God Requires a People of Justice

Preached by Derick Parfan on July 15, 2012 at Baliwag Bible Christian Church

God is a God of Justice

God is love. Totoo iyon. Kapag may inaapi, tutulungan niya, kaaawaan niya. Pero ang tendency natin ay magfocus sa karakter na iyon ng Dios, at kalimutan na ito: our God is also a God of justice. Ito ang kainaman ng pag-aaral ng mga prophets. Mas malinaw itong nakikita. Kapag may mali, itatama niya. Kapag may nagkasala paparusahan niya. Hindi siya puwedeng suhulan. Hindi palalampasin ng Dios ang kasalanan nang walang mananagot o magbabayad, kahit pa sa kanyang piniling bayang Israel. Nandito na tayo sa punto ng kuwento na nahati na ang kaharian (931 BC). Nang mahati ito, ang unang naghari sa northern kingdom (Israel) ay si Jeroboam, na siya namang nagdala sa bansang iyon sa pagsamba sa mga dios-diosan. Kaya noon pa lang ay sinabi na ito ng Dios sa pamamagitan ni prophet Ahijah:

Paparusahan ni Yahweh ang bayang Israel hanggang sa ito’y manginig na parang tambo sa tubig na pinapaspas ng hangin. Parang punong bubunutin niya ang bayang Israel mula sa masaganang lupaing ito na ibinigay niya sa kanilang mga ninuno. Magkakawatak-watak sila sa mga lupaing nasa kabila ng ilog sapagkat ginalit nila si Yahweh nang gumawa sila ng mga imahen ng diyus-diyosang si Ashera. Pababayaan ni Yahweh ang Israel dahil sa mga kasalanang ginawa ni Jeroboam at sa mga kasalanang ipinagawa nito sa bayang Israel (1 Kings 14:15-16 MBB).

Halos 200 taon ang lumipas pagkatapos ibigay ng Dios ang nakatakdang parusang ito. Sa mahabang panahong iyon ay walang pagbabagong nangyari, lumala pa ang nangyari sa Israel. Kung tulad lang sana sila ng Nineveh (dayuhang lungsod) na nagsisi sa pangangaral ni propeta Jonah (“Yet forty days, and Nineveh shall be overthrown!”, Jonah 3:4), patatawarin din sila ng Dios. Pero hindi sila nakinig sa mga propetang tulad nina Amos at Hosea, na ang mensahe ay nakadirekta sa kanila:

Pakinggan ninyo ito, mga babae sa Samaria na naglalakihang gaya ng mga baka ng Bashan, na nang-aapi sa mahihina, nangingikil sa mahihirap, at nag-uutos sa inyong mga asawa upang dalhan kayo ng inumin. Ang Panginoong Yahweh ay banal, at kanyang ipinangako: “Darating ang araw na kayo’y huhulihin ng pamingwit. Bawat isa sa inyo’y matutulad sa isdang nabingwit. Ilalabas kayo sa siwang ng pader at kayo’y itatapon sa Harmon” (Amos 4:1-3).

Ang Efraim ay katulad ng isang kalapati, mangmang at walang pang-unawa; tumatawag sa Egipto, at sumasangguni sa Asiria. Sa kanilang pag-alis, lambat ko sa kanila’y ihahagis, huhulihin ko sila na parang mga ibon sa papawirin. Paparusahan ko sila dahil sa masasama nilang gawain. Mapapahamak sila dahil sa paglayo sa akin! Lilipulin sila sapagkat naghimagsik sila laban sa akin! Tutubusin ko sana sila, ngunit nagsasalita sila ng kasinungalingan laban sa akin (Hosea 7:11-13).

The Fall of Israel

Nakatakda na ang parusa sa kanila, pero 200 daang taon pa ang lumipas bago tuluyang ibaba ng Dios ang hatol sa kanila, ebidensiya na ang Dios ay maawain at matiyaga sa kanyang bayan at hinihintay silang magbalik loob sa kanya. Pero dahil hindi sila nagsisi, ganito ang nangyari na makikita natin sa kuwento ng 2 Kings 17:1-20, taong 722 BC:

Sa 20 haring namahala sa hilagang kaharian ng Israel simula nang ito ay mahati, wala ni isa man sa kanila ang naging matuwid sa harapan ng Dios. Lahat ay gumawa ayon sa kasalanan ni Haring Jeroboam. Ang panghuling hari ng Israel ay si Hoshea, na naghari habang si Ahaz naman ang namamahala sa Judah. Sa panahon niya, nilusob ng hari ng Asiria ang buong Israel. Sa loob ng tatlong taon, pinaligiran niya ang Samaria (kapital ng Israel).

Sa ika-9 na taon ng paghahari ni Hoshea, inagaw ng hari ng Asiria ang Samaria at dinala ang mga taga-Israel sa Asiria bilang mga bihag. Nangyari ito dahil nagkasala sila kay Yahweh na kanilang Dios na naglabas sa kanila sa Egipto. Sa kabila noon, sumamba sila sa mga dios-diosan. Ginaya nila ang mga kasuklam-suklam na ginawa ng mga bansang pinaalis ng Dios sa harapan ng mga Israelita pati ang mga ipinakitang pamumuhay ng mga hari nila. Ito ang ikinagalit ng Dios.

Paulit-ulit na nagpadala ang Dios ng mga propeta para sabihan silang itigil na ang kanilang kasalanan at magbalik-loob sa Dios. Pero hindi sila nakinig. Matitigas ang ulo nila tulad ng mga ninuno nilang walang tiwala sa Dios. Galit na galit ang Dios sa Israel kaya pinalayas niya ang mga ito sa harapan niya. Ang lahi lang ni Juda ang natira sa lupain.

Pero kahit ang mga taga-Judah ay hindi rin sumunod sa mga utos ng Dios. Ginawa rin nila kung ano ang mga ginawa ng mga Israelita. Kaya itinakwil ng Dios ang lahat ng mamamayan ng Israel. Ibinigay sila sa mga kaaway nila bilang parusa, hanggang sa sila’y mawasak.

Judah’s Fall (Still Future)

Malinaw sa kuwentong ito na nangyari ito hindi dahil sa kalupitan ng Asiria. Nangyari ito dahil sa kasalanan ng Israel at bilang parusa ng isang Dios na banal, matuwid at makatarungan. Si Micah, bagamat propeta sa southern kingdom ng Judah, ganito din ang sinabing mangyayari:

Gigibain ko ang Samaria at lubusang iguguho, hanggang siya’y maging isang bunton ng lupa, na angkop lamang pagtaniman ng ubas. Paguguhuin ko papunta sa libis ang kanyang mga bato, at wawasakin ko ang kanyang mga pundasyon. Madudurog ang lahat ng imahen doon; masusunog ang lahat ng ibinabayad ng mga sumasamba roon. At ang mga diyus-diyosan doon ay mawawasak; sapagkat ang mga ito’y bayad sa mga upahang babae ng mga sumasamba sa mga diyus-diyosan, kaya’t iyon ay tatangayin ng kanilang mga kaaway (1:6-7).

Sinabi ito ni Micah para magsilbing warning sa Judah. Hindi sila puwedeng maging complacent. Mabigat din ang problema nila. Hindi nila puwedeng sabihin, “Kasama namin si Yahweh. Kaya walang anumang mangyayari sa amin!” (3:11). Sasabihin nilang ang templo ay nasa Jerusalem (lungsod ni David), nasa kanila ang tunay na pagsamba, na hindi sila tulad ng Israel? Di sila dapat maging kampante sa sarili nila. Na akalain nilang hindi sila mapapahamak tulad ng nangyari sa Israel. Di ba tayo ganoon din? Kapag tumingin tayo sa paligid natin, o kapag nakapanood tayo ng balita, sasabihin din natin, “Sila ang masasamang tao – mga rapist, mga kurakot, mga magnanakaw, mga iresponsableng magulang, mga addicts, mga idol-worshipers – sila ang mapapahamak. Kami hindi. Christian yata kami. Regular na nagsisimba, nakikinig ng salita ng Dios, tapat sa pag-iikapu, active sa ministries.” Alalahanin natin ang sabi ni Pablo, “Let anyone who thinks that he stands take heed lest he fall” (1 Cor. 10:12); “Do you suppose, O man—you who judge those who practice such things and yet do them yourself—that you will escape the judgment of God” (Rom. 2:3)?

Malaki ang problema nila dahil mabigat ang parusa ng Dios. Akala ng mga taga-Judah exempted na sila sa parusa ng Dios. Pero sabi ng Dios, “Kaya’t dahil sa inyo, ang Zion ay bubungkalin tulad ng isang bukirin, magiging isang bunton ng gumuhong bato ang Jerusalem, at ang burol na kinatatayuan ng Templo’y magiging gubat” (Micah 3:12). Dahil kanino? Dahil sa Asiria? Dahil sa Israel? Hindi! Dahil sa kanilang sariling kasalanan. Kung anong nangyari sa Israel, ganoon din sa Judah. “Sapagkat ang sugat ng Samaria ay hindi na gagaling. Ito rin ay kakalat sa buong Juda; papasok sa pinto ng Jerusalem na tirahan ng aking bayang pinili” (1:9). Ito ang mas nakakatakot, na ang mga taong nag-aakalang ligtas sila dahil relihiyoso sila ay sila rin pala ay mapapahamak. Pakinggan natin ang babala sa atin ni Jesus:

Not everyone who says to me, ‘Lord, Lord,’ will enter the kingdom of heaven, but the one who does the will of my Father who is in heaven. On that day many will say to me, ‘Lord, Lord, did we not prophesy in your name, and cast out demons in your name, and do many mighty works in your name?’ And then will I declare to them, ‘I never knew you; depart from me, you workers of lawlessness’ (Matthew 7:21-23).

Judah’s Sin

Bakit ganoon? Di ba’t mas relihiyoso naman tayo sa iba? Bakit maraming tao ang makakarinig ng ganoon sa Dios, “Lumayas kayo sa akin! Di ko kayo kilala!”? Mabigat ang parusa ng Dios dahil mabigat ang kasalanan nila. Panahon ito sa Judah na marami talaga ang yumayaman at pinapagpapala ng mga materyal na bagay. Oo nga’t sumasamba pa rin sila kay Yahweh, pero may problema, may malaking problema.

Ah, sinful nation, a people laden with iniquity, offspring of evildoers, children who deal corruptly! They have forsaken the Lord, they have despised the Holy One of Israel, they are utterly estranged. Why will you still be struck down? Why will you continue to rebel? The whole head is sick, and the whole heart faint. From the sole of the foot even to the head, there is no soundness in it, but bruises and sores and raw wounds; they are not pressed out or bound up or softened with oil (Isaiah 1:4-6).

Ano bang kasalanan nila? Tingnan natin sa Micah. Mas maiintindihan natin ang bigat ng kasalanan nila (at ng kasalanan din natin) kung makikita natin kung ano ang ginawa ng Dios para sa kanila, kung sino ang sinuway nila. Ang Dios ang nagligtas sa kanila mula sa Egipto, “Inilabas ko kayo sa lupain ng Egipto at tinubos sa pagkaalipin. Isinugo ko sa inyo sina Moises, Aaron at Miriam upang kayo’y pangunahan” (6:4). Sa halip na sumpa, nais ng Dios na pagpalain sila, “Bayan ko, gunitain ninyo ang plano ni Balac na hari ng Moab, at ang tugon sa kanya ni Balaam na anak ni Beor, at ang nangyari mula sa Sitim hanggang sa Gilgal. Alalahanin ninyo ang mga ito at malalaman ninyo ang ginawa ni Yahweh upang iligtas kayo” (6:5).

Dahil doon ano ang gusto ng Dios na mangyari, na gawin nila? Love God with all your heart and love your neighbor as yourself. Iyon ang point ng Ten Commandments. Nagawa ba nila iyon? Dito sa Micah parang inihaharap sila ng Dios sa isang court trial. Heto ang kaso ninyo, papatunayan ko kung guilty kayo. O kaya naman parang examination. Heto ang test scores n’yo. Tingnan natin kung pasado kayo?

Heto ang standard, ang requirements ng Dios: “He has told you, O man, what is good; and what does the Lord require of you but to do justice, and to love kindness, and to walk humbly with your God?” (Micah 6:8). God requires a people of justice. Hindi pagiging relihiyoso ang pinag-uusapan dito. Kundi kung totoo ba ang relihiyon mo, kung may bunga ba ito sa buhay mo, kung taos ba ito sa puso mo, kung nanggagaling ba ito sa buong pusong pag-ibig sa Dios o pagpapakitang tao lang. Kaya nga sabi ni Jesus sa mga Pharisees: “Woe to you, scribes and Pharisees, hypocrites! For you tithe mint and dill and cumin, and have neglected the weightier matters of the law: justice and mercy and faithfulness. These you ought to have done, without neglecting the others” (Matthew 23:23). Bagsak dito ang mga taga-Judah:

Your new moons and your appointed feasts my soul hates; they have become a burden to me; I am weary of bearing them. When you spread out your hands, I will hide my eyes from you; even though you make many prayers, I will not listen; your hands are full of blood. Wash yourselves; make yourselves clean; remove the evil of your deeds from before my eyes; cease to do evil, learn to do good; seek justice, correct oppression; bring justice to the fatherless, plead the widow’s cause (Isaiah 1:14-17).

Faithfulness: “Walk Humbly with God”

Tingnan nga natin isa-isa. Naging tapat ba sila sa pagsamba at pagsunod sa Dios? Pakinggan n’yo ang ugali nila tungkol sa mga sacrifices at religious rituals:

Ano ang dapat kong dalhin sa aking pagsamba kay Yahweh, ang Diyos ng kalangitan? Magdadala ba ako ng guyang isang taon ang gulang bilang handog na sinusunog sa kanyang harapan? Malugod kaya siya kung handugan ko ng libu-libong tupa o umaapaw na langis ng olibo? Ihahandog ko ba sa kanya ang aking anak na panganay, ang laman ng aking laman, bilang kabayaran ng aking mga kasalanan? (6:6-7 MBB)

Akala nila paraan iyon para bayaran ang kasalanan nila, para maging katanggap-tanggap sila sa Dios. Ang yayabang nila. Akala nila ang mga offerings nila ay parang ticket (parang iyong sa Worlds of Fun sa SM) na puwede mong ipalit sa Dios para matanggap mo ang mga answered prayers. O parang tiket sa sinehan kapag bumili ka makakapasok ka na at makakapanood. Hindi nila alam na iyon ay hindi pagbibigay sa Dios kundi pagtanggap sa biyaya at pagpapatawad niya, pag-amin na kailangan natin siya at wala tayong magagawa sa sarili natin. Hindi ba’t para din tayong ganoon? Bakit ba nagsisimba o nagdadasal? Sa tingin ba natin kaya natin sa sarili natin ilapit ang sarili natin sa Dios? Hindi! Alalahanin natin na tulad ng sinabi ni Isaias na paulit-ulit (Isaiah 2:11-12, 17, 22) na ang nagmamalaki ay ibabagsak ng Dios. “Huwag kayong magtitiwala sa tao (sa sarili!). mamamatay lang din sila. Ano ba ang maitutulong nila” (Isaiah 2:22 ASD)?

Mercy: “Love Kindness”

Tulad din ba sila ng Dios na mahabagin at maawain sa mga naaapi at mahihirap, ang mga babae at mga bata? Hindi! Pakinggan n’yo ‘to:

At sinabi ko, “Makinig kayo, lahat ng mga pinuno ng Israel! Katarungan ang dapat ninyong pairalin. Ngunit ayaw ninyo ng mabuti at ang nais ninyo’y kasamaan. Binabalatan ninyo nang buhay ang aking bayan at unti-unting hinihimay ang kanilang mga laman. Kinakain ninyo ang kanilang laman, binabakbak ang kanilang balat, binabali ang mga buto, at tinatadtad na parang karneng iluluto” (3:1-3).

Ano ba ang kaibahan natin ngayon? Do we love what God loves? Do we hate what God hates? Di ba’t tinatawag na nating “fashion” o “work of art” o “freedom of expression” ang mga “sexy” na magazine, photography, at TV shows, sa halip na “lust” at “immorality”? Di ba’t tinatawag na nating pagmamahal ang ginagawa ng ibang mga magulang na sobrang pagtatrabaho at napapabayaan na ang emosyonal at espirituwal na kalagayan ng kanilang mga anak? Love ba iyon o neglect?

Justice: “Do Justice”

Bagsak din sila dito. Guilty:

Makinig kayo, lahat ng mga pinuno ng Israel. Nasusuklam kayo sa katarungan at binabaluktot ninyo ang katuwiran! Itinayo ninyo ang Zion sa pamamagitan ng pagpatay; itinatag ninyo ang Jerusalem sa pamamagitan ng kasamaan. Ang kanyang mga pinuno’y nagpapasuhol muna bago humatol, nagpapaupa ang mga pari para magturo, at ang mga propeta nama’y nanghuhula dahil sa salapi. Gayunman, umaasa sila kay Yahweh at sinasabi, “Nasa kalagitnaan natin si Yahweh kaya walang kasamaang darating sa atin” (3:9-11).

Dahil doon, ganoon din ang gagawin sa kanila ng Dios, “When you spread out your hands, I will hide my eyes from you; even though you make many prayers, I will not listen” (Isa. 1:15). “Darating ang araw na kayo’y dadaing kay Yahweh, ngunit hindi niya kayo tutugunin. Hindi niya kayo papakinggan dahil sa inyong mga kasamaang ginawa” (Micah 3:4). Huwag nating isiping sila lang ang ganito, tayo rin babagsak dito:

“Then he will say to those on his left, ‘Depart from me, you cursed, into the eternal fire prepared for the devil and his angels. For I was hungry and you gave me no food, I was thirsty and you gave me no drink, I was a stranger and you did not welcome me, naked and you did not clothe me, sick and in prison and you did not visit me.’ Then they also will answer, saying, ‘Lord, when did we see you hungry or thirsty or a stranger or naked or sick or in prison, and did not minister to you?’ Then he will answer them, saying, ‘Truly, I say to you, as you did not do it to one of the least of these, you did not do it to me.’ And these will go away into eternal punishment, but the righteous into eternal life” (Matthew 25:41-46).

Hope in God’s Promise

Mabigat ang problema,dahil tinimbang sila ngunit kulang. Nilitis sila sa korte, pero nahatulan ng guilty. Pinakuha sila ng examination, pero lumagpak sila. “Be perfect as your heavenly Father is perfect” (Matt. 5:48). Lahat tayo bagsak doon. Lahat tayo dapat lang na parusahan ng Dios. Pero may malaking pag-asa. Ito ang makikita nating pattern kapag babasahin natin ang Micah: problem tapos pag-asa, problema tapos pag-asa, paulit-ulit iyon.

Malaki ang pag-asa dahil may ipinangakong gagawin ang Dios. Oo nga’t tumalikod sila kay Yahweh at kung sumamba man sa kanya ay hindi totoo sa puso nila darating ang araw na ganito na ang sasabihin nila, “Kahit na magpatuloy sa pagsamba sa kanilang mga diyus-diyosan ang lahat ng bansa, kami’y kay Yahweh na aming Diyos lamang sasamba magpakailanman” (4:5). Kahit na ang mga taong api at mahihirap ay binabalewala ng mga pinuno at ng mga taong relihiyoso, may gagawin ang Dios para sa kanila, “Sinabi pa ni Yahweh, ‘Darating ang panahong titipunin ko ang mga napilayan at ang mga binihag, gayundin ang aking mga pinarusahan. Ang mga pilay na nalabi ay bibigyan ko ng bagong buhay, at ang mga itinapon ay gagawin kong isang malakas na bansa. Akong si Yahweh, ang maghahari sa kanila buhat sa Bundok ng Zion sa araw na iyon at magpakailanman” (4:6-7). Kahit na hindi ipinapakita ng kanyang bayan ang awa at habag sa ibang tao, siya naman ay ipapakita iyon:

Wala nang ibang diyos na tulad mo, O Yahweh. Pinapatawad mo ang mga kasalanan ng mga nakaligtas sa bayan mong pinili. Hindi nananatili ang iyong galit magpakailanman. Sa halip ay ipinadarama mo sa kanila ang tapat mong pag-ibig. Muli mo kaming kaaawaan. Tatapakan mo ang aming mga kasalanan at ihahagis sa kalaliman ng dagat. Patunayan mo ang iyong katapatan sa bayan ni Jacob at ang iyong pag-ibig sa angkan ni Abraham, gaya ng iyong ipinangako sa aming mga ninuno mula pa noong unang panahon (7:18-20 MBB).

Paano mangyayari ito? Na ang kasalanan natin ay parang itinapon sa dagat na di na makikita pa? Tandaan natin ipinangako itong gagawin ng Dios. Ibig sabihin, siya ang gagawa, hindi tayo. Sa kanya nakasalalay hindi sa atin. Puwedeng sabihin natin, kasi ito naman ang ating “default-mode” o natural na tugon, “Ah, para mas maging tanggap ako ng Dios, pag-iigihan ko pa ang pagsamba (aagahan ko na!), paglilingkod (mag-ministry na ko araw-araw) at pag-aalay sa kanya (20% na ibibigay ko!). Tatapusin ko ang Bible reading plan sa loob ng 3 buwan! Tutulong na ako sa mga mahihirap. Magbibigay ako sa misyon. I will walk more humbly with God. I will love kindness more. I will do justice more.” Do you think that will make us more acceptable to God? No! Bakit? Ano ba sabi sa Isaiah 64:6, “Ang mabubuting gawa natin ay para lang maruruming basahan sa harapan ng Dios.” Ang “marurumi” doon ay dito lang ginamit sa OT at ibig sabihin ay “maruming tulad ng regla.” Ganoon ka-disgusting sa Dios ang kahit pa sa “the best efforts” natin. Paano ngayon tayo maliligtas (Isa. 64:5)? Malaki ang pag-asa dahil may ipinangakong ipapadalang Mesias (Cristo) ang Dios.

Sinabi ni Yahweh, “Ngunit ikaw, Bethlehem Efrata, bagama’t pinakamaliit ka sa mga angkan ng Juda ay magmumula sa iyong angkan ang isang mamumuno sa Israel. Ang kanyang pinagmulan ay buhat pa noong una, noong unang panahon pa.” Kaya nga, ang bayan ni Yahweh ay ibibigay niya sa kamay ng mga kaaway hanggang sa isilang ng babae ang sanggol na mamumuno. Pagkatapos, ang mga Israelitang binihag ng ibang bansa ay kanyang ibabalik sa kanilang mga kababayan.  Pagdating ng pinunong iyon, pamamahalaan niya ang kanyang bayan sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Yahweh sapagkat taglay niya ang kadakilaan ng pangalan ni Yahweh na kanyang Diyos. At ang Israel ay mamumuhay na ligtas, sapagkat kikilalanin ng buong daigdig ang haring iyon.  At sa kanya magmumula ang kapayapaan (Micah 5:2-5).

Walang iba kundi ang Panginoong Jesus ang katuparan nito (Matt. 2:5-6). Nasa kanya ang pag-asa kasi siya lang ang nakatupad ng mga requirements ng Dios para maging katanggap-tanggap sa kanya. Walk humbly with God? Yes! Buong puso ang panalangin at pagsamba at pagpapasakop niya sa Dios. Love kindness? Yes! Kinalinga niya ang mga mahihirap, mga inaapi, mga maysakit, mga nagugutom. Do justice? Yes! Pinalaya niya ang mga bilanggo ng masamang espiritu, ang mga bilanggo ng kasalanan. He satisfied God’s just requirements for us. He lived the life we should have lived (but failed). He died the death we should have died (so we don’t have to). Sa kanya lang masasabi ng Dios, “This is my beloved Son with whom I am well-pleased.” Pero kung kikilalanin natin siya (Micah 5:5), bilang Panginoon at Tagapagligtas, at aaminin sa Dios na nagrebelde tayo sa kanya, at ang pinakamabuting gawa natin ay maruming basahan lang sa harap niya, sasabihin din sa atin ng Dios dahil kay Cristo, “You are my beloved children, with whom I am well-pleased.”

Free to Be God’s People of Justice

We are free and forgiven so that we will be free to love and serve the needy and the oppressed. Not to earn God’s love and forgiveness, but an overflow of a forgiven heart. We can now be people of justice and mercy and kindness and faithfulness (like our God) because Jesus already satisfied that requirement for us. We are now free in serving the poor in slum areas, in serving orphans in the orphanage (like Baby Anne’s), in serving families in crisis in partnership with our local DSWD, in serving prisoners, in serving the sick, in serving the “unparented” youth through student or campus ministries, in serving the tricycle drivers (TODAs), in serving the homosexuals working in beauty parlors, and in serving the prostitutes. Gagawin natin at magagawa natin hindi para dagdag pogi points o bonus grade o pang-abswelto sa mga kasalanan natin, kundi dahil ipinadama na ng Dios ang kanyang awa, habag at pag-ibig sa atin upang ang mga taong ito ay madama rin at maranasan ang naranasan natin.

1 Comment

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.