Gospel-Driven Ministry

April 28, 2013  |  By Derick Parfan  |  Scripture: Acts 15-16

Listen now…

Download  sermon audio

Tiyak May Makakabangga

Pansinin n’yo kung paano nagtapos ang kuwento natin two weeks ago. Pagbalik nina Pablo at Bernabe sa Antioch matapos ang ilang buwan ng paglalakbay bilang mga misyonero, tinipon nila ang mga kasama nila sa church doon at ikinuwento ang mga ginawa ng Diyos na kasama nila (Acts 14:27). At napakasarap makarinig ng mga ganitong kuwento. Katulad ng mga kuwentong dala namin mula sa Candelaria, Quezon kung saan isang team from our church ang tinulungan ang church doon na magtraining ng The Story of God.

At isang bagay pa na nakakatuwa dito sa ginagawa ng Diyos ay sinasabay niya ang mga nangyayari sa church natin sa mga nadadaanan natin sa kuwento ng Acts. At ito ang natutunan din ng team natin sa isa sa trainee doon sa Quezon. Na dahil daw matagal na siyang Christian at ilang ulit na niyang naririnig ang mga kuwentong iyon, ang ginawa niya para makatulong sa kanyang maexperience ang kuwento ay tinitingnan niya ang sarili niya na kasali sa kuwentong ito. At totoo nga naman iyon! Napakasarap na makita na tayo ay bahagi ng kuwentong binubuo ng Diyos at tatapusin ng Diyos.

Napakagandang makita na ang buong church natin nagkakaisa sa misyong ito. Pero dapat ihanda natin ang sarili natin sa mga kakaharapin natin. Kapag sa misyon ikaw ay gumagawa, tiyak na meron kang makakabangga. Tingnan n’yo ang sumunod na bahagi ng kuwento…“But some men came down from Judea and were teaching the brothers, ‘Unless you are circumcised according to the custom of Moses, you cannot be saved…But some believers who belonged to the party of the Pharisees rose up and said, ‘It is necessary to circumcise them and to order them to keep the law of Moses’ (Acts 15:1, 5). Maganda ang nangyayari, pero…(salita na nagpapahiwatig na may problema, may sumasalungat, may nakakabangga sila).

Siyempre karamihan sa ating mga Filipino, hangga’t maiiwasan ang mga ganitong “banggan” o “salungatan” iiwasan natin. Ayaw natin ng conflicts. Pero sa misyon natin, hindi natin maiiwasan. Dapat harapin. Sa simula’t simula pa lang ng Kuwento ng Bibliya, may mga conflicts na, simula nang magkasala sina Adan at Eba. Banggaan ng Diyos at ni Satanas, ng Diyos at ng Tao, ng Tao at ng kapwa Tao. Kapag nakaharap natin iyan sa paggawa natin ng misyon ng Diyos, paano ngayon natin haharapin sa paraang makalulugod sa Diyos, makakapagpatibay ng church natin, makapagpapatunay na si Jesus lang ang Daan ng Kaligtasan, at makakapagsulong sa misyon ng Diyos sa buong mundo?

The Jerusalem Council

Tingnan natin kung paano iyan hinarap ni Pablo sa Acts 15:1-35:

Pagkatapos ng ilang buwang paglalakbay ng mga misyonerong sina Pablo at Bernabe, bumalik na sila sa iglesia nila sa Antioch. Ikinuwento nilang lahat sa mga kasama nila doon ang mga ginawa ng Diyos sa pamamagitan nila. Maraming natuwa sa narinig nilang kung paano ibinukas ng Diyos ang pintuan para sa mga di-Judio.

Pero may mga ilang taong galing sa Judea ang pumunta doon at nagsimulang magturo na silang mga di-Judio ay hindi maliligtas maliban na lang kung sila ay patutuli at susunod sa mga Kautusan ni Moises. Naging mainit ang pagtatalo nila Pablo tungkol sa usaping ito. Kaya nagkaisa ang iglesya doon na ipadala sina Pablo at Bernabe sa mga apostol at mga lider sa Jerusalem para pag-usapan ito.

Pagdating nila sa Jerusalem, natuwa ang mga apostol doon sa narinig nilang ibinalitang maging ang mga di-Judio ay sumampalataya na rin sa Panginoong Jesus. Pero tumayo ang ilang mananampalatayang miyembro ng grupo ng mga Pariseo at nagsabi, “Kailangang tuliin ang mga di-Judio at utusang sumunod sa Kautusan ni Moises.”

Nagkaroon sila ng mahabang pag-uusap tungkol dito. Pagkatapos, tumayo si Pedro at ipinaalala sa kanila ang pagkatawag sa kanya ng Diyos para ipangaral si Jesus sa mga di-Judio na tulad ng pamilya ni Cornelio. Sabi pa niya, “Ngayon, bakit n’yo sinusubukan ang Diyos? Bakit n’yo pinipilit ang mga di-Judiong tagasunod ni Jesus na sumunod sa mga kautusan na kahit ang ating mga ninuno at tayo mismo ay hindi nakasunod? Naniniwala tayo na maliligtas tayo sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoong Jesus, at ganito rin naman sa mga di-Judio.”

Sabi ni Santiago (James), “Huwag na natin silang pahirapan sa paglapit nila sa Diyos. Sabihan na lang natin silang umiwas sa mga pagkaing inihandog sa mga dios-diosan, sa pagkain ng may dugo at sa sekswal na imoralidad, alang-alang sa mga kapatid nilang Judio.”

Nagkasundo sila at inihatid ang sulat na ito sa pamamagitan nina Pablo at Bernabe. Pagdating nila sa Antioch at pagkabasa ng sulat, tuwang-tuwa ang mga tagasunod ni Jesus doon sa sulat na nakapagpasigla pa sa kanila.

Paul and the Legalists

Kung makabangga mo ang mga taong may ibang katuruan at paniniwala, anong gagawin mo? Bago ko sagutin ito, dapat maging malinaw sa inyo na ang assumption ko lahat ng nakikinig sa akin ay may iisang paniniwala – na tulad ng sinabi ni Pedro, “We believe that we will be saved through the grace of the Lord Jesus…” (15:11). Hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan (dahil wala namang ni isa sa atin ang lubos na makakasunod dito nang may malinis na puso) kundi sa pananampalataya kay Jesus (na siyang nag-iisang nakasunod sa buong Kautusan nang may malinis na puso at siyang nagbayad ng ating mga pagsuway sa Kautusan ng Diyos). At hindi lang basta naniniwala kundi sabik na ipamalita sa iba kung ano ang pinaniniwalaan. Kung hindi ka ganito, ang unang-una mong dapat banggain ay ang sarili mo! Bago ka magpatuloy makinig sa mga sasabihin ko, pag-isipan mo munang mabuti ito.

Kung makabangga mo ang mga taong may ibang katuruan at paniniwala, anong gagawin mo? Major doctrine ang pinag-uusapan dito, hindi mga minors lang. Malaking isyu ang kinaharap dito ng church sa Antioch kaya pinadala nila sina Pablo sa Jerusalem para kausapin ang mga apostol doon. May mga usaping hindi masyadong dapat pagtalunan, pero kung ang nakasalalay na ay ang integridad ng Magandang Balita tungkol kay Cristo, ibang usapan na iyon. So, anong ginawa ng church? Pinag-usapan nila, pinagdebatehan, tiningnan ang ginagawa ng Diyos, pagkatapos nagkasundo sila kasi mula sa sinasabi ng Kasulatan noon pa hanggang sa kasalukuyang mga nangyayari, hindi nila maikakailangan ang mga di-Judio ay mapapabilang din sa pamilya ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus at hindi sa pagiging Judio. Kapag pinag-usapan at pinagkasunduan, magandang ang kalalabasang resulta tulad ng nakasaad sa sulat na inilabas nila para sa mga iglesya ng mga di-Judio: “It seemed good to the apostles and elders, with the whole church…it has seemed good to us, having come to one accord…it has seemed good to the Holy Spirit and to us” (15:22, 25, 27).

Ngayon makakabangga din natin ang may ibang paniniwala tulad ng Romano Katoliko, Iglesia ni Cristo, Ang Dating Daan, at kung anu-ano pa na naniniwala at itinuturong hindi pa sapat ang pananampalataya kay Jesus para maligtas. Hindi natin puwedeng sabihing tama sila. Dapat yayain natin silang baguhin ang paniniwala nila at sumang-ayon sa malinaw na turo ng Bibliya tungkol sa salvation by grace alone through faith alone in Christ alone.

Paul and Non-Jews

Kung makabangga mo ang mga taong may ibang kultura’t tradisyon, anong gagawin mo? Akala ko ba ang gusto nila huwag nang bigyan ng pabigat itong mga kapatid nilang di-Judio, pero bakit sinabihan silang umiwas sa pagkain ng mga inihandog sa diyos-diyosan at ng may dugo? Yung tungkol sa sexual immorality ok pa kasi mali naman talaga iyon. Pero bakit sa pagkain? Tandaan nating hindi na matters of salvation ang pinag-uusapan dito. Kundi matters of good relations. Kaya nga sabi ni James na dahilan, “For from ancient generations Moses has had in every city those who proclaim him, for he is read every Sabbath in the synagogues” (15:21). Merong mga masigasig sa pagsunod ng kagawiang ito na hindi ganoon kadaling baguhin. Kung sa isang church may magkahalong Jews and non-Jews, baka itong mga Jews ay maoffend sa mga non-Jews dahil sa kinakain nila na para sa mga Judio ay marurumi. Baka hindi na sumama sa fellowship nila kung magkaganoon. Sabi sa sulat nila, “If you keep yourselves from these, you will do well” (15:29). Ibig sabihin, magiging maganda ang relationship sa church, maiiwasan ang tampuhan at inisan.

Kung sa iyo OK lang kumain ng dugo pero sa kasama mo sa church hindi pala, kakain ka pa rin ba? Kung sa iyo OK lang uminom ng beer pero marami sa church ang ayaw nakakakita ng umiinom, gagawin mo pa rin ba? Kung sa iyo OK lang kumain ng litson, pero kung may makasama tayo sa church na dating Muslim na maamoy pa lang ang litson, apektado na, anong gagawin mo? Kung may makabangga man tayo na iba ang kultura at nakagawiang tradisyon, huwag tayong maging mayabang o mapagmalaki. Dapat may pakialam tayo sa isa’t isa. Dapat concern tayo sa isa’t isa. Dapat hangga’t para sa ikaayos ng relasyon natin, handa tayong magsakripisyo. Alang-alang sa mga kapatid natin kay Cristo. Pagkatanggap nila ng sulat sa Antioch, anong reaksyon nila? “They rejoiced because of its encouragement” (15:31). Ganito rin ang gusto nating mangyari sa isa’t isa.

Paul’s Second Missionary Journey

Bukod sa mga ito, marami pang nakabangga si Pablo tulad ng nasa Acts 15:36–16:40:

Makalipas ang ilang araw, inaya ni Pablo si Bernabe na balikan ang mga lugar na napuntahan nila para makumusta ang mga kapatid doon. Gustong isama ulit ni Bernabe si Juan Marcos pero ayaw naman ni Pablo dahil iniwan niya sila noong unang naglakbay sila. Matindi ang kanilang naging pagtatalo, kaya naghiwalay sila. Isinama ni Bernabe si Juan Marcos at pumunta sila sa Cyprus. Si Pablo naman ay isinama si Silas papunta sa Syria at Cilicia.

Pagdating ni Pablo sa Lystra, nagkita sila ni Timoteo na ang tatay ay Griyego at ang nanay ay Judio. Isinama din ni Pablo si Timoteo pero tinuli muna ito para walang masabi ang mga Judio laban kay Timoteo.

Naglakbay sila sa iba’t ibang bayan at ipinaalam ang napagkasunduan sa Jerusalem. Kaya lalong tumibay ang pananampalataya ng mga iglesya, at araw-araw ay nadadagdagan pa ang bilang ng mga tagasunod ni Jesus.

Pagkatapos nagpunta sila sa mga lugar na sakop ng Phrygia at Galatia dahil hindi sila pinayagang magpunta sa lalawigan ng Asia. Gusto rin sana nilang pumunta sa Bitinia pero hindi rin sila pinahintulutan ng Espiritu, kaya sa Mysia sila dumaan at pumunta sa Troas.

Nang gabing iyon, pinakita ng Diyos kay Pablo sa panaginip ang isang taga-Macedonia na nagsabi sa kanya, “Pumunta ka dito sa amin at tulungan mo kami.” Kaya pumunta sila sa lugar na nais ng Diyos na puntahan nila.

Pagdating nila sa Filipos, isang pangunahing siyudad ng Macedonia, nangaral sina Pablo sa mga babaeng nagtitipon sa tabi ng ilog. Isa sa mga ito si Lydia, isang negosyante at sumasamba sa Diyos ng mga Judio. Binuksan ng Panginoon ang puso niya para tanggapin ang mensahe ni Pablo. Nagpabautismo siya at ang kanyang pamilya.

Isang araw, may sumalubong kina Pablo na isang dalagitang alipin na sinasaniban ng masamang espiritung nagbibigay sa kanya ng kakayahang manghula. Hinarap ni Pablo ang babaeng ito at sinabi, “Sa pangalan ni Jesus, inuutusan kitang lumabas sa kanya!” At agad namang lumabas ang masamang espiritu. Ipinahuli ng amo ng babaeng ito sina Pablo at ipinakulong.

Pagdating ng hatinggabi, biglang lumindol nang malakas. Lahat ng pintuan ay bumukas at nakalag ang mga kadena nina Pablo. Pagkakita ng guwardiya kina Pablo, sabi niya, “Ano ang dapat kong gawin para maligtas?” Sabi ni Pablo, “Sumampalataya ka sa Panginoong Jesus at maliligtas ka at ang iyong buong pamilya.” Pagkatapos ipangaral ni Pablo ang mabuting balita sa kanya at sa kanyang buong pamilya, masaya silang sumampalataya kay Jesus at nagpabautismo.

Paul and Timothy

Kung makabangga mo ang mga taong may ibang kultura’t tradisyon, anong gagawin mo? Nakita na natin kanina iyan na dapat isaalang-alang ang relasyon. Pero siyempre without compromising the gospel. Pero bakit pinatuli si Timoteo? Akala ko ba hindi na requirement iyon? Hindi naman kaligtasan ni Timoteo ang nakasalalay dito kundi para sa mga Judio na gustong abutin nina Pablo sa mga siyudad na pupuntahan nila. Kasi si Timoteo ay may lahing Judio din na para sa kanila ay isang paglapastangan sa Kautusan kung di magpatuli dahil iyon ang sign ng covenant ng Diyos kay Abraham. Isinasaalang-alang ni Pablo dito ang damdamin ng mga taong gusto niyang abutin. Ito ang damdamin niya pagdating sa adjustments sa kultura at tradisyon at dapat isaalang-alang din natin:

For though I am free from all, I have made myself a servant to all, that I might win more of them. To the Jews I became as a Jew, in order to win Jews. To those under the law I became as one under the law (though not being myself under the law) that I might win those under the law. To those outside the law I became as one outside the law (not being outside the law of God but under the law of Christ) that I might win those outside the law. To the weak I became weak, that I might win the weak. I have become all things to all people, that by all means I might save some. I do it all for the sake of the gospel, that I may share with them in its blessings (1 Cor. 9:19-23).

Paul and Barnabas

Kung makabangga mo ang mga kapatid na may ibang gustong gawin, anong gagawin mo? Si Pablo at Bernabe parehong may puso sa misyon. Partners pa nga ang mga iyan. Pero di sang-ayon si Pablo sa gusto ni Bernabe. Ayaw niyang isama si Juan Marcos. May point naman si Pablo kasi noong una, iniwanan sila. Siyempre gusto nating kapartner sa ministry yung hindi tayo iiwanan sa ere. May point din naman si Bernabe, na naniniwala sa second chances at nakikita ang potential nitong si John Mark. Sinong tama sa dalawa? Well, maybe that’s not the issue. Oo nga’t nagkaroon sila ng mainit na pagtatalo at maaaring nagkasagutan pa iyan at nagkataasan ng boses, pero makikita natin ang puso nila sa ministry. Na parehong silang passionate, kahit magkaiba ang diskarte nila. Kaya nagkasundo silang maghiwalay na lang ng pupuntahan. Nakahadlang ba iyon sa misyon ng Diyos? Hindi! Nakapagpasulong pa nga kasi may maraming lugar ang naabot sa mas maikling panahon.

Kahit ngayon mangyayari pa rin ang mga ganyan at may makakabangga tayo na kasama natin na pareho naman ang hangarin, magkaibang pamamaraan o diskarte nga lamang. Nangyari na rin iyan sa church, may mga ilang liders na lumipat ng ibang church kasi hindi nagustuhan ang naging leadership change dito sa church. Sa tingin natin parang hindi maganda, pero sa plano ng Diyos makikita natin na patuloy niyang isinusulong ang misyon niya dito sa church natin at maging sa ibang lugar na napuntahan ng mga members natin. Kaya kung may makabangga ka man dito, huwag tayong magpersonalan, huwag magsiraan, basta focus lang tayo kung ano ang ipinapagawa sa atin ng Diyos. Kung sinabi niyang magstay ka, magstay ka. Kapag sinabi niyang lumipat ka ng ibang lugar, sundin mo siya.

Paul and the Holy Spirit

Kung hindi, Diyos mismo ang makakabangga mo. At kung makabangga mo ang Diyos mismo, anong gagawin mo? Obvious naman ang sagot dito. Kung gusto mong kontrahin ang Diyos nasasaiyo na iyon. Maganda naman ang hangarin ni Pablo sa misyon. May gusto siyang puntahan lugar, sabi ng Espiritu, “Huwag diyan. Dito ka.” At naconfirm ng Diyos iyon sa pamamagitan ng isang panaginip na may isang lalaking humihingi ng tulong sa kanila. Ang point dito ay huwag ipagpilitan ang gusto mo. Kahit pa mainam namang magmisyon o magpastor, pero baka sabi ng Diyos sa iyo na wag ka magresign sa trabaho mo kasi kailangan ko ng magsisilbing ilaw para sa akin sa madilim na lugar na iyan. Bakit sa Cambodia tayo pupunta next week at hindi sa Thailand? Kasi iyon ang sabi ng Diyos. Pareho namang may need pero si Lord ang masusunod. Siya ang maglalatag ng program sa church na ito. May Holy Spirit dito sa church. Hindi si pastor ang masusunod. Kontrahin n’yo na ang pastor n’yo, wag lang ang Espiritu Santo.

Paul and Satan

Kung makabangga mo ang mga demonyo, anong gagawin mo? Naku, heto na ang mabigat. Pero teka, bakit magiging mabigat kung kakampi natin si Jesus? At ito ang pinanghahawakan ni Pablo. Meron silang nakitang isang babaeng nakakapanghula dahil sa masamang espiritu na nasa kanya. At ganyan din maging sa panahon natin ngayon kaya may mga nanghuhula, mangkukulam, faith healers, atbp., galing lahat sa mga demonyo iyan. Wag kayong bibilib sa kanila. Kung may makaharap man tayong mga ganyan tulad ng nakaharap ni Pablo, tandaan nating dala natin ang pangalan ni Jesus at higit siyang makapangyarihan kaysa sinumang demonyo. Sinabi ni Pablo, “Sa pangalan ni Jesus!” Lumayas ang masamang espiritu. Nang mag-OJT na ang mga natrain namin ng Story of God sa Candelaria, may nakausap sila Toby na faith healer at aminadong ibang espiritu ang nasa kanya. Pero hindi natakot sila Toby kasi alam nilang greater is he than is in us than he that is in the world. Kung makabangga mo si Satanas at sinumang demonyo, huwag mong atrasan, banggain mo dahil tiniyak na ni Jesus na malapit na ang katapusan nila. At maging ang ginagawa nilang paghadlang sa misyon ng Diyos ay siya mismong gagamiting ng Diyos para maipakita ang kanyang kapangyarihan sa mga taong gusto niyang iligtas.

Paul and the Heart of Sinners

Kung makabangga mo matigas na puso ng tao, anong gagawin mo? Natural na ang puso ng tao ayaw magpasakop sa kagustuhan ng Diyos, ayaw ng magandang balita ng kaligtasan ni Jesus. Gusto kasi ng tao sa sarili nilang paraan sila maliligtas. Kahit itong si Lydia ay prayerful at sumasamba sa Diyos, malinaw sa kuwento na hindi pa siya ligtas. Alam ni Pablo iyon na kahit sino pang kausapin niya, matigas ang puso, relihiyoso man o hindi tulad ng guwardiya sa kulungan. Sinasabi niya sa mga sulat niya na ang tao ay “bulag” (2 Cor. 4:4) at “patay” (Eph. 2:1) kaya di makita si Jesus, kaya di makatugon sa panawagan ni Jesus. Pero alam din ni Pablo na “the gospel is the power of God for salvation” (Rom. 1:16). Walang matigas na puso na di kayang durugin ng Diyos. Kaya ang ginagawa ni Pablo, just preach the gospel to them, just tell them the Story of God, the Story of Jesus. Ang Diyos na ang bahala doon. Kaya binukas niya ang puso ni Lydia at ng buong pamilya niya. Pati ang guwardiya sa bilangguan, pinalindol niya para madurog ang puso niya at ng kanyang buong pamilya. God is calling us to trust the gospel to do its work in the heart of sinners.

Hindi natin kayang baguhin ang puso ng isang tao. Pero kaya nating lahat na ikuwento ang Story of God sa iba. Una sa pamilya natin tulad ng ginawa ni Lydia at ng guwardiya. Siyempre iyon ang unang misyon nila. Sa pagmimisyon hindi mo pwedeng basta lundagan ang sarili mong bakuran. Kahit mga bata, dapat isipin nating may pusong matigas iyan, kailangang marinig ang gospel. Ang problema maraming magulang kahit naniniwala tayong salvation is by faith parang by works ang itinuturo natin sa bata. Sasabihin ng iba, “Kapag hindi mo ito ginawa, hindi ka na love ni Jesus, lagot ka sa kanya.” Sa halip na sabihin sa kanila tulad ng sabi ni Pablo sa guwardiya, “Believe in the Lord Jesus and you will be saved.”

Gospel-Driven Ministry

Kapag sinabi nating matigas na puso ng tao, kasama ka doon. At iyan ang pinakamahirap mong makakabangga. Kung makabangga mo ang sarili mo, anong gagawin mo? Nakikita natin sa kuwento na si Pablo sumusunod sa Diyos, pero dapat aware din tayo na sa loob ng puso niyan may nangyayaring struggles. Tulad ng sinasabi niya sa Romans 7 na kung ano ang gusto niyang gawin, iyon ang hindi niya ginagawa; kung ano ang ayaw iyon naman ang ginagawa. Aware siya sa battle na nangyayari between the flesh (his sinful nature) and the Spirit (Galatians 5). Pero merong greater power within him kaya nagtatagumpay siya. He has the gospel. Iyong ipinapangaral niya sa iba, ipinapangaral din niya sa sarili niya. Nagmimisyon siya at ibinibigay ang buhay niya para sa Panginoon hindi para pagtrabahuhan ang kaligtasan, kundi para ipamuhay ang kalayaang meron na siya. Meron nang gumawa para sa kanya. Iyon ang magandang balita. Magmimisyon tayo sa Cambodia o sa Candaba o sa bakuran ninyo hindi para magkaroon ng bonus points sa Panginoon. Kundi dahil alam natin na ang dala nating Magandang Balita ay nagtagumpay na. The gospel drives us in the ministry. We have a gospel-driven ministry. Kaya kahit sino ang makabangga natin, basta dala-dala natin ang balitang ito tungkol kay Jesus alam nating kaya nitong durugin ang gawa ng Kaaway, basagin ang matigas na puso ng tao, at labanan maging ang sarili nating katigasan ng puso.

Kung sa misyon ikaw ay gumagawa, tiyak meron kang makakabangga. Pero hangga’t dala-dala mo ang Magandang Balita, wala kang dapat ipag-alala.

1 Comment

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.