God Restores Repentant Sinners

Preached by Derick Parfan on May 6, 2012 at Baliwag Bible Christian Church

A Man After God’s Own Heart

David. King David. Ang ganda ng profile na naiisip natin kapag naririnig ang pangalang iyan. A man after God’s own heart. Ibig sabihin, he has a heart like the heart of God, or close to the heart of God. He’s a hero to many of our kids. Kaya iyong iba, David ang ipinangalan ninyo. He killed the giant Goliath. He led Israel’s army to many victories. He was chosen to replace Saul as king. He became Israel’s finest king. He was popular. He was so blessed by God. Katunayan last week nakita natin sa 2 Samuel 7, God promises an eternal kingdom to David – dynasty, kingdom, throne, blessings forever! Grabe ang pangako ng Dios. Ibig sabihin ba nun perfect siya? Sinless? Role model in every way?

If that’s how we think of David or any Christian or your pastor who are blessed by God, accomplished a lot in the ministry, being effectively used by God for his kingdom, then we misunderstand how God works, how God chooses people, the grace of God. Or maybe, we forget that David like many characters in the Bible was not perfect. He is far from perfect. He did some very very bad things in his life. Pakinggan n’yo ‘tong kuwento na ‘to sa buhay niya na galing sa 2 Samuel 11…

David and Bathsheba

Nang panahong pumupunta ang mga hari sa digmaan para makipaglaban, hindi sumama si David at nagpaiwan lang siya sa Jerusalem…Isang hapon, habang naglalakad siya sa may bubungan ng kanyang palasyo, may nakita siyang isang babaeng naliligo. Napag-alaman niyang ang babaeng ito ay si Batsheba na asawa ng isa sa magigiting at mapagkakatiwalaang sundalo ni David, si Uria. Ipinatawag niya ang babaeng ito at pagdating ay sinipingan siya ni David. Nabuntis si Batsheba at hindi maikakaila ni David na siya ang ama dahil katatapos lang ng buwanang dalaw ni Batsheba nang may nangyari sa kanila.

Kaya ipinatawag ni David ang asawa ni Batsheba at sinabi sa kanya, “Umuwi ka muna sa inyo at magpahinga.” Pero hindi siya umuwi at doon lang natulog sa may pintuan ng palasyo. Nang malaman ito ni David, sinabi niya sa kanya, “Bakit hindi ka umuwi? Matagal kang nawala sa inyo.” Sumagot siya, “Naghahanda po ang mga sundalo n’yo sa labanan. Maaatim ko po bang umuwi sa amin para kumain, uminom at sumiping sa asawa ko? Isinusumpa ko na hinding-hindi ko ito gagawin!” Kinabukasan, niyaya siya ni David na kumain at uminom na kasama niya. Nilasing siya ni David. Pero hindi pa rin siya umuwi sa kanila at doon pa rin natulog.

Kinaumagahan nagpadala ng sulat si David sa kumander ng kanyang mga sundalo at ipinadala ito sa asawa ni Batsheba. Nakalagay sa sulat ang utos na ilagay siya sa unahan ng labanan at hayaang mapatay. Sinunod naman ito ng kumander ng sundalo ni David. Habang nakikipaglaban ang mga Israelita sa kaaway nila, isa sa mga napatay na sundalo ay ang asawa ni Batsheba.

May isang mensahero ang nagbalita kay David tungkol sa mga namatay na sundalo ng Israel. Nabalitaan din niyang patay na ang asawa ni Batsheba. Nang makarating kay Batsheba ang balita, ipinagluksa niya ang pagkamatay ng asawa niya. Pagkatapos ng kanyang pagluluksa, ipinasundo siya ni David, dinala sa palasyo at ginawang asawa. Hindi nagtagal, nanganak siya ng isang lalaki. Pero ang ginawa ni David ay masama sa paningin ng Dios.

The Relaxation

Sa simula ng kuwento, nakita nating nagrerelax si David. Masama ba iyon? Hindi naman. Maganda rin namang magpahinga. Wala din namang sinabi sa kuwento na masama iyon. Puwedeng oo, kung dahil sa katamaran. Puwede hindi kung dahil may sakit siya o bahagi ng strategy nila. Ewan natin. Di natin alam. We can’t judge David for taking a rest while other kings and his own soldiers were fighting battles. But I believe we need to remember this…there is a war no one can fight for us…this is the war we have against our own sinful desires. Maaaring nananalo si David sa laban nila sa mga kaaway ng Israel dahil sa pagsama ng Dios sa mga sundalo nila. Pero kapag nagrelax siya sa laban sa tukso at kasalanan, he might lose a more important war. We can’t relax in our fight against sin. He may be victorious in previous battles, but there’s a more important battle inside his heart. Goliath may be easier to kill, than the sin that is waging war against our own soul.

The Rebellion

Anong kasalanan ni David? Hindi lang isa…kundi apat (maaaring higit pa!). Lust – tiningnan niya ang hindi naman niya dapat tingnan, ang katawan ng isang babaeng hindi naman para sa kanya, na asawa ng iba. Hindi lang niya tiningnan, pinagnasahan niyang kunin. Nilabag niya ang isa sa 10 Commandments, “You shall not covet your neighbor’s wife.” Sabi ng Panginoong Jesus, sa ganito pa lang nagkasala na tayo ng adultery. Adultery. Paglabag na naman sa isa sa 10 Commandments, “You shall not commit adultery.” Nakipagtalik siya sa babaeng hindi naman niya asawa. Cover-up. “You shall not lie.” Tinangka niyang pagtakpan ang kasalanan niya, para hindi mabuking. Sinabihan niya si Uriah na sipingan ang asawa (kunwari reward pa sa kanyang kagitingan bilang sundalo, sinungaling!). We cannot cover-up our sins. The more we try to hide our sins, the more sins we commit. Hanggang humantong sa murder ang sala ni David. “You shall not kill.” Ipinapatay niya si Uriah, na katumbas na rin na siya ang pumatay.

Pansinin n’yo, sa simula ba’y inisip na ni David na pumatay ng isang tao? Hindi. Pero nagsimula iyon sa tingin – pagtingin sa isang bagay na di dapat tingnan. Mga kapatid kong lalaki, nakikiusap ako sa inyo, sa pangalan ng Panginoon, tulung-tulong tayong labanan ang mga bagay na tinitingnan natin! Wala pa nga tayong pinapatay na tao, o ginagahasang babae, pero tandaan natin, ang maliit na apoy na sinisindihan natin sa isip at puso natin kapag tumitingin tayo sa pornography (FHM, Maxim, Playboy), sexually explicit pictures or movies, or sexual fantasies, lumalaki ang apoy na iyan at susunog sa atin! Don’t relax in your fight against sexual sins! Make war against sin! Kung mata mo ang nagiging dahilan ng pagkakasala mo, anong gagawin mo, sabi ng Panginoong Jesus?

Oo nga’t may ilang babae din na struggles ito, pero mas prevalent ito sa mga lalaki. Kaya sa mga kapatid kong babae naman na nandito, nakikiusap ako. Tulungan n’yo kaming mga lalaki. Hindi na kailangang pumunta sa Internet para magkasala, sa araw-araw na nakikita namin ang mga babaeng mababa ang neckline, maiksi ang short o skirt, nagkakasala din kami. Hindi namin kayo sinisisi, hindi puwedeng isisi ni David kay Bathsheba ang kasalanan niya. Pero may maitutulong kayo. Please be modest in how you dress. You don’t need to show the parts that only your husband or future husband should feast his eyes on.

Bakit ko ‘to sinasabi? Sa iba, hindi big deal ito. Pero we love one another. We are brothers and sisters. We are one family. Wala akong pakialam kung ano ang usong damit ngayon, kung ano ang ok lang sa culture natin ngayon. Ang importante, ano ba ang tingin ng Dios doon. Ang ginawa ni David, good in his eyes. But evil in the eyes of God. Masama sa paningin ng Dios (2 Sam. 11:27). Ganoon nga ang ginawa ni David – a man after God’s own heart – naging rebelde, he became, this time, a man against God’s own heart. Rebellion. We do things we thought are good for us. David thinks it is good for him to feast his eyes on a nude woman. God thought it is evil. We don’t decide what is good and right and true. It is God’s decision. Eve saw that the forbidden fruit was beautiful, looks delicious, so she ate. David saw Bathsheba as very beautiful, he took her. Sin is rebellion against God. We often don’t see sin that way. We need someone to remind us and rebuke us, like what Nathan the prophet did to David.

David and Nathan

Dahil masama sa paningin ng Dios ang ginawa ni David, ipinadala niya ang propetang si Natan para ihatid sa kanya ang mensahe ng Dios. Sinabi niya kay David, “May isang mayaman na maraming tupa at baka. May isa namang mahirap na isa lang ang tupa na binili pa niya. Inalagaan niya ito at lumaking kasabay ng mga anak niya. Pinapakain niya ito, pinapainom, kinakarga sa balikat at itinuturing na parang anak niyang babae. Minsan may bisita ang mayaman, pero ayaw niyang katayin ang tupa o baka niya para ipakain sa bisita niya. Kaya kinuha niya ang tupa ng mahirap at ito ang inihanda para sa bisita niya.”

Nagalit si David sa mayaman at sinabi, “Dapat patayin ang taong gumawa niyan! Dapat niya itong pagbayaran ng hanggang apat na beses dahil wala siyang awa!”

Sinabi ni Natan sa kanya, “Ikaw ang taong iyon! Ito ang sabi ng Dios sa iyo: ‘Ginawa kitang hari ng buong Israel. Iniligtas kita kay Saul. Ibinigay ko sa iyo ang kaharian at mga pag-aari niya. Kung kulang pa ang mga ito, bibigyan pa sana kita ng mas marami. Pero bakit sinuway mo ang utos mga ko at ginawa mo ang masamang bagay sa paningin ko. Sumiping ka asawa ng iba at pinatay mo pa ang kanyang asawa. Dahil sinuway mo ako, laging magkakaroon ng patayan at labanan sa pamilya mo. Isa sa pamilya mo ang magrerebelde sa iyo. Sisipingan niya ang mga asawa mo sa harap ng maraming tao. Pasikreto pa ang ginawa mo, pero ang gagawin ko ay makikita ng buong Israel.’”

Sinabi ni David, “Nagkasala ako kay Yahweh.”

Sumagot si Natan, “Pinatawad ka na ng Dios, hindi ka na mamamatay dahil hindi na niya ibibilang ang ginawa mong pagsuway laban sa iyo. Pero dahil sa ginawa mo, lalapastanganin ng mga kaaway mo ang pangalan ng Dios. Kaya siguradong mamamatay ang anak mo.”

Nagkasakit ang anak ni David, gawa ito ng Dios. Nakiusap si David sa Dios na pagalingin ang bata. Hindi siya pinakinggan ng Dios at namatay din ang bata. Nagluksa silang mag-asawa sa pagkamatay ng anak nila. Di nagtagal, nabuntis ulit si Batsheba at nanganak ng isang lalaki. Pinangalanan siyang Solomon. Minahal ito ng Dios at nagpadala siya ng mensahe kay Natan na tawaging Jedidia ang bata, na ang ibig sabihin ay “Minamahal ni Yahweh.”

The Rebuke

Ang kuwento ay mabisang paraan para maipahatid ang isang mensahe mula sa Dios. Ganito rin ang ginamit ni Prophet Nathan kay David. Noong una hindi pa niya naisip na para sa kanya iyon. Nakita ni David, he judged rightly, na dapat parusahan ang taong mayaman na walang awang kinuha pa ang nag-iisang tupa ng mahirap para lang may maihanda sa bisita. Mas naging mabigat ang kasalanan niya dahil ginawa niya iyon samantalang ang laki naman na ng pagpapalang tinanggap niya sa Dios. “Ikaw ang taong iyon!” sabi ni Nathan.

You are a sinner! You sinned against God. What he did was evil in the sight of God (2 Sam. 11:27). Ipinaalam ito ni Nathan sa kanya. You despised God’s word, David (12:9). You scorned God, David (12:14). Strong words pero totoo. God’s blessings are so rich (promised eternal kingdom!), yet he saying, “It is not enough. You are not enough.” God’s word is so clear, yet he is saying, “I don’t care what you say.” God is so good, gracious, great, and glorious. Yet rebellion say, You are not good. You are not great. You are not gracious. You are not glorious. This is treason against the King of the Universe. David was a king, even the anointed king of God, but he was not the King! Because David’s heart desires to dethrone God, he deserves God’s judgment.

Ito ang matapang na sabi ni Nathan. Sinabi niya kung ano ang parusa ng Dios – mamamatay ang anak nila ni Bathsheba, magkakaroon ng kaguluhan sa pamilya niya, pati anak niya magrerebelde sa kanya, at hayagang makikipagtalik sa mga “concubines” niya! Grabe, pero God is always righteous in his judgment. Oh, we need men like Nathan! Hari ang kausap niya. Pero matapang siya kasi God the King told him to rebuke God’s king. Kapag may nagkasala – pastor man, o leader ng church, mayaman man siya at giver sa church – hindi mahihiya, hindi matatakot na sabihin nang harapan sa kanya, “Ikaw ang taong iyon!” Na sineseryoso ang kasalanan, ang kabanalan ng Dios, ang paghatol ng Dios, ang katarungan ng Dios. Hindi iyong mga nagpapacute lang sa mga tao, hindi iyong deadma lang kahit na alam na ang kapatid ay nagkakasala sa Panginoon.

The Repentance

Ngayon, kung tayo ang nasa posisyon ni David, anong magiging tugon natin. Puwede niyang sabihin, “Ayokong makinig sa iyo.” O kaya, “Pugutan ng ulo ang taong ito!” O, “Anong karapatan mong magsalita ng ganyan laban sa akin?” O kaya, “Ano ang puwede kong gawin para mapagbayaran ang kasalanan ko?” Pero hindi ganoon ang ginawa niya. Sabi niya, “Nagkasala ako sa Panginoon.” This is repentance. Inamin niyang may kasalanan siya. Inamin niyang ang ginawa niya ay pagsuway laban sa Dios. Hindi lang ito basta dahil sa takot na maparusahan, hindi lang ito para mabawasan ang guilt na nararamdaman niya. This is true, humble repentance.

Nakasulat sa Psalm 51 ang kanyang panalangin ng pagsisisi sa Panginoon dahil sa nangyaring ito. Sabi niya doon, “Against you, you only have I sinned (51:4). Hmmm…nagkasala siya kay Bathsheba, Uriah, sa mga Israelita, sa kanyang pamilya, pero sabi niya, “Sa iyo lang ako nagkasala.” Mahalaga sa repentance ang pag-amin na nagkasala. Mahalaga rin ang pagkilala na ang kasalanan natin ay primarily an attitude of rebellion against God. “Ginawa ko ang bagay na masama sa inyong paningin” (51:4). Hindi niya binigyang katuwiran ang kasalanan niya (“E kasi naman po…”). Hindi niya ginawang pangsuhol ang mga accomplishments niya para sa Dios (“Palampasin n’yo na ‘to, ‘wag pansinin, alam n’yo naman ang dami kong nagawa para sa inyo.”)

Hindi. Instead, he claimed God’s mercy. “Have mercy on me, O God, according to your steadfast love; according to your abundant mercy blot out my transgressions. Wash me thoroughly from my iniquity, and cleanse me from my sin” (51:1-2)! “Hide your face from my sins…Create in me a clean heart…Cast me not away from your presence…Restore to me the joy of your salvation” (51:9-12). This is what it means to be a man after God’s own heart. Not perfect, but repentant.

The Restoration

Kung nagkasala tayo at lumapit tayo sa Dios na taos sa puso ang ganyang panalangin, na tulad ng heart ni David – “a broken spirit, a broken and contrite heart” (51:17), itatakwil ba tayo ng Dios? Sasabihin ba niya, “Iiyak-iyak ka pa diyan. Napakabigat ng kasalanan mo, walang kapatawaran para sa iyo. Magdusa ka!” Hindi. Sabi ni Nathan kay David, “Pinatawad ka na ng Dios, hindi ka na mamamatay dahil hindi na niya ibibilang ang ginawa mong pagsuway laban sa iyo.” Truly, God restores repentant sinners! Hindi niya itinakwil si David. Ibinalik niya sa isang magandang relasyon sa kanya sa pamamagitan ng pagpapatawad sa kasalanan. This shows God’s mercy to forgive. Dahil dito, hindi nakapagtatakang awitin ito ni David:

The Lord is merciful and gracious, slow to anger and abounding in steadfast love. He will not always chide, nor will he keep his anger forever. He does not deal with us according to our sins, nor repay us according to our iniquities. For as high as the heavens are above the earth, so great is his steadfast love toward those who fear him; as far as the east is from the west, so far does he remove our transgressions from us. As a father shows compassion to his children, so the Lord shows compassion to those who fear him. (Psalm 103:8-13)

In his mercy, God gives life to death-deserving sinners. “Hindi ka na mamamatay, pinatawad ka na ng Dios,” sabi ni Nathan kay David. Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan (Rom. 6:23). Nahiwalay sa Dios. Kung mapapatawad ang kasalanan, naroon ang buhay, buhay na malapit sa Dios, buhay ayon sa magandang disenyo ng Dios. David doesn’t deserve to live, to be near God, to have fellowship with God. Pero mahabagin ang Dios. Mayaman ang awa niya.

The Results

Mayaman ang biyaya ng Dios. Pero di natin puwedeng sabihing, “Papatawarin naman ako ng Dios. OK lang magkasala. Hihingi na lang ako ng tawad pagkatapos.” Sin has consequences. Even forgiven sins have consequences, terrible consequences. Sinning can never ever bring us happiness.

Naranasan ito ni David. He experienced the pain of broken relationships. Unang-una siyempre sa Dios. Di natuwa ang Dios sa kanya. Dati, maganda ang ugnayan nila ng Dios, sinasagot ang mga panalangin niya. Pero dito, hinatulan siya ng Dios. Kahit manalangin siyang gumaling ang anak niya, di siya pinakinggan ng Dios. Naniniwala akong naging masakit din sa kanya na dahil sa kasalanan niya, God’s name is dishonored among other people. Pati anak niya nadamay sa kasalanan niya. Masakit para sa pamilya nila. Iniyak nila ni Bathsheba. Pero hindi lang iyon. Kung babasahin pa natin hanggang dulo ng 2 Samuel, makikita natin ang devastating results ng kasalanan niya sa pamilya niya. Maraming siyang asawa at concubines. Ginahasa ni Amnon si Tamar, half-sister niya. Pareho silang anak ni David. Pinatay ni Absalom, kapatid ni Tamar, si Amnon. Si Absalom nagrebelde sa tatay niya, tinangkang agawin ang trono sa kanya – higit pa doon, tulad ng sinabi ng Panginoon kay David, nakipagtalik si Absalom sa mga concubines ni David at ipinangalandakan pa sa buong Israel ang kahalayan niya.

Kung ganitong klase nangyari sa pamilya natin – may patayan, may rape, may incest, may sexual immorality, may sibling rivalry, may agawan – paano na iyan? May pag-asa pa ba? Naalala n’yo iyong story ni Joseph – God turns very bad things into very good. Ganito din pinakita ng Dios.  In the midst of the painful consequences of our sins, there is hope in God’s triumphant grace. The fulfillment of the covenant is at stake. Pero gagawa ang Dios. Magbibigay siya ng pag-asa. Nagkaaanak ulit sila – si Solomon, tinawag na Jedidiah, “loved by God.” The grace of God triumphs even over our worst sins.

The Redeemer

The clearest demonstration of that triumphant grace is Jesus Christ, “the son of David… David was the father of Solomon by the wife of Uriah (Bathsheba!) (Matt. 1:1, 6 ESV). Because of Jesus, there is hope of a restored relationship with God and with our family. Because of Jesus, God’s name will once again be honored through our life. And because of Jesus, others will find hope and life as they see us restored to fellowship with God. Hindi na natin kailangang pagtakpan o itago ang mga kasalanan natin. Hindi natin dapat gamitin ang relihiyon o simbahan o spiritual activities para itago ang mga struggles natin sa kasalanan. Hayaan nating ang Dios ang magtakip nito sa pamamagitan ni Cristo! “Blessed is the one…whose sin is covered” (Ps. 32:1). God covered your sins through the cross of Christ. That’s good news.

Are you hopeless? “Nangyari na sa akin iyan!” Hindi mo kailangang itago ang kasalanan mo. Hope in God’s mercy through Jesus. Are you fearful? “Baka mangyari sa akin iyan.” Hope in God’s mercy through Jesus. Or are you arrogant? “Hindi mangyayari sa akin iyan!” Hello… nangyari nga kay David, sa atin pa kaya. Yabang naman natin. Hope in God’s mercy through Jesus. “Hindi mangyayari sa akin iyan!” May pag-asa tayo dahil dito: God restores repentant sinners. Hindi tanong dito, “Are you a sinner?” Lahat tayo nagkasala, at nagkakasala araw-araw. Ang tanong, “Are you repentant? Gusto mo bang maibalik sa isang malapit na relasyon sa Dios?” Yes? Then, here’s the good news: God restores repentant sinners!

2 Comments

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.