God Rules All the Kingdoms of Men

Preached by Derick Parfan on Sept. 2, 2012 at Baliwag Bible Christian Church

Introduction

Kung ano ang nakikita natin sa media ngayon – tulad ng TV at Internet – ay salamin ng klase ng kultura na meron tayo ngayon. At dahil nakikita, naririnig at napapanood natin ito palagi, ito rin ang bumabago at humuhubog sa pag-iisip natin at pananaw sa buhay. At kung hindi natin babantayan, hindi tayo mag-iingat, media ang magtutulak sa buhay natin at makakaapekto sa mga desisyong ginagawa natin araw-araw. Tingnan mo na lang ang mga advertisements sa TV. Makikita natin na we now live in a materialistic society. Sasabihan kang bumili ng ganito, bumili ng ganoon, kahit di mo naman kailangan. Mahirap ka man o mayaman, our society is driven by money and material possessions. We also live in a sexually-driven society. Tingnan mo ang ilang commercials, di mo alam kung kotse ba o gadget ang ibinebenta o ang babaeng model na halos maghubad na. Kahit na sa mga religious sectors ng society natin, kahit na nagkalat ang mga Bible verses o spiritual quotes sa Facebook o text natin, that’s not necessarily a good thing. Maaaring expression din siya ng nominal Christianity sa bansa natin. Sa salita sinasabing may pananampalataya sa Dios, pero kung gumastos naman ng pera, kung magtrabaho naman, kung makipagrelasyon kung kani-kanino, hindi makikita kung sino talaga ang Dios na sinasamba niya.

That’s the problem. Kaya ang hirap maging Cristiano – totoong Cristiano (follower of Jesus) sa panahon ngayon. Ang tanong sa atin, kung ganito ang takbo ngayong ng lipunan natin, susunod ba tayo sa takbo nito? Magpapatangay ba tayo sa agos ng kultura nating malapit ang Dios sa bibig pero malayo sa puso? Kung ganoon ang attitude ng marami tungkol sa pera, sa sex o sa pagpapamilya, ganoon din ba ang susundin natin? Susunod ba tayo sa uso kahit alam nating ang uso na iyon ay makukumpromiso ang salita ng Dios? Paano ngayon tayo mamumuhay kung ganito ang lipunan natin at hindi naman tayo makalalayo at titira sa bundok na tayu-tayo lang na parang mga ermitanyo o mga monghe?

Maaaring ganito rin ang tanong ng mga taga-Jerusalem na binihag at dinala sa Babylonia. “Paano kami ngayon mamumuhay doon? Wala naman doon ang templo, hindi naman kami taga-roon at mga dayuhan lang. Ang kultura nila ay hindi maka-Dios, paano na iyan?” Ipinasabi ng Dios sa kanila: “Magtayo kayo ng mga bahay at diyan kayo tumira. Magtanim kayo at kumain ng inyong mga ani. Mag-asawa kayo at nang magkaanak kayo. Hayaan din ninyong mag-asawa ang mga anak n’yo at nang magkaanak din sila para dumami kayo nang dumami. Tumulong kayo para sa kabutihan at kaunlaran ng lungsod na pinagdalhan sa inyo. Ipanalangin n’yo ito dahil kapag umunlad ito, uunlad din kayo” (Jer. 29:5-7 MBB). So, ang buhay nila dapat ay tulad din ng normal na buhay ng mga taga-Babylonia. Pero hindi ibig sabihing gagawin din nila lahat ng ginagawa ng tao roon o hindi gagawin ang lahat ng ipinagbabawal gawin. Dapat malinaw sa kanila kung ano ang misyon sa kanila ng Dios: “Tumulong kayo para sa kabutihan at kaunlaran ng lungsod” na iyon. Ibig sabihin, dapat maging pagpapala sila doon tulad ng pagpapala sa kanila ng Dios (Gen. 12:3). At paano mangyayari iyon? Mapapabuti ang lungsod na iyon kung maipapakilala nila ang Dios ng Israel hindi lang sa pamamagitan ng kanilang salita kundi sa mga ginagawa nila araw-araw. Dapat tumulad sila sa halimbawa na ipinakita ni Daniel at ng kanyang tatlong kaibigan.

Maintaining God-Given Identity

Pakinggan n’yo ang kuwentong ito na hango sa Daniel Chapter 1:

Sa unang pagsalakay ni Haring Nebuchadnezzar sa Jerusalem (586 BC), kasama sa dinalang bihag sa Babylonia ang angkan ng mga hari at angkan ng mararangal na pamilya. Mula sa mga bihag na ito pumili si Haring Nebuchadnezzar ng mga kabataang lalaking guwapo, malusog, matalino, mabilis kumilos at madaling turuan para karapat-dapat na maglingkod sa kanya. Kabilang sa mga napili ang mula sa lahi ni Judah na sina Daniel, Hanania, Mishael at Azaria. Pinalitan ang pangalan nila at ginawang Belteshazzar, Shadrac, Meshac, at Abednego. Mula sa sariling pagkain at alak ng hari ang ibibigay sa kanila araw-araw. Tuturuan sila ng kultura ng Babylonia at sasanayin sa loob ng tatlong taon bago magsimulang maglingkod sa hari.

Pero ipinasya ni Daniel na hindi siya kakain ng pagkain ng hari o iinom ng inumin niya para hindi siya marumihan. Niloob naman ng Dios na pagbigyan siya ng katiwala ng hari. Pero sinabi ng katiwala, “Natatakot ako sa hari. Baka kapag nakita niyang hindi kayo malusog, ipapatay niya ako.” Sagot ni Daniel, “Subukan n’yo kaming pakainin lang ng gulay at painumin lang ng tubig sa loob ng tatlong araw. Pagkatapos, ikumpara n’yo kami sa iba.”

Pagkatapos nga ng sampung araw, nakita niyang mas malulusog ang apat na kabataan kaysa sa iba. Binigyan pa sila ng Dios ng karunungan sa lahat ng uri ng panitikan at kaalaman. Si Daniel naman ay binigyan ng karunungan sa pagpapaliwanag ng panaginip at pangitain.

Pagkatapos ng tatlong taon ng pagsasanay nila, iniharap na sila sa hari. Pagkatapos makipag-usap sa kanila, nakita ng hari na wala silang katulad sa iba. Higit pa ang kaalaman nila sa mga kinikilalang marurunong sa buong kaharian niya.

Ang Dios ang nagbigay sa kanila ng pagkakataong makapaglingkod sa kaharian. Nagpapakita ito na ang mga Cristiano rin hanggang ngayon puwedeng magtrabaho sa gobyerno, puwedeng maging mayor o gobernador. Pero hindi ibig sabihin na lahat ng ginagawa sa gobyerno (tulad ng mga sistema ng lagay, palakasan at corruption) ay gagayahin din. Bakit gulay lang ang gustong kainin ni Daniel? Dahil ba vegetarian siya? Dahil ba bawal sa Kautusan ni Moises ang mga karne? Dahil ba ang mga pagkain doon ay inihandog sa mga dios-diosan? Puwedeng isa o dalawa dito ang dahilan kung bakit. Pero hindi iyon ang point ng decision ni Daniel. Kahit na tinuturuan sila ng kultura ng Babylonians, gusto ni Daniel na makita pa rin ang kaibahan nila. Na meron silang identity. Na ang kaibahan nila ay kung sino ang Dios nila. Na ang Dios ang nagbibigay sa kanila ng kakayahan at karunungan, hindi ang mga Babylonians. At nakita ito ng mga tao roon. Dahil naging tapat sila sa Dios, nakita ng mga tao kung paano kumilos ang Dios sa kanila, nakitang mas mahusay sila kaysa sa iba. Ito ang problema ngayon, kapag ang mga Cristiano ay nakita ng mga tao na wala nang ipinagkaiba sa kanila.

Karaniwan nang may nagtatanong sa akin, “Puwede bang kumain sa fiesta? Puwede bang kumain ng dugo? O bakit siya naninigarilyo, di ba member natin iyon? Okay lang bang magtinda ng beer?” The issue is not the choice of food or job or clothing. Kundi iyong paano natin maipapakilala ang Dios natin – na tayo’y angat sa iba dahil meron tayong Dios na angat na angat sa ibang kinikilalang dios ng mga tao ngayon. In our choice of lifestyle, magandang maipakilala natin ang sarili natin hindi lang ganito: “Ah, mga Born-Again iyan, di naninigarilyo iyan, maraming bawal diyan…” Maaaring totoo ang mga iyon pero hindi iyon ang pinaka-identity natin. Iyon bang masabi ng mga tao: “Ah, kaya ganyan iyan, kasi pambihira ang Dios niyan!” Hindi komo normal, iyon na rin ang gagawin natin. Ang kasalanan, normal na rin di ba?

Obeying God Rather than Men

Here’s another example. Pakinggan n’yo ang kuwentong ito na hango sa Daniel Chapter 3:

Pagkatapos maipaliwanag ni Daniel kay Haring Nebuchadnezzar ang panaginip nito, pinarangalan siya nito at ginawang pinuno ng buong lalawigan ng Babylonia at ng lahat ng marurunong doon. Sinabi pa ng hari, “Naniniwala ako na ang Dios mo ang siyang Dios na makapangyarihan sa lahat ng dios. Siya ang dapat kilalaning Panginoon ng mga hari.” Pumayag din ang hari sa hiling ni Daniel na hirangin ang tatlo niyang kaibigan para maging katulong niya sa pamamahala. Kaya namalagi si Daniel sa palasyo ng hari.

Pagkatapos nito, nagpagawa ang hari ng rebultong ginto na 90 talampakan ang taas at 9 na talampakan ang lapad. Ibinalita sa lahat, “Sa pagtunog ng tambuli, plauta at iba pang instrumento, lumuhod kayo agad at sumamba sa rebultong ipinatayo ni Haring Nebuchadnezzar. Ang hindi susunod ay itatapon sa naglalagablab na hurno.” Kaya nang marinig ng mga tao ang tunog ng mga instrumento, agad silang lumuhod at sumamba sa rebulto.

Pero ang mga Judiong sina Shadrac, Meshac at Abednego ay nanatiling nakatayo. Isinumbong sila sa hari at ikinagalit ito ng hari. Pagharap nila sa hari, sinabihan sila, “Talaga bang ayaw n’yong sumunod? Kung hindi pa rin kayo luluhod ngayon, itatapon ko kayo sa naglalagablab na hurno. Tingnan lang natin kung may dios pa na magliligtas sa inyo.”

Sumagot silang tatlo, “O Nebuchadnezzar, kung talaga pong ganyang ang mangyayari, ang Dios na aming pinaglilingkuran ang magliligtas sa amin mula sa inyong mga kamay. Kung hindi man, hindi pa rin kami sasamba sa rebultong ipinatayo n’yo.”

Lalo pang nagalit ang hari kaya iniutos na painitin ng pitong beses pa ang hurnong pagtatapunan sa kanila. Iginapos sila at itinapon doon. Dahil sa init ng hurno, namatay ang mga nagtapon sa kanila. Pinapanood ng hari ang nangyari at nagtaka siyang sinabi, “Hindi ba’t tatlo lang ang ihinagis sa apoy? Tingnan n’yo, bakit apat sila doon at ang isa sa kanila’y parang isang dios?”

Kaya tinawag ng hari ang tatlo, “Mga lingkod ng kataas-taasang Dios, lumabas kayo riyan. Halikayo rito!” Kaya lumabas nga ang tatlo na wala man lang nakita sa kanilang pinsala o bakas ng sunog at hindi man lang sila nag-amoy usok. Dahil dito, pinuri ng hari ang Dios, “Purihin ang Dios nina Shadrac, Meshac at Abednego. Naging tapat sila sa kanilang Dios at hindi sumamba sa iba. Kaya iniuutos ko na sinumang magsalita ng masama laban sa kanilang Dios ay puputul-putulin ang katawan at wawasakin ang kanilang mga bahay. Sapagkat walang dios na makapagliligtas katulad ng kanilang Dios.” Dahil dito, mas itinaas pa ng hari ang kanilang katungkulan sa Babylonia.

Sumulat din siya ng mensahe sa iba’t ibang bansa: “Nais kong ipaalam sa inyo ang mga himala at kababalaghang ginawa sa akin ng Kataas-taasang Dios. Kamangha-mangha at makapangyarihan ang mga himalang ipinakita ng Dios. Ang paghahari niya ay walang hanggan.”

Dahil sa ginawa ni Daniel at ng mga kaibigan niya, nakilala ng hari ang Dios nila. Maaaring exempted si Daniel sa naging kautusang ito dahil sa mataas niyang posisyon o kaya naman ay nasa isang special mission siya. Di tayo sigurado. Pero malamang na di siya kasama sa mga lumuhod sa rebulto. Ang tatlong kaibigan ni Daniel, sumuway sa kautusan ng kaharian ng tao, dahil sa kanilang pagsunod sa kautusan ng kaharian ng Dios. First commandment, “You shall have no other gods before me” (Exod. 20:3). Lumuhod na ang lahat ng tao, nanatili silang nakatayo. Napakagandang larawan na makita sa lahat ng mga Cristiano na kahit na ang lahat ng mga Pilipino ay lumuhod na at sumamba sa pera, sa achievenment, sa sex, sa entertainment, mananatili tayong nakatayo at naninindigan sa pinaniniwalaan natin.

Naniniwala ang tatlong lalaking ito na hindi komo legal, iyon na rin ang gagawin natin. Iba ang batas ng Dios sa batas ng tao. Halimbawa, lotto. Legal iyan, pero moral ba iyan? Nakalulugod ba sa Dios na sambahin ang daang milyong piso na pinapangarap mong magkaroon? Na pagnakawan ang milyun-milyong mahihirap na Pilipino para ibigay sa iisang tao? Huwag tayong magkumpromiso, kahit mahirap ang buhay. Tulad ng tatlong ito, kahit na itapon sila sa apoy, kumakanta pa siguro ang mga iyan, “Dumaan man ako sa apoy di ako masusunog. Kasama natin ang Dios” (Isa. 43:1-3). At kahit na masunog man sila, alam pa rin nilang makakasama pa rin nila ang Dios. Walang dahilan para magkumpromiso tayo kahit na dumadaan tayo sa apoy ng kahirapan?

Courageous to Face Death

Here’s the third example. Pakinggan n’yo ang kuwentong ito na hango sa Daniel Chapter 6:

Naging tapat si Daniel sa paglilingkod sa Babylonia sa loob ng 70 taong pagkabihag sa kanila, hanggang sa panahon ni Haring Cyrus ng Persia. Sa panahong tinalo na ng Persia ang Babylonia, at si Darius na taga-Media na ang namamahala, isa si Daniel sa tatlong administrador na mamamahala sa 120 gobernador sa buong kaharian. Dahil sa pambihirang kakayahan ni Daniel, binalak ng hari na gawin na siyang tagapamahala ng buong kaharian. Nagselos sa kanya ang ibang opisyal kaya binalak nilang paratangan siya. Pero wala silang makitang maipintas sa kanya. Sabi nila, “Wala tayong makitang butas sa taong ito maliban na lang kung makakahanap tayo ng kasalanan na may kaugnayan sa Kautusan ng kanyang Dios.”

Dahil doon, nagkaisa silang hilingin sa hari na maglabas ng kautusan na sa loob ng 30 araw na walang mananalangin sa kahit sinong dios o tao maliban sa hari. Pumayag naman ang hari at nilagdaan ang kautusang ito.

Nang malaman ito ni Daniel, umuwi siya. Sa may bintana ng bahay niya na nakaharap sa Jerusalem, lumuhod siya at nanalangin sa Dios, tulad ng ginagawa niya tatlong beses sa isang araw.

Pinagmamatyagan pala siya ng ibang mga opisyal. Kaya nagsumbong sila sa hari. Nag-alala ang hari nang marinig ito. Gusto niyang tulungan si Daniel kaya gumawa siya ng paraan para maligtas ito. Pero binalaan siya ng mga opisyal niya na hindi makabubuti sa kaharian kung babawiin niya ang kautusang nilagdaan niya. Kaya iniutos ng hari na hulihin si Daniel at ihulog sa balong may mga leon. Sabi niya kay Daniel, “Iligtas ka nawa ng Dios mo na patuloy mong pinaglilingkuran.”

Mahigpit na binantayan ang balong pinagtapunan sa kanya. Pag-uwi ng hari, di siya makakain at makatulog. Kaya kinabukasan, maagang-maaga pa dinalaw niya si Daniel at kinumusta. Sinabi sa kanya ni Daniel, “Mabuhay ang Mahal na Hari! Hindi ako sinaktan ng mga leon, dahil nagpadala ang Dios ng kanyang mga anghel para itikom ang mga bibig ng mga leon. Ginawa niya ito kasi alam niyang malinis ang aking buhay at wala akong ginawang kasalanan sa inyo.” Natuwa ang hari ng marinig iyon at makitang wala man lang galos sa katawan si Daniel – dahil nagtiwala siya sa Dios.

Pagkatapos, sumulat si Darius ng mensahe sa lahat ng mga bansa: “Iniuutos ko sa lahat ng nasasakupan ng aking kaharian na sila’y matakot at gumalang sa Dios ni Daniel. Sapagkat siya ang buhay na Dios na nabubuhay magpakailanman. Ang paghahari niya ay walang hanggan at walang makakapagpabagsak nito.”

Mula pa noong kabataan ni Daniel hanggang sa retirement age na siya, naging tapat siya sa Dios at sa paglilingkod sa kaharian. Ilang hari na ang nakapagpatunay nito. Pati mga naiinggit sa kanya walang maipintas. Para sigurong si dating DILG Secretary Jesse Robredo. At sana ganito rin ang bago nating Chief Justice na Christian daw. At panalangin natin na sila rin maging tapat hindi lang sa paglilingkod sa gobyerno kundi unang-una sa Dios. Paano kung nagkaroon ng batas na alam ng Chief Justice na salungat sa utos ng Dios anong gagawin niya? Tayo anong gagawin natin? Kung tayo ang nasa kalagayan ni Daniel, na ipagbawal nang manalangin, mag-prayer meeting, magtipon dito sa worship service natin, na mag-share ng Story of God, na magbaptize, paano na iyon? Paano kung makita kang magbasa ng Bible tapos ikukulong ka? Gagawin mo pa ba? Yes? Are you sure? Bakit ngayong di naman bawal, hindi ka nananalangin at nagbabasa ng Bibliya? Bakit di mo ikuwento sa kaklase mo ang ginawa sa iyo ni Cristo, wala namang nagbabawal ah? Paano kung ipagbawal na? E di lalong hindi mo gagawin.

Yes, pero ‘wag na lang magpakita para hindi mahuli. Pero bakit si Daniel, bukas pa ang bintana, alam niyang may nakakakita sa kanya? Hindi niya naman kasi puwedeng itago iyon. Gusto nga niyang ipakilala ang Dios niya, tapos magtatago siya. Hindi mo naman puwedeng itago ang pagka-Cristiano mo. Makikita’t makikita iyon. Kung hindi nakikita, baka hindi ka naman talaga Cristiano? Tandaan natin, hindi komo ikamamatay natin, hindi na natin gagawin. Mas mahalaga ang pagsunod sa Dios kaysa sa sariling buhay natin. Mas mahalagang maipakilala ang Dios kaysa magtago tayo. Naging tapat si Daniel, kaya lahat ng bansa nabalitaan ang tungkol sa Dios.

Knowing God and Making Him Known

Bakit naging faithful sila Daniel kahit na mahirap ang sitwasyon nila at tinangka pa silang ipapatay dahil sa pagsunod nila sa Dios? Kasi kilala nila ang Dios nila, kasi alam nila na hindi si Nebuchadnezzar o si Darius ang hari nila at kabilang sila hindi sa kaharian ng Babylonia o ng Persia kundi sa kaharian ng Dios.

Then King Nebuchadnezzar fell upon his face and paid homage to Daniel, and commanded that an offering and incense be offered up to him. The king answered and said to Daniel, “Truly, your God is God of gods and Lord of kings, and a revealer of mysteries, for you have been able to reveal this mystery” (2:46-47).

Nebuchadnezzar: “How great are his signs, how mighty his wonders! His kingdom is an everlasting kingdom, and his dominion endures from generation to generation” (4:3)

Darius: “I make a decree, that in all my royal dominion people are to tremble and fear before the God of Daniel, for he is the living God, enduring forever; his kingdom shall never be destroyed, and his dominion shall be to the end” (6:26).

Mas nakilala natin kung sino ang Dios ni Daniel at mga kaibigan niya hindi sa mga sinabi nila kundi sa sinabi ng mga haring pinaglingkuran nila. Who is your God? Is he King of kings and Lord of lords? Kung tanungin ko ang tatay mo, o ang boss mo, o ang asawa mo? Iyon din kaya ang makikita nila? Naging tapat sa Dios si Daniel at ang mga kaibigan niya dahil kilala nila ang Dios nila at ganoon na lang ang kasabikan nilang maipakilala sa iba kung sino ang Dios nila. God rules all the kingdoms of men. Kilalanin mo iyan at ipakilala din sa iba.

Keeping the Faith

In 2 Timothy, Paul encouraged young Timothy to be faithful to his calling. Times will be more difficult (3:1), but he needs to continue in the faith even if it means death. Ikinuwento niya ang karanasan niya. “But the Lord stood by me and strengthened me (like what God did to Daniel and his friends)…So I was rescued from the lion’s mouth (like Daniel!). The Lord will rescue me from every evil deed and bring me safely into his heavenly kingdom” (2 Tim. 4:17-18). Kahit na mahirap ang sitwasyon naging tapat siya sa Dios. Naniniwala siya sa ibig sabihin ng pangalan ni Daniel, “God is my Judge.” Ibig sabihin, ang Dios ang bahala sa kanya. Ang Dios ang Hari at Panginoon niya. Ito ang hinihintay niya, na kahit mamatay siya sa pagiging tapat sa Dios, there is a “heavenly kingdom” waiting for him. God rules all earthly kingdoms. Kung iyan ang Dios natin at gusto rin natin siyang ipakilala sa iba, we will be faithful to our calling. Masasabi din natin tulad ni Pablo, “I have fought the good fight, I have finished the race, I have kept the faith. Henceforth there is laid up for me the crown of righteousness, which the Lord, the righteous judge, will award to me on that Day, and not only to me but also to all who have loved his appearing” (2 Tim. 4:7-8).

1 Comment

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.