Leading and Serving

March 3, 2013  |  By Derick Parfan  |  Scripture: Acts 6-8

Listen now…

Download  sermon audio

Problems and the Growth of the Church

Nag-eenjoy ako sa ministeryong ipinagkatiwala sa akin ng Dios bilang pastor ninyo, lalo na sa pagsasanay ng mga disciples at pagtuturo ng Salita ng Dios. Lalo na kapag nakikita kong lumalago at nagiging mas committed ang mga members ng church. Pero hindi ibig sabihin noon na walang mga problema. Marami rin.

Ilan na mga nakarating na balita sa akin tungkol sa sexual immoralities ng ilang mga members – at nagrespond tayo doon. May mga dinisiplina para maituwid. May mga tampuhan na rin, pero naayos din dahil napag-usapan. May ilan din na mga members na hindi na natin nakikita, o kung nakikita man natin, hindi naman aktibo sa paglilingkod. Pero nitong mga nakakaraang buwan, parami nang parami ang sabik na maglingkod sa Panginoon. Nitong mga nakaraang araw lang, may nabalitaan kaming gawa ng Kaaway para sirain ang magandang ginagawa ng Dios sa iglesia. Pero nagtutulungan ang mga liders ninyo para labanan anumang tangka ng Kaaway na manira dito.

Lumalago ang iglesia, hindi dahil magaling tayo, kundi dahil sa gawa ng Espiritu sa atin, kahit sa mga panahong may mga maling desisyon tayong nagagawa o may mga problemang nangyayari sa loob at labas man ng church natin. Ganoon talaga ang nangyayari sa isang church kapag hinayaan nating ang Dios ang kumilos. Ganito na ang nakita nating nangyayari sa church sa Acts:

  • So those who received his word were baptized, and there were added that day about three thousand souls (2:41).
  • And the Lord added to their number day by day those who were being saved (2:47).
  • But many of those who had heard the word believed, and the number of the men came to about five thousand (4:4).
  • And with great power the apostles were giving their testimony to the resurrection of the Lord Jesus, and great grace was upon them all (4:33).
  • And every day, in the temple and from house to house, they did not cease teaching and preaching Jesus as the Christ (5:42).

Kumilos man si Satanas para sirain ang iglesia, usigin man ang mga tagasunod ni Jesus, sumulpot man ang mga immorality sa loob ng church, magkaroon man ng mga tampuhan at alitan, walang problema na hindi kayang lagpasan ng isang iglesiang nagpapasakop sa Dios at hinahayaang siya ang kumilos. Basta nandoon ang patuloy na pangangaral ng Salita ng Dios, pagkakaisa, at pagmamahalan sa iglesia.

Ganito ang sumunod na nangyari, nagkaroon ulit ng problema: “Now in these days when the disciples were increasing in number…” (Acts 6:1). Pero naging maganda ang naging response ng church sa dumating na problema kaya, “And the word of God continued to increase, and the number of the disciples multiplied greatly in Jerusalem, and a great many of the priests became obedient to the faith” (Acts 6:7). Titingnan natin kung ano ang problema at ano ang naging tugon nila. Bago iyon, ilagay muna natin sa isip natin na paano kung tayo ang nakarinig ng ganitong problema o nakakita ng ganitong pangangailangan, ano ang magiging tugon natin? Sasabihin ba natin, “Hmmm. Bahala na lang sila pastor diyan. Ah, hindi para sa akin iyan. Magpray na lang ako. OK na ko dito.”? Hindi siyempre!

The Story of the Seven Men

Pakinggan n’yo kung ano ang nangyari sa Acts 6:1-7:

Nang panahong parami na nang parami ang mga tagasunod ni Jesus, nagreklamo ang mga Judiong nagsasalita ng Griego laban sa mga Judiong nagsasalita ng Hebreo. Hindi kasi nabibigyan ng mga tulong ang mga biyuda nila.

Kaya ipinatawag ng mga apostol ang lahat ng mga tagasunod ni Jesus at sinabihan sila, “Hindi mabuting mapabayaan namin ang pangangaral ng salita ng Dios para mag-asikaso ng mga materyal na tulong. Pumili kayo sa mga kasamahan n’yo ng pitong lalaki na may magandang reputasyon, marunong, at puspos ng Espiritu. Sila ang mangangasiwa sa gawaing ito, at ilalaan naman namin ang mga oras namin sa pananalangin at pag-aaral ng salita ng Dios.”

Kaya pumili sila ng pitong lalaki, iniharap sa mga apostol, ipinanalangin sila, at pinatungan ng kamay bilang pagtatalaga sa tungkulin.

Kaya patuloy na kumalat ang salita ng Dios at patuloy na dumami ang bilang nila, kasama na dito ang maraming mga pari.

Three Dimensions of Serving

Sa kuwentong ito, bago natin tingnan ang problema, pansinin muna natin ang iba’t ibang klaseng ministries na gagampanan ng bawat isa sa atin. Merong tatlo, na naniniwala ako na bawat isang Cristiano ay may tungkuling gampanan sa iba’t ibang paraan. Merong klase na mas pagtutuunan mo ng pansin, pero lahat ay dapat na ginagampanan natin bilang paglilingkod sa Dios.

Prophetic Ministry of the Word. Ito ang ginagawa ng mga apostol dito sa kuwento natin. Ang salita na galing sa Dios ay dinadala nila sa mga tao – Cristiano man o hindi. The direction of this ministry is God to Man. Ito rin ang ginawa ng Panginoong Jesus. Siya mismo ang Salita ng Dios at ang mensahe niya sa tao ay ang salita ng Dios. Mga apostol lang ba ang gumagawa nito? Hindi! Lahat ng mga Cristiano gumagawa nito. Ikinuwento sa iba ang mga kamangha-manghang ginawa ng Dios. Tinutulungan natin ang bawat isa na mas maging attentive sa salita ng Dios. Bahagi ito ng covenant natin: “Mag-aakay ako ng mga tao kay Cristo bilang kanilang Tagapagligtas at Panginoon sa pamamagitan ng aking mabuting halimbawa at pagsaksi.”

Priestly Ministry of Prayer. Ito rin ang minodelo ng mga apostol sa  kuwentong ito. Ang ministeryo nila ay ilapit ang mga tao sa Dios – dalhin sa trono ng Dios ang mga kailangan, mga problema, mga sakit ng tao. The direction of this ministry is Man to God. Ito rin ang ginawa ng Panginoon. Siya ang Tagapamagitan sa Dios at sa tao. Ang mga apostol lang ba ang gumawa nito? Hindi! Lahat ng mga Cristiano ay makapaglilingkod sa bawat isa sa pamamagitan ng pananalangin sa bawat isa. Bahagi ito ng covenant natin: “Ipananalangin ko nang regular ang paglago at mga gawain ng iglesia.”

Kingly Ministry of Love. Isang dahilan kung bakit powerful ang witness ng early church ay dahil kitang-kita ang pagmamahalan nila sa isa’t isa. Kaya noong nakakaligtaang bigyan ng tulong ang mga biyuda ng mga Judiong nagsasalita ng Griyego (Hellenists), big deal sa kanila iyon. Dahil isang bahagi ng paglilingkod ay iyong pagtulong sa pangangailangan ng iba. The direction of this ministry is Man to Man. Ito ang ipinakita ng Panginoon. Bagamat siya ay Hari, nagpakababa siya, namuno siya nang may pagkalinga sa pangangailangan ng mga tao. Obviously ito ang ginagawa ng lahat ng Cristiano. At sobrang powerful nito. Hindi ba’t binanggit sa kuwento na maraming mga pari ang naligtas. Bakit? Kasi ang mga pari sa panahon nila, maraming mahihirap at neglected ng mga religious leaders. Ibang iba ang nakita nila sa pag-ibig ng mga Cristiano. Ito rin ang sabi ng Panginoon, “Love one another. By this all people will know that you are my disciples if you have love for one another” (John 13:35).

Commitment in Serving

Tatlong klase o dimensions ng ministry – love, Word, prayer – lahat dapat involve tayo. Ngayon ang tanong sa atin, Paano tayo maglilingkod? Ano dapat ang maging focus natin? Kasi itong mga apostol, bakit ayaw nilang tumulong sa mga biyuda? Ibig sabihin ba kulang sila sa love, servanthood and sacrifice? Hindi iyon ang binabanggit sa kuwento, kasi ang commitment sa ministry ay commitment…

Sa anumang pagkatawag ng Dios. Hindi tayo ang magdedesisyon kung ano ang gagawin natin. Ang Dios ang tumatawag. Siya ang tumawag sa 12 apostol. Siya ang tumawag sa pitong lalaki para mangasiwa sa paglilingkod sa mga biyuda at iba pang mga kailangang gampanan sa iglesia. Lahat mahalaga sa iglesia. Tayo ay isang katawan na maraming bahagi. Ito ang pangako natin sa covenant natin: “Paglilingkuran ko ang Panginoon nang bukal sa loob, matiyaga, at matapat ayon sa ibinibigay na kalakasan at kakayahan sa akin ng Panginoon.” Sabi ni Pedro,

As each has received a gift, use it to serve one another, as good stewards of God’s varied grace: whoever speaks, as one who speaks oracles of God; whoever serves, as one who serves by the strength that God supplies—in order that in everything God may be glorified through Jesus Christ. To him belong glory and dominion forever and ever. Amen (1 Peter 4:10-11).

Sinabi ng mga apostol, kasama doon si Pedro, sa mga nagrereklamo, “It is not right that we should give up preaching the word of God to serve tables” (6:2). Hindi dahil ayaw niyang maglingkod sa mga biyuda, kundi dahil alam niya kung saan siya tinawag ng Panginoon. At kung tinawag siya para sa pangangaral ng Salita ng Dios at panalangin, iyon ang unang-unang paglalaanan niya ng atensiyon. Dahil ang commitment sa ministry ay commitment din…

Na paglaanan ito ng sapat na atensiyon. Kung ano ang nais na ipagawa sa iyo ng Panginoon, iyon ang pagtuunan mo ng pansin. Sabi ng mga apostol na pumili sila ng pitong lalaki, “whom we will appoint to this duty” (6:3). Kung sino ngayon ang maitalaga sa ganoong gawain, sila ang magbubuhos ng lakas, oras, at atensiyon sa gawaing iyon. At para naman sa mga apostol, “But we will devote ourselves to prayer and to the ministry of the word” (6:4). Ganito din ang bilin ni Pablo kay Timoteo, “Until I come, devote yourself to the public reading of Scripture, to exhortation, to teaching. Do not neglect the gift you have” (1 Timothy 4:13-14). Merong gustong ipagawa ang Dios sa iyo bilang bahagi mo sa misyon ng iglesia sa mundo. At binigyan ka niya ng mga espirituwal na kaloob para magawa ang mga iyon. Ang tanong sa iyo ngayon, Pinaglalaanan mo ba ng sapat na panahon ang nais ng Dios ipagawa sa iyo? O baka binabalewala mo? O baka distracted ka ng maraming mga alalahanin sa buhay at nakakaligtaan mo na ang higit na mahalaga ang maglingkod sa Panginoon, kaysa magpakapagod lang sa makamundong bagay?

The Story of Stephen

Hanggang saan ngayon ang nais na commitment ng Dios sa atin? Hindi lang atensiyon, oras at lakas ang pinag-uusapan dito. Pakinggan n’yo kung ano ang nangyari sa Acts 6:8-15; 7:1-2, 51-60; 8:1-2:

Si Esteban ay isa sa pitong lalaking ito. Pinagkalooban siya ng Dios ng pambihirang kapangyarihan. Kaya maraming mga namamangha sa mga himalang ginagawa niya, pero ang ilan ay kumakalaban sa kanya. Pero kahit makipagtalo sila sa kanya, hindi nila matalo si Esteban dahil sa karunungang bigay sa kanya ng Espiritu.

Kaya pinaratangan nila si Esteban na nagsasalita ng laban sa Dios at kay Moises. Dinala siya sa Korte at pinagpaliwanag. Sinabi niya sa kanila, “Mga kapatid at mga magulang, makinig kayong mabuti sa akin…” Pagkatapos noon ay ikinuwento niya ang mga bagay na ginawa ng Dios simula kay Abraham hanggang sa pagdating ni Jesus. Sabi pa niya, “Matitigas talaga ang mga ulo ninyo. Hindi kayo nakikinig sa mga mensahe ng Dios. Hindi kayo sumusunod sa mga utos niya.”

Nang marinig ito ng mga miyembro ng Korte, galit na galit sila kay Esteban. Sinugod nila si Esteban, kinaladkad palabas ng lungsod at pinagbabato. Habang nangyayari ito sa kanya, nanatili siyang puspos ng Espiritu, hanggang siya ay mamatay. Inilibing siya at marami ang labis na nagdalamhati sa pagkamatay niya.

Commitment in Serving

Hanggang saan ang commitment? Hindi pa ba obvious iyan sa kuwento ni Stephen? Ang commitment sa ministry ay commitment na buong buhay, habang buhay. Teka, baka sabihin ng iba, oo nga’t pambihira ang ganyang klaseng commitment, pero para lang sa mga apostol iyan. Bakit? Apostol ba si Stephen? Hindi ba’t isa siya sa pinagkatiwalaang mangasiwa sa pagpapakain sa mga biyuda? Anong ginagawa niya ditong nakikipagtalo sa religious leaders nila? Napatay tuloy. Hindi siya apostol. Pero alam niya kung ano ang pinapagawa sa kanya ng Panginoon. He was a witness for Jesus. Ang salitang “witness” ay galing sa Griyego na martus, kung saan galing ang salita natin ngayon na martyr. Na karaniwan nating tinutukoy sa mga pinapatay dahil sa pananampalataya at pagsaksi kay Cristo. Pero noon, ang salitang ito ay tumutukoy sa lahat ng Cristianong matapang na ipinapangaral si Cristo. Stephen was the first martyr to die for his faith.

Ganyan ang commitment sa ministry, na sumunod sa ipinapagawa ng Panginoon, buhay man ang maging kapalit. Di tulad ng ibang mga Christian ngayon, sa oras lang di pa makatupad, hirap na hirap pang bumangon nang maaga at isakripisyo ang oras at pera para sa paglilingkod. Paano pa ang buhay? Hindi ba’t ganyan ang halimbawa ng paglilingkod na ginawa ni Cristo? He came “not to be served but to serve and give his life as a ransom for many” (Mark 10:45). Hindi ba’t iyon ang ibig sabihin ni Jesus ng, “If anyone would come after me, let him deny himself and take up his cross and follow me” (Mark 8:34). Serve with commitment. And be ready to die. Walang retirement sa ministry. Huwag na nating hintaying magkaroon ng magandang opportunity na maglingkod. Lagi namang may opportunity. Si Stephen, sinabi ba niya, “Teka lang, medyo mainit pa ang sitwasyon, di muna ko magsasalita, delikado. Hihintayin ko munang maging acceptable na sa kanila ang Story of God.” Hindi. Sugod agad. He served like Jesus. He died like Jesus. Pangit ba ang nangyari sa kanya? Hindi! “To live is Christ, to die is gain” (Phil. 1:21).

The Story of Philip

Sa paglilingkod, hindi lang energy o effort ang pinag-uusapan natin, kundi ang tamang motibo o puso sa paglilingkod. Pakinggan n’yo kung ano ang nangyari sa Acts 8:1-26:

Sa pangunguna ni Saulo na sumang-ayon sa pagpatay kay Esteban, nagsimula na ang matinding pag-uusig sa mga mananampalataya sa Jerusalem. Nagsumikap siyang wasakin ang iglesia. Pinapasok niya ang mga bahay-bahay, dinadakip ang mga mananampalataya, lalaki man o babae, at ikinukulong. Kaya kumalat sila sa buong lalawigan ng Judea at Samaria at doon nagpatuloy na mangaral ng Magandang Balita.

Isa sa mga ito si Felipe, na isa rin sa pitong lalaking napiling mangasiwa sa pamamahala ng mga gawain sa iglesia. Sa isang lungsod sa Samaria, nakikinig na mabuti ang mga tao sa kanyang ipinapangaral tungkol kay Cristo at humahanga sa mga himalang ginagawa niya – nakapagpapalayas siya ng mga masasamang at nakapagpapagaling ng mga maysakit.

Dahil doon, maraming sumampalataya at nagpabautismo. Isa na rito si Simon na maraming napapahanga dahil sa kahusayan sa salamangka. Pati siya ay hangang-hanga sa ginagawa ni Felipe. Kaya masayang-masaya ang mga tao doon.

Nang mabalitaan nina Pedro at Juan ang nangyari sa Samaria, pinuntahan nila ito. Ipinatong nila ang mga kamay nila sa mga mananampalataya roon at natanggap nila ang Banal na Espiritu.

Nakita ito ni Simon, kaya inalok niya ng pera sina Pedro at Juan at sinabi, “Bigyan ninyo ako ng ganyang kapangyarihan, para sinumang patungan ko ng kamay ay makatanggap din ng Banal na Espiritu.”

Sumagot si Pedro, “Hindi mo mabibili ng pera ang kaloob ng Dios. Wala kang bahagi sa gawain namin, dahil marumi ang puso mo sa paningin ng Dios. Pagsisihan mo ang masamang balak mo at manalangin kang patawarin ka ng Dios, dahil nakikita kong pinaghaharian ka ng inggit at ng kasalanan.”

Pagkatapos nilang mangaral ng mensahe ng Panginoon, bumalik na sina Pedro at Juan sa Jerusalem. At nangaral din sila ng Magandang Balita sa mga baryo na nadaanan nila pabalik. Habang si Felipe naman ay pumunta kung saan sabihin sa kanya ng Espiritu.

Commitment in Serving

Sa punto ng story sa Acts, pansinin n’yo na ngayon nakalabas na sila sa Jerusalem. Hindi nila sariling pasya ito, kundi napilitan sila dahil sa mga persecution na nangyayari. Matagal na kasing nasa Jerusalem lang sila. Gumawa ang Dios ng paraan para mas maging sabik ang puso nila sa paglilingkod at lumawak pa hindi lang sa iisang lugar kung saan baka maging kumportable na sila. Hindi ba’t ang sabi ni Jesus sa Acts 1:8, “But you will receive power when the Holy Spirit has come upon you, and you will be my witnesses in Jerusalem and in all Judea and Samaria, and to the end of the earth.”

Ginagamit ng Dios ang mga persecutions at iba pang mga pagsubok para ituro sa atin na ang paglilingkod sa ministry ay isang commitment na buong puso at may malinis na puso. Nakita natin iyan sa katauhan ni Felipe. Hindi rin siya isa sa mga apostol. Isa siya sa pitong lalaki – kasama ni Stephen – na nangangasiwa sa paglilingkod sa mga biyuda. Maaaring dahil sa persecution, naiba ang focus ng ministry niya. Napunta siya sa Samaria. Ipinangaral niya si Jesus doon. Hindi ba’t malaking pag-ibig iyong ipinakita niya sa paglilingkod? Ito kasing mga Samaritans ay itinuturing ng mga taga-Judea na hindi purong Judio. Para bang mga Fil-Am. E ayaw nila ng ganoon. Ang pinakita ni Felipe at iba pang Cristiano ay ang pag-ibig na tulad ng kay Cristo sa kanyang pag-reachout sa Samaritan woman sa John 4. Maging sina Pedro at Juan narecognize na iyon ay galing sa Dios.

Pero makikita rin natin sa eksena ang dating magician na si Simon. Maaaring hindi siya talaga tunay na mananampalataya dahil sa tindi ng rebuke sa kanya ni Pedro. Pero anupaman, warning ito sa atin na siyasatin ang puso natin sa paglilingkod. Maaaring maraming oras nga ang ginugugol mo, o mataas ang posisyon mo sa ministry, o tinitingala ka ng tao. Pero hindi ito pagalingan, pataasan, at pagkuha ng approval ng tao. Ang paglilingkod ay dapat na mula sa puso, buong puso, at galing sa isang pusong dalisay. Na ang hangarin lang ay ipakita ang pag-ibig sa Dios at pag-ibig sa kapwa.

The Spirit in Our Serving

Ang iba sa inyo sa tingin n’yo hindi n’yo kaya ang ganitong klaseng commitment sa ministry. Ang iba naman sa inyo na nagcommit na nang sobra sa ministry, pero nararamdaman n’yo pa rin ang panghihina o mga struggles. Tandaan nating hindi natin ito gagawin sa sariling lakas natin kundi sa lakas na galing sa Dios. We serve “by the strength that God supplies” (1 Peter 4:11). Si Pablo sabi niya, “For this I toil, struggling with all his energy that he powerfully works within me” (Colossians 1:29). Saan pa manggagaling iyon kundi sa Espiritung nasa atin na, “There are varieties of activities, but it is the same God who empowers them all in everyone…All these are empowered by one and the same Spirit, who apportions to each one individually as he wills” (1 Corinthians 12:6, 11).

Hindi ba’t ang Espiritu ang gumabay sa bawat hakbang na ginawa ng mga believers noon? Sa pagpili ng pitong lalaking mangangasiwa, gabay ng Espiritu. Kaya pinatungan nila ng kamay para marelease ang power ng Spirit sa buhay nila. Kay Stephen, hindi ba’t dahil puspos siya ng Espiritu kaya naging buo ang loob niya na humarap sa mga umusig at pumatay sa kanya? Kay Felipe, hindi ba’t kung saan siya dalhin ng Espiritu doon siya pumupunta? Kay Juan at Pedro, hindi ba’t ipinatong nila ang kamay nila sa mga kapatid sa Samaria para bumaba ang Espiritu sa kanila?

Ang lahat ng kailangan nating qualification at resources sa ministry, nasa atin na, dahil nasa atin na ang Espiritu. Iyan ang pinaniniwalaan natin, “Ang Banal na Espiritu ay nananahan sa lahat ng tunay na sumasampalataya simula sa oras na sila ay maligtas, tinutulungan sila upang mamuhay nang may kabanalan at pinalalakas sila para sa ministeryo o paglilingkod” (from BBCC Statement of Faith). Kaya nga ang hinanap nilang mangangasiwa sa ministeryo ay dapat na “full of the Spirit” (Acts 6:3). Ang description kay Stephen, “a man full of faith and of the Holy Spirit” (6:4). Hanggang bago siya mamatay, “full of the Holy Spirit” pa rin (7:55).

Kung nasa atin na ang Espiritu, ibig sabihin, nasa atin na ang…Grace. Hindi mo na pwedeng sabihing, “Mukhang wala naman akong maibibigay o maitutulong. Mukhang hindi naman para sa akin yan.” Grace nga iyan ng Panginoon. Magagawa mo kasi gusto niyang gawin mo. Ano ang description kay Stephen? “Full of grace and power” (6:8). Power. Kaya hindi na natin pwedeng sabihing, “Mukhang imposible yata iyon.” Faith. Ito rin ang description kay Stephen, “a man full of faith” (6:4). Ito rin ay regalo na galing sa Dios (Eph. 2:8-9), hindi lang para maligtas tayo, kundi para makapaglingkod (2:10). Wisdom. Hindi mo na puwedeng sabihing, “Hindi ko alam kung ano ang kailangang gawin at paano gagawin iyon.” Ang piniling mangasiwa sa gawain ay “full of the Spirit and of wisdom” (6:3).

Think about this: if the Spirit, grace, power, faith and wisdom will control us in the ministry, sa halip na mga reklamo at mga excuses, anong magiging resulta noon? If we respond to the leading of the Spirit and serve where he leads us, we will be more committed to serve others. And what is the result? “So there is much joy in the city” (8:8). “The fruit of the Spirit is love, joy…” (Gal. 5:22). Ito dapat ang gusto nating mangyari – joy! Ito ang motive ni Pablo sa ministry, “We work with you for your joy” (2 Cor. 1:24).

Yes, there are too many entertainment in our society, but not much joy. Anong gagawin nating mga Cristiano kung ganoon? Where is the Spirit leading you? In serving the church? In serving non-Christians? In serving Cambodians? Pag-isipan at pag-usapan nating mabuti. Huwag kang uuwi nang hindi nasasagot ang mga tanong na iyan.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.