Advancing God’s Kingdom

June 9, 2013  |  By Derick Parfan  |  Scripture: Acts 17:16-34; Acts 19:8-20

Listen now…

Download  sermon audio

The Church and the Kingdom of God

[Short review of parts 1-11.] Ito na ngayon ang huling sermon natin sa series. Hindi na natin tatapusin hanggang sa Acts 28. I hope and pray na sa pamamagitan ng series na ‘to, mas naintindihan natin kung ano ang church, ang misyon nito, at paano tayo makakabilang at makakapagparticipate doon. Sana naging mas malawak ang pagkaunawa natin sa church. Hindi iyon bang paupu-upo lang, pasama-sama lang. Kundi iyong naiisip palagi ang tungkol sa kaharian ng Diyos. Na ang kingdom of God ay hindi lang basta iyong church. The kingdom of God is greater than the church – sakop nito ang buong universe. Kung saan man ang Diyos ang hari at kinikilalang hari, doon ang kingdom of God. “His kingdom is an everlasting kingdom, and his dominion endures from generation to generation” (Daniel 4:3).

Ano ngayon ang misyon ng church natin kung iyon ang kingdom of God? Ano ngayon ang mag-iiba sa ginagawa natin bilang members ng church? Kung marami pang mga tao sa buong mundo hanggang ngayon hindi kinikilala ang paghahari ng Diyos, ano ngayon ang gagawin natin? Tama lang na ito ang mga tanong natin kasi ito naman ang concern din ni Luke nang isulat niya ang Gospel of Luke at Book of Acts. Ito rin ang concern ng mga disciples nang tanungin nila si  Jesus bago pa siya bumalik sa langit, “Panginoon, ito na po ba ang panahon na ibabalik ninyo ang kaharian ng Israel?” (Acts 1:6). Tama naman ang tanong nila at darating naman talaga iyon. Pero hindi pa iyon ang focus dapat nila. Kundi iyong sinabi ni Jesus sa verse 8, “Ipapahayag ninyo ang mga bagay tungkol sa akin, mula rito sa Jerusalem hanggang sa Judea at Samaria, at hanggang sa buong mundo.”

Desidido ang Diyos na kilalanin ang paghahari niya sa buong mundo. “For the earth shall be full of the knowledge of the Lord as the waters cover the sea” (Isaiah 11:9). At nakita natin sa church sa Acts na desidido rin silang gawin ito – bagamat noong una ay hindi pa sila makalabas ng Jerusalem (Acts 1-6), pero nakarating na sa buong lalawigan ng Judea at Samaria (Acts 7-12) at maging sa mga bansa sa labas ng Israel (mula Acts 13). Ituloy natin kung paano umuusad ang kaharian ang Diyos sa ministeryo ni apostol Pablo.

Paul in Athens

Pakinggan n’yo ang nangyari sa Acts 17:16-34:

Pagdating ni Pablo sa Athens, lubos siyang nabahala sa nakita niyang maraming dios-diosan doon. Dahil doon, nakikipagdiskusyon siya sa mga sumasamba sa bahay-sambahan ng mga Judio doon pati na rin sa mga tao sa plasa at palengke.

Dalawang grupo ng mga tagapagturo ng pilosopiya ang nakipagtalo sa kanya – mga Epicureo at Estoico. Sabi ng ilan, “Ano naman ang dinadaldal ng mayabang iyan?” Ang sabi naman ng iba, “Iba yatang dios ang ipinapangaral niya.” Sinabi nila iyon dahil ipinapangaral ni Pablo si Jesus at ang kanyang muling pagkabuhay.

Isinama nila si Pablo sa Areopagus, lugar na pinagtitipunan ng mga namumuno ng bayan. Sabi nila, “Gusto naming malaman iyang itinuturo mong bago sa pandinig namin.” Wala kasi silang inatupag kundi magdiskusyon sa mga bagong aral.

Tumayo si Pablo at nagsimulang magsalita, “Mga taga-Athens! Napansin kong napaka-relihiyoso ninyo. Meron pa kayong altar ‘para sa hindi kilalang Dios.’ Siya ngayon ang ipapakilala ko sa inyo.

“Siya ang lumikha ng lahat, ang Panginoon ng langit at lupa. Hindi siya nakatira sa templong gawa ng tao. Hindi niya kailangan ang tulong natin; siya pa nga ang nagbigay ng buhay sa atin, at ng lahat ng kailangan natin. Siya ang gumawa ng lahat ng lahi at nagtakda ng mga hangganan nito. Ginawa niya ito upang masumpungan natin siya.

“Huwag nating isiping ang Dios ay gawa sa ginto, pilak o bato. Oo nga’t noon ay pinalampas ng Dios ang kasalanan ng tao. Ngunit ngayon, inutusan ng Diyos ang lahat na talikuran na ang kanilang mga kasalanan. Dahil nagtakda ang Dios na hahatulan niya ang lahat sa pamamagitan ni Jesus na kanyang muling binuhay mula sa mga patay.”

Nang marinig nila ang tungkol sa muling pagkabuhay, pinagtawanan siya ng ilan. Ang iba naman sabi, “Bumalik ka uli rito, gusto pa naming maintindihan ang itinuturo mo.” Meron din namang ilan na sumang-ayon kay Pablo at sumampalataya kay Jesus.

Only One King

Pagdating ni Pablo sa Athens at nagkaroon siya ng pagkakataong magsalita sa kanila, sinabi niyang, “Napansin kong napakarelihiyoso ninyo” (17:22). Sa panahon natin ngayon, kapag relihiyoso ang isang tao, that’s a good thing. Kaysa nga naman basagulero, addict, lasenggo, atbp. Pero para kay Pablo, hindi naman OK ang basta relihiyoso ka lang. You can be religious and remain outside the kingdom of God. Bakit? Kasi sa pagiging relihiyoso mo, baka hindi naman totoong Dios ang sinasamba mo tulad ng sa Athens na gumagawa sila ng mga rebulto ng mga dios-diosan nila at iyon ang sinasamba nila (hindi ba’t ganoon din ngayon?) Maaaring nagsisimba ka, pero wala ka naman sa kaharian ng Dios kasi iba naman ang priorities mo, iba ang mahalaga sa iyo – ang yumaman halimbawa (pera ang nagiging dios-diosan mo). Para kay Pablo, ayon sa salita ng Diyos, ano ang priority dapat ng isang nasa kaharian ng Dios?

Kingdom Priority. Siyempre walang iba kundi ang Dios – siya ang nag-iisang Hari ng Kahariang ito. Siya ang priority – number one at only one. The essence of the kingdom is turning from idols to worship the one and true God. Kaya nga ipinakilala ni Pablo sa kanila kung sino ang totoong Dios na hindi pa naman nila kilala (vv. 24-31).

Source of all creation. “The God who made the world and all who live in it…” (v. 24); “In him we live and and move and have our being…we are indeed his offspring” (v. 28). Tayo ay nilikha ng Diyos. Hindi tayo ang lumikha sa Diyos.  Obvious iyon, pero minsan napapagbaligtad natin. Gumagawa tayo ng sariling Dios natin sa isip natin, iyon bang medyo kumportable tayo. Kaya nawawala ang bigat ng holiness niya, ng katarungan at ng galit niya.

Sovereign over all things. Siya ang nagdidikta kung saang bansa tayo ipapanganak, kung kelan tayo ipapanganak at kung kelan din tayo mamamatay. Gusto natin kasi kontrolado natin ang buhay natin pero gusto ng Dios ipagkatiwala natin ang kontrol sa kanya.

Sufficient in all things. Hindi niya kailangan ng tirahan. Hindi niya kailangan ang serbisyo natin. Na para bang pagkatapos mong magbigay o maglingkod sasabihin mo sa Dios, “Ayan ha, nagawa ko na ang gusto mo, ngayon naman ibigay mo ang gusto ko.” Ha? Kailangan ka ba niya? Ang lakas mo, ang pera mo, galing din sa kanya, di ba?

Sustainer of all of life. Sa kanya galing ang buhay natin at siya rin ang dahilan kung bakit nagpapatuloy pa tayong huminga. Kung sa kanya galing lahat ito, hindi ba’t para sa kanya din natin ito ibibigay para siya ang mabigyan ng karangalan sa lahat ng bagay? Yes! Pero hindi naman ganoon ang ginawa natin. “For all have sinned and fall short of the glory of God” (Rom. 3:23). Kaya nararapat lamang tayong hatulan at parusahan ng Diyos. Yun ang warning ni Paul sa mga taga-Athens. Darating ang araw na iyon. Pero hindi tayo kailangang matakot dahil siya rin ay…

Savior of all who believe. Lahat ng lahi na magtitiwala kay Jesus – na siya’y namatay at muling nabuhay para tayo’y ibilang na matuwid ng Diyos – ay kanyang ililigtas. This is our God. He is our life’s priority. Pero ang nakalulungkot, marami sa mga tao mas pinahahalagahan pa ang ibang tao at ibang bagay kaysa sa Dios na lumikha sa kanila. Dahil sa problemang iyan kaya may…

Kingdom Program. Ang desire ng Dios – kung siya ang Bida sa kuwentong ito, kung siya ang priority – ay ipakilala kung sino siya at siya ay kilalanin at sambahin ng lahat ng kanyang mga nilikha. Kaya nga ang mensahe ni Pablo ay tungkol sa muling pagkabuhay ni Jesus – nagpapakita na sa pagkabuhay niya ay ipinapakilala ng Diyos na si Jesus ang Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon. At sa kanyang pagbabalik – noon ay bubuhayin ang lahat ng mga patay – lahat ay kikilalanin siyang Hari – hindi na nila maikakaila. Pero hangga’t hindi pa dumarating ang araw na iyon, hindi natin mapipilit ang mga taong kilalanin siyang hari. Oo nga’t ipapaliwanag natin, makikipagdiskusyon tayo sa mga tao tulad ng ginawa ni Pablo – sa mga kababayan man niya o sa mga dayuhan. Pero iba’t iba ang mga responses niyan – merong pinagtawanan siya, meron din namang naniwala, meron din namang interesado at gustong matuto pa. Pero hindi na natin hawak ang desisyon ng mga tao. Basta tayo, ituloy lang natin kung ano ang para sa programa ng kaharian ng Diyos. Basta ang mahalaga, meron tayong…

Kingdom Perspective. Anong ibig sabihin nun? We must look at all of life and ministry in terms of the kingdom. Halimbawa, noong pagpasok ni Pablo sa Athens, may nakita iyang mga magagandang templo para sa mga dios-diosan, siguro iba gawa sa ginto, magagandang disenyo, saka meron pang mga rebultong maganda ang pagkakaukit. Kung papasok siya sa lugar na iyon na parang turista, sasabihin niya, “Wow! Ang gaganda naman nito. Ang galing ng gumawa! Sarap picturan at ipost sa Facebook.” Pero pumasok siya doon na isang misyonero at hindi turista, kaya kingdom perspective ang response niya. Nabagabag ang puso niya, nabahala siya, maiyak-iyak pa siguro. “Ano ba ‘to? Bakit ganito ang mga tao? Sa halip na Dios ang sambahin, mga pekeng dios.”

Noong napunta ako noon sa Bangkok, sa Grand Palace, na halos puro ginto ang mga structures na para kay Buddha, oo nga’t maganda kung titingnan, pero kung ang iisipin mo ay ang kalagayan ng mga tao, nakakaantig ng puso, nakakaiyak. Halimbawa na lang kapag Semana Santa. Mahaba ang prusisyon ng mga rebulto sa Baliwag. Marami sa inyo nanonood. Ok lang naman manood, kung ipapanalangin natin sila, kung may kingdom perspective tayo. Pero kung naaaliw ka pa at natutuwa, malaking problema na iyon. O kaya naman kung may hinahangaan kang basketball player, o artista, o isang mayamang tao at successful, tapos bilib na bilib ka, hindi mo man lang naiisip na iyan ay malayo sa Diyos. Kulang ka sa kingdom perspective. We must look at people with the eyes of God.

Paul in Ephesus

Ganyan ang pagtingin ni Pablo kaya patuloy siya sa misyon niya. Pakinggan n’yo ‘to galing sa Acts 19:8-20:

Pagdating ni Pablo sa Efeso, tatlong buwan siyang patuloy na nagpupunta sa bahay-sambahan ng mga Judio. Hindi siya natatakot sa mga tao roon kahit na ang iba sa kanila’y matigas talaga ang ulo, ayaw maniwala, at sinisiraan pa sila. Patuloy pa rin niyang ipinapaliwanag sa kanila ang tungkol sa paghahari ng Diyos. Kahit umalis na siya sa bahay sambahan, kahit sa harap ng madla nakikipagdiskusyon siya. Dalawang taon niya itong ginagawa kaya halos lahat ng nakatira sa lalawigan ng Asia ay nakarinig ng salita ng Dios.

Maraming pambihirang himala ang ginawa ng Dios sa pamamagitan ni Pablo. Kahit mga panyo at mga epron na ginagamit niya ay dinadala sa mga may sakit at gumagaling sila, at lumalabas din ang masasamang espiritu.

Samantala, meron namang ilang Judiong gumagala at nagpapalayas ng masasamang espiritu. Sinubukan nilang gamitin ang pangalan ng Panginoong Jesus para palabasin ang masamang espiritu. Sabi nila sa masamang espiritu, “Sa pangalan ni Jesus na ipinapangaral ni Pablo, inuutusan ko kayong lumabas!” Pero sinagot sila ng masamang espiritu, “Kilala ko si Jesus, ganoon din si Pablo, pero sino naman kayo?”

At nilundag sila ng taong sinaniban ng masamang espiritu at sinaktan. Wala silang magawa kaya tumakbo sila palabas ng bahay na hubad at sugatan. Nabalitaan ito ng mga taga-Efeso. Natakot sila, at lalo pang naparangalan ang pangalan ng Panginoong Jesus.

Marami sa mga sumampalataya ang lumapit at nagtapat ng kanilang masasamang gawain. At marami ring mga salamangkero ang nagdala ng kanilang aklat at sinunog nila mismo ang mga ito sa harap ng lahat. Ang halaga ng aklat na sinunog ay umabot ng ilang daang milyon. Dahil sa pangyayaring ito, lalo pang lumaganap ang kapangyarihan ng salita ng Dios.

Victorious King

Kung meron tayong perspective na nakabatay sa kingdom of God, ibig sabihin mahalaga sa atin ngayong tanungin natin kung kabilang ba talaga tayo diyan? Are we one of those…

Kingdom People. Those who belong to God’s kingdom are only those who are repentant sinners – not religious pretenders. Sabi ko kanina na pwede kang relihiyoso at sinasabi mo pang mature Christian ka, pero nagpapanggap lang, fake. Tulad ng mga “Jewish exorcists” noong panahon ni Paul. Siyempre sikat sila nakakapagpalayas ng demonyo – pero marahil ay palabas lang ito ni Satanas. Nang mapansin nilang mukhang mas powerful si Paul, sinubukan nilang gamitin ang pangalan ni Jesus. Parang sabi ng demonyo sa kanya, “Hehehe. Sino ka?” Kasi wala namang bisa ang paggamit ng pangalan ni Jesus kung hindi ka naman kabilang sa kaharian ni Jesus. Tulad ng mga “magicians” noon na nagsisi at tumalikod na sa mga kasalanan nila. Hindi ito tulad ng magicians sa panahon natin sa mga birthday parties. Ito yung totoong gumagawa ng mga magic sa kapangyarihan ng demonyo. Pero tinalikuran nila iyon, kahit na nagiging maganda ang negosyo nila. They want to belong to God’s kingdom, kahit pa kapalit ay ang sunugin ang mga gamit nila sa magic na umabot sa higit 200 milyung piso. Ganyan ang mga kingdom people, mas mahalaga ang makapiling ang Dios kahit na mawalay sa limpak-limpak na salapi. Ano ang ginagawa ng mga kingdom people?

Kingdom Proclamation. We must not stop proclaiming the good news of the kingdom of God until all people have heard of it. Tell the Story of God, don’t stop. Ganoon naman ang ginagawa ni Pablo – ikinukuwento sa kanila ang tungkol sa paghahari ng Diyos. Tatlong taon niyang ginagawa iyon sa Ephesus – hangga’t buong probinsiya ng Asia (ngayon ay bansang Turkey) ay nakarinig ng salita ng Diyos. Paano nangyari iyon? Naglagay ba ng malaking sound system si Paul? May Internet ba? Wala! O siguro nagbahay-bahay siya hanggang malibot ang buong probinsiya? Kahit tatlong taon hindi niya kakayaning mag-isa iyon. O hindi ba’t maaaring ganito – na ang mga tinuruan niya ay sinanay niyang ituro din sa iba at siya namang ipinadala niya sa ibang lugar – na sila namang magkukuwento sa iba? Hindi ba’t ganito ang strategy niya para mag-multiply ang salita ng Diyos: “Ang mga narinig mo sa akin sa harap ng maraming saksi ay ituro mo rin sa mga taong mapagkakatiwalaan at may kakayahang magturo naman sa iba” (2 Tim. 2:2 MBB). As we proclaim the kingdom, God will demonstrate its…

Kingdom Power. God is mightily at work through us in demonstrating the power of his kingdom. “Maraming pambihirang himala ang ginawa ng Dios sa pamamagitan ni Pablo” (Acts 19:11). Mga himalang nagpapakita na kayang patalsikin ng Diyos ang lahat ng laban sa kanyang kaharian. Ang sakit – napapagaling ni Pablo, napapatalsik ng Diyos. Ang mga masasamang espiritu, napapalayas ni Pablo sa pangalan ni Jesus. That’s kingdom power. Kaya nga kung gagamitin natin ang “in Jesus’ name. Amen” sa dulo ng prayer natin, ilagay natin sa isip natin ang kapangyarihan ng pangalang iyan at hilingin natin sa kanya hindi lang iyong paggaling ng sipon o sakit ng katawan o pagpasa sa exam o pagkakaroon ng trabaho, kundi tulad ng tinuro ni Jesus, “Our Father in heaven, hallowed be your name. Your kingdom come. Your will be done on earth as it is in heaven.” At kung iyon ang nasa puso natin, na nasa puso din ng Diyos, patutunayan niya ‘to: No one and nothing can hinder the kingdom from advancing. Kahit nga ikulong nila si Pablo sa Roma, anong ginagawa ng Diyos sa pamamagitan niya, “Sa loob ng dalawang taon, nanatili si Pablo sa bahay na kanyang inuupahan (under house arrest). At tinanggap niya ang lahat ng dumadalaw sa kanya. Tinuruan niya sila tungkol sa paghahari ng Dios at tungkol sa Panginoong Jesu-Cristo. Hindi siya natakot sa kanyang pagtuturo at wala namang pumigil sa kanya” (Acts 28:30-31). Walang pumigil dahil walang makakapigil sa Dios sa pagsulong ng kanyang kaharian hanggang sa dulo ng daigdig.

It’s Our Turn

Kung papansinin n’yo ang progression ng kuwento sa book of Acts, makikita n’yo kung paano nagsimula ang church sa Jerusalem sa 120, nadagdagan ng libu-libo, hanggang makalabas sa Jerusalem at marating ang buong lalawigan ng Judea, hanggang sa katabing lalawigan ng Samaria, hanggang makarinig na ang ibang lahi (mga Hentil) at makarating sa iba’t ibang lugar sa Middle East at sa Europa. Obviously, the Kingdom of God is advancing. Acts 19:20, “So the word of God (the King of the Kingdom) continued to increase and prevail mightily.” Until now. Lalago iyan, kakalat iyan, magtatagumpay iyan. So, the church must join God in advancing his kingdom. We must seek first the kingdom of God (Matt. 6:33).

Ginagamit natin ang salitang “advance” o pagsulong sa iba’t ibang kategorya. Kung sa sports, kapag ang favorite team natin ay naka-advance sa finals at nagchampion, tuwang-tuwa tayo. Nasasabik tayo dun, sinusubaybayan natin. Kapag naman ang isang tropa ng sundalo ay naka-advance, ibig sabihin attack mode na iyan, handang lumaban. Kapag may isang lalaking nanliligaw at naka-advance o nakaabante na at naeexcite na siyang sagutin ng nililigawan. Kapag naman meron tayong pangarap at pinagpaplanuhan kung paano mangyayari, iniiisip na natin iyan “in advance.” Kapag naman short ang suweldo mo, tatanungin mo ang boss mo kung pwede bang maka-advance. We used that word to indicate kung ano ang worth pursuing sa atin, iyong mahalaga, iyon bang ikalulungkot, iiyakan mo, at ikamamatay mo pa kung hindi mangyari.

Hindi ko sinasabing hindi mahalaga ang mga bagay na ito. Yes, we need to pursue them. Pero ang makikita natin sa nagdaang sermon series natin sa Acts ay kung ano ang priority, ano ang pinakamahalagang i-pursue o pagpursigihan nating isulong o i-advance. Walang iba kundi ang kaharian ng Dios. “Seek first the kingdom of God and all these things shall be added unto you” (Matt. 6:33).

Ito na ang panahon – wag na nating pagtagalin pa – para magparticipate tayong lahat in advancing the kingdom of God. Walang mangyayari kung nakapirmi ka lang at kukuyakuyakoy. Kung titingnan n’yo ang mapa ng Baliwag, huwag mong isiping ang church natin ay nasa kanto ng Vergel de Dios at Cunanan streets. Wala diyan. Kundi nakakalat sa iba’t ibang barangay sa Baliwag, Bustos, San Rafael, San Ildefonso, San Miguel, Pulilan, Plaridel, Candaba, San Luis. Bawat Grace-Community natin, magmeet tayo sa June 12 para pag-usapan kung paano talaga tayo mamumuhay na malaya sa kaharian ng Diyos at paano natin ipapangaral ang kalayaang ito sa barangay natin at sa mga katabing barangay.

At kung ito ang papangarapin ng bawat isa sa atin – darating ang katapusan, ang pagbabalik ng Panginoon, ang lubos na kaharian ng Diyos. Matthew 24:14, “And this gospel of the kingdom shall be preached as a testimony to all nations, and then the end will come.” Darating ang “end” kung mararating natin ang “ends of the earth” (Acts 1:8). Pagpunta mo sa Acts 28, nakarating na ba si Pablo sa “ends of the earth”? Hindi pa. Ibig sabihin hindi pa tapos. Ngayon, tingnan n’yo ang Acts 29…it’s our turn now to advance the kingdom of God.

Diyan nagtatapos ang sermon series natin. At sana, ito ang pagsisimula ng marami sa inyo na seryosohin ang bigay na misyon ng Panginoon sa ating iglesia. God bless you all!

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.