God Promises an Eternal Kingdom

Preached by Derick Parfan on Apr. 29, 2012 at Baliwag Bible Christian Church

Good Things, But Not Lasting

Maganda namang magpa-rebond ng buhok (mahal nga lang!). Pero after a few weeks balik na naman sa dati. Mainam namang bumili ng latest phone or gadget, pero after a few months, laos agad, may bagong model na. Mabuti namang magkaroon ng boyfriend, pero after some time, nagbreak na. Masaya rin namang mag-asawa, pero iyong iba iniiwan ng asawa…o kung hindi man, after a few years, may mauunang mamatay, tapos na ang buhay may-asawa. Maganda rin namang magkabahay o kotse o maraming pera, pero di magtatagal mamamatay tayo at iiwan din natin lahat ito.

There are things that are good and make us happy, but we need to realize they won’t last. Nangako ang daddy mo bigyan ka ng pera pangrebond o pambili ng phone…that’s good. Nangako ang asawa mo sa wedding day n’yo na hindi ka ipagpapalit…that’s good. Pero paano kaya kung malalaman nating nagbitaw ang Dios ng pangako na ibibigay sa atin ang mga bagay na higit  pa sa meron tayo ngayon. They are much better because they will last forever – hindi kukupas, hindi mawawala, hindi mo pagsisisihan, hindi mo iiyakan, hindi mananakaw, hindi masusunog, hindi ka bibiguin! How about that?

David’s Plan: Good, But God has Better Plans

Let’s look at 2 Samuel 7. Medyo iba ang gagawin natin ngayon, hindi tulad ng mga nakaraang kuwento. Magfocus lang tayo sa isang chapter, a very key chapter in The Story of God. You’ll understand better the story of the Bible if you understand what God is saying here. Maganda na ang kalagayan ni David. Hari na siya. Wala nang kumakalaban sa kanya. Kinikilala siya ng mga tao. May palasyo. Mayaman. Makapangyarihan. May puso sa Dios. May magandang plano para sa Dios. Mainam lahat iyon. Pero ipapakita ng Dios, may mas mainam siyang nakalaan para sa kanya.

Nanirahan si Haring David sa palasyo niya, at binigyan ni Yahweh ng kapayapaan ang kaharian niya…Isang araw, sinabi ni David kay Propeta Natan, “Narito, nakatira ako sa magandang palasyo na gawa sa kahoy ng sedro, pero ang Kahon ni Yahweh ay nasa tolda lang.” Sumagot si Natan sa hari, “Gawin mo ang gusto mong gawin dahil sumasaiyo si Yahweh.” Pero nang gabi ring iyon, sinabi ni Yahweh kay Natan, “Lumakad ka, at sabihin mo sa lingkod kong si David na ito ang sinabi ko, ‘Ipagpapatayo mo ba ako ng bahay na titirhan ko? Hindi pa ako nakakapanahon sa bahay mula noong inilabas ko ang mga Israelita sa Egipto hanggang ngayon. Nagpalipat-lipat lang ako ng lugar at tolda ang pinananahanan ko. Sa paglipat-lipat ko kasama ang mga mamamayan kong Israelita, hindi ako nagreklamo sa mga pinuno nila, na inutusan kong mag-alaga sa kanila, kung bakit hindi nila ako ipinagpapatayo ng bahay na gawa sa kahoy na sedro.’  (2 Samuel 7:1-7)

God seems to be saying to David, “You want to build me a house? That’s good…but no. It’s me who will build you a house! I don’t need you…you need me. I don’t need your help…you need my help. I don’t need your plans…you need my plans and purposes and promises. I don’t need your ideas…I have a much better idea. That’s good, David. But I have something better for you. I don’t need you to work for me…you need me to work for you. Listen to this…”

God’s Promise

Sabihin mo pa kay David na ako, ang Makapangyarihang si Yahweh ay nagsasabi, ‘Tagapagbantay ka noon ng mga tupa, pero pinili kita para mamuno sa mga mamamayan kong Israelita. Sinasamahan kita kahit saan ka magpunta, at tinatalo ko ang lahat ng mga kalaban mo. Ngayon, gagawin kitang tanyag katulad ng ibang mga tanyag na tao sa mundo. Binigyan ko ng permanenteng lupain ang mga mamamayan kong Israelita, para may sarili silang tirahan at wala nang gagambala sa kanila. Hindi na sila aapihin ng masasamang tao gaya nang dati, mula nang maglagay ako ng mg apinuno sa mga mamamayan kong Israelita. Magiging payapa ang paghahari mo at wala nang kalaban na sasalakay sa iyo. Ako, si Yahweh ay nagsasabi sa iyo na hindi mawawalan ng maghahari galing sa sambahayan mo. Kapag namatay ka at ilibing kasama ng mga ninuno mo, ipapalit ko sa iyo ang isa sa mga anak mo, at patatatagin ko ang kaharian niya. Siya ang magpapatayo ng bahay para sa aking karangalan, at titiyakin ko na ang kanyang angkan ang maghahari magpakailanman. Kikilalanin niya akong ama at kikilalanin ko siyang anak. Kung magkakasala siya, didisiplinahin ko siya gaya ng pagdidisiplina ng isang ama sa kanyang anak. Pero hindi magbabago ang pagmamahal ko sa kanya hindi gaya ng ginawa ko kay Saul na pinalitan mo bilang hari. Magpapatuloy ang paghahari mo magpakailanman, ganoon di ang paghahari ng iyong angkan.’” Isinalaysay ni Natan kay David ang lahat ng ipinahayag ng Dios sa kanya. (2 Sam. 7:8-17)

This is God’s covenant with David. Naalala n’yo ang tungkol sa mga covenants? Ito ang matibay na pangakong binitawan ng Dios na nagpapakita kung ano ang gagawin niya para maibalik ang tao sa tamang relasyon sa kanya at kung ano naman ang gusto niyang gawin ng tao. Simula ng magrebelde ang tao, lagi siyang nagbibitaw ng ganitong pangako. Kay Adan at Eba, na darating ang isang anak na galing sa lahi nila na dudurog sa ulo ng ahas (Gen. 3:15). Kay Noah, na gagawa siya para mapanatili ang buhay ng kanyang nilikha (Gen. 9:8-17). Kay Abraham, na bibigyan siya ng anak at isang malaking pamilya at bansa, magiging tanyag ang pangalan niya, magkakaroon sila ng sariling lupa, at magiging pagpapala sa mga bansa (Gen. 12, 15, 17). Kay Moises, na ang Israel ay magiging bayang pinili ng Dios at kaharian ng mga pari, at sila’y susunod sa lahat ng kanyang mga utos (Exod. 19:4-6).

Ang pangako ng Dios kay David ay pagpapatuloy din ng sinimulan niya kay Abraham. Tingnan n’yo kung hindi ito hawig: “Gagawin kitang tanyag…” (7:9). “Binigyan ko ng permanenteng lupain ang mga mamamayan kong Israelita” (7:10). “Kapag namatay ka…ipapalit ko sa iyo ang isa sa mga anak mo…” (7:12). David also fulfills God’s promise to Abraham. “Kings shall come from you” (Gen. 17:16).

May pagkakatulad, may pagkakaiba din. God promises an eternal dynasty – a succession of God’s kings from his family, “hindi mawawalan ng naghahari galing sa sambahayan mo…ipapalit ko sa iyo ang isa sa mga anak mo…titiyakin ko na ang kanyang angkan ang maghahari magpakailanman” (7:11-13); eternal kingdom and throne – God’s people under God’s rule, “And your house and your kingdom shall be made sure forever before me. Your throne shall be established forever” (7:16); eternal blessings – it’s all about our relationship with God, that we experience his steadfast love and he be glorified, “Kikilalanin niya akong ama at kikilalanin ko siyang anak. Kung magkakasala siya, didisiplinahin ko siya…Pero hindi magbabago ang pagmamahal ko sa kanya” (7:14-15).

God promises that there will be a God-sent king who will sit on God’s throne to rule and extend God’s blessings to God’s people. And it will be “forever” (notice how many times it is repeated!) – ibig sabihin damay tayo dito, ngayong 2012! Kasama tayo sa “forever”! Oo nga’t ipinangako ito ng Dios 3,000 years ago, pero hanggang ngayon hindi pa ito nag-expire!

Was David confident in this promise? Yes! Why? He knows it is about God, his kingdom and glory, not about him. This promise is for God’s purpose! “Siya (anak niya) ang magpapatayo ng templo para sa aking karangalan…” (7:13). O. Palmer Robertson said that the throne of David was “a representation of the throne of God himself.” “Umupo si Solomon sa trono ni Yahweh bilang hari, kapalit ng ama niyang si David” (1 Chr. 29:23). Tungkol naman kay Rehoboam na anak ni Solomon at apo ni David, “At ngayon gusto n’yong kalabanin ang kaharian ni Yahweh na pinamamahalaan ng angkan ni David” (2 Chr. 13:8). Did God fulfill his promise? Yes! And Not-yet! Tingnan natin ngayon kung paano niya ito tinupad at paano pa niya tutuparin…

United Kingdom: The Glorious Kingdom of Israel

Sa panahon ni David, pinakita na niyang seryoso siyang tuparin ang pangako niya:

Pinagtagumpay ng Panginoon si David sa bawat labanang pupuntahan niya… Naging tanyag pa si David…Pinagtagumpay ng Panginoon si David sa bawat labanan kahit saan siya magpunta. Naghari si David sa buong Israel, na gumagawa ng matuwid at tama para sa lahat ng mamamayan niya (2 Sam. 8:6, 13-15).

Pinagtagumpay n’yo ang pinili n’yong hari. Minamahal n’yo si David at ang angkan niya magpakailanman (2 Sam. 22:51; Psa. 18:50).

Tulad ng pangako ng Dios, si Solomon nga na kanyang anak ang pumalit sa kanya na hari at nagpatayo ng balak ni David na templo para sa pagsamba sa Dios. Dalangin niya sa araw ng dedication ng templo,

“Yahweh, Dios ng Israel, wala pong Dios na katulad ninyo sa langit o sa lupa. Tinutupad n’yo ang inyong kasunduan…Tinupad n’yo ang inyong ipinangako sa aking amang si David na inyong lingkod. Kayo po ang nangako nito at kayo rin ang tumupad nito sa araw na ito” (1 Kings 8:23-24).

Divided and Destroyed Kingdom: Hoping for God’s Promised Kingdom

Sa panahon ni Solomon naging pinakadakila at pinakamaganda ang kaharian ng Dios. Pero di nagtagal, tumalikod siya sa Dios. Dahil doon nagkagulo sa kaharian, hanggang mahati ito sa panahon ng kanyang anak na si Rehoboam. Ang sa hilaga ay tinawag na Israel (10 lahi) na unang pinamunuan ni Jeroboam. Lahat ng haring sumunod sa kanya ay masasama. Pagkaraan ng halos 300 taon pagkatapos ni David, ang bahaging ito ng kaharian ay sinakop ng Assyria at ipinatapon sila sa lupang dayuhan. Sa timog naman, tinawag na Judah (2 lahi), ay nagpatuloy ang paghahari ng mga angkan ni David, tulad ng ipinangako ng Dios. Sa 20 hari nila sa loob ng 450 taon, 8 lang ang buong pusong sumunod sa Dios tulad ni David. Dahil sa kasamaan din, sinakop naman sila ng Babilonia at pinalayas din sa lupaing ibinigay sa kanila ng Dios. Kahit naging masama ang mga sumunod na mga hari kay David,

Pero dahil kay David, niloob ni Yahweh na kanyang Dios na magmumula sa angkan niya ang maghahari sa Jerusalem sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng anak na papalit sa kanya sa paghahari (1 Kings 15:4).

Pero dahil sa kasunduan ni Yahweh kay David, hindi niya nilipol ang angkan ni David. Nangako siya kay David na hindi mawawalan si David ng angkan na maghahari magpakailanman (2 Chr. 21:7).

Kahit na ganito ang nangyari sa kaharian, patuloy silang umaasa sa pangako ng Dios:

Nangako kayo noon kay David, at ito’y tiyak na inyong tutuparin at hindi babawiin. Sinabi n’yo, ‘Isa sa iyong angkan ang papalit sa iyo bilang hari (Psa. 132:11).

Nangako ako kay David ayon sa aking kabanalan at hindi ako maaaring magsinungaling. Magpakailanman, sa kanyang lahi magmumula ang bawat hari ng Israel at ang kaharian niya ay mananatili katulad ng araw (Psa. 89:35-36).

Nagsalita ang mga propeta bago pa man mawasak ang kaharian at ipatapon sila sa lupang dayuhan, binigyan sila ng pag-asa na ayon sa pangako ng Dios kay David:

Darating ang araw na muli kong itatayo ang kaharian ni David na natulad sa kubong nawasak. Aayusin ko ito sa kanyang pagkakagiba at muling itatayong katulad ng dati (Amos 9:11).

Ipapanganak ang isang batang lalaki na maghahari sa amin. Tatawagin siyang, “Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang-hanggang Ama, at Prinsipe ng Kapayapaan.” Hindi magwawakas ang pag-unlad ng kanyang pamamahala, at maghahari ang kapayapaan. Siya ang magmamana ng kaharian ni David. Patatatagin niya ito at paghahariang may katarungan at katuwiran magpakailanman. Sisiguraduhin ng Makapangyarihang si Yahweh na matutupad ito (Isa. 9:6-7).

Lumapit kayo sa akin at makinig para mabuhay kayo. Gagawa ako ng walang hanggang kasunduan sa inyo. Ipapadama ko sa inyo ang pag-ibig ko’t awa na ipinangako ko kay David. Ginawa ko siyang tagapamahala ng mga bansa, at sa pamamagitan niya’y ipinakita ko ang aking kapangyarihan sa kanila (Isa. 55:3-4).

Darating ang araw na paghahariin ko ang isang haring matuwid na mula sa angkan ni David. Maghahari siyang may karunungan, at paiiralin niya ang katuwiran at katarungan sa lupaing ito. Ito ang pangalang itatawag sa kanya, “Si Yahweh ang Ating Katuwiran.” At sa panahong ito, maliligtas ang Juda at magkakaroon ng kapayapaan sa Israel (Jer. 23:5-6; 30:9; 33:15-17).

Bibigyan ko sila ng isang tagapagbantay na katulad ng lingkod kong si David. Siya ang magbabantay at mag-aalaga sa kanila. Akong si Yahweh ang magiging Dios nila, at ang haring katulad ni David na aking lingkod, ang magiging tagapamahala nila. Ako, si Yahweh, ang nagsasabi nito (Eze. 34:23-24).

Paghaharian sila ng haring mula sa angkan ng lingkod kong si David. Isa lang ang magiging pastol nila. Susundin na nilang mabuti ang mga utos ko’t tuntunin…Maghahari sa kanila ang haring tulad ni David na lingkod ko magpakailanman (Eze. 37:24-25).

The Birth of the King: The Inauguration of God’s Promised Kingdom

Naghintay sila sa pagdating ng ipinangakong Hari at Mesias…naghintay…naghintay. Sinabi ng anghel kay Maria na magkakaanak siya sa pamamagitan ng Espiritu,

Magiging dakila siya at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Dios. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Dios ang trono ng ninuno niyang si David. Maghahari siya sa mga lahi ni Jacob magpakailanman; ang paghahari niya ay walang katapusan (Luke 1:32-33).

Ito ang talaan ng mga ninuno ni Jesu-Cristo na mula sa angkan ni David. Si David ay mula sa lahi ni Abraham (Matt. 1:1).

Ganito ang sabi sa kanya ng ilan:

Sumigaw ang bulag, “Jesus, Anak ni David, maawa po kayo sa akin!” Sinaway siya ng mga nasa unahan, pero lalo pa niyang nilakasan ang pagsigaw, “Anak ni David, maawa po kayo sa akin” (Luke 18:38-39)!

Ang mga nauuna kay Jesus at ang mga sumusunod sa kanya ay sumisigaw, “Purihin ang Dios! Pagpalain ang dumarating sa pangalan ng Panginoon! Pagpalain nawa ng Dios ang dumarating na kaharian ng ninuno nating si David. Purihin natin ang Dios” (Mark 11:9-10)!

The Return of the King: The Coming of God’s Promised Kingdom

Namatay si Jesus bilang handog na pantubos sa kasalanan hindi lamang ng Israel kundi ng buong mundo, ng lahat ng magtitiwala sa kanya. Nabuhay siyang muli, at ito ang ipinangaral ni Pedro na kaibahan ni Cristo kay David,

Ang ating ninunong si David ay namatay at inilibing…nangako ang Dios sa kanya na isa sa kanyang mga lahi ay magmamana ng kanyang kaharian…nagsalita siya tungkol sa muling pagkabuhay ni Cristo na hindi siya pinabayaan sa libingan at hindi nabulok ang kanyang katawan. Ang kanyang tinutukoy ay walang iba kundi si Jesus na muling binuhay ng Dios, at kaming lahat ay saksi na muli siyang nabuhay (Acts 2:29-32).

Maging si James na lider ng iglesia sa Jerusalem, sa usapin tungkol sa misyon ng iglesia maging sa mga di-Judio, binanggit niya ang sinasabi sa Amos 9:11-12:

Ikinuwento sa atin ni Simon Pedro ang unang pagtawag ng Dios sa mga hindi Judio para may mga tao ring mula sa kanila na maging kanya. Ito’y ayon din sa mga isinulat ng mga propeta noon, dahil sinasabi sa Kasulatan, “Pagkatapos nito, babalik ako, at itatayo kong muli ang kaharian ni David na bumagsak. Ibabangon ko itong muli mula sa pagkaguho, para hanapin ako ng ibang tao – ang lahat ng hindi Judio na aking tinawag na maging akin” (Acts 15:15-17).

Naghahari ngayon si Jesus sa kanyang Iglesia, sa lahat ng kumikilalang siya ang Panginoon at Hari. Natupad na ba lahat ng pangako ng Dios kay David? Hindi pa, hindi pa lubos ang paghahari ng Dios sa pamamagitan ni Jesus. Isang araw, babalik siya…

Huwag kang umiyak dahil si Jesus na tinaguriang Leon mula sa lahi ni Juda, ang anak ni David ay nagtagumpay…Ibigay sa nakaupo sa trono at sa Tupa ang kapurihan, kaluwalhatian, karangalan at kapangyarihan magpakailanman (Rev. 5:5, 13)!

Nakita ko ang napakaraming tao na hindi mabilang sa dami. Nagmula sila sa lahat ng bansa, angkan, lahi at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Tupa…Sumisigaw sila nang malakas, “Purihin ang Dios na nakaupo sa trono, at purihin din ang Tupa dahil iniligtas nila kami sa kaparusahan” (Rev. 7:9-10)!

“Akong si Jesus ang nagsugo sa aking anghel upang sabihin sa iyo ang mga bagay na ito para sa mga iglesya. Galing ako sa angkan ni David at ako rin ang maningning na bituin sa umaga…Halikayo! Lumapit ang sinumang nauuhaw at gustong uminom ng tubig na nagbibigay-buhay. Wala itong bayad…Talagang malapit na akong dumating!” Sinabi ko naman, “Amen. Pumarito na po kayo, Panginoong Jesus” (Rev. 22:16-17, 20).

Now What?

Bakit ito mahalaga sa atin? Bakit natin ito pag-iisipan samantalang ang dami nating iniisip na ngayon? Mga bayarin sa araw-araw, pagpapaaral at pagdidisiplina sa mga anak, pagsasaayos ng problemang mag-asawa, pinag-iipunang mga gustong bilhin, at kung anu-ano pa. Tingnan n’yo ang panalangin ni David sa 2 Samuel 7:19, “Ganito ba talaga kayo makitungo sa tao (ESV, “instruction for mankind”)? Sabi ni J. C. Ryle, “Promises…are one great means by which God is pleased to approach the soul of man.” David recognized that it is not about him, but about God – how he relates to us, and how we relate to him.

The King calls us to put our trust in him. Tulad ni David na tinanggap at nagtiwala sa pangako ng Dios. Hintayin natin ang katuparan lahat. Hindi pa tapos. Ang mahalaga ngayon, tiyakin mo na kabilang ka sa kahariang iyon at makakahati sa walang hanggang pagpapala na pinangako niya sa pagbabalik ni Cristo. Yun ang mahalaga. Tinalikuran mo na ba ang sarili mong naghahari-harian sa buhay mo at lumapit ka na ba kay Cristo na Hari ng mga hari? Kung hindi pa, wag mo nang patagalin pa! Habang buong pagtitiwala tayong naghihintay, hindi ibig sabihing wala tayong ginagawa. We put our trust in him by…

Praising, “I will exalt you my God and King.” Sinabi iyan ni David sa Psalm 145:1. “Sing praises to God, sing praises! Sing praises to our King, sing praises! (Psa. 47:6). Ganito ginawa niya sa panalangin niya. He praised the gracious King: “Sino po ako at ang sambahayan ko at pinagpala n’yo ako nang ganito” (2 Sam. 7:18)? He praised the great King: “Panginoong Dios, dakila kayo. Wala po kayong katulad. Walang ibang Dios maliban sa inyo…” (7:22). He praised the glorious King: “Naging tanyag ang pangalan n’yo dahil sa dakila at kamangha-manghang ginawa ninyo” (7:23). He praised the good King: “Ginawa ninyong mamamayan ang mga Israelita magpakailanman, at kayo Yahweh, ang kanilang naging Dios” (7:24). How’s your praise life? O sobrang overwhelmed kayo ng mga problema at alalahanin sa buhay sa halip na overwhelmed ng mga papuri sa Dios?

Praying, “Your kingdom come.” Manalangin na tuparin ang pangako ng Dios. Sawa na ba kayo na sa panalangin n’yo di n’yo nakikita ang sagot? Kung manalangin ka tulad ng turo ni Jesus, “Your kingdom come, your will be done on earth as it is in heaven” (Matt. 6:9-11), sa tingin mo hindi niya gagawin iyon? Sinabi ni David, “Tuparin po ninyo ang ipinangako n’yo sa akin…para maging tanyag kayo magpakailanman…Malakas po ang loob ko na manalangin sa inyo ng ganito dahil ipinahayag n’yo sa akin na lingkod n’yo…dahil ito po ang ipinangako n’yo…” (7:25-29). What are you praying for? How much of your prayers don’t have anything to do with God’s coming kingdom?

Proclaiming, “Our God is King over all the earth.” Maraming Cristiano ang masyadong busy, walang panahon na sabihin sa iba ang tungkol sa paghahari ng Dios. Hindi lang natin ito sinasabi sa salita, ipinapakita din sa gawa. Kamakailan lang may lumapit sa akin na isang lalaki na naghahanap ng mga tindera at pahinante para sa hardware ng kaibigan niya. Niloloko daw kasi ang Chinese na may-ari, kaya naghahanap sila ng mga honest at mapagkakatiwalaan. Napakalaking opportunity na maipakita natin na dito sa church natin, si Jesus ang Hari, siya ang nasusunod! May lumapit din sa ‘kin na isang lalaki, tatlong araw na raw na di kumakain, naglakad lang mula sa Malolos, may hinahanap na pastor. Dito siya napunta, tinulungan ko, binigyan ng pagkain, at dinala sa hinahanap niya. Hindi ba’t nakita doong naipangaral ang paghahari ng Dios?

“Let the heavens be glad, and let the earth rejoice, and let them say among the nations, ‘The Lord reigns!’” (1 Chr. 16:31 ESV). 6,900 out of 16,000 people groups don’t have access yet to this gospel of the kingdom. That’s about 2 billion people na hindi pa narinig na “Jesus is King!” “And this gospel of the kingdom shall be proclaimed as a testimony to all nations and then the end will come” (Matt. 24:14). If we are really praying for God’s kingdom we will not stop proclaiming it! Sino ang magdadala sa kanila ng balitang ito kung kung anu-ano ang mga inaatupag natin sa buhay na walang kinalaman sa pagsulong ng kaharian ng Dios?

May isang Iranian Muslim dito sa Baliwag, inaaway siya ng mga kapitbahay niya (pati ng church sa tabi ng bahay niya!). May poster pa siya sa tindahan niya ng sinabi ni Jesus, “Love your neighbors. Love your enemies.” Bilang protesta sa mga taong nagsasabing Cristiano sila pero hindi sinusunod ang Hari nila. Isang araw nakita niya ito sa isa sa member natin dito sa church na nagpakita ng kanyang concern sa kanya. Dinalaw namin siya at naramdaman niyang meron palang mga Cristiano na si Jesus talaga ang kinikilalang hari, dahil sumusunod sa kanyang sinabi. Hindi ba’t ganito naman talaga dapat ang ibig sabihin ng pagiging Cristiano – ang mamuhay sa ilalim ng paghahari ni Cristo at ipangaral din ito sa iba. Sa salita at sa gawa.

1 Comment

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.