The Day of the Lord is Coming

Preached by Derick Parfan on July 29, 2012 at Baliwag Bible Christian Church

Bad News

[Ano ang pinakanakakagulat at pinakamasamang balitang narinig mo?] Ayaw nating nakakarinig ng bad news. Natural iyon. Ok lang siguro sa iba na nanonood ng TV kasi sobrang sanay na sa mga bad news, at wala din namang kinalaman sa kanila. Tulad halimbawa ng nangyari sa isang trahedya sa isang pamilya o tungkol sa kaguluhan sa Mindanao o Middle East. Pero kung concern tayo sa isang tao at narinig natin ang bad news tungkol sa kanila, nakakalungkot. Tulad ng mga kasama kong pastor nitong nakaraang siyam na araw sa Cavite. Pangalawang araw pa lang ng conference, Linggo, sunud-sunod na bad news ang narinig namin – isinugod sa ospital ang anak ng isa at ooperahan dahil sa apendisitis, inatake sa puso ang associate pastor ng isa habang preaching at isinugod din sa ospital, nadulas ang buntis na asawa ng isa, naospital din ang asawa ng isa sa mga main speakers namin kaya di siya nakapunta. Bad news iyon. Nakakagulat din kasi we expect na magiging smooth lahat.

May mga nakasulat din sa Bibliya na parang ganoon. Bad news. At nakakagulat kasi hindi ganoon ang mga inaasahan nating marinig. Ang nakasulat sa Salita ng Dios, bagamat bad news ang maririnig natin sa kuwento, ay true interpretation of what happened. Hindi tulad ng mga balita ngayon ang iba exaggerated, para kumita ang media business. Sa puntong ito ng ating Story of God, hindi na maganda ang nangyayari. Kung may maganda man, pailan-ilan lang. Ito ang makikita natin ngayon sa Zephaniah at ang background nito as 1 Kings 21-23. Siya ay propeta sa panahon ni haring Josiah. Nahati na ang kaharian ng Israel. Ang hilaga, Israel, ay sinalakay na ng mga Assyrians at ginawa silang bihag sa ibang bansa. 722 BC noong nangyari iyan. Pero nagpatuloy pa rin ang kaharian sa timog, Judah, tulad ng pangako ng Dios. Bagamat may ilang mga hari, tulad ni Hezekiah, na nagtiwala sa Dios, karamihan din ay hindi naging tulad ng halimbawa ni haring David. Pero tulad din ng Israel, tumalikod din sila sa Dios. Puro bad news ang nangyayari dito. Tingnan natin halimbawa ang nangyari sa 2 Kings 21:

Pagkatapos ng magandang kalagayan ng Judah sa panahon ng paghahari ni Hezekiah, pumalit sa kanya ang anak niyang si Manasseh. At sa loob ng 55 taong paghahari niya, puro kasamaan ang namayani sa kanilang bansa. Masama ang ginawa niya sa paningin ng Dios, tulad ng mga karumal-dumal na ginagawa ng ibang mga bansang nakita na nilang pinarusahan ng Dios. Pinatayo niya ulit ang mga altar para sa mga dios-diosang sina Baal at Asherah, mga altar na giniba na sa panahon ng kanyang ama. Si Manasseh ang namuno sa Judah para ang buong bayan ay gumawa ng kasamaang malala pa sa mga bansang nakita na nilang winasak ng Dios.

Kaya sinabi ng Dios sa kanila sa pamamagitan ng mga propeta: “Dahil diyan, paparusahan ko nang matindi ang Juda at ang Jerusalem. Mababalitaan ito ng mga iba at sila’y kikilabutan. Paparusahan ko ang Jerusalem tulad ng ginawa ko sa Samaria at sa sambahayan ni Ahab. Aalisin ko ang mga tao sa Jerusalem tulad ng paglilinis sa pinggan. Pupunasan ko ito at pagkatapos ay itataob. Itatakwil ko ang matitirang buhay sa kanila at ipapasakop sa kanilang mga kaaway. Gagawin ko ito dahil sa kanilang kasamaan mula pa nang iligtas ko ang kanilang mga ninuno sa kamay ng mga Egipcio.”

Ang layunin ng Dios bakit ipinapadala ang mga propeta ay para sabihin sa kanila ang tunay nilang kalagayan at kung ano pa ang magiging kalagayan nila. Makasalanan sila, tulad ng ibang bansa, dapat lang din silang hatulan. Hindi magandang pakinggan ang paghatol ng Dios sa ibang mga bansa. Pero mas bad news kung sila mismo ang maaapektuhan, kung sa bansa mismo nila mangyayari. Doon sa mga sinabi ko kaninang bad news na natanggap namin, nakakagulat iyon. Pero mas affected tayo kung asawa mo iyon, tatay mo, o sa iyo mismo nangyari. Kung hindi tayo nakahandang marinig, shocking talaga. Kaya ipinadala ng Dios si Zephaniah sa Judah para paalalahanan sila, para ihanda sila, para sabihin sa kanila kung ano ang bad news – at ano rin ang good news sa kabila ng bad news na iyon. Good news man o bad news ang dala ng propeta dapat pakinggan. Bakit? Dahil ito ay galing sa Dios. Ito ay “salita ni Yahweh” (1:1), “sabi ni Yahweh” (1:2, 3, 10; 3:6, 20).

The Message of Zephaniah

Isang pangunahing tema sa aklat ng propetang ito ay ang “Day of the Lord” o “Araw ni Yahweh.” May nauna nang sinabi si Amos tungkol dito, pati si Isaias at Joel din. May 24 references si Zephaniah dito (day of the Lord, on that day, at that time, the time). Ito iyong araw na sa kanya nakafocus at sa gagawin niya. Siyempre dapat araw-araw ang Dios ang bida, pero alam nating di nangyayari iyon sa buhay ng maraming tao. He was neglected by many. Na ang buhay ay parang Dios. Kaya para tuparin ang mga layunin ng Dios, naglaan siya ng araw na wala nang ibang focus o nasa spotlight kundi siya lang. Para bang isang debut, na iyong debutante ang bida. O kaya sa araw ng kasal, kahit may mga mayor o celebrities na ninong o ninang, ang groom at bride pa rin ang nasa spotlight. Ito ang araw na sasabihin, “Behold your God!” (Isa. 40:8-9). The Lord will be awesome on that Day (Zeph. 2:11). The Lord alone will be exalted on that day (Isaiah 2:11, 17). Hindi pa ito nangyayari, future pa. The Day of the Lord is coming. Sa Zephaniah, it is more of the day of God’s judgment (1:7, 8, 9, 10, 14 (2x), 15 (6x), 16, 18; 2:2, 3; 3:8) as preparation for the day of God’s blessing  (3:11, 16, 19-20). Titingnan natin ngayon kung ano ba itong Day of the Lord, at kung ano ang gusto ng Dios na maging tugon natin dito.

The Day of the Lord’s Judgment (1:2-3:8)

Ang araw ni Yahweh ay araw ng kanyang paghatol. Ito ang prominente sa Zephaniah. Halos buong aklat ito ang tinutukoy. Ano ba ito? Ito ang darating na araw na hahatulan ng Dios ang lahat ng kasalanan at kasamaan.

Coming soon (1:7, 14; cf. Joel 1:15). Ang ng araw ng paghatol ni Yahweh ay malapit na. “The day of the Lord (Yahweh) is near” (1:7). Hindi lang paglipas ng oras ang pinag-uusapan dito. Kundi ang gusto ng Dios ay ipahatid sa kanila na ito ay siguradong darating. “The great day of the Lord is near, near and hastening fast” (1:14). Ito ang panahon na may gagawin ang Dios laban sa kasalanan, bilang parusa sa kasalanan. Sasabihin ng iba, “Matagal pa naman yan.” Don’t mistake God’s patience for his impotence. Hindi siya parelax-relax lang. Kaya ito sinasabi ng Dios ay para abangan nila, para paghandaan nila. Parang isang balita na may darating na bagyo at malapit na, anong dapat gawin ngayon?

Terrible (1:15-18). Ang araw ng paghatol ni Yahweh ay kakila-kilabot. “A day of wrath is that day, a day of distress and anguish, a day of ruin and devastation, a day of darkness and gloom, a day of clouds and thick darkness, a day of trumpet blast and battle cry against the fortified cities and against the lofty battlements. I will bring distress on mankind, so that they shall walk like the blind, because they have sinned against the Lord; their blood shall be poured out like dust, and their flesh like dung” (1:15-17). Hindi lang ito bad news. This is the worst, most terrible news. Imagine a wartime scenario.

Malupit ang Dios, oo, pero iyan ay dahil makatarungan siya at matuwid (3:5). Paparusahan sila “because they sinned against the Lord” (1:17). Hindi sinabi kung maliit o malaking kasalanan. Basta sinabing nagkasala. Ang bigat ng parusa ay hindi nakadepende sa ginawa natin, kundi kung sino ang ginawan natin ng kasalanan. Halimbawa, ang pagmumura kasalanan di ba? Halimbawa minura mo ang kapitbahay mo. Tapos minura mo din ang presidente ng Pilipinas. Ano ang mabigat doon? Pareho namang pagmumura pero ang isa ay pang-iinsulto sa pinakamataas, pinakamakapangyarihan sa bansa natin. Gaano man sa tingin natin kaliit ang kasalanan natin, pero dahil ito ay laban sa Dios na lumikha ng lahat ng bagay, Dios na mahabagin sa lahat, Dios na dakila at makapangyarihan, lahat ng kasalanan ay nararapat hatulan ng malupit na parusa ng Dios. Kung hindi mo matanggap na ganito ang gagawin ng Dios dahil sa tingin mo ay maliit lang naman ang kasalanan mo kung ikukumpara sa iba, ay dahil maliit ang pagkakilala mo sa kabanalan at katarungan ng Dios.

Universal (1:18; 1:2-6; 3:8). Ang araw ng paghatol ni Yahweh ay para sa lahat. “In the fire of his jealousy, all the earth shall be consumed; for a full and sudden end he will make of all the inhabitants of the earth” (1:18). “in the fire of my jealousy all the earth shall be consumed” (3:8). Chapter 2 – Kasama dito ang mga bansang kaaway ng Judah. Hahatulan ng Dios ang mga malapit sa Judah tulad ng Philistia, Moab at Amon. Pati mga malalayong bansa tulad ng Cush at Assyria. Hindi lang mga tao kundi pati ang buong nilikha ng Dios na nasa ilalim ng sumpa dahil sa kasalanan. “I will utterly sweep away everything from the face of the earth,” declares the Lord. “I will sweep away man and beast; I will sweep away the birds of the heavens and the fish of the sea, and the rubble with the wicked. I will cut off mankind from the face of the earth,” declares the Lord. Kung paanong nilipol ng Dios ang lahat ng may buhay sa pamamagitan ng baha sa panahon ni Noe, parang ganito rin ang gagawin ng Dios. Pero may pangako siyang di na niya uulitin di ba? Mamaya makikita natin kung ano ang kaibihan nito.

Pati ang Judah hindi exempted. Shocking kasi akala nila exempted sila. “I will stretch out my hand against Judah and against all the inhabitants of Jerusalem; and I will cut off from this place the remnant of Baal and the name of the idolatrous priests along with the priests, those who bow down on the roofs to the host of the heavens, those who bow down and swear to the Lord and yet swear by Milcom, those who have turned back from following the Lord, who do not seek the Lord or inquire of him” (1:2-6).

May layunin ang Dios bakit niya ito sinasabi sa mga taga-Judah. Bago pa man mangyari, sinasabi na ng Dios. Puwede naman niyang hindi sabihin, pero bakit niya gustong sabihin? May layunin siya. At ang layuning ito ay para din sa atin ngayon. Bakit? Kung ang araw ng paghatol ng Dios – malapit nang dumating at kakila-kilabot ay para sa lahat, ibig sabihin nais ng Dios na pakinggan natin din ito sa ganitong layunin tulad din ng sa Judah

To shake complacency (1:12). Para palitan ang pagiging kampante nila. Ito kasi ang problema nila. “At that time I will search Jerusalem with lamps, and I will punish the men who are complacent, those who say in their hearts, ‘The Lord will not do good, nor will he do ill.’” (Zephaniah 1:12). Para bang may sunog na sa kapitbahay, pero walang pakialam kasi kaaway naman nila iyon. At sila kampante pa rin, akala nila hindi sila madadamay sa sunog. Pero ang totoo, mas malala pa nga ang sasapitin nila, dahil mas malala pa ang naging kasalanan nila sa Dios.

To instill fear (1:7, 10-11). Para palitan ang pagiging kampante nila ng nanginginig na takot. “Be silent before the Lord God! For the day of the Lord is near; the Lord has prepared a sacrifice and consecrated his guests” (1:7). “On that day,” declares the Lord, “a cry will be heard from the Fish Gate, a wail from the Second Quarter, a loud crash from the hills. Wail, O inhabitants of the Mortar! For all the traders are no more; all who weigh out silver are cut off.” (1:10-11).

The Day of the Lord’s Blessing (3:9-20)

Kung papansinin ninyo, ang mensahe ni Zephaniah ang isa sa mga nakakatakot na pagsasalarawan ng galit ng Dios sa buong Bibliya. Ngunit sa dulo ng aklat, malaking kaibahan ang nakita natin. Nandito naman ang isa sa pinakamagandang pagsasalarawan ng pag-ibig ng Dios. Ito ang kaibahan, bakit ang Day of the Lord ay iba sa panahon ni Noe. Tulad din ng Day of Judgment, ito rin ay malapit na. Oo, naroon nag paghatol, pero ang paghatol na iyon ay paghahanda para sa pagliligtas na pangkalahatan din (hindi lahat ng tao, pero marami sa iba’t ibang mga bansa). Ang kaibahan sa judgment, dahil ito ay pagpapala, hindi kakila-kilabot, kundi kasiya-siya. Bakit nga?

Day of salvation (3:17-19). “The Lord your God is in your midst, a mighty one who will save; he will rejoice over you with gladness; he will quiet you by his love; he will exult over you with loud singing. I will gather those of you who mourn for the festival, so that you will no longer suffer reproach. Behold, at that time I will deal with all your oppressors. And I will save the lame and gather the outcast, and I will change their shame into praise and renown in all the earth” (3:17-19). Sabik na sabik ang Dios na iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan. Na palitan ang ating kaawa-awang kalagayan nang kanyang pagmamahal at pagpapala.

Day of restoration (3:20). “At that time I will bring you in, at the time when I gather you together; for I will make you renowned and praised among all the peoples of the earth, when I restore your fortunes before your eyes” (3:20). Ibabalik ng Dios ang nawala sa atin ng tayo ay magkasala. Ibabalik tayo ng Dios sa isang malapit na relasyon sa kanya.

Day of adoration (3:9-10). “For at that time I will change the speech of the peoples to a pure speech, that all of them may call upon the name of the Lord and serve him with one accord. From beyond the rivers of Cush my worshipers, the daughter of my dispersed ones, shall bring my offering” (3:9-10). Ito ang araw na hindi na si Baal ang sinasamba, hindi na pera, hindi na sarili nating kakayahan, kundi walang iba kundi si Yahweh.

Day of celebration (3:14). “Sing aloud, O daughter of Zion; shout, O Israel! Rejoice and exult with all your heart, O daughter of Jerusalem” (3:14). Dahil doon ito ang araw ng lubos na pagsasaya. Wala nang luha, wala nang lungkot, puno na ng awitan. Kaya nga ang Christianity ay isang singing religion (di tulad ng Islam) kasi meron tayong dahilan para magsaya at magdiwang

Obvious na kung bakit pagkatapos maglaan ng mahabang panahon para sabihin ang tungkol sa kakila-kilabot na hatol ng Dios ay sinabi kung ano ang mangyayari pagkatapos nito. Ito ay paghahanda ng Dios para sa lubusin ang pagliligtas na ipinangako niya. Walang pagpapala kung walang paghatol. Ito ang layunin ng Dios dito…

Para palitan ang pagkatakot. Nakakatakot ang hatol ng Dios. Pero dahil may mga ipinangako siyang pagpapala at kaligtasan, wala na tayong dapat ikatakot. “The Lord has taken away the judgments against you; he has cleared away your enemies. The King of Israel, the Lord, is in your midst; you shall never again fear evil. On that day it shall be said to Jerusalem: “Fear not, O Zion; let not your hands grow weak” (3:15-16). May takot kung tayo ay hindi nagtitiwala sa Dios. Ito ang problema ng Judah. “She listens to no voice; she accepts no correction. She does not trust in the Lord; she does not draw near to her God” (3:2). Akala kasi natin makikita natin ang security natin sa mga bagay sa mundong ito – kayamanan, katanyagan, relasyon sa ibang tao, sa relihiyon. “Neither their silver nor their gold shall be able to deliver them on the day of the wrath of the Lord” (1:18).

Para palitan ang pagkatakot ng pagtitiwala. “Seek the Lord, all you humble of the land, who do his just commands; seek righteousness; seek humility; perhaps you may be hidden on the day of the anger of the Lord.” (2:3). Ang pinakanakakatakot na kalagayan ng tao ay sa ilalim ng mabagsik na kamay ng Dios. Ang pinakamainam na kalagayan ng tao ay ang hawak-hawak at yakap-yakap ng mga bisig ng Dios. The most fearful place in all the world is to fall under the hands of an angry God. Tatakbo tayo palayo doon, at tatakbo naman palapit sa kanya awa at habag. The safest place in all the world is to find refuge in the loving arms of God. “But I will leave in your midst a people humble and lowly. They shall seek refuge in the name of the Lord,” (3:12)

Sa panahon ni Manasseh, hindi nakita iyon. Pero sa panahon ng kanyang apong si Josiah may nangyaring pagbabago. Ito ang nangyari sa 2 Kings 22-23:

Nang ang apo na ni Manasseh na si Josiah ang hari ng Judah, natagpuan ang isang kopya ng Kautusan na ibinigay ng Dios kay Moises noon. Nang basahin ito sa kanya, pinunit niya ang kanyang damit at sinabi, “Malaki ang galit ng Dios laban sa atin, dahil hindi sumunod ang ating mga ninuno sa mga utos ng Dios.” Ipinasabi ng Dios sa kanya sa pamamagitan ng mga propeta, “Dahil nang marinig mo ang mga salitang ito at nagpakumbaba ka sa harap ng Dios, at nang marinig mo ang mga sumpa at parusang darating galing sa Dios at umiyak ka sa pagsisisi, pinakinggan kita. Kaya mamamatay kang mapayapa at hindi mo masasaksihan ang mga kakila-kilabot na gagawin ko laban sa bansang ito.”

Pagkatapos nito, pumunta ang hari sa templo kasama ang mga taga-Judah. Binasa niya sa kanila ang nakasulat sa aklat ng Kautusan. Pagkatapos noon, ang mga tao at ang hari ay gumawa ng isang tipan sa Dios na mamumuhay ayon sa kalooban ng Dios at buong pusong susunod sa kanyang mga utos. Sinira nila ang mga dios-diosan nila. Ipinagdiwang din nila ang Araw ng Paglampas ng Anghel (Passover), na kinalimutan nang gawin ng Israel sa loob ng ilang daang taon simula sa panahon ng mga hukom.

Sa kabila nito, hindi pa rin nawala ang nag-aapoy na galit ng Dios laban sa Judah dahil sa mga ginawa ni Manasseh. At sinabi ng Dios, “Palalayasin ko ang Judah sa aking harapan tulad ng ginawa ko sa Israel.”

The Day of Jesus Christ

Sa kabila ng nangyaring pagbabago, itutuloy pa rin ng Dios ang kanyang hatol sa kanila. Hindi pa dumarating ang kaganapan ng pagliligtas nila. Bakit ganoon? Pinapakita nito na hindi mababago ang hatol ng Dios. Na walang makaliligtas sa parusa ng Dios maliban na lang kung ang Dios ang magliligtas. Tingnan n’yo yung ginagawa sa Feast of Passover. Hindi lang ito pag-alala sa ginawang pagliligtas sa kanila ng Dios bago sila lumabas sa Egipto. Nang dumaan ang anghel naligtas sila. Pinapakita rin nito ang pagliligtas na gagawin ng Dios sa pamamagitan ni Cristo. He is the Passover Lamb. Hangga’t hindi pa dumarating si Jesus, babagsak pa ang hatol ng Dios sa Judah. The Day of Yahweh is the day of Jesus Christ.

Sa pag-aaral ng prophecy, may tinatawag na “prophetic telescoping.” Na ang Day of the Lord ay maaaring tumukoy sa mangyayari sa Judah ilang taon pagkatapos ng propesiya tulad ng mangyayari sa 586 BC nang sasalakayin ng Babylon ang Judah at kakila-kilabot ang mangyayari (Day of Judgment) at pagkatapos ng 70 taon ay ibabalik sila sa lupa nila (Day of Blessing). Pero tumutukoy din ito sa pagdating ni Jesus na nangyari na ngunit may inaabangan pa tayong pagbabalik. Kung saan mangyayari ang Final Judgment at ang lubos na pagliligtas ng Dios. Kaya ang mensahe ni Zephaniah ay good news din para sa atin.

At ang layunin ng Dios ay hindi lang para palitan ang takot ng tiwala, kundi ng nasasabik na pagtitiwala. Kaya nga sabi ng Dios sa Zephaniah, “Wait for me…” (3:8). Ang verse na ito ang nagsisilbing tulay sa mensahe ng paghatol ng Dios (ending in 3:8) at ng pagpapala ng Dios (starting on 3:9). Don’t live your life right now as if the day of the Lord is not coming. Dumating na ang Panginoong Jesus at siya ang ating kaligtasan. At darating siyang muli para lubusin ang pagliligtas ng Dios sa atin. Hindi pa siya tapos. Abangan mo. Hintayin mo. Masabik ka. Nais ng Dios na palitan ang nanginginig na takot (sa hatol ng Dios) ng nasasabik na pagtitiwala (sa pangakong pagpapala ng Dios).

The day of the Lord is coming. Nakakatakot para sa mga wala pa sa ilalim ng pangangalaga ni Cristo. Pero nakakasabik sa mga nagtitiwala sa kanya. Anong kinatatakutan mong mangyari? Kung hanggang ngayon, wala ka pa sa Panginoong Jesus, at patuloy na nagrerelde at nagtitiwala sa sarili mong gawa, huwag kang maging kampante, matakot ka. Manginig ka sa takot. Darating ang araw na ayaw na ayaw mong dumating. At kung natatakot ka sa darating na hatol ng Dios (at dapat lang!), ngunit narinig mo ang mga pangakong pagpapala at pagliligtas ng Dios, huwag ka nang matakot, magtiwala ka kay Cristo at masabik sa kanyang muling pagbabalik. Ano bang kinasasabikan mo ngayon? Darating ang araw na gustung-gusto mo nang dumating. Ang araw ni Yahweh ang pinakamasamang balita? O pinakamagandang balita? Depende sa relasyon mo sa Panginoong Jesus.

1 Comment

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.