God Raises His Own King

Preached by Derick Parfan on Apr. 8, 2012 at Baliwag Bible Christian Church

The Old Testament and the Risen Jesus

Napakalaki ng epekto ng pagkaunawa natin sa Luke 24:27 sa paraan ng pagbabasa natin ng Lumang Tipan, sa pakikinig natin ng Kuwento ng Dios na makikita dito. “At ipinaliwanag sa kanila ni Jesus ang lahat ng nakasulat sa Kasulatan tungkol sa kanya, mula sa mga isinulat ni Moises hanggang sa mga isinulat ng mga propeta.” Ipinapakita dito hindi lang ang mga propesiya tungkol sa pagdating ng Mesias o Cristo, kundi ang buong Kuwento ng Dios na nakasulat sa Old Testament natin ay patungkol kay Jesus. Ang buong kuwento nito ay patungo kay Jesus. “Do not think that I have come to abolish the Law or the Prophets (The Old Testament!); I have not come to abolish them but to fulfill them” (Matt. 5:17). “For if you believed Moses (representing OT writers), you would believe me; for he wrote of me” (John 5:46). The Story of God is The Story of Jesus.

Bakit? Sino ba ang main character sa The Story of God? Hindi ba’t ang Dios? Sino ba si Jesus? Hindi ba’t siya ang Anak ng Dios, na siya ring tunay na Dios? Anumang karakter – kadakilaan at kabutihan – ng Dios na nakita natin sa kuwento ay totoo rin tungkol kay Jesus. Mas makikilala natin ang Panginoong Jesus kung mas kilala natin ang Dios ng Old Testament.

Pangalawa, sino ba ang secondary character sa Kuwento? Hindi ba’t ang tao, ang pinakaespesyal sa lahat ng nilikha ng Dios? Sino ba si Jesus? Hindi ba’t siya rin ang Anak ng Tao, na siya ang tunay na tao? Anumang makikita natin tungkol sa magandang paglikha ng Dios sa tao, totoo rin tungkol kay Jesus. He is the ideal man. He is the second Adam. Pero ang mga kasalanan at mga imperfections ng tao, siyempre hindi totoo kay Jesus. Anumang kakulangan ng tao sa Dios, lahat iyon ay tinupad ng Panginoong Jesus. He is the perfect man. Kung gusto nating matutunan kung ano ang ibig sabihin ng pagiging tao, kay Jesus tayo titingin.

Pangatlo, ano ba ang misyon ng Dios? Ano ba ang plot o takbo ng Kuwento? Hindi ba’t ang misyon ng Dios na iligtas at ilapit sa kanya ang mga taong nagrebelde at napalayo sa kanya? Kailangan ng lahat ng tao ng isang Tagapamagitan sa Dios at sa tao, na siyang maglalapit sa atin sa Dios at sa tunay na layunin ng buhay. Anumang ginagamit ng Dios sa Kuwento sa Old Testament na paraan para ilapit ang tao sa kanya, hindi pa sapat iyon. Magkakaroon iyon ng katuparan kay Cristo. Anumang ginagamit ng tao para mapalapit sa Dios maliban kay Cristo, walang kabuluhan lahat iyon.

There is only one God! There is only one Mediator between God and men – the man (and the God) Jesus Christ! He is the way, the truth and the life. No one comes to the Father except through him (1 Tim. 2:5; John 14:6). The Story is about God. The Story is about Jesus. The Story is not about us. It is never about us. Hindi ikaw ang bida dito. Madalas pa nga, tayo ang lumalabas na kontrabida. Tulad ng kasaysayan ng Israel. Iniligtas sila ng Dios mula sa pagkaalipin sa Egipto. Sa kabila noon, reklamo nang reklamo. Ibinigay sa kanila ang mga utos niya, pero sumuway sila at sumamba sa dios-diosan. Pagkaraan ng 40 taon sa disyerto binigay ng Dios sa kanila ang lupang pangako niya. Pero sa kabila noon, sumuway na naman sila. Tuwing sasakupin sila ng kaaway nila, inililigtas sila ng Dios. Pero sa kabila noon, susuway pa rin sila. Ito ang paulit-ulit na nangyari sa kuwento. At paulit-ulit ding itinuturo sa atin kung sino ang Dios na meron tayo. Kaya ngayon, pakinggan n’yo ang kasunod ng kuwento, at isipin n’yong paano n’yo mas makikilala ang Panginoong Jesus sa kuwentong ito, bagamat nangyari ito 1,000 taon bago ang pagdating ng Panginoong Jesus.

Israel Rejects their Divine King, God Rejects Their Human King

Story of 1 Samuel 1-15. Sa panahong iyon na wala pang hari sa Israel, may mag-asawa na ang pangalan ay Elkana at Hanna. Dahil itong si Hanna ay hindi magkaanak, humiling siya sa Dios at nangakong kapag nanganak siya ay ihahandog niya ang bata para maglingkod sa kanya nang habang-buhay. Pinakinggan ng Dios ang dalangin niya at nagkaanak siya, at ang pangalan ay Samuel. Pinuri ni Hanna ang Dios at sinabi, “Ang Dios ang hahatol sa buong mundo. Dahil sa kanya, magiging makapangyarihan at laging magtatagumpay ang haring kanyang hinirang.”

Si Samuel ang huling hukom na namuno sa Israel. Naglingkod din siya bilang pari at propeta. Nang panahong iyon, madalang nang makipag-usap ang Dios sa Israel at hinayaan niya silang matalo ng mga Filisteo. Pero tinawag niya si Samuel na ipahayag sa kanila ang mga salita niya. Sabi niya, “Kung taos sa puso n’yo ang panunumbalik sa Dios, itapon ninyo ang inyong mga dios-diosan at ilaan ang buong buhay n’yo sa paglilingkod sa Dios. Siya lang ang inyong paglingkuran. Kung gagawin n’yo ito, ililigtas niya kayo sa kamay ng mga Filisteo.” Ganoon nga ang ginawa ng mga tao, at tinulungan sila ng Dios at pinagtagumpay laban sa mga Filisteo.

Isang araw, nang matanda na si Samuel, pinili niya ang mga anak niya na mamuno sa Israel. Pero hindi ito nagustuhan ng mga tao. Kaya nagtipon sila at kinausap si Samuel. Sabi nila, “Bigyan n’yo kami ng hari na mamumuno sa amin, gaya ng ibang bansa na mayroong hari.” Sumama ang loob ni Samuel sa hiling nila, kaya nanalangin siya sa Dios. Sabi ng Dios, “Hindi ikaw ang tinanggihan nila, kundi ako. Ganyan naman ang dati na nilang ginagawa. Sige, ibigay mo ang hiling nila, pero bigyan mo sila ng babala kung ano ang gagawin sa kanila ng kanilang magiging hari.” Ganoon nga ang ginawa ni Samuel, pero nagpumilit pa rin ang mga tao at sinabi, “A basta, gusto namin ng isang haring mamamahala sa amin, tulad ng sa ibang mga bansa.”

Ibinigay ng Dios sa kanila si Saul bilang hari. Galing siya sa lahi ni Benjamin, bata pa, matikas, at matangkad. Noong araw na ihaharap na siya ni Samuel sa mga tao, walang makakita sa kanya. Kaya hinanap siya at nakitang nagtatago pala sa bunton ng mga bagahe. Tumayo siya, sinabi ni Samuel, “Ito ang haring ibinigay ng Dios para sa inyo.” Sumagot ang mga tao, “Mabuhay ang hari!” Pagkatapos nilang pagtibayin ang paghahari ni Saul at magdiwang sa presensiya ng Dios, nagsalita si Samuel, “Nakita na ninyo kung paano kayo paulit-ulit na iniligtas ng Dios laban sa inyong mga kaaway. Pero ngayon, humingi pa kayo ng hari sa Dios, kahit na siya ang hari ninyo. Napakasama ng ginawa n’yo laban sa Dios. Pero ‘wag kayong mag-alala, alang-alang sa dakila niyang pangalan, hindi niya kayo pababayaan. Kung kayo at ang hari ninyo ay mamumuhay nang may takot sa Dios, susunod sa mga utos niya at maglilingkod sa kanya, walang masamang mangyayari sa inyo. Huwag kayong susunod sa mga walang kuwentang dios-diosan. Hindi sila makakatulong o makakapagligtas sa inyo.”

Si Saul ay 30 taong gulang nang maghari sa Israel, at naghari siya sa loob ng 42 taon. Isang araw, nagtipon ang mga Filisteo para makipaglaban sa mga Israelita. Nang makita ng mga Israelita na delikado ang sitwasyon nila, nagtago sila sa mga kuweba, talahiban, mga batuhan, mga hukay, at mga imbakan ng tubig. Nanginginig silang lahat sa takot. Naghintay si Saul kay Samuel nang pitong araw gaya ng sinabi niya, pero hindi dumating si Samuel. Nang nakita niyang unti-unti nang nauubos ang mga kasama niya, si Saul na ang kumuha ng handog na sinusunog at inialay ito sa Dios. Pagkatapos noon, dumating na si Samuel at sinabi, “Anong ginawa mo? Di mo ba alam na kamangmangan iyang ginawa mo? Kung sumunod ka lang sana, ikaw at ang sambahayan mo ang maghahari sa Israel. Pero hindi na mangyayari iyon, dahil nakakita na ang Dios ng papalit sa iyo, na siyang susunod sa gusto ng Dios.” Sa kabila ng nangyari, iniligtas pa rin ng Dios ang mga Israelita sa kamay ng mga Filisteo.

Isang araw sinabi ni Samuel ang utos ng Dios kay Saul, “Paparusahan ko ang mga Amalekita dahil sa kasalanan nila laban sa Israel. Salakayin n’yo sila. Wasakin n’yo ang mga ari-arian nila. Patayin n’yo silang lahat – mga lalaki, babae, bata at mga sanggol, pati na rin ang kanilang mga baka, tupa, kamelyo at mga asno.” Tinipon ni Saul ang mga sundalo niya at sumalakay sila sa mga Amalekita. Pinatay nila ang lahat pero ang hari nila ay hindi nila pinatay at binihag lang. Hindi rin nila pinatay ang mga magagandang tupa, baka, matatabang hayop at lahat ng maibigan nila. Pero ang mga hindi mapapakinabangan ay pinatay nila.

Sinabi ng Dios kay Samuel, “Nalungkot ako na ginawa kong hari si Samuel. Tinalikuran niya ako at hindi sinunod ang mga utos ko.” Nang magkita si Samuel at si Saul, sinabi ni Saul, “Sinunod ko na ang mga utos ng Dios!” Sumagot si Samuel, “Kung totoong sinunod mo, bakit may narinig akong ingay ng mga tupa at unga ng mga baka?” Sagot ni Saul, “A, iyon ba? Pinakamagagandang hayop iyon para ihandog sa Dios.” Sabi ni Samuel, “Tumigil ka sa kakadahilan mo! Bakit hindi ka sumunod sa Dios? Ang pakikinig at pagsunod sa kanya ay mas mabuti kaysa sa mga handog. Ang pagsuway sa kanya ay kasinsama ng pangkukulam at ang katigasan ng ulo’y kasinsama ng pagsamba sa mga dios-diosan. Dahil sa pagsuway mo, inayawan ka rin niya bilang hari.” Pagkatapos noon, hindi na nagpakita si Samuel kay Saul. Pero nagdalamhati siya para kay Saul. Nalungkot ang Dios na ginawa niyang hari si Saul.

How the Story Points to the Risen King

The Son of God. God is life-giver. Hindi magkaanak si Hanna, pero ang Dios ang nagbigay sa kanya ng anak. Ginawa niya na rin ito kay Sara, Raquel at Ruth. Siya ang naglagay ng buhay sa sinapupunan ng mga ito. It points to Jesus as our life-giver. Patay na ang anak ni Jairo, binuhay niya. Patay na si Lazaro binuhay niya. Ikatlong araw pagkatapos niyang ilibing, nabuhay siyang muli! “No one takes it (my life) from me, but I lay it down of my own accord. I have authority to lay it down, and I have authority to take it up again” (John 10:18). “Truly, truly, I say to you, an hour is coming, and is now here, when the dead will hear the voice of the Son of God, and those who hear will live” (John 5:25).

God is judge and king. Hannah prayed, “The Lord will judge the ends of the earth; he will give strength to his king and exalt the power of his anointed” (1 Sam. 2:10). It points to Jesus as our judge and king. Namatay siya at nabuhay na muli. Nagtagumpay laban sa kasalanan, sa kamatayan at sa Kaaway. At sa kanyang pagbabalik bilang hari at hukom, magiging lubos ang tagumpay na iyon. Siya ang Hari ng buhay natin, ng ating Iglesia, at ng lahat-lahat.

Therefore God has highly exalted him and bestowed on him the name that is above every name, so that at the name of Jesus every knee should bow, in heaven and on earth and under the earth, and every tongue confess that Jesus Christ is Lord, to the glory of God the Father (Phil. 2:9-11).

The Son of Man. Man is to be faithful to God’s call. Si Samuel ang huling hukom na namuno sa Israel, bago magkaroon sila ng hari. Bihira din ang salita ng Dios sa panahon niya pero ginamit siya ng Dios para maging mensahero o propeta niya. Isa rin siyang pari na naghahandog sa Dios para sa kasalanan ng mga tao. Samuel was found faithful. It points to Jesus’ faithfulness to God’s call as King, Prophet, and Priest. He is the King of kings and Lord of lords (Rev. 17:14; 19:16). He is the last Prophet. Nagsalita ang Dios sa pamamagitan niya (Heb. 1:1-3). Siya mismo ang Salita ng Dios (John 1:1; Rev. 19:13). Siya ang paring naghandog ng kanyang sarili para sa atin (Heb. 9:24-26).

Man is to submit to God as King. Merong Hari ang mga Israelita. No human king, but a divine King. Pero kung mamuhay sila noon, parang walang Hari. Tapos humiling pa sila ng hari. God treated their sin as great wickedness and a rejection of him as their King (1 Sam. 8:7; 12:17). Bakit? Hindi ba’t pangako naman ng Dios kay Abraham na sa lahi niya manggagaling ang mga hari (Gen. 17:6)? Hindi ba’t sa lahi ni Juda manggagaling ang hari (Gen. 49:10)? Hindi ba’t nagbigay pa siya ng utos na pagdating nila sa lupang pangako kung ano ang gagawin kung magkaroon na sila ng hari (Deut. 17:14-20)? Kung ganoon pala, bakit siya nagalit?

First, they rejected God’s calling for them. Hindi ba’t tinawag sila para maging isang bansang nakabukod sa kanya, a holy nation (Exod. 19:4-6)? Pero hiniling nila, “Bigyan n’yo kami ng hari na mamumuno sa amin, gaya ng ibang bansa na mayroong hari” (1 Sam. 8:5). Second, they trusted in human solutions. Gusto nila ng hari para ipagtanggol sila sa mga kaaway nila. Pero hindi ba’t ganoon naman ang ginagawa ng Dios para sa kanila kung magsisisi lang sila at susunod ulit sa kanya? Pero sa halip na lumapit sila sa Dios at sa kanya magtiwala, sa hari sila nagtitiwala. Third, they chose what they want, not what God wants. Oo nga’t ang Dios ang pumili kay Saul, pero ang mga tao ang nag-apruba sa kanya. Di ba’t sa lahi ni Juda ang pangako ng Dios? Bakit si Saul, di ba’t sa lahi siya ni Benjamin?

Ito ang kaibahahan ng Panginoong Jesus sa ating mga makasalanan at rebelde sa paghahari ng Dios. Tayo pinipili natin kung ano ang sarili nating gusto, kahit ayaw ng Dios. Pero ang Panginoong Jesus, nang malapit na siyang ipako sa krus, nanalangin siya dahil sa hirap na nararanasan niya, “Not as I will, but as you will” (Matt. 26:39). So this points to Jesus as the One who is fully submissive to His Father.

The Mediator. God rejected King Saul. Siya pa naman ang unang hari ng Israel. This points to God’s approval of King Jesus. Nang tanggalin ng Dios ang kaharian kay Saul, itinuturo nito ang pagdating ng kaharian ng Dios sa pamamagitan ni Cristo. Nakita ang approval na iyon ng Dios nang mabuhay siyang muli, at maitayo ang kaharian ni Jesus nang walang katapusan. Bakit inayawan ng Dios si Saul? Bakit natuwa ang Dios kay Jesus?

Saul offered an unlawful sacrifice. Nainip siya dahil wala pa si Samuel, na siyang pari na dapat gagawa noon. E ano kung hari siya, hindi naman iyon para sa kanya. Hindi iyon nagustuhan ng Dios dahil hindi naman siya ang dapat gumawa noon. Ikinalungkot ng Dios ang paghahari ni Saul dahil doon. But Jesus offered a perfect sacrifice. Hari siya, pero pari din siya na naghandog hindi ng hayop kundi ng kanyang sarili. He is the perfect sacrifice. Natuwa ang Dios doon. Ang handog niya sa Dios ay nanggaling sa isang pusong lubos ang pagsunod.

Unlike Saul. Saul obeyed partially. Partial obedience equals disobedience. Iniutos sa kanya ng Dios na patayin ang lahat ng Amalekita. Pero nagdahilan pa siyang ihahandog ang mga natirang magagandang hayop. Ang isang hari dapat laging sumusunod sa Dios. Kung hindi, ikapapahamak ito ng bansang Israel. Kung ano ang hari, ganoon din ang mangyayari sa bayan. But Jesus obeyed God perfectly. Kaya tinanggap ng Dios ang handog niya. Kaya sapat iyon para mapatawad ang mga kasalanan natin. Buong buhay niya wala siyang sinuway sa utos ng Dios. Wala kahit isa. “He humbled himself by becoming obedient to the point of death, even death on a cross” (Phil. 2:8). God rejects our own king. God raises His own King.

Bakit ibinigay ng Dios si Saul sa Israel, samantalang di naman siya ang gusto niyang hari para sa kanila? To teach a lesson. Dennis Mock, “God will sometimes give us what we think we want to show us it is not what we need.” Minsan sabihin natin kalooban ng Dios ang binigay niya sa atin kasi iyon palagi ang hinihiling natin. Trabaho, halimbawa. Pero nakita mo na nakasama pa pala. Nalayo ka sa Dios. Nalayo ang pamilya mo sa iyo. Binigay ng Dios hindi dahil iyon ang kalooban niya para sa iyo, kundi para ipakita na ang hinihiling mo ay hindi iyon ang pinaka-kailangan mo. Sometimes, God allows us to have our own way, to point us to the One who is the way, the truth and the life (John 14:6). And when we Jesus hanging on that cross and when we see him rising from the dead and now sitting at the throne of God, we will say, “He’s what I need. He’s what I want.” Kailangan natin ng Haring mamamahala sa buhay natin, sa ikabubuti natin, haring makapaglalapit sa atin sa Dios. Meron pa bang ibang makagagawa noon?

1 Comment

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.