunod sa Diyos – basta ang gusto niya ay gusto din natin. Pero ibang usapan na kung ang pinapagawa niya ay ayaw na natin o hindi kumportable sa atin.
Isang bagay na matututunan natin sa Book of Acts, sa buhay ng unang iglesia ay itong pattern ng listening to God and responding to God. Sa chapter 1, sinabi ni Jesus sa kanila na maghintay sila na dumating ang Espiritu. Narinig nila iyon, kaya naghintay nga sila. Sinabi din ni Jesus na sila ang magiging mga saksi niya, ganoon nga ang ginawa nila sa mga sumunod na chapters ng Acts. Sa Acts 2, sinabi ni Pedro sa sermon niya na nakasulat sa Old Testament, sa book of Joel, na lahat ng tatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas. Narinig nilang iyon ang sabi ng Diyos, kaya ginawa nila ay inanyayahan ang mga taong tumawag sa pangalan ni Jesus.
Sa chapter 4, pagkatapos ng prayer meeting nila, nayanig ang lugar na pinagtitipunan nila. Narinig nilang para bang sinasabi ng Diyos, “Nandito ako. Ako ang bahala.” So ang response nila, naging mas matapang pa silang mangaral sa kabila ng mga pagbabanta ng mga kaaway nila. Sa chapter 5, habang nakakulong ang mga apostol, nagpadala ang Diyos ng anghel para iligtas sila at sinabihan silang mangaral ulit. Narinig nila ang sinabi ng Diyos sumunod sila. Sa chapter 8, sinabi ng Espirtu kay Philip na puntahan ang isang eunukong taga-Ethiopia. Pinaliwanag naman ni Philip sa kanya ang sinasabi ng Bibliya tungkol kay Jesus. Sa chapter 9, kinausap ni Jesus si Saulo at si Ananias. Nakinig sila at sumunod sa sinasabi niya.
God speaks. We listen to him. We respond in obedience. Iyon ang pattern. Simple lang ang Christian life. Ganoon ang pattern. Ngayon tingnan natin kung paano natin makikita ang ganitong pattern sa isa sa pangyayari sa buhay ni Pedro.
The Vision of Peter and Cornelius
Pakinggan n’yo kung ano ang nangyari sa Acts 10:1-23:
Habang inihahanda ng Diyos si Pablo na dalhin ang Mabuting Balita tungkol kay Jesus sa mga hindi Judio, inihahanda rin niya ang mga taong ito para sumampalataya kay Jesus at matanggap ang kanyang Espiritu.
Merong isang lalaking ang pangalan ay Cornelius. Isa siyang kapitan ng batalyon ng mga sundalong Romano. Hindi man siya isang Judio, siya at ang kanyang pamilya ay may takot sa Diyos. Tumutulong siya sa mga Judio at palagi siyang nananalangin sa Diyos.
Isang hapon, may nagpakita sa kanya na isang anghel ng Diyos. Tinawag siya nito at sinabi, “Cornelius!” Tumitig siya at takot na takot na sinabi, “Ano po iyon?” Sumagot ang anghel, “Pinakinggan ng Diyos ang mga panalangin mo at natutuwa siya sa pagtulong mo sa mga mahihirap. Ngayon, magpadala ka ng mga tao mo at hanapin ang isang lalaking ang pangalan ay Pedro. Nasa ibang lungsod siya at nasa isang bahay na nasa tabi ng dagat. Ipasabi mo sa kanyang puntahan ka at bisitahin.” Pag-alis ng anghel, agad niyang ginawa ang sinabi nito.
Kinabukasan, habang ang mga tauhang ipinadala ni Cornelius ay papalapit na sa lungsod, umakyat si Pedro sa bubungan ng bahay para manalangin. Tanghaling tapat noon, kaya gutom na siya. Habang hinihintay niya ang tanghalian, may ipinakita ang Diyos sa kanya. Nakita niyang bumukas ang kalangitan at parang may bumababang malapad na kumot na may dala-dalang iba’t ibang uri ng mga hayop – mga hayop na ipinagbabawal sa kanilang kanin. Pagkatapos noon, narinig ni Pedro ang salitang nagsabi sa kanya, “Pedro, tumayo ka! Katayin mo ang mga ito at kainin.”
Sumagot si Pedro, “Panginoon, hindi ko magagawa iyan dahil hindi po talaga ako kumakain ng mga hayop na itinuturing na marumi at ipinagbabawal kainin.”
Sabi ng Diyos, “Huwag mong ituring na marumi ang anumang bagay na nilinis na ng Diyos.” Tatlong ulit itong nangyari, at pagkatapos, hinila agad iyon pataas.
Naguluhan si Pedro. At habang iniisip pa niya kung ano ang ibig sabihin nito, dumating na ang mga tauhan ni Cornelius. Sinabi sa kanya ng Espiritu, “May mga taong naghahanap sa iyo. Bumaba ka na at sumama sa kanila. Huwag kang mag-alinlangan, dahil ako ang nag-utos sa kanila.”
Kaya bumaba si Pedro at hinarap ang mga bisita niya.
Listening to God’s Voice
Obvious sa kuwentong ito na nagsasalita ang Diyos. Ang tanong, kanino siya nagsasalita? Nagsasalita ang Diyos sa lahat ng uri tao. Malinaw dito na walang itinatangi ang Diyos. Naintindihan din ito ni Pedro, “Truly I understand that God shows no partiality” (10:34).
Mataas man o mababa ang social standing ng isang tao, kinakausap siya ng Diyos. Si Cornelius ay isang high ranking military officer. Kinausap siya ng Diyos. Si Pedro, maaaring ang turing sa kaniya ay mababa ang social status dahil isang fisherman dati. Pero kinakausap siya ng Diyos. This is part of God’s new covenant promise na binanggit din ni Pedro sa Acts 2, galing kay Prophet Joel, “And in the last days it shall be, God declares, that I will pour out my Spirit on all flesh, and your sons and your daughters shall prophesy, and your young men shall see visions, and your old men shall dream dreams; even on my male servants and female servants in those days I will pour out my Spirit, and they shall prophesy” (2:17-18). Hindi mo na puwedeng sabihing, “Hindi makikipag-usap sa akin ang Diyos.”
Maging Judio man o hindi Judio, kinakausap ng Diyos. Obviously, dahil chosen nation ang Israel, ang mga Judio ay kinakausap ng Diyos mula pa sa Old Testament. Pero ang point ng story ngayon ay para ipakita na ang mensahe ng Diyos ay bukas sa lahat ng tao, kahit ang mga hindi Judiong tulad ni Cornelius at ng kanyang pamilya. Ito ang gustong ituro ng Diyos kay Pedro. Kaya nga nakakita siya ng isang vision na may kumot na maraming pagkain. Para sa mga Judio, marumi iyon. Pero nilinis na ng Diyos. Hindi diet ang pinag-uusapan, kundi ang pakikisalamuha sa mga hindi Judio. Pati sila ay dapat ding makapakinig ng mensahe ng Diyos.
Sa mananampalataya man o hindi, nakikipag-usap ang Diyos. Si Cornelius ay hindi pa ligtas sa simula ng kuwento. Bagamat ipinakilala siya bilang isang taong may takot sa Diyos, nananalangin, at nagbibigay ng tulong sa mga mahihirap (10:2), at para bang ganoon din naman ang mga ligtas na, pero hindi ibig sabihin noong meron na siyang matuwid na relasyon sa Diyos. Malinaw sa kuwento ni Pedro sa mga believers sa Jerusalem na nagpakita ang Diyos kay Cornelius para ipasundo si Pedro dahil, “Sasabihin niya sa iyo kung paano ka maliligtas at ang iyong buong pamilya” (11:14). At sa mensahe ni Pedro sa bahay ni Cornelius, sinabi niya tungkol kay Jesus, “To him all the prophets bear witness that everyone who believes in him receives forgiveness of sins through his name” (10:43).
Kung wala pa ang Espiritu kay Cornelius at hindi pa siya ligtas, bakit nakipag-usap sa kanya ang Diyos?
Sa mga hindi pa Cristiano, nakikipag-usap ang Diyos to prepare their hearts to receive the message. Naalala n’yo ang parable of the soils ng Panginoon? Merong apat na klase ng lupa, at ang isa ay handang-handa sa pagtanggap ng mensahe ng kaligtasan kaya namunga. Hindi ba’t noong kausapin ni Pedro sina Cornelius, handang-handa na! Tinanong siya ni Pedro kung bakit siya ipinatawag. Heto ang sagot, “So I sent for you at once, and you have been kind enough to come. Now therefore we are all here in the presence of God to hear all that you have been commanded by the Lord” (Acts 10:33). Sarap lang mag-Story of God sa mga katulad nila na handang-handa na, hindi na kailangan ng 12-Week SOG; 12-min SOG lang tumanggap na agad sa mabuting balita. Ito ang ipanalangin natin, na bago pa natin kausapin ang mga kaibigan natin, kausapin na sila ng Diyos para handang-handa sa ibabalita natin sa kanila.
At sa atin namang mga Cristiano na, bakit tayo kinakausap ng Diyos? Para iayon at tiyaking nakaayon ang puso natin sa misyon niya. Para sabihin sa atin, “Ito ang gusto kong mangyari. Gusto kong kasali ka dito.” Ganito ang ginawa niya kay Pedro. Bago ang kuwento kay Cornelius, may nauna pang nangyari. Pinagaling ni Pedro ang isang pilay na ang pangalan ay Aeneas (9:32-35). Binuhay niya ang isang patay, si Dorcas (9:36-43). Ginagawa niya ang ginawa ni Jesus noon. Pero ang mga naunang ito ay puro mga Judio, mga kababayan din niya. Kinausap siya ng Diyos para sabihing ang puso ng Diyos ay nasa mga katulad din ni Cornelius na hindi Judio. Ganoon din dapat ang maging puso ni Pedro para sa kanila. Kinakausap tayo ng Diyos para itama ang puso natin at iaayon sa puso niya.
Paano ba nagsasalita ang Diyos? Through Scripture (primarily). Kaya nga ang tawag natin sa Bibliya ay Salita ng Diyos. Dati akala ko sa Bible lang nagsasalita ang Diyos. Basahin ko lang ‘to, gawin ang sinasabi nito, iyon na iyon. Pero habang mas binabasa ko ang Bible, mas nakikita kong may iba pang paraan kung paano nagsasalita ang Diyos. Para ba mas maging buhay ang sinasabi niya, mas personal. Pero siyempre, hindi dapat sumalungat sa sinasabi ng Bible.
Through the Holy Spirit. Sabi ni Pedro sa explanation niya kung bakit siya pumunta kay Cornelius, “…the Spirit told me to go with them” (Acts 11:12). Kaya nga ibinigay sa atin ang Espiritu. Para kausapin tayo. Para sabihin sa atin ang mga bagay tungkol sa Diyos at sa layunin niya sa buhay natin. Ang Espiritu din ang nagpapaalala ng isinulat niya sa Bibliya. He’s the Author, remember?
Through visions, pictures and dreams. Ganito ang nakita ni Pedro. A vision from God. May picture din ng mga hayop sa isang malaking kumot. Ang point ay hindi tungkol sa pagkain, kundi may meaning behind the symbol. Ang point ay sabihin sa kanya ng Diyos na dapat siyang makisalamuha kahit sa mga hindi Judio.
Through angels. Kay Cornelius may ipinakita ring vision ang Diyos. At nakita niya ang isang anghel. Ang mga anghel naman kasi ay mensahero na galing sa Diyos. May mensaheng ibinigay kay Cornelius.
Through his messengers, preachers. Ang pamilya at mga kaibigan ni Cornelius ay tumanggap ng Salita ng Diyos (“received the word of God,” 11:1). Sino ang naghatid ng balita? Hindi na anghel, kundi si Pedro. Ito ang itinalagang paraan ng Diyos para kausapin ang mga tao tungkol kay Cristo – sa pamamagitan ng Church. God speaks to us; he also speaks through us.
Through the Body, the Church. Ang narinig ni Pedro mula sa Diyos ay naconfirm din ng iba pang mga believers. Hindi puwedeng si Pedro lang ang nagsasabi noon, tapos sabi ng ibang members ng church na hindi naman pala iyon ang gusto ng Diyos. Hindi ko puwedeng sabihin four years ago, “Sinasabi sa akin ng Diyos na ako ang tinatawag niyang maging pastor n’yo.” Tapos sabihin naman ng majority ng church, “Ang dinig namin sa Diyos ang sabi niya hindi ikaw ang magiging pastor namin.”
Through circumstances. Mamaya sa susunod na kuwento makikita natin kung paanong mas naconfirm ni Pedro at ng mga kapatid niya sa Jerusalem na ang misyon sa mga hindi Judio ay tunay ngang galing sa Diyos. Iba’t ibang paraan ang ginagamit ng Diyos noon para makipag-usap sa tao, lalo na sa church. Ngayon din iba’t ibang paraan. Dapat maging attentive tayo sa sinasabi niya. Hindi natin puwedeng limitahan ang paraan ng pakikipag-usap ng Diyos sa atin.
At kung narinig natin kung ano ang sinasabi niya, dapat may response tayo. Ano dapat ang response natin? Sinabi ng Diyos kay Pedro nang ipakita ang vision tungkol sa mga hayop, “Rise, Peter. Kill and eat.” Anong unang response niya, “By no means, Lord.” Tapos may mga dahilan pa siya. E sinabi na nga ng Diyos na kainin niya. Anong ironic sa response ni Peter? Tinawag niyang Lord si Jesus, tapos sinabi niyang no! Dalawang response lang sa salita ng Diyos ang pwede nating sabihin, “No” or “Yes, Lord.” Please don’t say, “No, Lord.” That doesn’t make any sense. Si Pedro kaya ano ang naging response?
The Meeting of Peter and Cornelius
Pakinggan n’yo kung ano ang nangyari sa Acts 10:23-48; 11:1-18:
Kinabukasan, sumama na si Pedro at ang ilan sa iba pang tagasunod ni Jesus sa mga tauhan ni Cornelius at nagsimulang maglakbay papunta sa lungsod na tinitirhan nito. Nakarating sila doon nang sumunod na araw. Pagdating nila Pedro, nandoon sa bahay ni Cornelius ang pamilya niya pati mga kamag-anak at mga kaibigang inimbitahan niya.
Nagsalita si Pedro, “Alam ninyong labag sa tradisyon naming pumasok sa bahay ng mga hindi Judio. Pero ipinakita sa akin ng Diyos na hindi ko dapat isiping marumi ang sinuman. Kaya pumunta ako rito. At ngayon, gusto kong malaman kung ano ang sadya n’yo sa akin.”
Ikinuwento sa kanya ni Cornelius ang mga sinabi sa kanya ng anghel. Sinabi pa niya, “Sinabi sa akin ng anghel na ipasundo kita dahil ikaw ang magsasabi kung paano ako maliligtas at ang aking buong pamilya. Kaya ngayon, naghihintay na kaming marinig kung ano ang mensahe ng Diyos sa amin.”
Sumagot si Pedro, “Kitang-kita ko na na walang pinapaboran ang Diyos. Sa anumang lahi, tinatanggap niya ang sinumang may takot sa kanya at gumagawa kung ano ang mabuti.” Sinabi pa ni Pedro sa kanila ang tungkol sa Mabuting Balita ni Jesus, kung paanong mapapatawad ang kasalanan ng lahat ng sasampalataya kay Jesus.
Habang nagsasalita pa si Pedro, dumating ang Espiritu ng Diyos at pinuspos ang lahat ng nakinig sa mensahe niya. Nagpuri silang lahat sa Diyos at nagpabautismo kaagad. Sina Pedro naman ay nanatili sa bahay ni Cornelius nang ilang araw.
Agad na nakarating sa iba pang mga apostol at mga tagasunod ni Jesus ang balitang pati mga hindi Judio ay tumanggap na sa mensahe ng Diyos. Pero pagbalik ni Pedro sa Jerusalem, mayroong ilang mga kasamahan nila ang pumuna sa kanya, at sinabi, “Pumasok ka sa bahay ng mga hindi Judio at kumain ka pang kasama nila!”
Ikinuwento naman ni Pedro sa kanila ang lahat ng nangyari. Sabi niya, “Kung ganoon ang gustong mangyari ng Diyos, sino ba naman ako para hadlangan siya?” Nang marinig nila ang paliwanag ni Pedro, hindi na sila sumalungat pa at nagsimula silang magpuri sa Diyos. Sabi nila, “Kung ganoon, ibinigay din ng Diyos sa mga hindi Judio ang tunay na pagsisisi para makatanggap din sila ng buhay na walang hanggan.”
Responding to God’s Voice
Kapag Diyos na ang nagsasalita, wala nang ibang tamang response maliban sa pagtitiwala at pagsunod sa kanya. Sabi ni Leanne Payne, “To listen to God is to obey him.” Hindi ka talaga nakinig sa kanya kung hindi mo sinunod kung ano ang gusto niya. Tandaan natin sa pakikinig sa Diyos kung sino siya. He is God; we are not. He is our Father; we are his children. He is Lord; we are not. So, what does it mean to follow him in obedience? Paano natin ito nakita sa story ngayon?
Following God’s way, not opposing God. Noong unang narinig niya ang sinasabi ni Lord, ayaw niyang sumunod. Pero sinabi sa kanya na pwede niya nang kainin ang nilinis na ng Panginoon. Ganoon din naman ang turo ni Jesus sa kanila noon sa Mark 7:18-22 (“He declared all foods clean.”). Pero hindi diet ang concern ng Panginoon dito, kundi relasyon sa mga Gentiles na itinuturing ng mga Judio na marumi, kaya hindi sila nakikihalubilo sa kanila. Pero nilinaw ng Diyos, kaya tatlong beses inulit ang vision, para “ma-gets” na ni Pedro. Natutunan na rin sa wakas ni Pedro na hindi pwedeng ang gusto niya ang masunod. Naalala n’yo dati nang sabihin ni Jesus na papatayin siya, sabi ni Pedro, “Hindi mangyayari iyan Panginoon.” Nang sabihin din ni Jesus na lahat sila ay iiwan siya nang panahong iyon at idedeny siya ni Pedro, sabi ni Pedro na hinding-hindi niya iiwan ang Panginoon. Nang huhugasan ni Jesus ang paa ni Pedro, sabi ni Pedro na hindi dapat si Jesus maghugas sa paa niya. He was frequently found opposing God’s will.
Pero ngayon naintindihan na niya. Kaya sabi niya pagharap kina Cornelius. “Truly I understand that God shows no partiality, but in every nation anyone who fears him and does what is right is acceptable to him” (10:34-35). Kaya sinunod niya ang ipinapagawa ng Panginoon. Sabi niya sa mga disciples sa Jerusalem, “If then God gave the same gift to them as he gave to us when we believed in the Lord Jesus Christ, who was I that I could stand in God’s way?” When they heard these things they fell silent. And they glorified God, saying, “Then to the Gentiles also God has granted repentance that leads to life” (11:17-18)
Kung ang plano pala ng Diyos ay maligtas ang lahat ng lahi at maraming pang tulad ng sa Cambodia na hindi pa nakakakilala kay Jesus. Susunod tayo sa ipinapagawa niya. Kung malinaw na ito ang sinasabi niya sa atin, to do nothing in response is not just to do nothing, but to oppose his will. Kung malinaw din sa kuwentong ito na ang concern ng Diyos ay hindi lang maligtas ang isang tao kundi pati ang buong pamilya niya at mga kaibigan, kung hindi natin ikukuwento ang Story of God sa pamilya natin at tuturuan ang mga nandito na na ikuwento naman ito sa iba, we are opposing God’s way. We listen and we follow his way, not our way.
Without hesitation or objection. Sinabi ng Espiritu kay Pedro nang may dumating na mga lalaking galing kay Cornelius sa bahay niya, “Rise and go down and accompany them without hesitation, for I have sent them” (10:19-20). Without hesitation. Wala nang excuses. Wala nang patumpik-tumpik pa. Sunod agad. Hindi na nag-atubili pa si Pedro, sumama na siya. At pagpunta kay Cornelius, sabi niya, , “You yourselves know how unlawful it is for a Jew to associate with or to visit anyone of another nation, but God has shown me that I should not call any person common or unclean. So when I was sent for, I came without objection.” (10:28-29). Kapag ang Diyos na ang nagsalita, wala nang objection, walang negotiation, kahit pa against sa traditional way of doing things.
Even if it goes against tradition. Nang sabihin niyang “unlawful” hindi ibig sabihing labag sa Kautusan ng Diyos, kundi sa tradisyonal na pagkaintindi nila sa Kautusan. E mali naman pagkaintindi nila. Hindi naman sinabing bawal pumasok sa bahay ng mga hindi Judio. Hindi pa rin madali para sa kanya ang pinapagawa ng Diyos, kasi counter-cultural. Hindi naman tayo sa tao makikinig, di ba? We must obey God rather than men or our tradition. Kapag ginawa natin iyon, may mga kokontra. Pero hindi bale, susunod pa rin tayo.
Even if there will be opposition. Pagkabalita ng mga ilang believers sa Jerusalem, nacriticize siya ng mga taong ang paniwala ay dapat pa ring tuliin ang mga hindi Judio para maging lubos ang kanilang membership sa church (11:1-3). Hindi lang mga non-Christians ang pwedeng kumontra sa atin, pati mga Christians din. Kasi minsan may sasabihin sa atin ang Diyos na gawin natin, pero hindi comfortable para sa ibang Christians. Pero ano naman kung may kumalaban sa atin, alam naman natin kung sino ang kakampi natin, alam naman natin kung sino talaga ang Boss natin.
Not Tasks, But Relationship
Ang pakikinig sa sinasabi ng Diyos ay huwag n’yong isiping parang ginagawa tayong utusan ng Diyos. Alam kong ang iba sa atin allergic sa ganoon lalo na kapag ang experience ninyo ay sobrang kulit ng nanay ninyo, utus nang utos sa inyo. Pero our listening to God is not about tasks or duties we must perform but about relationship. Iyon ang gusto ng Diyos – intimate relationship with us, to draw us closer to him. Hindi ba’t ganoon ang naexperience nila Cornelius. They were “baptized in the name of Jesus” (10:48). Ibig sabihin, pinakita nila ang relasyon nila kay Jesus bilang siyang nagpatawad na sa kanilang mga kasalanan. Nasa kanila na ang Diyos sa pamamagitan ng Espiritu. “The Spirit fell…” (10:44). “…the gift of the Holy Spirit was poured out…” (10:45). “…who have received the Holy Spirit, just as we have” (10:47). At ano pa ang naging resulta? They were praising God, “extolling God” (10:46). Ang church noon, nakita nila na ang Diyos ang mismong nagbigay ng kanyang sarili para sa atin (11:17). And they glorified God (11:18).
Keep that in mind. Listening to God’s voice and responding in obedience is about an intimate relationship with God. Naririnig natin siya at susundin natin siya dahil tayo ay mga tupa ng isang Pastol: “The sheep hear his voice, and he calls his own sheep by name and leads them out. When he has brought out all his own, he goes before them, and the sheep follow him, for they know his voice” (John 10:3-4). At dahil meron pang mga tao na hindi pa kabilang sa kawang ito ng Diyos at gusto nating sila din marinig ang sinasabi ng Diyos, aabutin natin sila. “And I have other sheep that are not of this fold. I must bring them also, and they will listen to my voice. So there will be one flock, one shepherd” (10:16).
That’s why we must make “listening prayer” as part of our daily walk with God. This is the Christian life. This is the life of the Church.