God will Rule All the Kingdoms of Men

Preached by Derick Parfan on Sept. 9, 2012 at Baliwag Bible Christian Church

The Importance of Biblical Prophecy

Ang pag-aalala o pagkabalisa ay nangyayari kapag di tayo sigurado o kampante sa maaaring mangyari bukas o sa mga susunod na araw. Kaya nga gusto nating malaman kung ano ang mangyayari bukas o sa mga susunod na araw. Kaya ang iba, lumalapit sa mga manghuhula o nagbabasa ng mga horoscopes. Kasi gusto nating malaman ang mangyayari. Sa tingin natin kapag alam natin, mas mapapanatag tayo. Pero ang tanong, totoo ba ang sinasabi ng mga iyon? Ang mga bangko at mga produkto din, may mga tagline sila na pang-akit sa mga customers: “Subok na matibay, subok na matatag”; “You’re in good hands”; “Wala pa ring tatalo sa Alaska.” Their goal is for you to trust them and buy their products or invest in their company. Pero ang tanong ulit, totoo ba ang sinasabi nila? Makatitiyak ba tayo doon?

Ito ang kaibahan ng mga propetang ipinadala ng Dios. Isang bahagi ng prophecy ay ipaliwanag sa mga tao kung ano ang salita ng Dios tungkol sa nangyari sa Israel at Judah at kung ano ang dapat nilang maging tugon. Mahalaga ding bahagi ng prophecy ay iyong tinatawag na predictive prophecy. Isa sa layunin nito ay para maipakita ng Dios na totoo ang salita niya at mapagkakatiwalaan ang mga pangako niya. Hindi kailangang gawin ng Dios iyon, pero dahil concern din siya sa atin at gusto niyang ang mga di nagtitiwala ay magtiwala sa kanya at ang mga kulang sa tiwala ay tumibay ang tiwala sa kanya, kaya sinasabi niya ang ilan sa mga mangyayari sa hinaharap.

Kapag nalaman mong after 10 years lahat ng bangko magsasara at Banco de Oro na lang ang matitira, saan ka ngayon magdedeposito ngayon? So, knowledge of the future affects our life now, our everyday decisions. Siyempre hindi natin malalaman lahat. Pero kung may ipinaalam sa atin ang Dios, pakinggan natin, at magdesisyon tayo batay sa mga ipinahayag na sa atin ng Dios. Tulad ng aklat ng Daniel na may mga prophecies, visions and dreams, lalo na sa chapters 7-12. Pero bago natin tingnan ang isa sa mga visions doon ay mahalagang alam natin ang mga stories sa chapters 1-6. Nakita na natin ang tatlong kuwento dito last week.

The Coming Kingdom

Ngayon naman, pakinggan n’yo ang kuwentong ito na hango sa Daniel Chapter 2:

Noong ikalawang taon ng paghahari ni Nebuchadnezzar, naging paulit-ulit ang panaginip niya kaya sobra siyang nabahala. Nang ipatawag niya ang mga tauhan niya para sabihin ang panaginip niya at interpretasyon nito, wala ni isa mang makapagsabi sa kanila kaya nagalit siya. Sumagot sila sa hari, “Imposible po ang pinapagawa n’yo. Ang mga dios lang ang makakagawa niyan.” Lalong nagalit ang hari sa sinabi nila, kaya nag-utos siyang patayin ang lahat ng mga marurunong sa buong Babylonia.

Nang hanapin na sila Daniel para patayin din, nakiusap siyang humarap sa hari. Sinabi niya sa hari na bigyan siya ng panahong maipaliwanag ang panaginip niya. Pumayag naman ang hari. Pag-uwi ni Daniel, binalitaan niya ang tatlo niyang kasama at hinilingang manalangin. Siya din ay nanalangin sa Dios at sinabi, “Purihin ang Dios magpakailanman, siya’y matalino at makapangyarihan. Siya ang nagpapasya kung sino ang maghahari at siya rin ang nagpapalit sa kanila. Sa kanya nagmumula ang karunungan. Kaya pinupuri ko kayo, Panginoon, dahil ibinigay n’yo sa amin ang aming kahilingan sa inyo na ipahayag sa amin ang panaginip ng hari.”

Bumalik si Daniel sa hari at sinabi, “Mahal na hari, ang Dios po ang naghahayag ng mga mahiwagang bagay. Sinabi niya sa inyo sa pamamagitan ng panaginip ang mga bagay na mangyayari. May nakita kang isang malaking rebultong nakakasilaw at nakakatakot tingnan. Ang ulo ay purong ginto, ang mga bisig at dibdib ay pilak, ang tiyan at hita ay tanso, ang binti ay bakal, at ang paa ay halong bakal at luwag (clay). May lumabas na isang tinipak na bato na hindi gawa ng tao. Pagtama nito sa rebulto, nawasak ang buong rebulto na parang ipa sa giikan na pinadpad ng hangin kung saan-saan. Pero ang batong bumagsak sa paa ng rebulto ay naging malaking bundok at pinuno ang buong mundo.

“Ito naman po ang kahulugan ng panaginip n’yo. Kayo ang gintong ulo ng rebulto. Pagkatapos n’yo ay may mga susunod pang kaharian na mas mahina. At sa panahon ng mga pinunong ito, ang Dios sa langit ay magtatayo ng isang kaharian na hindi kailanman babagsak. Hindi ito matatalo ng alinmang kaharian, kundi wawasakin pa niya ang lahat ng kaharian at mananatili ito magpakailanman. Iyon ang batong dumurog sa nakita n’yong rebulto. Ang Dios ang nagpahayag nito at lahat ito ay tiyak na mangyayari.”

Pagkatapos maipaliwanag ni Daniel kay Haring Nebuchadnezzar ang panaginip nito, sinabi ng hari, “Naniniwala ako na ang Dios mo ang siyang Dios na makapangyarihan sa lahat ng dios. Siya ang dapat kilalaning Panginoon ng mga hari.”

Ang Dios ang namamahala. Ang Dios ang hari ng lahat ng kaharian. Kinilala ito ni Daniel, pati ni Nebuchadnezzar. Ito dapat ang kilalanin ng mga taga-Jerusalem na ginawang bihag sa Babylonia. Ito ang nakita na natin last week, God rules all the kingdoms of men. Nasa ilalim man sila ng kaharian ng Babylonia, dapat nilang kilalaning ang Dios ang Hari nila. Siya ang susundin nila, hindi ang tao. Kahit gaano man kalupit ang mga taga-Babylonia sa kanila, makakaasa silang ang Dios ang bahala sa kanila.

Bukod sa Babylonia (625-539 BC) na siyang ulong ginto, may susunod dito – ang dibdib at bisig na pilak na siyang Medo-Persian Empire (539-331 BC). Pagkatapos nito ay ang Greek Empire (331-63 BC) na siyang tiyan at hitang tanso. Tapos ay ang Roman Empire (63 BC – 476 AD) na siyang binting bakal at magkahalong paang bakal at luwad. Bukod sa mga ito, may darating na kahariang tatalo sa lahat – hindi kaharian ng tao – kundi galing sa Dios. Anong kaharian ang tinutukoy dito ng Dios na darating? Sino ang hari ng kahariang ito? Dumating na ba ‘to o darating pa? Ito ay walang iba kundi ang pagdating ng kaharian ni Cristo. “Now after John was arrested, Jesus came into Galilee, proclaiming the gospel of God, and saying, ‘The time is fulfilled, and the kingdom of God is at hand; repent and believe in the gospel’” (Mark 1:14-15). Yes! Narito na ang kaharian ng Dios dahil dumating na si Cristo. Sinumang tumalikod sa kanilang kasalanan, nagtitiwala at sumusunod kay Cristo, sila ang pinaghaharian ng Dios. Oo, narito na ang kaharian ng Dios. Ang mga Judio, naghihintay pa rin, hindi naniniwala kay Cristo. Samantalang isinulat ang aklat ni Daniel para sa kanila, para magkaroon sila ng kumpiyansa, para manumbalik ang pag-asa nila at magtiwala sila sa Dios.

The Coming King

Kung meron man sa inyo ngayon na katulad ng mga Judio na itinakwil si Jesus at di naniniwala, pakinggan n’yo itong talata sa Daniel na kung pag-aaralang mabuti ay nagsasabi ng eksaktong panahon ng pagdating ng Messiah King. Para din ito sa lahat sa atin na araw-araw ay dumaraan sa mga struggles na nag-aalinlangan tayo sa pangako at salita ng Dios.

Pitumpung linggo (“pitumpung pito”) ang panahong palugit sa iyong sambayanan at sa banal na lunsod upang tigilan ang pagsuway, wakasan ang kasamaan, at pagbayaran ang kasalanan. Pagkatapos, maghahari na ang walang hanggang katarungan, magaganap ang kahulugan ng pangitain at ang pahayag; itatalaga na rin ang Kabanal-banalan. 25Unawain mo ito: Mula sa pagbibigay ng utos na muling itayo ang Jerusalem hanggang sa pagdating ng pinunong hinirang ng Diyos ay lilipas ang pitong linggo. Muling itatayo ang Jerusalem, ang mga lansangan at pader nito ay aayusin sa loob ng animnapu’t dalawang linggo; ito ay panahon rin ng kaguluhan. 26Pagkalipas ng animnapu’t dalawang linggo, papatayin ang hinirang ng Diyos. Ang lunsod at ang templo ay wawasakin ng hukbo ng isang makapangyarihang hari. Ang wakas ay darating na parang baha at magkakaroon ng digmaan at pagkawasak na itinakda ng Diyos. 27Ang haring ito’y gagawa ng isang matibay na kasunduan sa maraming tao sa loob ng isang linggo. Pagkaraan ng kalahating linggo, papatigilin niya ang paghahandog. Ilalagay niya sa itaas ng Templo ang kasuklam-suklam na kalapastanganan. Mananatili ito roon hanggang sa wakasan ng Diyos ang naglagay nito. (Daniel 9:24-27)

Hindi ganoon kadaling pag-aralan at intindihin ang Daniel 9:24-27. Marami ding lumalabas na interpretations dito. Iba-iba, at magkasalungat ang iba. Pero ngayon, magbibigay ako sa inyong ng isang posibleng interpretation. Kung meron mang di sumasang-ayon sa inyo o kaya ay nalilito kayo sa ibang detalye, OK lang iyon. Basta prayer natin ay maramdaman nating lahat kung para saan ang prophecy na ‘to, at paano pinapakilala ng Dios ang sarili niya sa atin, kahit sa mga bagay na di natin lubos na mauunawaan. Consider God’s Word as like diamonds buried deep in the ground. Ganoon kahalaga ito, kaya naman sulit kahit na medyo mapiga ang utak natin ngayon sa kakaisip. I’ll try to help you understand it as we dig deep into his Word today.

Sa pag-aaral ng propesiya (at kahit anong bahagi ng salita ng Dios) mahalagang alam natin ang konteksto nito para mas maintindihan natin. Sa panahong ito, hindi na Babylonia ang dominanteng empire, kundi Persia na. Kasisimula pa lang nito, at napansin ni Daniel na magtatapos na ang 70 taong sinabi ni Jeremiah na itatagal ng pagkagiba ng Jerusalem at muling babalik ang mga Judio sa kanilang lupa (Jer. 29:10). Kung bansang 538 BC ang time nito sa Daniel, halos dalawang taon na lang 70 years na mula 605 BC nang unang lusubin ni Nebuchadnezzar ang Jerusalem at dalhin ang mga bihag sa Babylonia. Naniniwala si Daniel sa plano ng Dios. Kaya nanalangin siya, humingi ng tawad sa Dios, at hiniling na tuparin ng Dios ang pangako niya alang-alang sa kanyang pangalan (9:1-19). Sumagot naman ang Dios sa panalangin niya at ipinadala niya si Angel Gabriel para ihatid sa kanya ang mensahe ng Dios (9:20-23). Ang mga ipinasabi ng Dios mula sa verse 24 ay para magkaroon ng lalong katiyakan si Daniel sa pangako ng Dios. Ang hinihiling ni Daniel ay ang restoration ng Jerusalem, pero ang ibinigay ng Dios ay pangakong higit pa doon. Hindi ba’t ganoon sumagot ang Dios sa prayers natin – he “is able to do far more abundantly than all that we ask or think” (Eph. 3:20).

May binanggit na time period sa Daniel 9:24, “Pitumpung linggo…” Literally, ito ay pitumpung pito. Puwedeng pitong araw o kaya naman ay pitong taon. Dito malinaw na taon ang tinutukoy. Dahil response ito sa hinihintay ni Daniel na 70 taon, ang sagot ng Dios ay may kinalaman sa pitong beses pa nito o 490 years (tulad ng translation sa ASD). Bago natin pag-aralan kung ano ang tinutukoy na mangyayari sa loob ng 490 taon at pagkatapos nito, dapat alam muna natin kung para saan ito. Hindi lang ito para maintriga tayo. And not just for mental or academic or exercise. Verse 24, ang panahong ito ay “itinakda ng Dios sa banal na lungsod at sa mga kababayan mo” (ASD). Para ito sa Israel, sa kababayan ni Daniel. Gustong ipaalam sa kanya ng Dios na ang plano niyang ipanumbalik ang kanyang bayan sa kanya ay hindi matatapos sa 70 taon pagkabihag nila at pagbabalik nila sa Jerusalem pagkatapos. May mas malaking plano pa ang Dios.

So, ano ang mangyayari pagkatapos ng “490 taon” na ito? Ano ang balak gawin ng Dios? Anim ang binanggit: “to finish the transgression, to make an end of sin, to make atonement for iniquity, to bring in everlasting righteousness, to seal up vision and prophecy and to anoint the most holy place” (v. 24). Ang unang tatlo ay may kinalaman sa pagkilos ng Dios laban sa kasalanan at ang huling tatlo ay may kinalaman sa pagkukumpleto ng plano ng Dios na ibalik ang kabanalan at matupad lahat ng kanyang layunin. Alam natin sa unang pagdating ni Jesus, ang ginawa niya ay pagbabayad at pag-ako sa kasalanan natin. Pero alam din nating hanggang ngayon, may kasalanan pa rin, wala pa ang “everlasting righteousness.” So, ang ilan sa mga ito ay natupad na sa loob ng “490 taon” at ang iba ay pagkatapos pa nito. Ang nakasulat dito ay natupad na ang ilan, ang iba ay hindi pa at hinihintay pa rin ang katuparan. Ito yung tension sa kingdom of God na “already and not yet.” Dumating na pero hindi pa lubos na dumarating.

“Mula sa pagbibigay ng utos na muling itayo ang Jerusalem…” (9:25). Malamang na ito ay tumutukoy sa utos ni haring Artaxerxes na binigay kay Nehemiah noong 444 BC para muling itayo ang Jerusalem (Neh. 2:1-8). Titingnan nating ang kuwento niyan next week. Kung ito ang gagamitin nating simula, makikita natin ang tatlong time periods sa 490 taong ito. Ang una ay ang unang 49 taon (o “seven seven-years”). Na pagkatapos nito ay tahimik na ang mga propeta sa loob ng halos 400 taon, habang inihahanda ang Jerusalem sa pagdating ng Mesias. Siya iyong “anointed one” (Messiah) o haring tinutukoy sa verse 25. So, 49 years plus 434 years (v. 26, “62 weeks” o 62 times 7 years) equals 483 years. Depende sa pagkakaintindi kung ilang araw sa loob ng isang taon ang tinutukoy dito, ang computation ng iba ay pagkatapos ng 483 years na ito ay 27 o 33 AD. Ito ang panahon ng pagdating ni Jesus, ng pagpasok ng Hari sa Jerusalem. At pagkatapos nito, “the Messiah will be cut off and have nothing” (v. 26), walang ibang tinutukoy kundi ang pagtatakwil kay Jesus bilang hari at pagkapako niya sa krus. Dumating ang kaharian ng Dios sa pamamagitan ni Jesus, pero tinanggihan ito ng marami. Gayunpaman, natupad ang layunin ng Dios na sa pamamagitan nito maghahari siya sa puso ng mga tagasunod ng Panginoong Jesus.

Aren’t you amazed by this prophecy? Ang pagdating ni Jesus ay sinabi na ng Dios 500 taon bago siya dumating! Kung sa tingin ng ilan sa inyo ay kuwentong barbero lang o kuwento ng mga relihiyosong panatiko lang ang tungkol kay Jesus, diyan kayo nagkakamali. Hindi ba’t napakalayong maging coincidence ang katuparan ng propesiyang ito? Ano pa ang ipagdududa natin sa mga salita at pangako ng Dios? Wala na!

May susunod na mangyayari pagkatapos ng 69th week, pero hindi pa ito sa 70th week. Ipapaliwanag ko iyan mamaya. Anong mangyayari? Verse 26, muling wawasakin ang Jerusalem at ang templo ng mga tauhan ng haring darating. Nangyari nga ito noong 70 AD. Parang naulit ang nangyari sa panahon ni Daniel. This sweeping destruction of the city was just as Gabriel prophesied, “its end will come like a flood” (v. 26). Even Christ prophesied about these events (Matt 24:1-2). 40 years pagkatapos ng kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus, nilusob ng mga Romano, sa pamumuno ni Emperor Titus, ang Jerusalem. Sinunog ang templo at hanggang ngayon ay walang templo sa Jerusalem, sa halip ay nandoon ngayon ang Dome of the Rock, isa sa mga top holy sites ng mga Muslim.

Bakit may gap betweek the 69th and 70th week? Di ba’t mas natural kung tuluy-tuloy iyon? Magbibigay ako ng ilang dahilan. Una, sabi sa verse 26 na ang kamatayan ng Messiah ay mangyayari pagkatapos ng 69th week, hindi during the 70th week. Ikalawa, ang propesiyang ito ay para sa Israel. Dahil rejected ng mga Jews ang Messiah sa una niyang pagdating, tama lang na laktawan ni Gabriel ang panahon nating ito ng mga Gentiles (non-Jews) at dumiretso na sa huling pitong taon. Ikatlo, madalas ganito ang perspektibo ng mga propeta na minsan tinutukoy nila halimbawa ang pagdating ni Jesus na parang isang beses lang – pero alam nating may unang pagdating at may pagbabalik. Ika-apat, ang layunin ng Dios o plano niyang gawin na sinabi sa verse 24 ay hindi pa natupad lahat sa unang pagdating ng Messiah. Sinabi mismo ni Jesus sa  Matthew 24:15 na ang propesiyang ito ni Daniel na mangyayari sa 70th week ay hindi pa nangyayari at tinawag niya itong “great tribulation” (24:21).

Sino ang haring darating (Dan. 9:26)? Hindi si Titus iyon. Pero malamang na manggagaling din ito sa isang revived Roman empire in the future. This ruler will be the great persecutor of Israel during the 70th week (Verse 27). Other Scriptures informs that this coming world prince is also the little horn in 7:8, “the man of lawlessness” in 2 Thess 2:3, the “antichrist” in 1 John 2:18. This most wicked “prince” will perform the abominations prophesied in Daniel 9:27.

There will be a time of greater tribulation. Ang binabanggit dito sa mga huling araw ay hindi pa nangyayari. Pero siguradong mangyayari. Mahirap na po ang buhay ngayon, mahirap maging Cristiano. Ang sistema ng mundo natin ay anti-Cristo na – the government, the education system, religions, media, etc. Pero may mas malalang pang darating. The seventieth week, which will certainly happen, will be the most terrible period in world history. Pero may tiyak na katapusan din ito. It will last only “until a complete destruction, one that is decreed, is poured out on the one who makes desolate” (v. 27). There will be an outpouring of divine wrath against him which is like the outpouring of liquid fire. He and Satan will meet their terrible end (Rev 19:20; 20:10). This prince, although a powerful ruler and will cause great destruction in the end, will himself be destroyed by the supreme Prince in his second coming.

If the interpretation of Daniel 9:24-27 is taken literally, then we have here a remarkable prophecy confirming that Jesus Christ is the God’s promised Messiah for the salvation of his people Israel (as well as the Gentiles). This gives confidence to believers in the amazing accuracy of biblical prophecy and, therefore, the truthfulness of the Word of God. While great suffering is coming in the future, the believer is to be hopeful and assured that God is sovereign and whatever will come to pass is according to his wise plan for his people.

Confident in God and His Word

Things will get worse. But we have confidence in God’s victory for his people. Sa unang pagdating ng Panginoong Jesus napatunayan na niya iyan. Kagabi, laking gulat at takot ko nang may makita akong ahas sa labas ng bahay namin. Hindi ko napatay, nakawala. Oo nga’t nakakatakot ang mga mangyayari sa mga huling araw. Pero alam nating mula pa Genesis 3:15, ipinangako na ng Dios ang pagdating ni Cristo na siyang dudurog sa ulo ng ahas. Nangyari iyan noong si Jesus ay ipako sa krus at akuin ang kasalanan natin at baligtarin ang sumpa na dulot ng ahas. Oo nga’t ngayon ay nanunuklaw pa siya at pumapalag pero wala na tayong dapat ikatakot dahil tiyak ang katapusan niya at lahat ng mga tao at sistema sa mundong ito sumusunod sa yapak niya.

Anuman dumating sa buhay natin. Kaya nating magtagumpay sa kasalanan at anumang pagsubok sa buhay. May matibay tayong sasandigan – ang Dios at ang kanyang Salita. Hindi ang bangko, hindi ang kumpanya mo, hindi ang pamilya mo, hindi ang achievements mo, hindi ang pera mo. At paano naman yung iba? Ang Israel, naghintay sa pagdating ng kaharian. Dumating si Jesus, narito na ang kaharian. Pero hindi pa lubos na dumarating. Darating pa. Marami pang tao ngayon ang natatakot sa mga paghihirap na darating at wala masasandigan, na hanggang ngayon ay nasa ilalim ng kamandag ng ahas.

Darating ang wakas. Kelan iyon? “And this gospel of the kingdom shall be proclaimed as a testimony to all nations and then the end will come” (Matt. 24:14). Kaugnay ito sa panaginip ni Nebuchadnezzar na isang batong naging isang malaking bundok na pumuno sa buong mundo. Ang Panginoong Jesus ay maghahari sa buong mundo! Ang trabaho nating mga Cristiano ay hindi alamin kung kelan ang petsa ng pagdating ni Jesus, tulad ng ginagawa ng ilan ngayon. Hindi naman niya sinabi iyon. We are called to proclaim the message of the kingdom of Jesus Christ. Kung gusto nating dumating na siya, gagawin natin iyon. Sa halip na matakot at mag-alala sa mangyayari bukas, masabik na darating ang Panginoong Jesus at ipamalita sa buong mundo na malapit na siyang dumating at dapat nating paghandaang lahat. When Jesus comes, God will rule all the kingdoms of men. On that day, he will be proclaimed as King of kings and Lord of lords.

1 Comment

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.