God Reforms His People

Preached by Derick Parfan on Sept. 16, 2012 at Baliwag Bible Christian Church

The Main Thing about Spiritual Reformation

Pag-aaralan po natin ang Ezra at Nehemiah ngayon. Ito na po ang huling sermon natin sa bahagi ng Story of God na Old Testament. We saw the Old Testament as the story of God making promises to rescue and restore his rebellious people and fulfilling those promises. Mahalagang pundasyon ito para maunawaan natin ang kuwento ng Bagong Tipan. Kung bago pa lang kayo dito, puwede naming ikuwento sa inyo ang 12-minute Story of God at kasama ang pamilya at mga kaibigan n’yo sa 12-week Story of God. O kaya naman basahin n’yo ang Nehemiah 9:5-37, isang prayer na makikita n’yo ang story from creation, the fall of man, the promise to Abraham, the formation of Israel as God’s people, the exile or captivity to Babylon and the return from exile. Nandito na tayo sa bahagi na ibinalik sila ng Dios sa lupa nila. It is a time of restoration, a time of spiritual reformation.

Bakit ko nasabing “reformation”? Kasi mula sa di magandang kalagayan, magkakaroon ng pagbabago para mapabuti ang kalagayan nila. Tulad din ng ending ng 2 Chronicles (36:22-23), ganito ang simula ng Ezra, “In the first year of Cyrus king of Persia, that the word of the Lord by the mouth of Jeremiah might be fulfilled, the Lord stirred up the spirit of Cyrus king of Persia…” (1:1). Gumawa siya ng kautusan na pinababalik na sila sa Jerusalem.  It is a change for the better compared to their situation in exile. It is not just about the rebuilding of the temple, rebuilding of the city, and resettling of the people. Ito ay ang pagbabalik nila sa magandang kalagayan ng relasyon nila sa Dios. At ito ang dapat nating marealize sa plano ng Dios sa atin din hanggang ngayon. Hindi  economic reformation, hindi education reformation, not physical health improvement, not development of talent and skills, not social status change ang kailangan natin. We need spiritual reformation, heart change, improvement of our relationship with God. The story of Ezra-Nehemiah is about spiritual revival, restoration and reformation.

At bago natin tanungin, “Anong kailangan kong gawin?” Dapat muna, “Anong ginagawa ng Dios?” Bakit? Ang kuwento natin ngayon (at buong Story of God) ay kuwento ng kung ano ang ginawa ng Dios para ibalik ang tao sa kanya. Ang pagbabalik nila sa lupa ay katuparan ng propesiya ni Jeremiah (25:11-14; 32:36-38) na 70 taon lang ang ilalagi nila sa Babylonia. God initiates spiritual reformation. Hindi si Cyrus, ang Dios din naman ang kumilos sa puso niya. Hindi rin ang mga Israelita. Ang Dios din ang kumilos sa puso nila. Sinu-sino ang bumalik? “Everyone whose spirit God had stirred to go up to rebuild the house of the Lord that is in Jerusalem” (Ezra 1:5). What is spiritual reformation? It is the work of God in restoring us to himself and to his purposes. It is God’s work. Habang nakikinig kayo sa mga kuwento ngayon tanungin n’yo ang sarili n’yo, “Ano ang ginagawa ng Dios dito?”

Restoration of the centrality of God in our life

Tingnan natin una ang ginagawa ng Dios sa kuwentong ito mula sa Ezra 1-6:

Pagkatapos ng 70 taong pagkabihag ng mga Israelita sa Babylonia, tinupad ng Dios ang sinabi niya kay propeta Jeremias sa unang taon ng paghahari ni Cyrus ng Persia. Hinipo niya ang puso ng haring ito kaya nagpalabas siya ng isang panukala: “Kayong lahat na mamamayan ng Dios, bumalik na kayo sa Jerusalem at muling ipatayo roon ang templo ni Yahweh, ang Dios ng Israel.” Dahil dito, ang mga Israelitang ang puso’y hinipo ng Dios ay nagsibalik sa Jerusalem. Ang unang pagbabalik na ito ay pinangunahan ni Zerubabbel.

Pagkaraan ng pitong buwan, muli nilang ipinatayo ang altar para makapaghandog sila sa Dios. Kaya kahit wala pa ang templo, nagsimula na silang mag-alay ng mga handog sa Dios. Pagkatapos nito, nagtulung-tulong sila sa pagpapatayo ng templo. May mga nagbigay ng mga gamit, may mga naglaan ng oras at lakas para maitayo ito. Nang mailatag na ang pundasyon nito, nagpatugtog sila ng pompyang at umawit, “Napakabuti ng ating Dios, ang pag-ibig niya ay walang hanggan!” Bagamat may mga matatandang malakas na umiyak nang makita ang pundasyon ng templo, marami rin ang nagsigawan sa tuwa.

Nang mabalitaan ng mga kaaway nila ang ginagawa nilang templo, kinontra sila ng mga ito. Inupahan nila ang matataas na opisyal ng Persia para matigil ang proyektong ito. Kaya sa loob ng halos 20 taon, hanggang sa ika-2 taon ng paghahari ni Haring Darius ng Persia, natigil ang pagpapatayo ng templo. Dahil dito pinadala ng Dios sina propeta Haggai at propeta Zechariah para hikayatin silang muling ipagpatuloy ang gawain. Kaya ipinagpatuloy nila ito hanggang sa matapos sa ika-6 taon ni Haring Darius, eksaktong 70 taon nang ito ay wasakin ng mga taga-Babylonia. Masayang nagdiwang ang mga tao nang ito ay maitalaga sa Dios dahil ang Dios ang nagbigay sa kanila ng kagalakan at tumulong sa kanila para matapos ito.

Kung ang question natin ay ano ang ginagawa ng mga Judio dito, ang sagot ay: “Itinayo ulit ang templo, kahit may delay, natapos din.” Pero kung sasagutin natin ‘to, “Ano ang ginagawa ng Dios dito?” ang sagot ay, “Ibinabalik niya ang mga tao sa isang buhay na nakasentro lang sa kanya.” Kaya nga hinayaan ng Dios na mawasak ang templo dahil hindi naman nila ipinapakita na ang Dios ang nasa sentro ng buhay nila at ng pagsamba nila. Kaya gusto ng Dios na makita ulit nila na walang saysay ang buhay nila kung wala ang focus nila sa Dios. Natigil nang halos 20 taon ang pagpapatayo dito ng templo dahil may mga hindrances. Pinabayaan nilang nakatiwangwang ang pundasyon ng templo. Sapat bang dahilan ang hirap ng buhay o pagtuligsa ng mga tao para pabayaan natin ang pagsamba sa Panginoon? Hindi! Kaya nga dumating ang mga propetang tulad nina Zechariah at Haggai. Kung babasahin n’yo ang Haggai, ito ang mensaheng pinagdidiinan n’ya, “Hinayaan n’yong hindi tapos ang bahay ng Panginoon, samantalang inuuna n’yo pang atupagin ang pagpapaganda ng mga bahay n’yo. Isipin n’yo nga ang mga pinaggagawa n’yo.” Desidido ang Dios na maibalik tayo sa tamang priority sa buhay natin. In the process of spiritual reformation, tinatanggal ng Dios ang sentro ng buhay natin sa pera, sa trabaho, sa ministry at position sa church, sa social status, sa relasyon sa ibang tao, at ibinabalik ang sentro sa kanya.

Restoration of the image of God in us

Bukod doon, ano pa ang ginagawa ng Dios sa spiritual reformation? Pakinggan n’yo ang kuwentong ito galing sa  Ezra 7-10:

Pagkaraan ng halos 60 taon, sa ika-7 taon ng paghahari ni Artaxerxes ng Persia, pinangunahan naman ni Ezra ang ikalawang grupo ng mga Judio na bumalik sa Jerusalem mula sa Babylonia. Si Ezra ay isang tagapagturo na lubos na nakakaalam sa Kasulatang ibinigay ng Dios kay Moises para sundin ng Israel. Tinutulungan siya ng Dios dahil sa pagsisikap niyang pag-aralan at isabuhay ang Salita ng Dios, at ituro ang mga ito sa mga tao para sila rin ay makasunod sa Dios.

Isang araw, lumapit kay Ezra ang ilan sa mga lider nila at sinabi, “Meron pong ilang mga kababayan natin – pati nga mga pari – ang namumuhay katulad ng mga tao sa paligid nila. Gumagawa sila ng mga karumal-dumal na gawain ng mga Cananeo, Heteo, Perezeo, Jebuseo, Ammonita, Moabita, Egipcio at Amoreo. Nagsipag-asawa sila at ang mga anak nila ng galing sa mga lahing ito. Kaya nahaluan ang bayang ibinukod ng Dios ng ibang mga lahi. Mga pinuno pa at opisyal natin ang nangunungan dito.”

Nang marinig ito ni Ezra, pinunit niya ang damit niya, sinabunutan ang buhok, at naupong tulala dahil sa pagdadalamhati. Sinabi niya sa Dios, “Dios ko, hiyang-hiya po ako dahil sa malala na ang kasalanan namin na parang umapaw na at umabot na sa langit. Nagkasala kami sa iyo, binalewala namin ang mga utos n’yo. Inaamin po naming hindi kami karapat-dapat manatili sa presensiya n’yo.”

Habang nananalangin si Ezra, marami ring mga lalaki, babae, at mga kabataan ang nakapaligid sa kanya at umiiyak din nang malakas. Tumayo si Ezra, at sinabi sa mga tao habang sila ay nanginginig, “Nagkasala kayo. Ipahayag n’yo ang kasalanan ninyo sa Dios at gawin ang kalooban niya. Ibukod n’yo ang sarili n’yo sa mga tao sa paligid n’yo at hiwalayan n’yo ang asawa n’yong mga dayuhan.” Sumagot ang mga tao, “Tama ka! Gagawin namin ang mga sinabi mo.” At pinalayas nga ng karamihan ang mga asawa nilang dayuhan, pati mga anak.

Bakit big deal sa Dios ang intermarriage? Hindi dahil racist ang Dios. Hindi dahil mas superior race ang Israel. No! The issue here is idolatrous influence. Na manatiling nasa sentro ang Dios ng buhay nila. Kaya nais ng Dios na ang isang Cristiano ay mag-aasawa din ng Cristiano. Ewan ko ba kung bakit hindi ito maintindihan ng mga singles ngayon. Parang weird na makita n’yo si Ezra na sinasabunutan ang sarili niya nang mabalitaan niyang ganoon ang nangyari. Parang ako rin kaya nauubos na rin ang buhok ko kapag nababalitaan kong ganito ang ginagawa ng ilan sa mga singles dito sa church. Ayaw ng Dios na mahaluan tayo ng dugong sumasamba sa mga dios-diosan. Spiritual reformation is about restoring the image of God in us, us being recreated in the image of Christ. Gusto ng Dios na ipakita sa atin na binubukod niya tayo sa mundong ito, iba tayo, banal tayo, kay Cristo tayo, ang buhay natin ay iba sa mundong ito, angat sa iba. There is no spiritual reformation kung tulad lang din tayo nila.

Restoration of the protection of God for us (or presence of God with us)

Makikita rin natin ang ginagawa ng Dios sa spiritual reformation nila sa Nehemiah 1-13:

Labintatlong taon mula sa pagdating ni Ezra sa Jerusalem, sa ika-20 taon ng paghahari ni Artaxerxes, may dumating na masamang balita kay Nehemiah, tagasilbi ng alak ng hari. Ibinalita ni Hanani, na isa ring Judio na tulad niya, “Hirap na hirap po ang mga nagsibalik sa Juda, nilalait sila ng mga tao sa paligid nila at hanggang ngayon, sira pa rin ang pader at mga pintuan ng Jerusalem.” Nang marinig niya iyon, ilang araw siyang nagdalamhati, nag-ayuno, at nanalangin sa Dios, “Panginoon, alam kong tumutupad kayo sa mga pangako n’yo. Humihiling po ako sa inyo araw at gabi para sa inyong bayang Israel. Inaamin po naming nagkasala kami sa inyo. Pero ngayon ay nanunumbalik kami sa inyo. Bigyan n’yo po ako ng tagumpay sa harapan ng hari.”

Dininig nga ng Dios ang panalangin ni Nehemiah, pinayagan siya ng hari na pumunta sa Jerusalem at pangunanahan ang pagsasaayos ng mga pader nito. Pagdating niya sa Jerusalem, siniyasat niya ang mga sira sa pader. Sinabi niya sa mga tao, “Nakita n’yo ang kaawaawang kalagayan ng lungsod natin. Muli nating itayo ang pader para hindi na tayo mapahiya.” Sumagot sila, “Sige muli nating itayo ang pader.” Pero may ilan na kumontra sa kanya at pinagtawanan sila. Sinagot sila ni Nehemiah, “Magtatagumpay kami sa pamamagitan ng tulong ng Dios sa langit.”

Dahil doon, nagtulung-tulong sila sa pagtatayo ng pader. Kahit na may mga nananakot at tumutuligsa sa kanila, nagpatuloy pa rin sila. Natapos nila ang pader dahil sa palagian nilang paghingi ng tulong sa Dios at kapag pinanghihinaan ng loob ang mga tao, sinasabi sa kanila ni Nehemiah, “Huwag kayong matakot. Alalahanin natin ang makapangyarihan at kamangha-manghang Dios natin.” Natapos ang pader sa loob lamang ng 52 araw. Nang mabalitaan ito ng mga kalaban nila, natakot sila at napahiya. Napag-isip-isip nila na natapos ang gawaing iyon sa pamamagitan ng tulong ng Dios.

Pagkatapos nito, nagkaisa ang mga tao at nagtipon sa plasa. Hiniling nila si Ezra na basahin sa kanila ang Aklat ng Kautusan. Kaya nang araw na iyon, nagtipon ang mga lalaki, mga babae at mga batang nakakaunawa na at binasa sa kanila ni Ezra nang malakas ang Aklat ng Kautusan mula sa pagsikat ng araw hanggang sa tanghali. Katulong ni Ezra ang mga Levita sa pagpapaliwanag sa mga tao kung ano ang kahulugan nito, para maunawaan nila.

Nag-iyakan ang mga tao nang marinig nila ang mensahe ng Dios. Sinabihan lang sila ni Nehemiah na ‘wag umiyak, sabi niya, “Magdiwang kayo, magsalu-salo tayo at bigyan ang mga walang pagkain, dahil ang araw na ito ay para sa Dios. Huwag kayong mag-alala, dahil ang kagalakang galing sa Dios ang magpapalakas sa inyo.” Umuwi sila at nagdiwang nang may lubos na kagalakan dahil naunawaan nila ang mensahe ng Dios na binasa sa kanila. Nang sumunod sila sa narinig nilang mga utos ng Dios, labis ang kasiyahan nila – hindi pa nila naranasan ang ganito simula nang panahon ni Josue, mula sa panahong unang makatuntong sa Lupang Pangako ang Israel.

Bakit mahalagang maitayo ang mga walls ng Jerusalem? Kasi ito proteksiyon nila laban sa mga kaaway nila. Kahiya-hiya, insecure, nakakatakot ang kalagayan nila kung sira ang mga ito. Gusto itong matapos ng Dios para maipakita na siya ang Dios na laging nagbabantay sa kanila. Tulad din ng mga Jerusalem na walang pader ang naramdaman nina Adan at Eba nang takpan nila ang sarili nila nang suwayin nila ang Dios. Pero ipinapakita ng Dios na hindi tayo ang magtatakip sa kahihiyan nila, hindi tayo ang magtatanggol sa sarili natin, hindi tayo ang gagawa ng paraan o diskarte. Kundi ang Dios. Iyan ang nakita ng mga Judio. Nakita nilang natapos ang pader dahi sa tulong ng Dios. Kahit na tinutulungan sila ni Nehemias at nagtutulung-tulong sila, alam nilang hindi mangyayari iyon kung wala ang proteksiyon ng Dios. In the process of spiritual reformation, we are more assured and confident that God is for us, not against us, that there is now no condemnation against us because of Jesus, that no one and nothing in all creation can separate us from his love.

Means of Spiritual Reformation

It’s already clear that spiritual reformation is about God at work in restoring us to himself. It is the work of God from beginning to end. Siya ang kumilos sa puso ng mga haring sina Cyrus, Darius at Artaxerxes. Ang mabuting kamay ng Dios ang nagbigay ng tagumpay kina Zerubabbel, Ezra at Nehemiah sa pangunguna sa mga tao. Ang Dios din ang kumilos sa puso at nagpalakas ng loob ng mga taong bumalik sa Jerusalem para matapos nila ang mga ipinapagawa sa kanila ng Dios. Pero ibig sabihin ba nito na wala na tayong gagawin? Hindi! Obvious naman sa story na may ginawa ang mga liders at ang mga tao. Wala sa kanilang passive lang. Ganundin sa atin, may mga instrumento o paraan na ginagamit ang Dios para magkaroon ng pagbabago sa espirituwal na buhay natin. Kung wala ang mga ito, don’t expect that you will make much progress in your spiritual growth.

  1. Clear understanding of God’s Word. Nagkakaroon ng spiritual reformation sa buhay natin, at sa church natin kung babad tayo sa pag-aaral ng Salita ng Dios. Ipinakita ito ni Ezra – na nagsisikap na pag-aralan ang Salita ng Dios (Ezra 7:10). Nakita din ito sa kasabikan ng mga taong makinig kay Ezra habang binabasa niya ang Kautusan mula alas-6 hanggang alas-12 (Neh. 8:3). E ngayon nga 10 minutes na pagbabasa ng Bibliya, naiinip na ang iba! Isang oras na sermon, sobrang haba na daw! Yun nga 6 hours! Scripture reading pa lang (Genesis to Deuteronomy!). At hindi lang binasa, ipinaliwanag pa sa kanila. Kaya nga araw-araw nating binasabasa at pinagbubulayan ang Bibliya, kaya nga naglalaan tayo nga sapat na oras sa pag-aaral nito sa mga pagtitipon natin. If we neglect God’s Word, don’t expect spiritual reformation to happen.
  2. Honest and humble confession. Ito ang magiging resulta kung nakita natin ang sarili natin sa salamin ng Salita ng Dios. Makikita natin ang kasalanan natin. Kaya nga may lumapit kay Ezra at sinabi ang kasalanan ng mga taong nag-asawa ng mga dayuhan. Kaya nga si Ezra tumangis at humingi ng tawad sa Dios in behalf of the people. Si Nehemiah ganoon din ang ginawa. Ang mga nag-asawa ng dayuhan, nakita din nila ang kasalanan nila. Hindi pinagtakpan, hindi gumawa ng mga excuses. Inaming nagkasala sila. Hindi mangyayari ang spiritual reformation kung hanggang ngayon itatago natin ang kasalanan natin, hindi ikukumpisal sa iba (tulad ng Kaagapay o accountability group). Hindi naman natin kailangang magmalinis, alam naman nating sa sarili  natin marumi tayo at makasalanan.
  3. Earnest and extraordinary prayer. Kung gawa ng Dios ang spiritual reformation, mananalangin tayo. Hindi yung prayer na basta-basta lang, kapag kakain lang o may activity lang. Ito yung prayer na buong-pusong inaamin sa Dios na wala tayong magagawa sa sarili natin. Si Ezra nanalangin nang marinig niya ang kasalanan ng mga tao (Ezra 10:1). Si Nehemiah nanalangin nang marinig niya ang kahirapan ng mga tao sa Jerusalem (Neh. 1:4, 6; 2:4). Pati lahat ng mga tao nanalangin nang may mga nanggugulo sa kanila (4:9). Bakit hindi tayo lumuhod lahat sa Dios, araw-araw, sa prayer meeting natin, at magsumamo sa Dios, tingnan natin kung walang malaking pagbabagong mangyayari!
  4. Intentional and radical obedience. Hindi lang sila basta nakinig sa salita ng Dios, inamin ang kasalanan, at nanalangin tapos umuwi na sa bahay at walang nangyaring pagbabago. Malinaw ito sa ginawa ng mga nag-asawa ng mga dayuhan. Ang kalooban ng Dios, palayasin sila. Ha? Bakit ganoon? Iba po ang kaso noon, baka hindi nga legitimate ang mga marriages nila. Hindi ko sinasabing hiwalayan o palayasin n’yo ang mga asawa n’yong unbelievers. Malinaw na sabi ni Paul na hindi ganoon (1 Cor. 7). Malinaw ang utos ng Dios, dapat sundin. Walang pag-aatubili. Even if it requires great sacrifice – like money, family, career. Spiritual reformation is impossible without obedience.
  5. Accountability and support in a grace-community. Mga nagsumbong kay Ezra, hindi dahil pakialamero sila kundi dahil concern sila sa pagsunod sa utos ng Dios. Sa panahon ni Nehemiah, tulung-tulong, natapos ang pader sa loob lang ng 52 araw. Kailangan natin ang isa’t isa sa prosesong pagdadaanan natin. Hindi matatapos ang “spiritual reformation” sa loob lang ng ilang araw. Ganoon din sa Israel. Hindi komo tapos na ang templo tapos na, o ang pader tapos na. Patuloy ang Dios sa paghubog sa kanila habang inihahanda sila sa pagdating ng Mesias na ipinangako niya. At sa atin din, nasa proseso tayo na hinuhubog tayo ng Dios na maging kawangis ni Cristo habang hinihintay natin ang pagbabalik niya. Tulung-tulong tayo sa prosesong ito. We are a grace-community.

These are called spiritual disciplines for spiritual reformation. Pero kapag naririnig natin ang word na “disiplina” parang mahirap, parang kailangang mag-exert ng effort. Oo nga’t may effort tayo, pero they are disciplines of grace. Ito ang paraan na ginagamit ng Dios para unti-unti tayong baguhin. Sasabihin ng iba ang ganitong mga excuses, “Mahirap aminin ang kasalanan sa ibang tao, mahirap maglaan ng mahabang panahon sa pag-aaral ng Bibliya at sa panalangin, parang mahirap sumunod sa Dios, mahirap ang buhay ngayon.” That’s why we need these motivations…

Two motivations for spiritual reformation

Spiritual reformation is for the glory of God. Isang halimbawa nito ay nang matapos ang pader. Kahit mga kaaway nila, hindi maikala na ito ay gawa ng Dios. At iyon din ang kinasasabikan natin, na sa pamamagitan ng nangyayaring pagbabago sa buhay natin, masasabi nila, “Pambihira, imposibleng magbago ang taong ito. Walang ibang makagagawa nito kundi ang Dios!” We will pursue spiritual reformation if we are concerned for God’s glory. His name is at stake. Nadudungisan ang pangalan ng Dios sa mga nagsasabing Cristiano sila pero pagkatapos ng 20 taon, wala pa ring ipinagbago sa mga kabarkada nilang di-Cristiano.

Spiritual reformation is for our greater joy. Nang sinisimulan nang itayo ulit ang templo, bagamat umiyak ang mga matatanda dahil naalala nila kung gaano kaganda ang unang templo sa panahon ni Solomon, marami pa rin ang sumigaw sa galak (Ezra 3:12). Kasi nga may nakikita na silang pagbabago, mula sa abo nailatag ang pundasyon ng templo. Kaya masaya silang nagdiwang sa temple dedication (6:16). At kanino galing ang kagalakang ito? “Binigyan sila ng Dios ng kagalakan…” (Ezra 6:22). “The joy of the Lord is your strength” (Neh. 8:10). If you are concerned for your own soul and your own happiness, you will not neglect spiritual reformation.

To summarize what we’ve learned, what’s the main thing about spiritual reformation? It is God’s work of restoring us to himself. Ano ang tatlong meaning na nakita natin tungkol dito? Restoration of the centrality of God, the image of God, and the protection of God. Anu-anong paraan (means) ang ginagamit niya? Word, confession, prayer, obedience and community (Church). Anong motivation natin dito? The glory of God and our joy!

Ito po ang mensahe galing sa Salita ng Dios para sa atin sa umagang ito. At pag-uwi natin, sana tulad ng mga Judio pagkatapos makinig ng salita ng Dios: “And all the people went their way to eat and drink and to send portions and to make great rejoicing, because they had understood the words that were declared to them” (Neh. 8:12). Sino ang nagpapasaya sa atin? “…for God had made them rejoice with great joy…” Sinu-sino ang naging masaya? “…the women and children also rejoiced…” Saan-saan nakarating ang kasiyahang ito? “…And the joy of Jerusalem was heard far away” (12:43). Ganito ang mangyayari if we embrace the process of spiritual reformation.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.