The Spirit Helps Us Kill Remaining Sins

December 2, 2012  |  By Derick Parfan  |  Scripture: Romans 8:1-17

Download  sermon audio    sermon notes    story guide
 

The Difficult Duty of Killing Remaining Sins

Bago natin simulan ang mensahe ng Dios sa atin ngayon, isulat mo muna sa isang pirasong papel ang isa o dalawang kasalanang hanggang ngayon ay nagagawa mo pa rin at hindi pa napagtatagumpayan. Kung wala kang maisip, ipagpray mong mabuti, “Lord, puwede mo bang ipakita sa akin kung ano ang kasalanang iyon na nais mong mawala na sa buhay ko?” Hindi puwedeng wala. Lahat tayo may kasalanan pa, kahit mga Cristiano na tayo.

May mga kasalanan tayong paborito natin, o alaga natin, o pet natin. Nandiyan pa rin. Ayaw pa ring mawala. Kasi mahirap patayin kapag paborito natin. Kung may alaga akong rabbit, tapos sabihin mo sa aking patayin ko at saksakin ng kutsilyo. Aba, teka lang. Ang hirap noon. Bakit mahirap? Ang ganda nitong rabbit. Ang cute. Masarap tingnan. Nakakagaan ng pakiramdam. Kapag stressed ako, nababawasan ang stress ko. Kapag naiinis ako sa asawa ko, dito na lang ako sa pet ko, ang bait-bait. Hirap patayin nito, kung rabbit mo siguro ang papatayin ko, baka magawa ko pa. E sa akin ‘to. Walang pakialaman. Hindi ba’t parang ganoong ang ugali natin sa mga paborito nating kasalanan?

Kung maalala n’yo ang sinabi ko last week na nandito tayo sa point ng Story of God na nakita nating bahagi na tayo ng Church – o ang pamilya ng mga tagasunod ni Jesus. Nangyari ito dahil namatay si Jesus sa krus, inilibing, nabuhay na muli, umakyat sa langit, bumaba ang Espiritu, at tayo na mga tumatalikod na sa sarili nating makasalanan at nagtitiwala sa kanya ay kabilang na sa Iglesia. Naghihintay tayo ng kanyang muling pagbabalik para malubos ang kaligtasan natin at maibalik ang magandang intensiyon ng Dios para sa tao at relasyon natin sa kanya mula pa sa kanyang paglikha na nasira dahil sa pagrerebelde natin sa kanya. Pero kahit na Cristiano na tayo, nakikipaglaban pa rin tayo sa kasalanan. Last week nakita natin na we fight sin with the Story of God – past, present and future Story of God. Nakita rin natin ang role ng Holy Spirit na siyang nananahan na sa atin – the Spirit dwells within every Christian.

At ngayon naman, titingnan natin ang isa sa mga isinulat ni Pablo sa mga Cristiano sa Roma habang siya ay nasa Corinth sa kanyang ikatlong missionary journey. We will focus on one verse, “For if you live according to the flesh you will die, but if by the Spirit you put to death the deeds of the body, you will live” (Romans 8:13). Pag-uusapan natin kung ano ang motivation natin sa pagpatay sa natitira pang kasalanan sa atin: Bakit ko gagawin iyon? Titingnan din natin ang power na kailangan natin para tuluyang mapatay ang kasalanan: Paano gagawin?

Pero bago iyon, dapat naiintindihan natin ang ibig sabihin ng “put to death” o pagpatay sa kasalanan. Kapag patay na ang rabbit na alaga ko, ibig sabihin, hindi na ito humihinga, wala nang buhay, wala nang magagawa. Hindi na mangangagat, hindi na mangangalmot. Kapag patay na, hindi na ito attractive sa akin. Wala na akong pakialam. Hindi ko na iintindihin. Mangyayari lang iyon kung galit ako sa kasalanan at itinuturing kong kaaway ito. Kung gusto kong maging mas katulad ni Jesus. Na sa halip na kasalanan, Christ become more attractive.

Motivation for Killing Remaining Sins

The Cross of Christ. The first motivation is the cross of Christ. Bakit ko nasabing ganoon? Nagsimula ang verse 13 sa salitang “for” o “sapagkat.” Ibig sabihin konektado ito sa mga nauna. Na ang sinasabi ni Pablo dito ay nanggagaling o para suportahan ang mga nauna na niyang sinabi. Sabi niya sa verse 12, we are no longer debtors to sin. Kapag may utang ka sa isang tao, alipin ka ng taong iyon. At ganyan ang kalagayan natin noon. We are all under sin, tulad nga ng burden na gustong iparating ni Pablo sa Romans 1:18 – 3:20. Pero ngayon hindi na tayo alipin ng kasalanan. Pinatunayan niya ito sa 3:21 – 4:25. Hindi tayo matuwid, pero dahil sa pagiging matuwid ni Jesus at sa ginawa niya sa krus para sa atin, itinuring tayong matuwid ng Dios. At dahil doon, mula chapters 5 to 8, ipinapakita ni Pablo sa atin kung paano tayong mamumuhay ayon sa ginawa na ni Jesus para sa atin. Ito ang ipinapaalala niya sa chapter 8. In our fight against sin, we will always go back to the cross, the message of the gospel. What Jesus did on the cross for us remains our strongest motivation in killing sin.

There is therefore now no condemnation for those who are in Christ Jesus. For the law of the Spirit of life has set you free in Christ Jesus from the law of sin and death. For God has done what the law, weakened by the flesh, could not do. By sending his own Son in the likeness of sinful flesh and for sin, he condemned sin in the flesh, in order that the righteous requirement of the law might be fulfilled in us, who walk not according to the flesh but according to the Spirit (8:1-4).

Pinalaya na tayo dahil kay Cristo. We need to be reminded of the gospel everyday. Rom. 1:16, “It is the power of God for salvation to everyone who believes.” Ang krus ni Cristo ay para din sa ating mga Cristiano na, narito ang kailangan natin para patayin ang mga natitira pang kasalanan. Gagawin natin dahil alam nating sa kamatayan ni Jesus, namatay na rin ang ating makasalanang pagkatao.

So, nail your sins to the cross of Christ. Sa halip na pagtakpan ang kasalanan, ipahayag ito at hayaang dalhin ni Cristo sa krus. Bayad na ito, hindi na natin kailangang pagbayaran pa sa pamamagitan ng sariling gawa natin. Alalahanin mo ang mensahe ng bautismo, tulad ng paalala ni Pablo sa chapter 6, kung paanong nalibing tayong kasama ni Cristo, hindi na tayo dapat pang magpatuloy sa kasalanan.

Your new identity. The second motivation for killing sin is our new identity. This flows from the first motivation. Our new identity is a result of what Christ did on the cross for us. Noong nanalig tayo sa kanya, tayo ngayon ay nakay Criston na. We are “in Christ” (8:1, 2). We are no longer slaves to sin and death, but free in Christ. Parang isang bagong kasal, wala na ang dating boyfriend o girlfriend mo. Ikaw ay para na sa asawa mo at sa asawa mo lang.

Dahil ikaw ay nakay Cristo, nasa iyo na ang Espiritu. Oo nga’t nandiyan pa rin ang likas nating makasalanan, pero dahil nasa atin na ang Espiritu, kaya nakikipaglaban tayo dito. Sabi ni Pablo, “Spirit of God dwells in you” (v. 9). Iyon ang ibig sabihin ng “Christ is in you” (v. 10). Inulit pa rin niya, “the Spirit dwells in you” (twice in v. 11).

Dahil tayo ay kay Cristo, ang Espiritu niya ay nasa atin, tinatawag na tayo ngayong mga anak ng Dios (8:14-17). Matatawag na natin ang Dios na “Daddy” o “Papa.” Ito ang ibig sabihin noong tayo ay bautismuhan sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Kaya dahil diyan, anumang inaalagaan mong kasalanan, bago mo ito patayin, dapat mong sabihin, “That’s not my pet anymore, not my toy anymore. It doesn’t belong to me. I don’t belong to it. I belong to Christ!” So, in your fight against sin, always reflect on your new identity. “If anyone is in Christ, the old has gone, the new has come” (2 Cor. 5:17).

The danger of sin. Dito sa verse 13, ang tinutukoy ni Pablo na kasalanan ay iyong may kinalaman sa “the flesh.” Ito ang “the deeds of the body.” Hindi niya sinasabing masama ang katawan natin. Mabuti ito dahil ang Dios ang lumikha nito. At pagdating ni Cristo, muli niyang bubuhayin ito. Ang tinutukoy na laman o katawan dito ay isang paglalarawan ng kaibahan o pagsalungat nito sa Espiritu at sa mga gawa ng Espiritu (maaaring tingnan ang Galacia 5). Ipinapakita niya na ang mga kasalanang nasa atin pa ay laban sa Espiritu, taliwas sa kalooban at plano ng Dios para sa atin.

At dahil taliwas ito sa kalooban ng Dios, sa tingin n’yo ba ay maganda ang kahahantungan nito? Siyempre hindi! Katunayan, sabi ni Pablo, “you will die” if you live according to the flesh. Hindi lang pisikal na kamatayan ang tinutukoy niya dito bagamat totoong nangyayari iyon na kung patuloy ka sa kasalanan, maaaga kang mamatay (tulad halimbawa ng pagkakaroon ng AIDS o lung cancer dahil sa sarili mong bisyo). Pero lahat naman tayo ay mamamatay din, physically.

So, mas malala pa ang kamatayang tinutukoy niya dito. Kundi iyong tuluyang pagkahiwalay sa Dios. Espirituwal na kamatayan! A akala ko ba ligtas na tayo dahil kay Cristo? Oo nga, pero ang tinutukoy dito ay hindi lang iyong makagawa ka ng kasalanan kundi yung pagkakaroon ng buhay na ang lifestyle ay puro taliwas sa Dios, governed by sin, controlled by sin, enslaved by sin. “For to set the mind on the flesh is death” (v. 6). If your life is defined by sinful patterns and you are not fighting against it, not struggling, like it’s OK for you if you continue in sin, this proves that you are in the flesh and not in the Spirit. You are hostile to God (v. 7). The Spirit does not dwell in you (v. 9). You do not belong to Christ (v. 9). Verse 1 is not true for you. You are under condemnation and under the sentence of death (Rom. 6:23).

Ganyan kaseryoso ang kasalanan. Kung alam mo iyan at kung alam mo ang kaibahan (pansinin ang “but”) ng buhay na nasa Espiritu, hindi ba’t motivated ka ngayon na patayin ang kasalanan? Kasi kapag pinatay mo ang alaga mong iyan na nagiging monster pala, hindi ka na niyan papatayin. Sa halip, “You will live…” You will enjoy the life as God intended it to be in the Garden – without sin, with pure fellowship with God, walking with God in the cool of the day. Hindi nangyayari iyan ngayon dahil sa kasalanan. Sin hinders you from that.

So, consider the certain danger of living in sin. John Owen said, “Be killing sin, or it will be killing you.” Patayin mo ang kasalanan, kung ayaw mong ito ang pumatay sa iyo. Your pet sin is not beautiful, it’s a monster. It will kill you like a lion devouring and tearing you to pieces. Eve saw the fruit as beautiful…but it kills them and all the human race with them. David saw that Bathsheba is beautiful…but what happened?

Power for Killing Remaining Sins

Intentionally. Bago mo patayin ang kasalanan, dapat motivated ka na gawin n’yo. Kumbinsido ka na kaaway ang papatayin mo. Na kapag pinabayaan mo, sa bandang huli pagsisihan mo. There must be in you a desire to do it. You cannot kill sin by accident. It must be intentional on your part. Ikaw ang papatay sa sarili mong kasalanan. “If by the Spirit you put to death the deeds of the body…” Hindi sinabi doong “God put to death” kundi “you put to death.” Hindi ka puwedeng nakaupo lang at kukuyakuyakoy at sabihin sa Dios, “Ikaw na bahala diyan, Lord.” Tapos sisisihin mo pa ang Dios kapag nagpapatuloy ang struggle mo sa kasalanan na iyon. Sabi ng Dios sa iyo, “You do it.” Hindi rin sinabing, “Your pastor…” kundi “You…” Hindi rin, “Your wife…” o “Your church.” Oo nga’t maaasahan natin ang tulong ng Dios at ang tulong ng church, pero ikaw pa rin ang responsable diyan. So, be personally responsible for your own sin. You are responsible for yourspiritual life. You kill your own sin. You don’t let others do it for you. Kung sa paglilinis ng paligid natin may nakikita tayong sign, “Tapat ko, linis ko.” Dapat sa kasalanan ganoon din, “Kasalanan ko, papatayin ko.”

Daily. “You put to death…” Present tense ang verb na ginamit dito. Ibig sabihin, killing sin is not a one time deal. Kapag sinaksak mo ang alaga mong rabbit, patay agad iyan. Ito ang kaibahan ng kasalanan. Hindi sumusuko. Lumalaban. Kahit ilang beses mo nang sinaksak. It will keep fighting, so don’t give up. Don’t lower your guard.

Why does sin keep fighting even when you’re stabbing it? Because you feed it as your pet. Subukan mong gutumin, subukan mong wag pagbigyan. Subukan mong talikuran. Ito nga ang mahirap. Kasi kahit ginugutom mo, lumalapit sa iyo at parang nagmamakaawa. Kahit tinatalikuran mo, humahabol sa iyo. So, araw-araw ang laban natin sa kasalanan. Araw-araw din natin itong papatayin. Hanggang sa oras ng kamatayan natin, makikipaglaban tayo. Dealing with our own sins is messy. Kung puwede nga sanang isang beses lang tapos na, pero hindi ganoon. Hindi ito magic na mawawala basta-basta. Niloob niya na ganoon para sa kanya lang tayo magtiwala at hindi sa sarili natin. Dahil doon, be vigilant in your daily war against sin.

Community. Kung araw-araw ang laban natin dito at tayo ang gagawa nito, ibig sabihin may magagawa talaga tayo para labanan ito. Pero hindi tayo nag-iisa, ito ay laban ng buong sambahayan ng Dios. Pansinin n’yo ang kausap ni Pablo, “You…” Plural iyan, buong church sa Rome ang kausap niya. Hindi niya sinabing, “Kayo na matitigas ang ulo…” Hindi exempted ang mga leaders o pastors o mature members sa laban na ito, lahat kasali, lahat naman nag-struggle pa rin sa kasalanan. Kung ganoon pala, killing sin is a community project. Tulung-tulong tayo. Kung nahihirapan ang isang kapatid, tulungan natin. Kung nahihirapan kayo, humingi kayo ng tulong.

Be humble enough to confess sins with trusted brothers or sisters in Christ. Kung lahat naman tayo makasalanan, wala kang dapat ikahiya na baka ano ang sabihin ng iba. Alam naman nating lahat na may pinagdadaanan tayo. E di mas magandang aminin na natin, para matulungan tayo. Ang mga Cristianong tuluyang bumabagsak sa panganib ng kasalanan ay iyong mga Cristianong hindi nagsasalita, itinatago sa loob ang nararamdaman, pinagtatakpan ang kasalanan, pangiti-ngiti pa sa church yun pala hindi na OK ang nangyayari sa buhay. Iyong kapag kinumusta mo laging, “God is good all the time ang sagot,” hindi naman si Lord ang kinukumusta mo sa kanya. Ito yung mga taong hindi na nagsisimba o nagpapakita sa church, kasi nahihiya, kasi marami pa daw silang kasalanan. (Sino ba ang wala?) Make sure that you have at least one accountability partner outside of your own family. Kung ano ang isinulat n’yong kasalanan diyan sa papel, sasabihin n’yo sa accountability partner n’yo. May naisip na kayo kung sino? Then meet regularly (once a week, twice a month) for check-up and prayer.

The Spirit. Ang tagal na nating nakikipaglaban sa kasalanan. May mga panahong we almost give up. Nasabi mo, “Ayoko na. Hindi ko na kaya.” Iyon bang nasubukan mo na lahat ng paraan – nagbasa ka ng Bible, nakikinig ng sermon, nakikinig sa DZAS, nakikinig ng mga worship songs, umiiwas sa mga kabarkada, nililibang ang sarili, pero andoon pa rin ang kasalanan, umaaligid, at nahuhulog ka pa rin sa kasalanan. Parang ang hirap patayin ng kasalanan kung araw-araw namang nandiyan. Tapos akala mo napatay mo na, pero parang bumabangon ulit at gusto ka ulit sakmalin. Tapos feeling mo napakahirap sabihin sa iba para mag-confess. Nakakahiya. Baka maging iba ang tingin o trato sa iyo ng mga kaibigan mo.

Wag kang mag-alala. Kapag sinabi ko kaninang ikaw ang responsable sa pakikipaglaban mo sa kasalanan, hindi ibig sabihing nag-iisa ka. Kaya nga ang Espiritu nananahan sa atin. Alam ng Dios kailangan natin ng tulong niya. Nasa atin ang Espiritu. Siya ang nagbibigay-buhay (vv. 2, 10-11). At tumutulong sa atin para patayin ang kasalanan. Hindi natin kaya sa sarili nating kamay, pero hawak ang espada ng Espiritu magagawa natin – sa pamamagitan ng Salita ng Dios at ng panalangin (Eph. 6:16-17). Sa pamamagitan niya magkakaroon tayo ng kapayapaan sa pakikipaglaban natin sa kasalanan (Rom. 8:6). Sa pamamagitan ng Espiritu, makakasunod tayo sa kalooban ng Dios at kalulugdan niya (vv. 7-8).

The Holy Spirit helps us kill remaining sins in our life. Hindi siya ang papatay sa kasalanan, tayo ang papatay sa pamamagitan ng kapangyarihang galing sa kanya. Siya ang tutulong sa atin para maipako natin ang mga natitirang kasalanan natin sa krus ni Cristo. Siya ang tutulong sa atin para ipaalala sa atin kung sino na tayo ngayon dahil sa pakikipag-isa natin kay Cristo. Siya ang tutulong sa atin para ibukas ang mga mata natin sa kasuklam-suklam na pagtingin sa kasalanan at kaseryosohan ng epekto nito sa buhay natin at sa relasyon natin sa Dios. Siya ang tutulong sa atin para maging personal at intentional ang pakikipaglaban natin sa kasalanan. Araw-araw ang tulong na ibibigay niya. Not weekly, not occasionally. Kung araw-araw din tayong hihingi ng tulong sa kanya. Siya ang magbibigay ng lakas ng loob sa atin at pusong mapagpakumbaba para aminin ang mga kasalanan natin, gaano man kagrabe, sa mga kapatid natin kay Cristo.

So, be dependent on the power of the Holy Spirit. Fighting sin is your personal responsibility. But you don’t have to do it alone.

The Decision to Kill Remaining Sins

Ngayon, I hope and pray that you are motivated to kills remaining sins in your life. That you find the help you need in the power of the Spirit and our grace-community in the church. Kung anong kasalanan ang isinulat mo sa papel, may choice ka na gagawin. Ibubulsa mo ba o ibibigay kay Cristo para tuluyang mamatay sa pamamagitan ng kanyang dugo? Nasa iyo ang desisyon. I will not decide for you. God will not decide for you. You will decide to take the step forward and turn away from sin and get near to the cross of Christ.

At pagkatapos nito, hindi dito matatapos ang laban. Araw-araw mong papatayin ang kasalanan na iyan. May mga adjustments ka na gagawin. Kung ang girlfriend mo ang nagiging sanhi ng kasalanan mo, hindi ba’t mas mainam na hiwalayan mo muna o magkaroon kayo ng accountability parnter na mag-asawa? Kung ang Internet ang palaging source of temptation mo, subukan mong isang buwang walang Internet. At sa halip ay ibuhos ang panahon sa pagbubulay ng Salita ng Dios. Kung pera naman ang sinasamba mo at nagiging sanhi ng kasalanan mo sa negosyo o sa trabaho, ano naman ang gagawin mong adjustments para tuluyang itakwil ito at sa halip ay magamit ang kayamanang bigay ng Dios sa pagpapalawak ng kanyang kaharian?

Hindi instant solution ang ginagawa natin ngayon, kundi gumagawa tayo ng mga unang hakbang na itutuloy natin araw-araw, hanggang tayo ay bawian na ng buhay o bumalik na ang Panginoong Jesus – alinman ang mauna sa dalawa – kung kailan tuluyan nang mamamatay at maglalaho ang lahat ng kasalanan sa atin. Pero hangga’t nandito pa, we keep fighting and killing remaining sins by the Spirit. “For if you live according to the flesh, you will die. But if by the Spirit you put to death the deeds of the body, you will live.”

3 Comments

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.