God Promises a New Covenant

Preached by Derick Parfan on Aug. 19, 2012 at Baliwag Bible Christian Church

Correct Diagnosis is Crucial

Ang gamot o lunas sa sakit ay nakadepende kung anong klase ng sakit at gaano ito kalala. Kapag may lagnat, paracetamol. Kapag may sipon lang, baka di na iinom ng gamot, ipahinga lang at hintaying gumaling. Kapag may trangkaso, bioflu. Kapag may problema sa bato, sa Kidney Center. Kapag sa baga, sa Lung Center. Kapag malala ang sakit sa puso, sa Heart Center.

Ganoon din sa problema ng tao. Kung ang nakikita mong problema mo ay kulang sa pagbabasa ng Bibliya o panalangin, ang gagawin mong solusyon ay aayusin mo ang schedule mo o kaya naman ay sisipagan ang pag-attend sa mga Bible studies at prayer meeting. Kung ang tingin mong problema mo ay ang pagtingin ng pornography sa Internet, ipapaputol mo ang broadband mo o itatapon ang laptop mo. Kung ang tingin mong problema ng asawa mo ay paglalasing at pagsusugal, ang solusyon mo ay kausapin siya at kumbinsihing wag nang uminom at wag nang magsugal, at pag nakita mo siyang wala nang bisyo, tingin mo solved na ang problema. Kung ang tingin mong problema ng anak mo ay pagmumura dahil sa impluwensiya ng mga kaibigan niya, gagawa ka ng paraan at isasali mo sa Sunday School o sa youth group para maging maganda ang impluwensiya. Kung ang nakikita nating problema sa church natin ay kulang tayo ng mga activities, dadagdagan lang natin ang programs natin – youth at young adults fellowship, gawain doon, gawain dito. Solve na ba ang problema?

What if you wrongly diagnosed the problem? Kaya crucial dito ang tamang diagnosis ng sakit. Kung mali ang diagnosis, mali din ang maireresetang gamot o mairerekomendang medical procedures. Kung akala mo may sipon o ubo ka lang, pero ang totoo pala ay tuberculosis o kaya ay lung cancer, kahit anong gamot na pang-ubo ang inumin mo, walang mangyayari. Kung sa tingin mo ay high blood o high cholesterol level lang ang problema mo, inom ka lang ng gamot o iwas sa baboy. Pero kung hindi pala iyon ang problema kundi badly damaged na pala ang heart mo, wala ding mangyayari. Kung ganoon, hindi rin gagaling ang may sakit, at mas magiging malala pa, baka ikamatay pa niya ito. Magkaiba man ang pag-uugali o behavior ng dalawang tao, pero pareho din ang hahantungan nila sa impiyerno, hiwalay sa Dios. Masipag magbasa ng Bibliya at tamad, pareho din ang hahantungan. Nagsisimba o hindi, pareho din ang hahantungan. May bisyo o wala, pareho din ang hahantungan. Batang sumusunod lagi sa magulang at batang barumbado at rebelde, pareho din ang hahantungan.

External Change is Not the Solution

Why? Because behavior is not the problem. We wrongly diagnosed the problem. Kaya nga, we are offering or being offered wrong solutions. Balikan natin ang nangyari sa Story of God. Anong nangyari sa Israel at sa Judah? Hindi ba’t sila ang bayang pinili ng Dios? Bayang nakakita ng mga himala ng Dios? Tumanggap ng mga utos at pagpapala ng Dios? 722 BC, wala na ang Israel. Sa Judah nagkaroon ng reformation sa time ni King Josiah. Pero bakit noong 586 BC, pinarusahan pa rin sila ng Dios at nilusob sila ng Babylonia – sinunog ang templo (ang bahay ng Panginoon!), sinunog ang mga bahay sa Jerusalem, at dinalang bihag ang mga Israelita papuntang Babylonia. Wala na sila sa lupang ipinangako ng Dios, sa lugar ng pagpapala ng Dios, hiwalay sa presensiya ng Dios. Anong nangyari?

We won’t have any new story today. Instead, we will pause and reflect what’s really wrong in the story of Israel. Bakit ganoon? Does it also reflect our problem today? Kung ganoon, ano ang solusyon? This sermon will be heavily doctrinal and theological. But I will assure you that it is extremely practical. It touches every area of our life. And so much is at stake here. It is a matter of life and death for Israel. Ang also for us – life or death for you, life or death for your family, life or death for this church, life or death for our neighbors, life or death for the nations.

A Heart Problem Requires a Heart Solution

Ano ba ang tamang diagnosis ng sakit o problema ng tao? Paano natin malalaman? Siyempre hindi tayo sa quack doctor o sa albularyo o sa manghuhula lalapit. Kundi doon sa totoong nakakaalam ng problema natin. Walang iba kundi ang Dios. At ganito ang sinabi niya sa kanyang salita. Pakinggan natin ang ilan sa mga mensahe ni propeta Jeremiah sa Judah at sa atin din.

Gusto ng Dios na meron tayong taos-pusong relasyon sa kanya. “Love the Lord your God with all your heart” (Deut. 6:4-5) is called the first and greatest commandment because of that. Ang problema sa Israel, nalayo sila sa Dios. Kaya sa Jeremiah, paulit-ulit silang sinasabihan ng Dios na, “Repent!” o magbalik-loob sa kanya. Kung sa tingin man ng iba sa kanila na nagbalik-loob na sila, ang tingin naman ng Dios dito ay pakunwari lang, not from a whole heart (Jer. 3:10). Sabi pa niya, “You will seek me and find me, when you seek me with all your heart” (29:13).

Heto ngayon ang problema. The heart! The problem is their heart – pusong palayo sa Dios. Paulit-ulit din itong sinabi tungkol sa kanila, that they “stubbornly follow their own evil heart” (3:17; cf. 7:24; 9:14; 11:8; 13:10; 18:12; 23:17). They had “a stubborn and rebellious heart” (5:23). Dahil ang puso nila ang maysakit (puno ng kasamaan), kaya ang mga gawa nila ay puro kasamaan din (4:4), ang mga iniisip nila ay kasamaan din (4:14). Kung ano ang puno, siya rin ang…bunga. Pusong makasalanan, ang bunga ay mga gawang kasalanan. Kaya iyon ang ugat ng problema. Dapat alam natin ang ugat, para malaman din natin kung ano ang solusyon.

Alam ng Dios ang problema natin. And God knows the condition (damaged badly!) of our hearts more than we do. God “tests the heart and the mind” (11:20; cf. 12:3; 20:12). Alam ng Dios, at dapat nating malamang lahat, na bawat isang taong ipinanganak sa mundo ay ipinanganak na may pusong palayo sa Dios at gustong lumayo sa Dios. “No one seeks God…no one does good, not even one” (Rom. 3:11-12). Not even you! This is crucial. Kasi maririnig natin ang ibang tao, papayuhan kayo, “Kung ano ang nasa puso mo, iyon ang sundin mo.” Tingnan mo ‘to, “The heart is deceitful above all things, and desperately sick; who can understand it” (17:9)? Kung susundin mo ang puso mo, saan ka kaya nito dadalhin? “Cursed is the man who trusts in man and makes flesh his strength, whose heart turns away from the Lord” (17:5). Do you now see the problem? The problem is your heart…and it is going in a direction away from God…into destruction. That’s bad news.

Dahil dito, kailangang magkaroon ng pagbabago sa puso ng tao. Natatandaan n’yo na ang sign ng covenant ng Dios kay Abraham ay pagtutuli? Nagpapakita ito ng pagbabago, ng paglilinis, ng change of status sa relasyon ng Dios at ng tao. Pero ipinapakita nito na hindi lang dapat panlabas ang pagbabago. Ito ang problema ng Israel, wala silang pinagkaiba sa ibang bansa “hindi tuli.” Sila rin ay “uncircumcised in heart” (9:26). God is “near in their mouth [but] far from their heart” (12:2). Dahil iyon ang problema, God commanded them to “circumcise…your hearts” (4:4) o linisin ang kanilang mga puso. Sabi pa niya, “Wash your heart from evil, that you may be saved” (4:14). Kapag walang nangyaring pagbabago sa puso, patuloy lang silang malalayo sa Dios at mapapahamak.

Iniutos ng Dios sa kanila. Magagawa ba nila iyon? Ikaw, kaya mo bang baguhin ang puso mo? Can you do a heart surgery for your own heart? They need to change their hearts, but they cannot do that, we cannot do that. It is beyond our power. “The sin of Judah is written with a pen of iron; with a point of diamond it is engraved on the tablet of their heart, and on the horns of their altars” (17:1). “Can the Ethiopian change his skin or the leopard his spots? Then also you can do good who are accustomed to do evil” (13:23).

A Heart Solution is Humanly Impossible

A heart solution, then, is humanly impossible. We can’t, but God can do that for us. And God promises to do that for us. Nakita natin last week, God perseveres to rescue us. Dahil dito, ngayon ipapakita sa atin ng Dios, God promises a new covenant. Ito ang isa sa pinaka-crucial na passage sa Old Testament at kailangan nating pag-aralan para maintindihan natin kung ano ang problema ng tao at ano ang solusyon ng Dios:

Behold, the days are coming, declares the LORD, when I will make a new covenant with the house of Israel and the house of Judah, not like the covenant that I made with their fathers on the day when I took them by the hand to bring them out of the land of Egypt, my covenant that they broke, though I was their husband, declares the LORD. For this is the covenant that I will make with the house of Israel after those days, declares the LORD: I will put my law within them, and I will write it on their hearts. And I will be their God, and they shall be my people. And no longer shall each one teach his neighbor and each his brother, saying, ‘Know the LORD,’ for they shall all know me, from the least of them to the greatest, declares the LORD. For I will forgive their iniquity, and I will remember their sin no more (31:31-34).

General Features of the New Covenant

It is God’s last and final covenant with man. Ito ay pagpapatuloy ng pangako ng Dios na iligtas, ibalik sa kanya at muling pagpalain ang mga taong lumayo at nagrebelde sa kanya. Nauna na siyang nangako kay Noe (Gen. 9) na hindi na niya ulit wawasakin ang buong mundo sa pamamagitan ng baha, kay Abraham (Gen. 12, 15, 17) na pagpapalain ang kanyang lahi at ang buong mundo sa pamamagitan niya, kay Moises at sa mga Israelita (Exod. 19-20) na sila’y magiging bayang pag-aari ng Dios at pagpapalain kung susunod sila sa mga utos niya, at kay David (2 Sam. 7) na hindi magwawakas ang paghahari ng kanyang angkan. Kung ganito ang kinahinatnan ng Israel, nasaan ang pagpapalang pangako kay Abraham, at ang mananatiling kaharian kay David? Kaya nga may New Covenant! Bagong tipan, wala nang darating na mas bago pa dito. Ito na iyon. Finale, hanggang dulo na ‘to ng Story of God!

“It is not like the (old) covenant that I made with their fathers on the day when I took them by the hand to bring them out of the land of Egypt” (31:32). Mosaic Law ang tinutukoy dito. Kaya nga “new” kasi hindi tulad ng “old.” “In speaking of a new covenant, he makes the first one obsolete. And what is becoming obsolete and growing old is ready to vanish away” (Heb. 8:13). Mamaya makikita natin ang maraming pagkakaiba nito sa new covenant.

It is first for Israel and Judah. “I will make a new covenant with the house of Israel and the house of Judah…this is the covenant that I will make with the house of Israel after those days (31:31, 33). Una itong ipinangako para sa kanila. Pero ang pagpapala nito ay hindi lang para sa kanila. Ito rin ay para sa buong mundo bilang katuparan din ng sinumpaang pangako ng Dios (na hindi niya babaliin) kay Abraham na ang buong mundo ay pagpapalain sa pamamagitan niya (Gen. 12:3). Malalaman natin mamaya kung paano nangyari iyon.

It is restorative. Para sa Israel, ipinangako ng Dios (paulit-ulit din ito sa Jeremiah) na ibabalik ulit sila sa lupa nila (32:37; cf. Ezek. 11:17; 36:24, 28) at pagagalingin ang mga sugat nila (33:6-7). May new covenant kasi sinira nila ang una nilang tipan na para bang asawa na sumira sa marriage vows at naging unfaithful. “…my covenant that they broke, though I was their husband” (31:32). (Natandaan n’yo ang mensahe ni Hosea?). Kung hindi ito gagawin ng Dios, mapapahamak sila (at napahamak na nga ang marami!) dahil sa kasalanan nila (31:30).

It is wholly God’s work. It is unconditional in that sense. “I will…I will…I will…” Hindi na ito exchange of vows. Puro pangako ito ng Dios. Wala ngang sinabi sa kanila na gagawin nila. Wala! Hindi niya sinabi, “Kapag tumino ka na, saka ko tutuparin ang pangako ko sa iyo.” Sabi niya, “Gagawin ko ‘to. Ako ang bahala.”

It is future. “I will…” Ito ang mga gagawin ng Dios. Ito ang dapat abangan, panabikan, pagkuhanan nila ng pag-asa sa kabila ng hirap na mararanasan nila. Sa panahon ni Jeremiah, future pa. Pero mamaya makikita natin na pagkatapos ng 600 taon, magkakaroon ito ng katuparan. At hanggang kelan ang bisa nito? Kelan ang expiration date nito? Wala! Because…

It is an everlasting covenant (32:40). Ito ang kaibahan nito sa old covenant na sinira ng Israel at temporary lang hanggang dumating itong new covenant. Ngayon siguro naging mas malinaw sa inyo bakit nahahati ang Bibliya natin sa Old Testament (Covenant) at New Testament. Ngayon naman tingnan natin kung anu-ano ang ipinangako dito sa New Covenant at mararamdaman nating totoo ang sinasabi sa Hebrews bago i-quote ang Jeremiah 31:31-34, “For if that first covenant (the old covenant) had been faultless (may kulang!), there would have been no occasion to look for a second (the new covenant)” (Heb. 8:7). Narito ang mga kulang na ipinangako ng Dios na tugunan…

Promises of the New Covenant

Intimate relationship: “I will be their God, they shall be my people” (24:7; 31:33; 32:38; Ezek. 11:20; 36:28; 37:23, 27; Zech. 8:8). Ito ang pinakamahalagang “blessing” na ipinangako kay Abraham (Gen. 17:7-8). Ipinangako din ito sa Mosaic Covenant (29:45), kaso may kundisyon na pagsunod sa Dios na di naman nila nagawa. Ipinangako din ng Dios sa new covenant, “They shall all know me…” Ang salitang ito ay maaaring tumukoy sa pinakamalapit na relasyon na posible sa dalawang tao (tulad ng sexual intimacy) na nagpapakita ng pagiging isa sa isip, emosyon, at naisin. Sa old covenant, hindi direktang makakalapit ang mga tao sa Dios. Ang high priest lang ang makakapasok sa Most Holy Place, kung saan naroon ang makapangyarihang presensiya ng Dios. Pero sa new covenant, dahil sa ginawa ng Panginoong Jesus sa krus, napunit na ang tabing na iyon sa templo at bawat isang mananampalataya – pastor ka man o hindi, mayaman man o mahirap, relihiyoso man o hindi, ay makakalapit na sa Dios. Noong huling hapunan ni Jesus sa kanyang mga alagad, pagkatapos kumain, kumuha siya ng inumin at sinabi, “This cup that is poured out for you is the new covenant in my blood” (Luke 22:20). Kinabukasan ipinako siya sa krus, namatay, inako ang kasalanan natin, at natupad ang ipinangakong “bagong tipan” sa “Lumang Tipan” sa Jeremiah…

Total forgiveness of sins. Kailangan ito bago tayo makalapit sa Dios. “I will forgive their iniquity, and I will remember their sins no more” (31:34). “I will cleanse them from all the guilt of their sin against me, and I will forgive all the guilt of their sin and rebellion against me” (33:8). Ipinangakong mangyayari ito sa pagdating ng Messiah na siyang ayon sa pangako kay David at tatawagin siyang, “The Lord our Righteousness” (33:14-16). Ito na ang magiging tingin sa atin ng Dios – as if we have not done anything wrong. More than that, as if we have done everything right. “I will sprinkle clean water on you, and you shall be clean from all your uncleannesses, and from all your idols I will cleanse you” (Ezekiel 36:25). Kahit pa may sistema sila noon ng paglilinis sa pamamagitan ng mga araw-araw at taun-taon na sacrifices, hindi sapat iyon. Hindi iyon makapag-aalis ng kasalanan. Hindi tulad ng minsanan at mabisang paghahandog na ginawa ni Jesus para sa ating mga kasalanan. Kay Cristo, ang lahat ng ginawa niyang matuwid habang siya ay nabubuhay inilipat sa atin na para bang tayo ang gumawa noon.

New heart. Hindi lang buburahin ng Dios ang bad record natin, bibigyan pa tayo ng bagong puso para sa halip na kasalanan, pagsunod ang maging bunga. “I will give them one heart (hindi na hati) and one way, that they may fear me forever…” (Jer. 32:39). “And I will give you a new heart, and a new spirit I will put within you. (This is a major heart surgery!) And I will remove the heart of stone from your flesh and give you a heart of flesh” (Ezekiel 36:26). Ito ang tinutukoy ng Panginoong Jesus na pagiging “born again” o “born of the Spirit” (John 3). Ibig sabihin, mangyayari lang ito sa pamamagitan ng Espiritu. Hindi tayo ang gagawa. Kapag ipapasok ka sa operating room, ooperahan ang puso mo, sasabihin mo ba sa surgeon, tulungan na kita, o ako na bahala. It is through the Spirit. Pag-akyat ni Jesus sa langit, dumating ang Banal na Espiritu sa araw ng Pentecostes bilang katuparan ng propesiya ni Joel, na binanggit din ni Pedro sa Acts 2:17, “And it the last days it shall be…that I will pour out my Spirit on all flesh” (cited from Joel 2:28). Dahil binago ng Espiritu ang pusong ito, wala na ang dating pagkatao natin, tayo ay bagong nilalang na (2 Cor. 5:17). Bago na ang pagtingin, pagkilala at pag-ibig sa Dios. Bago na ang mga naisin, pangarap, at motibo sa mga ginagawa. At dahil bago na, meron ding…

Wholehearted and Spirit-filled obedience: “I will put my law within them, and I will write it on their hearts” (31:33). Ito ang kaibahan sa old covenant. Ang utos ng Dios nakaukit lang sa bato, pero hindi sa puos ng tao. Ibig sabihin, may problema pa ang puso nila na kailangang baguhin. Wala sa kanila ang kapangyarihang gawin lahat ng pinapagawa ng Dios. At isang malaking dahilan bakit ibinigay niya itong old covenant ay para ipakita sa atin na hindi tayo kailanman makakaabot sa Dios sa pamamagitan ng sariling lakas natin. Ito ang kaibahan sa new covenant: “And I will put my Spirit within you, and cause you to walk in my statutes and be careful to obey my rules” (Ezekiel 36:27). In the old, there is no power for obedience. Here, what God demands, he provides the power. Parang sasakyan, hindi na itutulak. May bagong makina na, may gasolina pa. Hindi na ito papalya (hindi ibig sabihing wala nang kasalanan) at hindi na mauubusan ng gasolina. Dahil ipinangako ng Dios ang…

Perseverance/preservation: “I will make with them an everlasting covenant, that I will not turn away from doing good to them (God will preserve). And I will put the fear of me in their hearts, that they may not turn from me (we will persevere). I will rejoice in doing them good, and I will plant them in this land in faithfulness, with all my heart and all my soul” (32:40-41). Ang Israel tumalikod sa Dios. Sa new covenant, ang mga taong binago na ang puso ng Dios, iniligtas ni Cristo, pinananahanan ng Banal na Espiritu, ay mananatiling sumasampalataya at sumusunod sa kanya. That’s the assurance we have in the new covenant, na hindi posible sa old covenant.

Simula nang tayo ay na-born again at nagtiwala kay Cristo, patuloy tayong magtitiwala sa kanya. Hindi sa gawa natin, kundi sa ginawa na niya para sa atin. Ito ang mga pangako ng Dios sa New Covenant. Ang pangako ng Dios, hindi pinagtatrabahuhan, kundi pinagtitiwalaan. Kung meron man sa inyo na hanggang ngayon, ang pag-iisip, ang approach sa paglapit sa Dios ay parang nasa old covenant pa rin, ito ang sasabihin ko sa inyo: Hindi mo kaya, hindi mo kakayanin, ilang beses ka nang bumagsak. Isang kasalanan lang, sa impiyerno na ang tuloy mo. Di mo kayang bayaran ang sarili mong kasalanan. Banal siya, makasalanan ka. Di ka makalalapit sa kanya. Ang kailangan mo ay panghawakan ang ginawa ni Cristo sa krus para sa iyo at hayaan ang Espiritu na manahan at baguhin ang puso mo. Hahayaan mo ba o papalag ka pa?

Our Response to the New Covenant

Sa atin naman na mga “born-again believers” (internally, not externally!) na, anong response natin dito? Kung alam nating puso ang problema ng tao at pagbabago ng puso ang solusyon ng Dios, ibig sabihin hindi sapat na may makita lang tayong nagbabago sa sinasabi o ginagawa ng mga tao. Maaaring maganda ang nakikita natin sa labas, pero bulok pa rin pala ang nasa loob. O kaya naman kahit sa isang taong binago na ng Dios (born-again/regeneration), may mga kailangan pa palang baguhin sa puso ng tao (transformation/sanctification). Binago na tayo, pero binabago pa. So…

Pray for the continuing work of the Spirit in the heart. “Now the Lord is the Spirit, and where the Spirit of the Lord is, there is freedom. And we all, with unveiled face, beholding the glory of the Lord, are being transformed into the same image from one degree of glory to another. For this comes from the Lord who is the Spirit” (2 Cor. 3:17-18). The process of transformation in our hearts is the work of the Spirit. Kaya tayo nananalangin, “Lord, work mightily in our hearts! Transform us!” Hindi tayo ang bumabago sa puso natin, ang Dios ang gumagawa noon. Anong paraan ng Dios? “Beholding the glory of the Lord.” Habang doon tayo nakatingin kay Cristo, inilalapat ng Espirit ang mga salita niya sa puso natin para baguhin tayo.

Proclaim the finished work of Christ to the heart. “For what we proclaim is not ourselves, but Jesus Christ as Lord…For God, who said, ‘Let light shine out of darkness,’ has shone in our hearts to give the light of the knowledge of the glory of God in the face of Jesus Christ” (2 Cor. 4:5-6). Ito dapat ang marinig ng tao – ang salita ng Dios na nakasentro kay Cristo. The gospel is the power of God for salvation (Rom. 1:16). Hindi lang ito past salvation, kundi present salvation (patuloy na pagbabago) din.

Life Impact of the New Covenant

The Spirit and the gospel of Jesus Christ. Prayer and the word of God. Ito pala dapat ang priority ng buhay Cristiano at ng church natin. Sa evangelism at missions, hindi pala bagong programa o sistema o feeding program ang pinaka-kailangan. Kundi palagi silang ipanalangin at gawin lahat ng magagawa natin para makarating sa kanila ang salita ng Dios. Hindi sa atin nakasalalay, kundi sa kapangyarihan ng Espiritu na kumikilos sa salitang matapat nating ipinapangaral. Ganoon din sa aming mga pastor, mga leaders ng church, sa mga nag-didisciple, hindi pala sapat na i-encourage ang mga miyembro na dumalo lang sa mga gawain ng iglesia at maging active sa mga ministries. Dapat palang manalangin nang manalanangin at matuto ang bawat isa sa atin na makinig ng Salita ng Dios at laging alalahanin ang ginawa ni Cristo para sa atin. Hindi pala magandang asal at mahusay na edukasyon ang pinaka-kailangan ng anak natin, hindi pala pagkawala ng bisyo ang pinaka-kailangan ng asawa ninyo, bagong puso pala. Do you pray for them regularly and ask God for mercy? Sinasabi ba natin sa kanila ang Salita ng Dios. Tandaan natin, nasa ugat ng puno ang problema. Iyon ang dapat baguhin. Iyon ang dapat diligan. Hindi mo naman puwedeng sabihin sa puno ng mangga, “Magbunga ka!” Hindi pala ang pagiging relihiyoso o pagiging aktibo sa mga gawain ng church ang solusyon sa mga spiritual struggles natin, kundi bagong puso sa pamamagitan ng palagiang pagdepende sa pagkilos ng Espiritu (prayer and being Spirit-filled) at pagtingin sa ginawa na ng Panginoong Jesus para sa atin (hindi sa magagawa natin para sa kanya). We are not “sufficient in ourselves…but our sufficiency is from God, who made us sufficient to be ministers of the new covenant…the Spirit gives life” (2 Cor. 3:5-6).

Last Sunday, pag-uwi namin sa bahay, nadatnan naming naghihingalo na si Aslan, isa sa mga guinea pigs ni Daniel. Pagkaraan ng tatlong oras, nag-aagaw buhay na. Tinanong ko pa ang sarili ko kung ipagpe-pray ko. Wala naman akong magagawa kasi para mabuhay siya. Kahit naman sabihin kong, “Mabuhay ka!” Walang effect iyon.

Posible ba na magbago ang isang pusong matigas at palayo sa Dios? Oo. Because God makes a new covenant. Tinupad na niya ito sa pagdating ni Cristo at sa patuloy na pagkilos ng Banal na Espiritu tinutupad pa rin ito ng Dios, hanggang sa malubos ito sa pagbabalik ng Panginoong Jesus. Kung nagdududa ka pa, tanong sa iyo ng Dios, “Behold, I am the LORD, the God of all flesh. Is anything too hard for me” (32:27)?

1 Comment

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.