Dalawang Pasko
Maliban lang sa ilang sekta at ibang mga relihiyon, lahat halos ng mga Filipino ay abala ngayong mga araw na ito sa pagdiriwang ng Pasko. Lahat halos ay magbibigay ng regalo at tatanggap ng regalo, maghahanda ng pagkain at makikikain, aattend ng Christmas party. Mayaman man o mahirap, halos lahat nagdiriwang ng Pasko. Pero hanggang doon lang ang pagkakatulad ng maraming tao ngayon. Dahil merong dalawang Pasko o klase ng pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas na nagpapakita ng dalawang magkasalungat na klase ng tao.
May mga Filipinong pinahahalagahan ang ibang bagay nang higit kay Jesus. Para sa kanila, mas mahalaga ang mga regalo o mga family reunions. Hindi po exempted dito ang mga bata, pati mga anak natin na ang nagiging sentro ng buhay ay mga bagay-bagay liban kay Cristo. Kabilang dito ang mga taong mahalaga lang ang Pasko dahil mas maraming pagkakataong magnegosyo. Kabilang dito ang mga taong ginagamit ang birthday ni Jesus para bumili ng mga regalo para sa sarili nila, mga mamahaling regalo na hindi naman kailangan. These are the people who use (or misuse) the Christmas season to justify their own idolatrous desires. Kahit wala si Jesus basta merong mga kasiyahang pamasko, pwede na.
Kaiba naman dito ang mga Filipinong pinahahalagahan si Jesus nang higit sa anumang bagay. May mahalaga sa kanila ang Panginoong Jesus kaysa sa pagdiriwang ng Pasko. Ito ang mga tunay na Cristiano. Mga taong nakikita ang dahilan kung bakit may Pasko, kung bakit tayo nabubuhay. At nakalulungkot na isiping kakaunti ang mga ganitong tao sa Pilipinas.
Bakit mahalagang alamin o siyasatin kung alin tayo sa dalawang iyan? Kasi kahit ba nandoon na tayo sa pangalawa, if we are Christians and treasure Christ above everything, may tendency pa rin tayong lumihis. May tendency tayong tumingin sa iba liban kay Cristo, kaya nga sabi sa Hebrews 12:2, “Fix your eyes upon Jesus…” At nandito ang burden ng book of Hebrews. Para maencourage ang mga Cristianong Judio na hindi na bumalik sa dati nilang pananampalataya. Ginawa iyon ng sumulat sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila ng kadakilaan ng Panginoong Jesus sa lahat ng bagay – kahit sa mga mabubuting bagay tulad ng mga propeta sa Lumang Tipan (1:1-3), mga anghel (1:4-14), kay Moises (3:1-6), sa mga punong pari, mga paghahandog, at mga kautusan (4:14-10:18).
Iyan ang problema natin ngayon. Hindi nakikita ng maraming Pilipino kung sino talaga si Jesus. Kaya wala namang kabuluhan na ang Pasko para sa kanila. Wala ang kabuluhan ang buhay para sa kanila. Pero iba ang mga tunay na Cristiano. Kahit anong gulo ng takbo ng mundo, kahit anong trials, kahit anong pressures, true Christians persevere. At sa panahon ng trials o presssure ng society, doon makikita kung sino talaga ang mga tapat sa Panginoon. Iyon ang gusto ng Dios, na lahat tayo magtagumpay hanggang sa finish line.
Dalawang Pagtatapos
Mahalagang pag-usapan ‘to kasi kahit lahat ng tao ay bahagi naman talaga ng Story of God, yun nga lang, hindi lahat bahagi ng ending nito. Next week na ang ending ng Story of God series natin, at makikita natin kung ano ang mangyayari sa pagbabalik muli ng Panginoong Jesus. Hindi Dec. 21 ang end of the world. Hinihintay pa natin, pero papalapit na tayo doon. Kaya ngayon pa lang mahalagang ipaalala sa atin na dalawa ang possible endings nito. Para bang yung mga books o comics dati na babasahin mo yung isang page, tapos sa ibaba mamimili ka ng gusto mong kasunod na bahagi ng kuwento. Ganoon din dito. Hindi ito sapalaran. May desisyon tayong ginagawa na makakaapekto sa ending natin, at anuman ang ending na kahantungan ng buhay mo, ibig sabihin iyon ang pinili mo, hindi pinilit sa iyo. So your choices matter. Makikita sa teksto natin ngayon sa Hebrews 10:19-39 ang dalawang magkaibang klase ng taong nagsasabing Cristiano sila, at dalawang magkasalungat na kahahantungan nila…
“Mga tumatalikod at napapahamak” (v. 39a). Ang mga binabanggit dito na “tumatalikod” ay, ayon sa verse 26, iyong mga minsan nang tinanggap at nalaman kung ano ang totoo, pero pagkatapos naman noon ay nagpatuloy sa pagkakasala. Sabi sa verse 29 na sila ang mga taong hinamak si Cristo (kahit pa sabihin nilang Cristiano sila) at nilapastangan ang kanyang kamatayan sa krus, at hinamak ang Espiritu. Ito iyong mga taong minsan nang naging kabilang sa church, sinasabing Cristiano sila, pero ang totoo ay hindi pala. Ang pananampalataya nila ay pakunwari lang, at hindi talaga magpapatuloy hanggang wakas, hindi talaga sila maliligtas (tingnan ang Matt. 24:13). Dahil dito, imposibleng sila ay mapatawad sa kanilang mga kasalanan (v. 26), at dahil doon ang naghihintay sa kanila ay “ang kakila-kilabot na paghuhukom at ang naglalagablab na apoy na tutupok sa mga kaaway ng Diyos” (v. 27). Ito ang paghihiganti ng Dios sa kanila (v. 30). Kung meron man dito na akala ng iba ay Cristiano kayo pero peke pala, seryosohin n’yo itong mga sinasabi ko, dahil “kakila-kilabot ang mahulog sa kamay ng Diyos na buhay” (v. 31).
Ang mga tunay na Cristiano hindi kabilang sa nauna, “kundi sa mga sumasampalataya sa Diyos at naliligtas” (v. 39b). Ito ang mga taong hindi mapapahamak ang kaluluwa sa paghuhukom ng Dios. Oo nga’t naranasan nila ang magtiis ng “matinding hirap” pagkatapos nilang makilala si Jesus, pero hindi sila “nagpadaig” (v. 32). Ang ilan sa kanila ay ikinulong, iniinsulto sa harap ng mga tao, nawalan ng kayamanan alang-alang kay Cristo, pero sa kabila noon (o dahil doon) masayang-masaya pa rin sila (vv. 33-34). “Sapagkat alam ninyong higit na mabuti at nananatili ang kayamanang nakalaan sa inyo” (v. 34). Hindi nawawala ang kanilang pagtitiwala sa Dios dahil alam nila kung gaano kalaki ang gantimpalang hinihintay nila (v. 35). Sila ang mga nagtitiis ng hirap para lang makasunod sa kalooban ng Dios (v. 36). Sila ang mga makakatapos ng takbuhin, hindi bumibitiw sa Dios, hindi tumatalikod sa pagsunod sa kanya.
Siyempre gusto natin kabilang tayo doon sa pangalawa. Kung nararamdaman mong nandoon ka pa sa una, panawagan ito ng Dios sa iyo na talikuran na ang mga kasalanan mo at sumampalataya ka na sa Panginoong Jesus. Ngayon naman, sa mga nasa inyong sa tingin n’yo ay kabilang na kayo doon sa pangalawa, ito naman ang problema. Paano tayo ngayon makatitiyak na ang pananampalataya natin ay magpapatuloy hanggang wakas? Paano kung dumating ang mabigat na pagsubok at bumigay ang pananampalataya ko at tumalikod na ko kay Cristo? Paano ako magkakaroon ng katiyakan na ang pinanghahawakan ko ngayon, ang pagpapahalaga ko kay Cristo nang higit sa lahat ay magpapatuloy at hindi mawawala sa akin? Paano ko matitiyak na makakarating ako sa finish line tulad ng sinasabi sa Heb. 12:1, “Run the race with endurance…” at sa 10:36, “You have need of endurance…”?
Dalawang Pundasyon
Hindi ito nakasalalay sa ginawa mo, ginagawa mo o gagawin mo, kundi sa gawa ni Jesus. Una dito ang natapos na gawa ni Jesus para sa atin. “Tayo’y malaya nang makakapasok sa Dakong Kabanal-banalan dahil sa dugo ni Jesus” (v. 19). Naalala n’yo ang Tabernacle? Merong Most Holy Place dito (ganoon din sa Temple na pumalit sa Tabernacle). Walang pwedeng ibang pumasok dito maliban sa high priest, at minsan lang sa isang taon. Simbolo ito ng makapangyarihang presensiya ng Dios. Walang sinumang marumi ang makalalapit sa kanya na hindi mamamatay. Kaya takot silang lumapit dito. Pero gumawa ang Dios ng paraan sa pamamagitan ng paghahandog ng mga hayop. Pero alam nilang hindi ito sapat kaya nandoon pa rin ang takot sa kanila. Pero ang takot na ito ay napalitan na ng boldness o ng kalayaan o kasabikang makalapit sa Dios. Hindi dahil sa gawa natin o anumang sakripisyo natin, kundi sa pamamagitan lang ng dugo ni Jesus. Siya ang daang “bago at buhay” (v. 20). Bago, dahil pinalitan niya ang lumang paraan sa kautusan ni Moises. Buhay, dahil siya ang nagbibigay ng buhay ngunit ang kautusan ay nauuwi sa kamatayan dahil sa paglabag natin dito. Pero si Jesus hanggang kamatayan sinunod ang Dios, dinala ang parusa ng kasalanan natin. Siya ang nagbigay buhay sa atin, kaya nga pagkatapos niyang mamatay, nahati ang tabing sa templo na nagtatakip sa Most Holy Place. Ibig sabihin, malaya na tayong makakalapit sa Dios dahil kay Cristo. Thus, there is no other way but Jesus. “He entered once for all into the holy places, not by means of the blood of goats and calves but by means of his own blood, thus securing an eternal redemption” (9:12). Aside from Jesus’ finished work on the cross, we have also confidence in his continuing work as our great high priest.
Ang pangalawa ay ang nagpapatuloy niyang gawa para sa atin. We have a great priest (v. 21). So he is both the sacrifice and the high priest, the Savior and Mediator we all need. Mahalaga iyon para magkaroon tayo ng katiyakan na tayong nasa presensiya na ng Dios ay mananatili doon at hindi na mawawala. Ang mga pari ay tagapamagitan sa Dios at sa tao. Pero ayon sa Heb. 10:1, ang mga pari at ang mga handog ay mga “anino” lang. Ibig sabihin, sa kabila ng aninong ito ay ang realidad na si Jesus. Iyon ang mas mahalaga. Kaya nga “great priest” ang tawag sa kanya. Siya ang nananalangin para sa atin, at alam nating anuman ang hilingin niya sa Dios at hilingin natin sa pangalan niya ay ipagkakaloob ng Dios. Bakit? Kasi tayo na ang “sambahayan ng Dios” (v. 21). Kasama natin siya palagi sa pamamagitan ng Espiritu at hinding hindi na niya tayo iiwanan. That is, we can continue to enjoy being in and being with the presence of God as long as Jesus mediates that grace for us. And that will be for eternity. “So Christ, having been offered once to bear the sins of many, will appear a second time, not to deal with sin but to save those who are eagerly waiting for him” (9:28). Jesus is our salvation – past, present and future.
Nauna muna yung foundations, bago yung mga exhortations. Kaya nga ang una niyang sinabi, “Therefore, brothers…” Because of what his past and finished redemptive work for us and his present and continuing intercessory work for us, the author offered the following three exhortations.
Tatlong Payong Pastoral
Magpatuloy na lumapit sa ating Dios. “Lumapit tayo sa Diyos nang may pusong tapat at may matibay na pananampalataya sa kanya” (v. 22a). Dahil sa ginawa ni Jesus at ng Espiritu, meron na tayong bagong puso. Hindi na natin dapat alalahanin pa kung katanggap-tanggap ba tayo sa Dios o hindi. “Lumapit tayong may malinis na budhi sapagkat nilinis na ang ating mga puso at hinugasan na ng dalisay na tubig ang ating mga katawan” (v. 22b). Hindi na tayo marumi, malinis na tayo. Hindi na masama ang puso natin, kundi banal na. We are no longer rejected, but accepted. Kapag may utang ka sa isang tao, nahihiya kang makita siya. Pero bayad na ang pagkakautang natin sa Dios. We now have a clean record. We don’t hesitate to come near to God but we “draw near…in full assurance of faith.” Ang “lumapit” sa original language ay nasa present tense, ibig sabihin hindi lang ito ang minsanang paglapit kundi ang patuloy na paglapit sa Dios. Palagiang nakikipag-usap sa kanya, sumasamba, naeenjoy ang presensiya niya, nakikinig sa sinasabi niya, hinahayaan siyang yakapin tayo, paliguan tayo ng pagmamahal niya, at iyan ang patuloy nating gagawin hanggang katapusan.
Magpakatatag sa pinanghahawakan nating pag-asa. “Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag nang mag-alinlangan pa, sapagkat ang nangako sa atin ay maaasahan” (v. 23). Ang pag-asang tinutukoy dito ay iyong pinakahihintay nating katuparan ng pangako ng Dios na darating ang araw na magiging lubos ang paghahari niya, wala nang kasalanan, wala nang hirap, at harapan na natin siyang masisilayan. Hindi pa nangyayari ito, hinihintay pa natin ang lubos na pagliligtas sa atin. Ito ang pag-asa natin. Kaso nga lang, sa oras na talagang binubugbog tayo ng mga kasalanan natin at pinanghihinaan dahil sa mga matitinding pagsubok, may tendency tayong kalimutan ang pag-asang iyon. Kaya sinabi ng Dios na “magpakatatag” o panghawakan nang matibay ang pag-asang iyon. Huwag na huwag bibitiw kahit anong mangyari. Ito ang pananampalatayang nagtitiyaga hanggang wakas at hindi nakadepende sa mga pabagu-bagong pangyayari sa buhay kundi nakadepende sa Dios na hindi nagbabago. “Ang nangako sa atin ay maaasahan.” He is faithful. Our hope depends not on our present circumstances but on the unchanging faithfulness of God.
Magtulungan sa pag-ibig sa ating mga kapatid kay Cristo. “Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti” (v. 24). Ang calling natin galing sa Dios ay ang mahalin ang kapwa natin at gumawa ng mabuti para sa iba – lalo na sa mga kapatid natin kay Cristo. Hindi ito nakadepende sa hirap o ginhawa sa buhay. Ang pag-ibig ang nagpapakita na ang pananampalataya natin ay totoo. Kaso nga lang, sa panahon ng matinding pagsubok, may tendency tayo na maging makasarili. Masyado tayong nakafocus sa pain na nararamdaman natin, at hindi na tayo gumagawa ng effort to reach out sa iba din naman na dumaranas ng pagsubok. Kung masyado kang problemado sa asawa o mga anak mo, doon ka na lang nakafocus at hindi mo na naririnig ang tawag ng Dios na kausapin mo ang kapitbahay mong dumaraan din sa ganoong problema. Kaya may church para magtulungan tayo sa ganoon. Kapag natutulog ang damdamin ng isa, gigisingin natin para marealize niya ang nais ng Dios para sa kanya. Kapag nanlalamig ang pananampalataya, hinahawaan natin ng apoy na nasa atin para muli silang magliyab. Kapag merong nawawala, hahanapin natin para ibalik. At ginagawa natin ito na intentionally. Kaya sinabing, “Sikapin…” We consider carefully how to do that. We make plans, we pray about it, we let others know that we are concerned. So in our walking in faith, we help each other persevere until the end. We cannot finish this race alone. Kaya nga sa sumunod na verse, bagamat pautos ang translation sa Tagalog, ang original nito ay nagpapakita ito ng paraan kung paano natin tutulungan ang bawat isa na magpatuloy hanggang wakas – magpatuloy sa pananampalataya sa Dios at sa pag-ibig sa isa’t isa.
Dalawang Praktikal na Hakbang
Huwag kaligtaan ang pagdalo sa mga pagtitipon. “Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan” (v. 25a). Ang pagtitipong binabanggit dito ay hindi lang basta iyong nagkikita-kita tayo, pero iyong intentional na kasama natin ang iba – for fellowship, encouragement and accountability. This is not mere social gathering. But an intentional one that we exercise our faith and worship God in community. Ang mga Cristianong nakakaligtaan ito ay ang mga umiiwas sa ibang Cristiano at gustong mag-isa na lang sila. Hindi ba’t ganito ang nangyayari sa iba na dumaraan sa matinding pagsubok? Marami akong naririnig na ganyan, kaya sabi sa verse, “gaya ng ginagawa ng ilan.” Nagiging karaniwan o bisyo sa iba ang pagiging absent sa mga gatherings. Sasabihin sa akin, “Pastor, hindi muna ako umaattend kasi hindi pa ako OK, meron lang talagang matinding pinagdadaanan.” Ha? Hindi ba’t iyon pa nga ang dahilan para dumalo ka? Kailangan mo ang tulong ng iba, hindi mo kayang nag-iisa. Kung nahihiya ka man dahil sa nahulog ka sa kasalanan at hindi ka pa makaahon, huwag kang mahiya. Bakit? Hindi ba’t sinagot na lahat iyan ni Jesus? Lahat naman tayo dito makasalanan, pero binabago dahil sa biyaya ng Dios. Those Christians who start avoiding other Christians soon find themselves avoiding Christ himself. Believers who start severing their ties from the Body of Christ soon find themselves cut off from the Head of that Body. Kaya kung may kilala kayo (nanay n’yo o mga kapatid o kaibigan) na hindi na dumadalo, sabihin n’yo sa kanila, “It’s not OK to be absent – not good for your soul. Please come.”
Palakasin natin ang loob ng bawat isa. “Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa’t isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon” (v. 25b). Hindi ba’t ang makita mo lang na nandyan ang bawat isa, malaking kalakasan na sa atin? We can also encourage them when we speak words of encouragement when they are discouraged, when we speak words of appreciation and affirmation so that they will continue to serve with encouragement, when they see us doing our roles and ministries with faithfulness and passion, when they feel that you care for them and that you are happy when you see them, when you give them gifts that show how important they are to you and the church, when you help them face temptations and be victorious over them, when you extend financial help even in times of difficulties, when you visit them when they are not physically or spiritually healthy, you take time to meet with them on a regular basis. At ito ang kailangan nating lalo pang pagbutihang gawin habang malapit na ang ending ng Story of God – ang pagdating ng Panginoong Jesus. Tulungan natin ang bawat isang makarating sa finish line. Kapag may nadapa, ibangon natin. Kapag may umaatras o lumiliko, ibalik natin. Hangga’t may panahon pa, ipakita nating mahal natin sila. One day, we will face Jesus our Judge and give account to how we live out our faith here. May he find us faithful until the end. “And just as it is appointed for man to die once, and after that comes judgment, so Christ, having been offered once to bear the sins of many, will appear a second time, not to deal with sin but to save those who are eagerly waiting for him” (9:27-28).
Tatlong Pagsasalarawan
Ang tanong dapat hindi, “Sino ang mag-eencourage sa akin?” Kundi, “Sino ang ieencourage ko at ano ang gagawin ko para iencourage sila?” Kapag iyon ang focus, susunod na yung unang tanong. Ganito ang naexperience ko this week at alam kong naexperience din ng karamihan sa inyo. Let me cite three illustrations…
Anim na sunud-sunod na araw na may Christmas Dawn Services tayo. Paraan ito para maencourage tayo na ifocus ang attention natin palagi kay Cristo. That’s why we have a series on Hebrews this week. May ginawa ang Dios para iencourage ang faith ko. Na makitang hindi lang ilan, kundi marami sa atin ang bumabangon nang maaga para makadalo. Na ang mga preachers na ginamit niya ay malaking encouragement din.
Last Thursday naman, Christmas party ng mga pastor sa Baliwag. Umattend ako para makilala ko naman ang mga pastor dito. At naencourage din ako sa kasigasigan nila sa paglilingkod sa Dios. Na makita sila doon, at marinig ang isang matandang pastor doon kung paanong nawala siya nang ilang taon sa ministeryo dahil sa galit sa mga pastor ngunit bumalik na ulit para maglingkod. Praise the Lord. Di ba’t malaking encouragement.
Last Friday naman, nagpunta ang team ng Story of God trainers sa Candelaria, Quezon para planuhin ang training doon sa April. Naging malaking encouragement kina Ptr. Rudy Fianza at sa kanyang pamilya ang pagdalaw namin sa kanila at iyong marealize nila yung partnership natin sa mission nila doon. Malaking encouragement din na makasama ang team natin na makita ang dedication nila at kasabikan dalhin ang Story of God doon. At buong team namin naencourage din sa Fianza family, sa kanilang katatagan sa paglilingkod.
Ako, ang team ng trainers natin na pupunta sa Candelaria, ang Fianza family, ang leaders ng Living Word Christian Fellowship sa Candelaria, ang mga speakers natin sa Dawn Services, ang mga umattend, ang mga nagpaalmusal, ang mga pastor sa Baliwag – anu-ano ang common sa mga ito? They are all encouraged by each other’s presence and faith in the Lord. Pinapakita ng mga illustrations na ito na napapalakas natin ang loob ng iba at ang iba naman ay nagpapalakas ng loob natin para ang pananampalataya natin sa Dios ay magpatuloy hanggang wakas. At ipinapakita nito na bagamat may ginagawa tayo para sa isa’t isa, ang pangunahin dito ay ang pagkilos ng Dios sa pamamagitan ng bawat isa sa atin. Ang Dios ang gumagawa para mapanatili tayong tapat sa kanya hanggang sa pagbabalik ni Jesus. God sustains our faith to the end. So, the Story of God is God at work from beginning to end. Kaya nga ang ending ng Hebrews ay, “Grace be with you” (13:25), na siyang mapapansin din nating ending ng lahat ng sulat ni apostol Pablo. This is not just a greeting, but a prayer. Panalanging samahan tayo ng Dios hanggang sa huling sandali. Because we believe that it is God who sustains our faith to the end. So, let us continue encouraging one another, and all the more as you see the Day of Jesus’ coming drawing near.