June 17, 2012 | By Derick Parfan | Scripture: 1 Kings 11; Ecclesiastes 1-12
Download
sermon audio
sermon notes
story guide
story graphics
Note: audio not available for this sermon
Confusions in a Complex World
Maraming bagay sa mundo ang nakakalito. Confusing. Pagkatapos mong manood ng laban ni Pacquiao kay Bradley noong isang Linggo, tapos expected mong siya ang panalo, tapos narinig mong si Bradley pala. Sabi mo, “Whaaaaat!” Bakit nagkaganoon? Di natin maintindihan. Basta ganoon nangyari? Ang buhay ng tao parang yung laban na iyon ni Pacquiao. Nakakalito. Minsan parang ang nangyayari ay walang sense. Ginawa mo na ang lahat wala pa rin. Nasa iyo na ang lahat akala mo iyon ang makapagpapasaya sa iyo, pero bakit parang kulang pa rin? May kahulugan pa ba ang buhay ng tao? O hintayin na lang nating matapos tapos iyon na iyon. Ang buhay ng tao, puno ng confusions, frustrations, disappointments, unmet expectations, a sense of meaninglessness or lack of purpose.
The Meaninglessness of Life
Ito yung feeling na makikita natin sa sumulat ng Ecclesiastes o “Ang Mangangaral.” Sabi niya sa simula at dulo ng aklat,
Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, sabi ng Mangangaral; walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan! Lahat ay walang kabuluhan” (1:2, Ang Biblia 2001). Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, sabi ng Mangangaral; lahat ay walang kabuluhan (12:8).
Bahagi ito ng section ng Bible natin na tinatawag na Wisdom Literature. Kasama dito ang Job, na nagtuturo sa atin ng wisdom tungkol sa pagharap sa mga mapait at mabigat na sitwasyon sa buhay; Psalms, nagbibigay sa atin ng karunungan kung paano sumamba, magpuri, magpasalamat, at umiyak sa Dios; Proverbs, karunungan sa pang-araw-araw na buhay – relasyon sa ibang tao, sa pamilya, at marami pang iba; Song of Songs, wisdom tungkol sa relasyon ng mag-asawa at ang disenyo ng Dios sa physical intimacy o sex.
Maraming nagsasabi na si Solomon ang sumulat nito, batay sa 1:1, “The words of the Preacher, the son of David, king in Jerusalem.” Pero pinakilala lang niya ang sarili niya na Qoheleth o Preacher o Teacher, isang tao na nagsasalita sa harap ng maraming tao. Isa itong tao na ginamit ng Dios para isulat ang mga sinasabi din ng puso natin sa mga kalituhang nararanasan natin sa mundo. Pero kung babasahin natin ang aklat na ito, baka makadagdag sa kalituhan natin, kaya dapat alam natin kung paano babasahin ‘to. Huwag n’yo ‘tong basahin na paisa-isang verse lang tapos gagawin n’yong memory verse, maaaring mali ang maging pagkaintindi natin at mali ang application. Di ito tulad ng Proverbs. Kailangan itong basahin nang buo (tulad ng Job) para makuha natin ang idea bakit ganoon siya magsalita na para bang negative o pessimistic.
Ang key word dito ay “hebel” o “walang kabuluhan” – limang beses inulit sa verse 2 pa lang, at halos 30 beses sa buong aklat. Ginagamit din ang salitang ito para tumukoy sa hangin o usok o bula o mga bagay na bigla ring nawawala o walang kabuluhan. Kaya kasabay ng salitang ito ay iyong expression na “parang humahabol sa hangin” (chasing after the wind). “Nakita kong walang kabuluhan ang ginagawa ng mga tao rito sa mundo (literal, “sa ilalim ng araw”). Para kang humahabol sa hangin, nauuwi lang lahat sa wala” (1:14 ASD; tingnan din ang 1:17; 2:11, 17, 26; 4:4, 6, 16; 5:16; 6:9). Nasubukan n’yo na bang dakutin ang hangin? Ganoon ang nararamdaman ng sumulat nito, o ganito ang perspektibo niya na ipinapakita na ganito ang nararamdaman ng maraming tao, na sa kabila ng pagpapakapagod sa buhay na ito, parang wala lang, parang mauuuwi lang din sa wala ang lahat. Kaya nga sabi niya, “Lahat ay walang kabuluhan.”
Nasa simula at dulo ito ng aklat, at nasa buong aklat! Ibig sabihin, gusto niyang patunayan ‘to. Gusto niyang ipakita na sa buhay ng tao, we are pursuing meaning, fulfillment and satisfaction. Hindi man tayo conscious dito pero ganoon ang ginagawa natin. Lalo na ang mga tatay na nasa midlife crisis. At ang mga kabataan, darating din sa punto na tatanungin nila, “Para saan nga ba ang ginagawa ko? Bakit ba ako mag-aaral pa? Bakit ba kailangang gawin pa ‘to, gawin pa iyon?”
Pursuit of Meaning and Happiness
Sinusubukan natin at hinahanap natin kung anong bagay sa mundong ito ang makapagbibigay ng kabuluhan sa buhay natin. We pursue meaning in…
Pleasure. Kung ano ang makapagbibigay sa atin ng kasiyahan gagawin natin. Hindi ka na masaya sa asawa mo, naghanap ka ng iba na mas magiging masaya ka. O kung hindi man, daanin na lang sa mga kabarkada, inuman at bisyo. O kung matanda ka na, bibili ka ng rest house at lilibangin ang sarili sa mga halaman. O kaya naman sisikapin mong magkaroon ng masayang pamilya. O kaya naman dadaanin sa tawanan o sa entertainment kahit may mabibigat na problema sa buhay. Sabi ng Mangangaral, “Sinabi ko sa aking sarili, ‘Pumarito ka ngayon, susubukin ko ang kasayahan; magpakasarap ka.’ Ngunit ito rin ay walang kabuluhan” (2:1, Ang Biblia 2001).
Popularity. Iba na kung sikat tulad ni Pacquiao. Tinitingala ng tao. Iniingatan natin ang pangalan natin. Ayaw nating may masabing masama sa pamilya natin. Pagdating sa church, magpapakasipag para mapuna ng iba na mabuting lingkod ng Panginoon. Ang iba pangarap makasali sa Pinoy Big Brother o kaya ay sa American Idol. Kung hindi man, sa mga school contests na lang, o pagbutihing mag-aral para maging valedictorian o maging topnotcher sa board exam. “May bagay ba na masasabi tungkol dito, ‘Tingnan mo, ito ay bago’? Ganyan na iyan, sa nauna pa sa ating mga kapanahunan. Ang mga tao noong una ay hindi naaalala, ni magkakaroon ng alaala pa man tungkol sa mga tao ng mga taong susunod pagkatapos nila” (1:10-11).
Success in Work. Siyempre dapat masipag sa pagtatrabaho. Para may promotion, madagdagan ang suweldo. Kung hindi man napupuna ang gawa mo sa bahay, daanin na lang sa opisina kasi mas napapansin pa ng boss at sinasabing, “Good job!” Lahat susubukan, lahat gagawin, maging successful lang sa trabaho. “Nang magkagayo’y minasdan ko ang lahat na ginawa ng aking mga kamay, at ang pagpapagal na aking ginugol sa paggawa nito. At muli, lahat ay walang kabuluhan at pakikipaghabulan sa hangin, at walang mapapakinabang sa ilalim ng araw” (2:11). “Sapagkat lahat ng kanyang araw ay puno ng sakit at ang kanyang gawa ay pagdaramdam; at pati sa gabi ay hindi nagpapahinga ang kanyang isip. Ito man ay walang kabuluhan” (2:23).
Money. Siguro kung marami kang pera mas masaya, mas fulfilled. Kaya trabaho ng trabaho. Kung mas mabilis yayaman mas maganda. Kaya kung anu-anong networking business ang sinubukan. May magandang offer sa ibang bansa, bakit nga naman hindi sasamantalahin. Kung makapasa sa interview, siyempre kalooban daw ng Dios. At kung medyo naiinip na at hindi pa rin yumaman, makataya nga sa lotto, baka sakaling maging “answered prayer.” “Muli kong nakita ang walang kabuluhan sa ilalim ng araw: isang taong nag-iisa, walang anak o kapatid man; gayunma’y walang wakas ang lahat niyang pagpapagod, at ang kanyang mga mata ay hindi nasisiyahan sa mga kayamanan. Kaya’t hindi niya itinatanong, ‘Para kanino ako nagpapagod at pinagkakaitan ko ang aking sarili ng kasiyahan?’ Ito man ay walang kabuluhan at malungkot na bagay” (4:7-8). “Siyang umiibig sa salapi ay hindi masisiyahan sa salapi; o siya mang umiibig sa kayamanan na may pakinabang: ito man ay walang kabuluhan” (5:10).
Wisdom. Hindi naman pera ang mahalaga, ang mahalaga iyong marunong ka sa buhay. Alam mo kung ano ang dapat gawin, ano ang di dapat gawin. Kaya aral ka ng aral. Kahit anong training o seminar kailangan nandoon ka. At kung may makikita kang ibang taong mali-mali ang desisyong ginagawa sa buhay, feeling mo ngayon mas marunong ka, mas magaling ka kaysa sa kanila. “At sinong nakakaalam kung siya’y magiging isang pantas o isang hangal? Gayunman ay mamumuno siya sa lahat ng aking pinagpaguran, at sa aking ginamitan ng aking karunungan sa ilalim ng araw. Ito man ay walang kabuluhan…Sapagkat kung minsan ang taong gumawa na may karunungan, kaalaman, at kakayahan ay iiwanan ang lahat upang pakinabangan ng taong hindi nagpagod para dito. Ito man ay walang kabuluhan at malaking kasamaan” (2:19, 21).
Good works, religion. Siyempre para maging maginhawa at masagana ang buhay, dapat relihiyoso ka, nagsisimba, sumusunod sa mga utos ng Dios. Na-guilty ka kung hindi ka nakasimba o na-late ka sa pagdating. Feeling mo wala kang silbi kapag wala kang ginagawa sa ministry. Kailangan full-time ka sa ministry para maging fulfilled ka at mapalakpakan ng Dios. “Mayroong walang kabuluhan na nangyayari sa lupa, na may matutuwid na tao na sa kanila ay nangyayari ang ayon sa gawa ng masasama, at may masasamang tao na sa kanila ay nangyayari ang ayon sa gawa ng matuwid. Aking sinabi, na ito man ay walang kabuluhan” (8:14).
Long life. E aanhin mo nga naman ang pera, magandang trabaho, masayang pamilya, kung sandali lang naman ang buhay mo. Kaya laging kang nag-eexercise o aerobics, vegetables lang dapat ang kainin. Lahat ng mga naririnig mo sa commercials na may tatak na “healthy” o “organic” o “herbal” sinusubukan mo. Iwas ka sa bisyo – sigarilyo at alak – kasi ayaw mo nga namang mapadali ang buhay mo. “Sapagkat ang kapalaran ng mga anak ng mga tao at ang kapalaran ng mga hayop ay magkatulad; kung paanong namamatay ang hayop, namamatay din ang tao. Silang lahat ay may isang hininga. Ang tao ay walang kalamangan sa mga hayop; sapagkat lahat ay walang kabuluhan” (3:19).
Darating ang araw na manginginig ang iyong mga bisig at manghihina ang iyong mga tuhod. Hindi ka na makakanguyang mabuti dahil iilan na lang ang iyong ngipin. At lalabo na ang iyong paningin. Ang tenga mo’y hindi na halos makarinig…Puputi na ang iyong buhok…Sa bandang huli, pupunta ka sa iyong tahanang walang hanggan at marami ang magluluksa para sa iyo… (12:3-5).
King Solomon’s Tragic End
Lahat ay walang kabuluhan! Lahat? Totoo ba iyon? Meron kang puwedeng gawing isang taong halimbawa na nakita mong sa kabila ng pagpupursigi niyang yumaman o humaba ang buhay nauwi din sa wala. Pero wag na tayong lumayo pa. Tingnan natin si Solomon – mayaman, marunong, sikat, mahaba ang buhay, lahat ng ikasisiya niya nakukuha niya, at relihiyoso din, pero saan nauwi ang buhay niya? Tingnan natin ang kuwentong ito galing sa 1 Kings 9-11.
Pagkatapos maitalaga ang templo para sa Dios, nagpakita ulit ang Dios kay Solomon at sinabi, “Narinig ko ang hiling mo. Palagi kong iingatan ang templong ito. Kung ikaw ay magiging tapat sa akin, tulad ng iyong amang si David, laging may maghaharing mula sa iyong angkan. Pero kung kayo ay tatalikod sa akin, paaalisin ko kayo sa lupaing ito at itatakwil ko ang templong ito.” Pero bukod pa sa templo, sapilitang pinagtrabaho ni Solomon ang mga tao para sa iba pa niyang mga ipinatayong mga proyekto sa Jerusalem, sa Lebanon at sa lahat ng lupaing sakop niya. Nagpatuloy pa rin si Solomon sa paghahandog at pagsamba sa Dios.
Nang marinig ng reyna ng Sheba ang katanyagan ni Solomon, pinuntahan niya ito para marinig ang karunungan niya. Napahanga siya kay Solomon, “Totoo nga ang nabalitaan ko. Ang karunungan at kayamanan mo ay higit pa sa mga narinig ko.” Tumanggap siya ng limang toneladang ginto mula sa reyna. At taun-taon, may dumarating na 23 toneladang ginto para kay Solomon. Halos lahat ng gamit ni Solomon ay ipinagawa niyang yari sa ginto. Walang sinumang hari sa mundo ang makapapantay sa karunungan at kayamanan ni Solomon. Sikat na sikat siya sa buong mundo.
Ginamit ni Solomon ang kayamanan niya para bumili ng 14,000 karwahe at 12,000 sa Egipto. Ginamit din niya ang kapangyarihan niya para magkaroon ng 1,000 dayuhang babae. Inibig niya ang mga ito na naging dahilan para malayo siya sa Dios. Bukod kay Yahweh, Dios ng Israel, sinamba din ni Solomon ang mga dios-diosan ng mga Moabita, Ammonita, at mga taga-Sidon. Dahil dito, nagalit ang Dios sa kanya at sinabi, “Hindi ka nakinig sa mga babala ko sa iyo. Dahil dito, kukuhanin ko ang kaharian sa iyo. Pero hindi ko gagawin sa panahon mo kundi sa panahon ng anak mo. At magtitira ako ng isang angkan para sa lahi mo alang-alang sa aking lingkod na si David.”
Pinahintulutan ng Dios na labanan siya ng mga hari ng ibang bansa. Pati sariling niyang tauhang si Jeroboam – na pinamahala niya sa mga trabahador niya – ay kinalaban siya. Nang palabas ito ng Jerusalem, sinalubong si Jeroboam ng propetang ang pangalan ay Ahia. Hinubad ng propeta ang damit niya at hinati sa 12. “Kunin mo ang sampung piraso dahil ibibigay sa iyo ng Dios ang sampung angkan ng Israel at ikaw ang maghahari dito. Magtitira lang ako ng isang lahi para kay Solomon.”
Dahil dito, pinagsikapan ni Solomon na patayin si Jeroboam, pero tumakas ito at tumira sa Egipto hanggang mamatay si Solomon. Apatnapung taong naghari si Solomon sa Israel. Namatay siya, inilibing, at pinalitan ng kanyang anak na si Rehoboam.
Oh, No! What Happened?
Anong nangyari kay Solomon? Hindi ba’t nasa kanya ang lahat ng inaasam ng mga lalaki? At ng marami ring mga tatay? Nasa kanya ang pinakamataas na posisyon – hari! Ang influence niya sa bansa nila ay sobrang laki. Kahit sinong babae nakukuha niya at ang tingin sa kanya talaga namang guwapong-guwapo, machong-macho – daig pa si Pacquiao. Mayaman na mayaman siya, daig pa si Bill Gates o Henry Sy. Hinahangaan ng marami, mataas ang popularity ratings, daig pa si P-Noy. Pero ang problema, hindi siya nakinig sa Dios. Money, popularity, power, and earthly pleasures are gifts of God for us to enjoy and use for his glory. But he used and enjoyed it for his own glory. Kahit na may warning sa salita ng Dios at nagpakita ang Dios sa kanya para balaan siya, hindi siya nakinig.
Only [the king] must not acquire many horses for himself or cause the people to return to Egypt in order to acquire many horses, since the LORD has said to you, ‘You shall never return that way again.’ And he shall not acquire many wives for himself, lest his heart turn away, nor shall he acquire for himself excessive silver and gold (Deut. 17:16-17).
Kung babalikan natin ang Job, makikita nating itinuturo ng Dios sa atin ang kahulugan at kabuluhan ng buhay kung kukuhanin niya ang lahat sa atin. Kabaligtaran naman dito sa buhay ni Solomon at ng mensahe ng Ecclesiastes. Matututunan natin ang kabuluhan at kahulugan ng buhay sa oras naman na nasa atin ang lahat. At masasabi din nating, “Everything is meaningless.”
Life “Under the Sun”
Balik tayo ngayon sa Ecclesiastes. Bakit niya nasabing walang kabuluhan “lahat”? He is saying it from a certain perspective. Dapat malaman natin ‘to para hindi tayo malito at baka akala natin ay kinokontra nito ang itinuturo ng Salita ng Dios. Ang mga salitang paulit-ulit ding binanggit sa aklat na ito at nagsilbing clue para maintindihan natin ito ay ang mga salitang “sa ilalim ng araw” (under the sun).
Sa gayo’y kinamuhian ko ang buhay, sapagkat ang ginawa sa ilalim ng araw (sa ASD, “sa mundong ito”; sa MBB, “sa ibabaw ng lupa”) ay mapanglaw sa akin, sapagkat lahat ay walang kabuluhan at pakikipaghabulan sa hangin. Kinamuhian ko ang lahat kong pagpapagal na aking ginawa sa ilalim ng araw; yamang marapat kong iwan sa tao na susunod sa akin…(2:17-20; tingnan din ang 1:3, 9, 14; 2:11; 3:16; 4:1, 3; 7, 15; 5:13, 18; 6:1, 12; 8:9, 15, 17; 9:3, 6, 9, 11, 13; 10:5).
The author was speaking from the perspective of someone who is living his life “under the sun.” This is life without God at the center. Ito ang buhay ng isang taong ang kaisipan ay umiikot lang sa mga bagay sa mundong ito – sa pera, sa trabaho, sa kasiyahan dito, sa sariling gawa. This is not necessarily a secular or atheistic point of view. Maaaring naniniwala siya sa Dios, nagsisimba, naghahandog, gumagawa ng mabuti, pero ang Dios ay wala sa sentro, nasa gilid lang, palamuti lang. Ito ang naging pagkakamali ni Solomon. Ito rin ang naging pagkakamali ng maraming tao (mga tatay!) sa mundo.
Life “Above the Sun”
There is life “under the sun.” That is life without God. That is a meaningless life. Life without God at the center is nothing. Balewala. Walang kabuluhan. Mauuuwi lang din sa wala. But there is also life “above the sun.” This is life with God as the center. Ang Dios ang nagbibigay kahulugan sa buhay, ang Dios ang layunin at mithiin ng buhay. Ito ang buhay na kinikilala ang Dios – God as the beginning, middle and end of our existence.
God as our Creator. “Remember also your Creator in the days of your youth, before the evil days come and the years draw near of which you will say, ‘I have no pleasure in them’” (Ecc. 12:1). May Dios na lumikha sa atin at nabubuhay tayo para sa kanya, hindi para sa sarili natin, para sa walang-hanggang buhay, hindi lang sa pansamantalang buhay sa mundong ito. “He has made everything beautiful in its time. Also, he has put eternity into man’s heart” (3:11). Kaya nasasabi nating walang kuwenta ang mga bagay sa mundong ito, because we are created for something more, something Greater and Eternal.
God as the Giver of gifts for us to enjoy. “Walang mabuti sa tao kundi ang kumain at uminom, at magpakaligaya sa kanyang pinagpaguran. Nakita ko na ito man ay mula sa kamay ng Diyos. Sapagkat sinong makakakain, o sinong makapagtataglay ng kagalakan na hiwalay sa kanya” (2:24-25; tingnan din ang 5:18-20)? Ang lahat ng bigay sa atin ng Dios sa mundong ito ay regalong galing sa kanya. Dapat ienjoy sa paraang makapagbibigay ng karangalan sa kanya. “Whether you eat or drink [or play or have sex with your spouse or do laundry or buy a car or watch a movie] or whatever you do, do it all for the glory of God” (1 Cor. 10:31). Nagkakaroon lang ng kabuluhan ang lahat ng bagay kung lahat ng bagay ay ginagawa sa karangalan ng Dios. Ito naman ang dahilan bakit tayo nilikha ng Dios. “Tingnan ninyo, ito lamang ang aking natagpuan, na ginawang matuwid ng Diyos ang tao; ngunit nagbalak sila ng maraming pamamaraan” (7:29). Pumasok ang mga confusions, frustrations, disappointments, a sense of meaninglessness in life, bakit? Dahil sa pagpasok ng kasalanan, sa pagsuway nina Adan at Eba. Ang ganda ng mga bigay ng Dios sa tao, sinira natin, sinuway natin siya.
God as our Judge at the last Day. “…ang alabok ay bumalik sa lupa na gaya nang una, at ang espiritu ay bumalik sa Diyos na nagbigay nito…Sapagkat dadalhin ng Diyos ang bawat gawa sa paghuhukom, pati ang bawat lihim na bagay, maging ito’y mabuti o masama” (12:7, 14; tingnan din ang 3:17; 11:9). Ang kahulugan ng buhay ay isang tamang relasyon sa Dios – may takot o paggalang sa kanya, sumusunod sa mga utos niya, sinisikap na siya lamang ang mabigyan ng karangalan. “Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig. Matakot ka sa Diyos, at sundin mo ang kanyang mga utos; sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao” (12:13; tingnan din ang 3:14; 5:7; 7:18, 26; 8:12-13).
Life without God at the center is nothing. But with God at the center, life is beautiful, life is meaningful, life is enjoyable. Kahit na may mga disappointments. Tulad ng laban ni Pacquiao. Sabi pa rin niya pagkatapos, “I thank God.” Kahit pa disappointed ang buong mundo sa naging desisyon ng mga judges, sinabi pa niya, “Let’s just accept the decision. God has better plans.” May mga bagay na parang walang sense na nangyayari, pero kung makikita natin ang bawat bagay “in light of the big picture” of God’s story, hindi man natin maintindihan lahat, alam nating alam ng Dios at siya ang marunong sa lahat. Ipapaubaya natin sa kanya ang lahat. That’s life with God at the center. I don’t know kung totoo ang faith ni Pacquiao o hindi. Pero magandang lesson ito para sa atin, sa mga anak niya. Fatherhood is modeling. You model to your children a good relationship with God. Bilang mga tatay, magandang makita ng mga anak natin hindi ang “life is meaningless” kundi “with God life makes sense.” We (not just fathers but all of us) need to live a life with God at the center. Saan ba umiikot ang buhay mo ngayon?
Life through “the Son”
Alam nating ang buhay natin ay dapat nakasentro sa Dios. Pero alam din natin, “We all have sinned and fall short of the glory of God” (Rom. 3:23). We find our own meaning to meaninglessness, our own solution to life’s problems, our own way to happiness to life’s sadness. There’s life under the sun. There’s also life above the sun. Pero alam natin, we cannot go there on our own. Lahat ng subukan natin, kulang pa rin. Pati mabuting gawa natin, parang maruming basahan lang sa harap ng Dios. Kaya nga mas maiintindihan natin ang Ecclesiastes kung lalabas tayo sa aklat na ito at titingin sa ginawa ng Panginoong Jesus sa atin.
Look at the cross. Doesn’t it look like foolishness? Isipin n’yo nga ang mga disciples niya na ineexpect na darating ang ganap na paghahari ng Dios tapos nakita nila nakapako si Jesus. Di ba nakakalito, di ba parang senseless, di pa parang meaningless. Oo, di natin maintindihan. Pero ang alam natin sa krus na iyon dinala ni Jesus ang mga kasalanan natin, kasama ang mga pagkukulang natin, mga disappointments, frustrations. Para ano? Para maibalik sa atin ang kahulugan ng buhay, isang malapit na relasyon sa Dios, na di natin magagawa sa sarili natin. “The message of the cross is foolishness to those who are perishing, but to us who are being saved it is the power of God” (1 Cor. 1:18). Sabi ng Panginoon, “Dumating ako upang magkaroon ang mga tao ng buhay na ganap (may kabuluhan, may kahulugan, hindi sayang)” (John 10:10 ASD).
This is life “through the Son,” with Jesus at the center. Mawala man sa iyo, o nasa iyo man ang lahat sa mundong ito, masasabi mong si Jesus lang ang kailangan mo. Tulad nga ng sabi ni Tullian Tchividjian, “Jesus plus nothing equals everything.” Hindi Jesus plus money, o Jesus plus family, o Jesus plus church ministry. Then, do the math. Everything minus Jesus equals nothing. Nasa iyo man ang lahat, tulad ni Solomon (na sumulat pa ng aklat sa Biblia!), kung wala naman sa puso mo si Cristo, balewala ang lahat.
wow. Favorite book yan sa bible. 🙂 I have the same thoughts regarding the “meaninglessness of life”. Nakakamiss maging christian.
LikeLike
What do you mean “nakakamiss ang maging Christian”?
LikeLike
I am blessed with all the teachings you made here. I dont know how to meditate but through your teachings I know i can be able to do it. Natututo talaga ako , naliliwanagan ang mga dating malabo sa pang-unawa ko.Nag-aaral ako ng biblia mag-isa thru the help of your website. I am desiring to learn , know to meditate God’s words at makilala ko ng mabuti ang Panginoong Jesus the reason i am doing this so i can do the right worship , praising with all my heart and soul If i know him very well thru all the written words in the Bible and with a so much help of explaining in details thru you here. Salamat at please continue doing this at nakakatulong po talaga. Mabuhay pagpalain ka Pastor Derick.
LikeLiked by 1 person
Thanks for the encouragement. How’s your ministry? Grace be with you always.
LikeLike
I am thankfull amd bless this napaka inspiring na topic na ito maraming aral ang natutunan k hindi lng mambabasa kundi isang mangangaral sa salita ng dyos, thank u so much for sharing this…GODBLESs u pastorderick to god be the glory..
LikeLiked by 1 person
Glory to God. Grace be with you always!
LikeLike