April 14, 2013 | By Derick Parfan | Scripture: Acts 11:19 – 12:24
Listen now…
Download sermon audio
Sending Teams in Cambodia and Candelaria
Mula 1975 hanggang 1979, 3 million out of the 8 million population of Cambodia were killed. Pinatay ng mga kababayan din nila – Khmer Rogue – sa pangunguna ni Pol Pot. Gusto niya kasing magkaroon ng ideal society through communism. Lahat ng mga professionals, educated, mga teachers, mga religious (Christians or Buddhists), lahat ng may influence ng West, tinanggal nila. Last week, mas naramdaman ko kung anong paghihirap ang dinanas ng mga Cambodians noon. Nagpunta kami sa Toul Sleng S21 Torture Museum. Dito sila muna ikinukulong at tinotorture. Tapos dinadala sila sa mga killing fields. Pinuntahan namin ang isa – Cheong Ek Genocidal Center. Dito sila pinatay at itinambak na parang mga hayop. Hindi bala ang ginagamit sa pagpatay sa kanila, magastos daw. Kaya pinapalakol nila ang ulo ng bawat isa. Ang mga babae ginagahasa muna bago patayin. Ang mga bata inihahampas sa puno na may pako. Grabe. Heart-breaking. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit magpapadala tayo ng team doon. That is a dark place. We are going there in that dark place because we have the light of Jesus. “Let you light shine before men…” (Matt. 5:16). Para sa atin, hindi na killing field ang Cambodia kundi harvest field.
Ang iba naman sa atin, ayaw dito pumunta dahil doon. Pero magpapadala din tayo ng team as Candelaria, Quezon. Doon din naman ay may nadiscover na mass graves kung saan pinapapatay ng mga rebeldeng NPA ang mga kumakalaban sa kanila. Pero pupunta tayo doon next week bilang New People’s Army of God – para tulungan ang church doon na ialok ang buhay at kapatawaran na nakay Cristo sa mga taong nagrebelde sa Diyos.
Ngayong summer (April-May), magiging abala tayo sa pagmimisyon, at hopefully, this will set a pattern for months to come. Kasi narealize natin na may ginagawa ang Diyos, mga bagay na hindi man kapani-paniwala sa maraming tao, pero sa ating mga tagasunod ni Jesus, masaya tayo at sabik na makibahagi doon. God is at work in our nation and among the nations. Ito ang mensahe din ng Diyos na sinabi ni Pablo sa mga taga-Antioch sa Pisidia, “Look, you scoffers, be astounded and perish; for I am doing a work in your days, a work that you will not believe, even if one tells it to you” (Acts 13:41). Galing ito sa Habakkuk 1:5, “Look among the nations, and see; wonder and be astounded. For I am doing a work in your days that you would not believe if told” (Hab. 1:5).
Ang context nito noon ay ang judgment ng Panginoon sa Judah sa pamamagitan ng ibang mga bansa. Pero ngayon, God is working out for the salvation of the nations. “I am doing a work…” Oo, may warning dito. May ginagawa ang Diyos, kung ayaw n’yong maging bahagi noon at gusto n’yong lumihis ng landas, nasasa inyo iyon. Pero may encouragement din, sa atin na sabik na gawin ang gawain ng Panginoon, na hindi ito sa atin nakasalalay kundi sa Diyos na siyang unang-unang gumagawa para iligtas ang lahat ng mga lahi at lipi sa iba’t ibang mga bansa.
At mula noon hanggang ngayon, ang church ang ginagamit na paraan ng Diyos para abutin ang iba’t ibang lahi sa buong mundo. Yes, the local church like BBCC. At magagawa lang iyon kung bawat isang miyembro nito ay makikibahagi sa ginagawa ng Diyos. May ginagawa ang Diyos at ang dapat nating gawin ay kung ano din ang ayon sa ginagawa niya. Ang dami nating mga ginagawa na wala namang kinalaman sa misyon ng Diyos, kundi sa sarili lang nating ambisyon. Pakinggan n’yo ang kuwento ng pagmimisyon ng iglesia sa pamamagitan ni Pablo at Barnabas, at pakinggan n’yo kung ano ang gustong ipagawa ng Diyos sa church natin at sa lahat ng members nito.
The Church in Antioch
Pakinggan n’yo kung ano ang nangyari sa Acts 13-14:
Kabilang sina Pablo at Bernabe sa mga tagapagturo sa iglesia sa Antioch. Habang sumasamba sila sa Panginoon at nag-aayuno, sinabi ng Espiritu sa kanila, “Ibukod ninyo para sa akin sina Pablo at Bernabe para sa nais kong ipagawa sa kanila.” Kaya pagkatapos nilang manalangin, pinatungan nila ng kamay ang dalawa at pinahayo na.
Ayon sa sinabi ng Espiritu, pumunta sila sa Seleucia. Mula doon, naglayag sila patungo sa isla ng Cyprus. Pagdating sa bayan ng Salamis, nangaral sila ng salita ng Diyos sa bahay-sambahan ng mga Judio. Inikot nila ang buong isla hanggang makarating sila sa Paphos. Nakasama din nila si Juan Marcos.
Doon, may isang salamangkerong Judio na nagkukunwaring propeta na ang pangalan ay Elimas. Ginagawa niya ang lahat ng paraan para hindi sumampalataya ang gobernador kay Jesus.
Pero itong si Pablo, pinapatnubayan ng Espiritu, ay tinitigang mabuti si Elimas at sinabi, “Anak ka ng diyablo! Kinakalaban mo ang mabubuting ginagawa ng Diyos. Mandaraya at manloloko! Parurusahan ka ngayon ng Panginoon!” Noon di’y nagdilim ang paningin ni Elimas at nabulag. Nang makita ng gobernabor ang nangyari, sumampalataya siya at namangha sa salita ng Diyos.
Pagkatapos, bumiyahe na sila papuntang Perga. Pagdating nila roon, iniwan na sila ni Juan Marcos at bumalik siya sa Jerusalem. Nagtuloy naman sina Pablo sa Antioch na sakop ng Pisidia. Sa isang bahay-sambahan ng mga Judio, nagkaroon ng pagkakataon si Pablong magsalita. Sa mga kapwa niya Judio at maging sa mga hindi Judio, ikinuwento niya sa kanila ang mga ginawa ng Diyos mula sa pagliligtas sa kanila sa Egipto hanggang sa pagdating sa lupang pangako hanggang sa panahon ng mga hari at mga propeta hanggang sa pagdating ng ipinangakong Tagapagligtas na si Jesus.
Sabi niya, “Kaya nga mga kapatid, dapat ninyong malaman na sa pamamagitan ni Jesus ay ipinapahayag namin sa inyo ang balita na patatawarin tayo ng Diyos sa ating mga kasalanan. Ang sinumang sumasampalataya kay Jesus ay itinuturing ng Diyos na matuwid. Hindi ito magagawa sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan.”
Pagkatapos nito, inanyayahan pa silang bumalik ulit sa susunod na linggo. Maraming mga Judio at mga di-Judio ang sumunod sa kanila. Pinayuhan sila ni Pablo na magpatuloy sa pagtitiwala sa biyaya ng Diyos.
Nang sumunod na linggo, marami nang pinuno ng mga Judio ang naiinggit sa kanila. Sinalungat sila at pinagsalitaan ng masama. Kaya sabi ni Pablo, “Mula ngayon sa mga hindi Judio na kami mangangaral ng Magandang Balita.” Nang marinig ito ng mga hindi Judio, natuwa sila at namangha sa salita ng Panginoon. At ang lahat ng itinalaga ng Diyos para sa buhay na walang hanggan ay naging mananampalataya.
Kumalat ang salita ng Panginoon sa lugar na iyon. Dumami din ang mga sumasalungat sa kanila kaya pinalayas sila sa lugar na iyon. Kahit saan sila magpunta – sa Iconium, Lystra at Derbe – maraming kumakalaban sa kanila habang ipinapangaral nila ang salita ng Diyos.
Mula sa Derbe, binalikan nila ang mga lugar na napuntahan nila at pinatatag nila ang kalooban ng mga tagasunod ni Jesus doon at pinayuhang magpatuloy sa kanilang pananampalataya. Sinabi pa nila, “Maraming kahirapan ang dapat nating danasin para mapabilang sa paghahari ng ng Diyos.” Pumili sila ng mga mamumuno sa bawat iglesya at ipinanalangin sila at ipinagkatiwala sa Diyos. Pagkatapos, nagpaalam na sila sa kanila at bumalik sa Antioch.
Pagdating nila sa Antioch, tinipon nila ang mga mananampalataya at ikinuwento sa kanila ang lahat ng ginawa ng Diyos sa pamamagitan nila, at kung paanong binigyan ng Diyos ang mga hindi Judio ng pagkakataong sumampalataya. At nanatili sila nang matagal doon kasama ang mga tagsunod ni Jesus.
Preaching the Word
Gustong sabihin ng Diyos sa mga tao ang kanyang mga ginawa at kung paano sila dapat tumugon dito. Kaya nga ang tawag natin sa Bibliya ay Salita ng Diyos. Ibig sabihin, may sinasabi sa atin dito ang Diyos tungkol sa kanya at sa mga ginawa niya. Sa panahon nila, nasa kanila na rin ang Lumang Tipan, nababasa na nila iyon at napapakinggan.
Kung gayon, ang ikukuwento natin sa kanila ay kung anu-ano ang mga kamangha-manghang ginawa ng Diyos at aanyayahan natin silang maging bahagi ng kuwentong ito. Anong pangunahing ginagawa nina Pablo sa misyon nila? “They proclaimed the word of God” (13:5). Pero hindi lang ito basta tulad ng pinag-aaralan ng karaniwang Judio noon. Pagpunta nila sa bahay-sambahan ng mga Judio, nagbabasa sila mula sa Kautusan at mga Propeta (katumbas ng OT natin ngayon) (13:5). Pero dahil alam ni Pablo na ang story doon ay kulang pa at hindi pa tapos, tinapos niya. Ikinuwento niya kung anu-ano ang ginawa ng Diyos mula sa pagpili sa Israel at pagliligtas sa kanila mula sa Egipto (17), kung paanong nagtiyaga ang Diyos sa katigasan ng ulo nila habang naglalakbay sila sa disyerto (18), hanggang sa paggapi ng Diyos sa ibang bansa para maibiga sa kanila ang lupang ipinangako niya (19). Hanggang sa pagpapadala niya ng mga hukom na nagligtas sa kanila (20), hanggang sa haring ibinigay niya na si Saul na tinanggal din niya (21-22), hanggang sa pagbibigay niya ng haring si David (22), hanggang sa matupad ang plano niya sa pamamagitan ni Jesus (23), kahit pa siya’y pinatay natupad noon ang plano ng Diyos (27-29). Binuhay siyang muli ng Diyos (30, 33, 34, 37)!
At ngayon, tayo na mga kumikilala sa kanya ang kanyang mga saksi (31). Mabuting balita ang ikinukuwento natin dahil tinupad ng Diyos ang pangako niya sa pamamagitan ni Jesus (32) upang magkaroon tayo ng kapatawaran at kalayaan (38-39). We are now his witnesses (31). We bring good news of God’s fulfillment of his promise in Jesus (32).
Ang misyon ni Pablo ay hindi iba sa misyon nating lahat: “To make the word of God fully known” (Col. 1:24). Kaya nga ikinukuwento natin ang buong Story of God sa mga tao dahil doon. Hindi kung anu-anong kuwento lang na mga wala namang kuwenta! “Sapagkat wala akong inilihim sa inyo sa aking pagtuturo tungkol sa buong layunin at plano ng Dios” (Acts 20:27 ASD). “For I will not venture to speak of anything except what Christ has accomplished through me to bring the Gentiles to obedience—by word and deed, (Romans 15:18); “Him we proclaim” (Col. 1:28).
Ginagawa natin iyan ngayon dito sa Bulacan at sa Pampanga sa pamamagitan ng mga members natin na ginagamit ang story of God para ibahagi si Cristo sa ibang tao. Ganyan din ang gagawin natin sa Candelaria at sa Cambodia.
Reaching the Unreached
Gusto ng Diyos na ipakilala si Jesus sa lahat ng mga lahi sa buong mundo. Nang tinanggihan sina Pablo ng maraming Judio, ito ang sabi nila, “It was necessary that the word of God be spoken first to you. Since you thrust it aside and judge yourselves unworthy of eternal life, behold, we are turning to the Gentiles. For so the Lord has commanded us, saying, ‘I have made you a light for the Gentiles, that you may bring salvation to the ends of the earth'” (Acts 13:46-47). To the ends of the earth! Ibig sabihin gusto ng Diyos na ipakilala si Jesus sa lahat ng lahi sa buong mundo – kasama doon ang mga Tagalog sa Luzon, kasama rin doon ang Khmer people sa Cambodia.
[Show figures]
Kung gayon, ang ambisyon natin ay ipakilala si Jesus sa lahat ng mga lahi sa buong mundo. Tulad ni Pablo, “I make it my ambition to preach the gospel, not where Christ has already been named, lest I build on someone else’s foundation, but as it is written, ‘Those who have never been told of him will see, and those who have never heard will understand'” (Romans 15:20-21). Ito ang priority natin kung gusto nating matapos ang Great Commission at muling magbalik ang Panginoon Jesus. Sa pagpunta natin sa Candelaria, bagamat may church na doon, ang goal natin ay masanay silang gamiting ang Story of God para sanayin din ang ibang ibahagi si Jesus sa iba – and hoping and praying na sila rin ay magkaroon ng vision to reach the unreached peoples of the world.
Trusting God’s Sovereignty
2000 years nang pinagtatrabahuhan ng church ang pag-abot sa mga unreached peoples. Marami pang kailangang abutin hanggang ngayon. Matatapos ba natin ang pinapagawa ng Panginoon? Hindi kung sa atin ito nakasalalay, ngunit kung sa Diyos, oo. Gusto ng Diyos na lahat ng kanyang piniling maligtas ay makarinig ng salita niya, maniwala at magkaroon ng buhay na walang hanggan. Walang makakahadlang sa plano ng Diyos. Kahit tangkain ni Elimas na hadlangan ang gobernador na maniwala kay Jesus, wala siyang magagawa. Makapangyarihan ang salita ng Diyos.
At bakit kumakalat ang mabuting balita? Bakit maraming naniniwala? “And when the Gentiles heard this, they began rejoicing and glorifying the word of the Lord, and as many as were appointed to eternal life believed. And the word of the Lord was spreading throughout the whole region” (Acts 13:48-49). Sinu-sino daw ang naniwala? Hindi ba’t iyong mga itinalaga na noong una pa ng Diyos na makakilala kay Jesus? Kaya naman, ang kumpiyansa natin ay nasa kanyang kapangyarihang tumawag sa mga taong pinili niya upang maligtas. Ibig sabihin, bago pa man tayo pumunta sa Candelaria o sa Cambodia o kahit sa Candaba, inihahanda na ng Diyos ang mga taong pinili niya para makarinig ng kanyang salita, maniwala at sumunod kay Jesus.
Oo nga’t may bahagi tayo sa misyon ng Diyos, pero hindi natin dala itong lahat sa balikat natin. Nakasalalay ang tagumpay nito sa plano at kapangyarihan ng Diyos. Makakaasa tayo diyan. Pero ginagamit niya ang iba’t ibang paraan tulad ng persecutions na kailangan nating tiisin…
Enduring Persecution
Gusto ng Diyos na maisulong ang kanyang misyon sa pamamagitan ng mga pag-uusig na daranasin ng mga tagasunod ni Jesus. Hindi lang sa kabila ng pag-uusig kundi sa pamamagitan din nito. “But the Jews incited the devout women of high standing and the leading men of the city, stirred up persecution against Paul and Barnabas, and drove them out of their district. But they shook off the dust from their feet against them and went to Iconium. And the disciples were filled with joy and with the Holy Spirit” (Acts 13:50-52). Dahil sa pag-uusig, umaalis sila sa isang lugar at lumilipat sa iba, dahil doon lalong kumakalat ang mabuting balita. Mas nararanasan din nila ang kagalakan at patnubay ng Espiritu. Dahil doon, ang desisyon natin dapat kung gagawin ba natin ang gusto ng Diyos ay hindi nakasalalay kung mahirap o madali. Kundi kung ano ba ang gusto niya.
Kaya naman, titiisin natin ang anumang hirap alang-alang kay Jesus at sa misyong maipakilala siya sa lahat ng lahi. “When they had preached the gospel to that city and had made many disciples, they returned to Lystra and to Iconium and to Antioch, strengthening the souls of the disciples, encouraging them to continue in the faith, and saying that through many tribulations we must enter the kingdom of God” (Acts 14:21-22). Sufferings are necessary. It is part of our calling. Sabi ni Pablo, “Now I rejoice in my sufferings for your sake, and in my flesh I am filling up what is lacking in Christ’s afflictions for the sake of his body, that is, the church” (Colossians 1:24). Alang-alang sa iglesya, alang-alang sa mga taong hanggang ngayon ay hindi pa nakakarinig tungkol kay Cristo, titiisin natin ang anumang hirap, hindi man kumportable sa atin ang bagong lugar na pupuntahan natin, mawala man ang inipon natin para makabili tayo ng bagong cellphone o gadgets, balewala lahat iyon kung ikukumpara sa kagalakang mararanasan natin at ng mga taong makakarinig tungkol kay Jesus.
Being God’s Church
Oo nga’t hindi naman lahat sa atin ay aalis. Pero hindi ibig sabihin noon na wala na tayong bahagi sa misyon ng Diyos. Gusto ng Diyos na ang iglesia at lahat ng miyembro nito ay mamuhay para sa Diyos at sa kanyang misyon saan mang lugar sila naroroon. Merong mga itinalaga ang Diyos na mananatili sa iglesiya para pamunuan ito – tulad ng mga elders: “And when they had appointed elders for them in every church, with prayer and fasting they committed them to the Lord in whom they had believed” (Acts 14:23). Meron din namang sinasabi ang Espiritu na dapat ibukod para sa pagmimisyon: “Set apart for me Barnabas and Saul for the work to which I have called them” (13:2). Merong mga aalis, merong mga maiiwan. Pero magkapartner palagi ang dalawang iyan. May bahagi tayong lahat sa misyon – either we send or we are being sent. Or else, we disobey.
Kaya naman, patuloy tayong lahat na sasamba sa Diyos at makikibahagi sa kanyang misyon. The goal of missions is to see the nations worship. Habang nandito tayo – saan man tayo naroroon – we keep worshipping and praying and focusing on God. Ganoon ang ginagawa ng Antioch church. Just be the church – just let God work in and through the church – local and global. Kaya nga gusto nating hatiin ang church natin sa mas maliliit na churches sa iba’t ibang lugar para maranasan talaga natin kung ano ang church, paano sumamba nang sama-sama bilang isang pamilya, paano magtulung-tulong sa pagsisimula pa ng iba’t ibang churches sa iba’t ibang barangay.
Joining God’s Work
“And from there they sailed to Antioch, where they had been commended to the grace of God for the work that they had fulfilled. And when they arrived and gathered the church together, they declared all that God had done with them, and how he had opened a door of faith to the Gentiles. And they remained no little time with the disciples” (Acts 14:26-28). Ginawa nila ang mga bagay na ipinagagawa ng Diyos sa kanila. But it is by the grace of God. Tapos pagdating nila sa church sa Antioch, nireport nila hindi ang ginawa nila kundi ang ginawa ng Diyos na kasama sila. Lahat tayo kasali, walang etsapuwera. It is all about God’s work, and we are called to join God’s work. Nakita ito ni John Mark, kaya sumama siya kina Pablo. Pero ang nakalulungkot, sa kalagitnaan ng misyon umuwi na siya sa kanila. Hindi sinabi kung ano ang dahilan, pero isa itong bagay na ikinasama ng loob ni Pablo at naging dahilan (later on) ng pagtatalo nila ni Barnabas. Pero sa bandang huli, nanatili si John Mark sa ministeryo at nakibahagi sa misyon ng Diyos. Katunayan, siya ang sumulat ng Gospel of Mark. Kaya sabi ni Pablo kay Timoteo bago siya mamatay, “Get Mark and bring him with you, for he is very useful to me for ministry. (2 Timothy 4:11)
God opened a door of faith to the Gentiles. If the door is open, what do we do? You either ignore it and think that it does not have anything to do with you. Or you close it and hinder the work. Or you enter through that open door and join in what God is doing. That’s an exciting, joy-filled, fulfilling Christian life. Much of the life of many Christians are not filled with excitement because they were just outside the door. Mag-eenjoy ka ba kung nasa labas ka lang ng stadium habang ang mga team-mates mo ay naglalaro para sa isang basketball championship game? No! Gusto mo kasali ka, nasa loob ka, hindi lang nanonood kundi may ginagawa para makapag-contribute sa team mo. Yet Christian life and our mission are more than just a game. This is not a game. This is about relationship.
Kung ano ang ginagawa ng ating Diyos Ama, iyon ang gusto nating gayahin. Parang ang anak kong si Daniel. Kapag nakita niyang naglalaba ako, sasabihin n’ya: “Laba tayo.” Kapag nagluluto, “Luto tayo.” At hindi hindi trabaho para sa kanya. He’s enjoying it. Kaya kapag pinagbawalan ko, iiyak iyan. Hindi tayo pinagbabawalan ng Diyos, hindi rin niya tayo basta hinahayaan, kundi iniimbitahang makibahagi sa ginagawa niya sa kanyang misyon para sa buong mundo. And he will make sure that we will enjoy this adventure and journey with him.