The Gospel in the Prophets
The gospel binds us as a church. Ito ang mensahe ng mabuting balita na pinaniniwalaan natin, ipinamumuhay natin, at ipinapangaral sa iba. Ito ang mensaheng nagsasabi na nilikha tayo ng Dios para siya lang ang bigyang karangalan, pero nagrebelde tayo sa kanya. Dahil doon, nasa ilalim tayo ng hatol ng parusa ng Dios. Pero, nangako ang Dios at tinupad niya ang pangakong magpapadala siya ng isang tagapagligtas na siyang gagawa kung ano ang hindi natin ginawa at siyang aako ng parusang dapat sana ay sa atin. Kaya lahat ng magtitiwala kay Jesus bilang Tagapagligtas at magpapasakop sa kanya bilang Panginoon ay magkakaroon ng kaligtasan at muling mailalapit ang relasyon sa Dios. Wala nang iba pang mas mahalagang ikuwento kaysa dito.
Ang mensahe bang ito ay makikita lang sa New Testament? Hindi. Sa Old Testament din. Katunayan mula ngayon sa pag-aaral natin sa Hosea makikita natin ang mensaheng ito na ibinigay ng Dios sa Israel at mensahe din ng Dios sa atin. Isa ito sa mga Minor Prophets. Minor dahil mas maikli ang isinulat nila kaysa sa mga Major Prophets tulad ni Isaiah. Pero hindi minor ang mensaheng maririnig natin, kundi major. Mahalaga sa buhay natin. Malaki ang mawawala sa atin kung hindi natin papakinggan.
Nasaan na ba tayo sa kuwento? Tandaan natin na ito ang panahong nahati na ang kaharian ng Israel – nahati sa dalawa. Ang hilaga ay tinawag na Israel (minsan tinatawag ding Ephraim, isa sa mga lahing nandito). Ang timog naman ay Judah. Ang kuwento ng naharing kahariang ito ay ang mga kapalpakan ng mga haring namuno dito. Lalo na sa Israel. Wala ni isa man ang gumawa ng maganda sa paningin ng Dios. Hindi lang hari ang may problema. Kundi buong bayan. Hindi na (o hindi lang) si Yahweh (ang tunay at nag-iisang Dios) ang kinikilala nilang Dios, idinagdag pa nila ang pekeng dios na si Baal, the god of fertility. Dahil sa problemang ito sa kanilang worship life, ang sakit na ito ay kumalat sa pamilya, sa lipunan, sa buong bansa. Para bang cancer na parang wala nang lunas. Kaya nagpapadala ang Dios ng mga propeta sa kanila. Halimbawa sabi ni Amos (kasabayan din nitong si Hosea na ang mensahe ay sa Israel din). Sa panahong ito, “hindi gumagawa ng anuman ang Panginoong Dios na hindi muna niya sinasabi sa kanyang mga lingkod na propeta…Sino ang hindi magsasalita ng mensahe ng Panginoong Dios kung ang Panginoong Dios ang magpapasalita sa kanya” (Amos 3:7-8). “Kaya nga binalaan ko kayo sa pamamagitan ng mga propeta” (Hos. 6:5).
Nagsasalita ang Dios sa pamamagitan ng mga tapat na propeta para bigyang babala (dahil mahabagin at mapagmahal ang Dios at nananatiling tapat sa kanyang salita) ang kanyang bayang hindi naging tapat sa kanya. Kung nagsasalita ang Dios, ibig sabihin mahalaga ang mensahe at dapat pakinggan. Kung hindi, “Darating ang araw na padadalhan ko ng taggutom ang inyong lupain. Pero hindi ito pagkagutom ng pagkain o pagkauhaw sa tubig, kundi pagkagutom at pagkauhaw sa aking mga salita” (Amos 8:11). Kaya pakinggan natin ang mensahe ng Dios sa atin – kung pagtadyak man ito na gusto na nating lumabas o pagyakap na ayaw na nating umalis dito. Pakinggan natin, hangga’t nakakarinig pa.
Story of Hosea 1-2
Ang Hosea nahahati sa dalawang bahagi. The first part (1-3) is about Hosea’s marriage to Gomer. God will use this story to display in vivid terms his message to Israel which he will further explain in the second part (4-14). Ang mensahe ng Dios ay kitang-kita sa ginawa (hindi lang sa sinabi) ni Hosea o ipinagawa sa kanya ng Dios. His life is the message. Pakinggan n’yo ‘to galing sa Hosea 1-2:
Habang nagpapatuloy sa Juda ang paghahari ng angkan ni David tulad nina Uzia, Jotam, Ahaz, at Hezekia, sa Israel naman ay naghahari si Jeroboam II na anak Joas. Laganap ang pagsamba kay Baal noong panahong ito. Kaya sa panahon ng paghahari niya at ng mga pumalit sa kanya, hanggang sa tuluyan nang masakop ng Assyria ang Israel, nagpadala ang Dios ng isang propeta na ang pangalan ay Hosea. Sinabi ng Dios kay Hosea, “Mag-asawa ka ng isang babaeng imoral, at ang mga anak ninyo ay ituturing na mga anak ng taksil na babae. Ito ang magiging larawan ng kataksilan ng aking mga mamamayan dahil sa pagsamba nila sa mga dios-diosan.”
Kaya nagpakasal si Hosea kay Gomer. Di nagtagal, nabuntis siya at nanganak ng isang lalaki. Sabi ng Dios kay Hosea, “Pangalanan mo siyang Jezreel, dahil hindi na magtatagal at parurusahan ko ang hari ng Israel at wawakasan ko na ang buong kaharian niya dahil sa ginawa nilang kasalanan.” Muling nabuntis si Gomer at nanganak ng isang babae. Sabi ng Dios kay Hosea, “Pangalanan mo siyang Lo-Ruhama, dahil hindi ko kaaawaan ni patatawarin ang Israel. Pero ang Juda kakaawaan ko.” Nabuntis ulit si Gomer at nanganak ng isang lalaki. Sabi ng Dios kay Hosea, “Pangalanan mo siyang Lo-Ami dahil kayong mga Israelita ay hindi ko na mga mamamayan at ako ay hindi na ninyo Dios. Pero darating ang araw na kakaawaan ko kayo at pagpapalain. Dadami kayo tulad ng mga buhangin sa tabing-dagat. Tatawagin kayong ‘mga anak ng buhay na Dios.’ At ang Juda at Israel ay muling magkakasama at pipili sila ng isang pinuno. Napakasaya ng araw na iyon!”
Hindi nagtagal matapos makasal sina Hosea at Gomer, nagtaksil si Gomer sa kanyang asawa at sumama sa ibang mga lalaki. Sinabi ng Dios sa pamamagitan ni Hosea, “Mga anak, sawayin ninyo ang taksil ninyong ina. Kung hindi huhubaran ko siya sa harap ng kanyang mga lalaki at pababayaang mamatay sa uhaw. Sinabi pa niyang hahabulin niya ang kanyang mga lalaking nagbigay sa kanya ng mga pagkain. Pero babakuran ko siya para hindi siya makalabas. Habulin man niya ang mga lalaki niya, hindi niya aabutan. Hanapin man niya sila, hindi niya makikita. At sasabihin niya, ‘Babalik na lang ako sa asawa ko dati dahil mas mainam pa ang kalagayan ko noon.’ Liligawan ko siya ulit hanggang mapaibig ko siyang muli. At sasagutin niya ako tulad ng ginawa niya noong kinuha ko siya sa lupain ng Egipto.”
Sinabi pa ng Dios sa mga Israelita, “Sa araw na iyon ng inyong pagbabalik sa akin, tatawagin ninyo na akong ‘Aking Asawa’ at hindi na ninyo ako tatawaging ‘Aking Baal.’ Ituturing ko kayong asawa magpakailanman. Mamahalin ko kayo at kaaawaan. Tatawagin ko kayong mga mamamayan ko at sasabihin ninyo na ako ang inyong Dios.”
The Problem of Rebellion
Ang hirap naman ng ipinagawa ng Dios kay Hosea! Inutusan ng Dios si Hosea na mag-asawa ng isang imoral na babae (1:2). Ang salitang ginamit doon ay “whoredom,” na tumutukoy sa iba’t ibang uri ng kahalayan. Paulit-ulit ginamit ang salitang ito sa Hosea (noun form, 1:2; 2:2, 4; 4:12; 5:4; verb form, 1:2; 2:5; 3:3; 4:10, 12, 13, 14, 18; 5:3; 9:1). Maaaring hindi pa imoral o nangangalunya o prostitute si Gomer noon. Kasi gustong ipakita ng Dios dito kung ano ang nangyari sa Israel. Gusto ding ipakita ng Dios kung ano ang ginagawa niya para sa Israel. Mahirap iyon na mag-asawa ng alam mong magtataksil sa iyo. Ganoon din ang Dios. Alam niyang magtataksil itong mga Israelita. Si Gomer sumama sa ibang lalaki. Maaaring naging isang babaeng bayaran. Ipinagamit ang katawan niya sa kung sinu-sinong lalaki. Ganoon din ang Israel. Sumamba kay Baal, nagtaksil kay Yahweh. Sila pa nga ang nagbabayad para gamitin sila ng mga dios-diosan nila. “Lalo silang lumalayo [sa Dios]. Naghahandog at nagsusunog sila ng mga insenso sa dios-diosang si Baal” (11:2). Surface problem ito, tulad ng paglayas ni Gomer. Anong root problem nito? Ano ang ipinapakita nito sa puso ng mga Israelita? “Hear the word of the LORD, O children of Israel, for the LORD has a controversy with the inhabitants of the land. There is (1) no faithfulness or (2) steadfast love, and (3) no knowledge of God in the land” (4:1).
They were not faithful to God. Si Gomer nang ikasal kay Hosea, may sinumpaang pangako (covenant) na magsasama sila ng kanyang asawa habang buhay. Ang Israel, noong nasa Mt. Sinai sila, ibinigay ng Dios ang “marriage covenant” sa kanila sa pamamagitan ng Kautusan at nangakong gagawin nila at si Yahweh ang magiging Dios nila at wala nang iba. Pero nagrebelde sila sa kautusan ng Dios, tulad ni Gomer na nilapastangan ang sinumpaan niyang pangako kay Hosea. Sabi ng Dios, “Tulad ni Adan sinira ninyo ang kasunduan (covenant) natin. Nagtaksil kayo sa akin” (6:7).
They have no love for God. Iiwan ba naman ni Gomer si Hosea at ipagpapalit sa kung sinu-sinong lalaki kung may pagmamahal siya sa kanya. Maaaring naroon ang pag-ibig sa simula, pero pansamantala lang. Tulad din ng Israel. Sabi ng Dios sa kanila, “O Israel (Ephraim) at Juda, ano ang gagawin ko sa inyo? Ang pag-ibig ninyo sa akin ay parang ambon at hamog na madaling mawala” (6:4).
They have no knowledge of God. “Ang inyong masasamang gawain ang pumipigil sa inyo upang manumbalik sa akin na inyong Dios. Sapagkat nasa puso ninyo ang espiritung tumutulak sa inyo para sumamba sa mga dios-diosan, at hindi ninyo ako kinikilalang Panginoon” (5:4). Nagtaksil sila nang huminto silang kilalaning si Yahweh ang nagligtas sa kanila, ang nagbibigay ng bunga ng kanilang mga pananim, at nag-iingat sa kanila laban sa kanilang mga kaaway. Ganoon din ang nangyari kay Gomer, hindi na niya kinilala si Hosea na asawang nagmamahal sa kanya.
Ang kasalanan ni Gomer kay Hosea, ng Israel sa Dios ay problema din natin. Ang Dios na ating Manlilikha at Tagapagligtas ang ating asawa at dapat maging tapat tayo sa kanya (Isa. 54:5). Pero nagtataksil din tayo tuwing naghahanap tayo ng iba. “You adulterous people! Do you not know that friendship with the world is enmity with God? Therefore whoever wishes to be a friend of the world makes himself an enemy of God” (James 4:4). May panahon na ang init ng pag-ibig natin sa Dios, pero ngayon sino sa inyo ang nanlalamig sa pag-ibig sa Dios? Sampung taon na kayong Cristiano, pero nakita n’yo bang lumalim ang pagkakilala n’yo sa Dios? Kung hindi, hindi rin magiging mainit ang pag-ibig natin sa kanya, at kung hindi mainit iyon, tatalikuran din natin siya at magpapakasasa sa mundong ito!
The Threat of Judgment
Our God is perfectly just and perfectly holy. Hindi niya palalampasin ang pagrerebelde ng tao, kahit pa ng kanyang bayang pinili. Dapat nilang pagbayaran ang kanilang ginawang kasalanan. Makikita ito sa bunga ng pagsasama nina Hosea at Gomer. Maaaring si Jezreel lang ang anak nilang dalawa at iyong sumunod na dalawa ay hindi. Ang punto dito, para ipakita sa Israel sa pamamagitan ng pangalan ng mga anak nila na ang kasalanan at pagrerebelde sa Dios kailanman ay hindi nagbubunga ng maganda.
God will destroy them. Ang unang ipinanganak ni Gomer, si Jezreel. Sa lugar na ito (ayon sa 2 Kings 10:11) pinagpapatay ni Jehu ang nalalabi sa pamilya ni Ahab. Ipinapakita ng Dios na sila din ay pagpapatayin bilang parusa sa kanilang kasalanan. “My people are destroyed for lack of knowledge” (4:6). “Lilipulin ko sila dahil naghimagsik sila sa akin” (7:13). Ilang taon pagkatapos ng propesiyang ito, magkakatotoo ito kapag tuluyan nang sinakop ng Assyria ang Israel at pinagpapatay ang marami nitong mamamayan (2 Kings 18). Kapahamakan at kamatayan ang dulot ng kasalanan.
God will dishonor them. Ang ikalawang anak ni Gomer ay babae at pinangalanang Lo-Ruhama, ibig sabihin, “no mercy.” Can you imagine naming your child “no mercy”? Nakita ito nang magbigay ng banta si Hosea kay Gomer, na hindi bihira noong panahong iyon, na huhubaran si Gomer sa harap ng kanyang mga lalaki. This is an act of public humiliation as punishment for adultery/prostitution. Walang awang ipapahiya ang babaeng imoral sa harap ng maraming tao. Ganoon din ang mangyayari sa Israel. Ang ganda ng simula nila, tanyag ang kaharian nila, pero sabi ng Dios, “I will change their glory into shame” (4:7). Akala ni Gomer makikita niya ang hinahanap niya sa ibang lalaki. “Habulin man niya ang kanyang mga lalaki hindi rin niya maaabutan” (2:7). Akala ng Israel makikita nila ang hinahanap nila sa ibang dios-diosan. Pero hindi! Mapapahiya lang sila. Sabi ni Doug Cecil, “You will never find in sin what you go into sin to find.” Hindi mo mahahanap sa kasalanan ang hinahanap mo kaya ka pumasok sa kasalanan.
God will disown them. Ang pangatlong anak ay si Lo-Ami, ibig sabihin “hindi akin.” Sinasabi ng Dios sa kanila, “Hindi na kayo sa akin. Hindi na ako sa inyo.” “Maghahandog kayo ng mga tupa, kambing at mga baka sa paglapit ninyo sa akin. Pero hindi ninyo mararanasan ang presensiya ko dahil itinakwil ko na kayo” (5:6). God will reject them. God will remove his presence from them, or God will cast them out of his presence.
Hindi ba’t ganito rin ang nangyari kina Adan at Eba sa Garden of Eden dahil sa pagtataksil nila sa Dios? Pumasok ang hirap at kamatayan sa buhay nila (destroy). Napahiya sila nang makita nilang nakahubad sila (dishonor). Pinalayas sila sa presensiya ng Dios (disown). Hindi ba’t ganito rin ang naranasan natin noong tayo’y nagrerebelde pa sa Dios? Nasa daan tayo ng kapahamakan, kahihiyan, at pagkahiwalay sa presensiya ng Dios kung magpapatuloy tayo sa pagrerebelde sa kanya. Mag-ingat tayo kung tayo’y lumalakad sa daan ng kasalanan. Huwag mong sasabihing maliit na kasalanan lang ang ginagawa mo. Akala din ng mga Israelita ganoon lang iyon. “Para silang naghahasik ng hangin at nag-aani ng buhawi” (8:7). Mag-ingat tayo kahit sa maliliit na kasalanang inihahasik natin sa buhay natin. Kapag di tayo nakinig sa Dios, aani tayo ng buhawi ng kapahamakan, kahihiyan at pagkalayo sa Dios.
The Promise of Hope
That’s bad news, terribly bad news! Pero may good news. Oo, malupit ang parusa ng Dios. Pero mayaman din ang awa’t habag niya sa ating mga makasalanan. Nagbigay siya ng babala ng parusa at magpaparusa siya para makinig sila at panghawakan ang mga pangakong ito:
I will lovingly pursue you. Hindi na Jezreel, o ikakalat. Kundi ang Dios na mismo ang hahabol sa kanila hindi para parusahan kundi para suyuin. ”Muli ko siyang liligawan hanggang sa mapaibig ko siyang muli” (2:14). May gagawin si Hosea para makuha ulit pabalik si Gomer. May gagawin ang Dios para sa Israel. May gagawin ang Dios para maibalik sa kanya ang mga lumalayo sa kanya. Tulad nga ng awit ni David, “Surely goodness and mercy shall follow (pursue!) me all the days of my life, and I shall dwell in the house of the Lord forever” (Psa. 23:6).
I will mercifully heal you. Hindi na “no-mercy” kundi nandoon ang awa ng Dios. “Come, let us return to the LORD; for he has torn us, that he may heal us; he has struck us down, and he will bind us up” (6:1). Sugatan ang puso ni Gomer, dahil ang katawan niya ay ipinagamit niya sa ibang lalaki, na sa disenyo ng Dios sa mag-asawa ay dapat para lang sa kanyang asawa. Punit ang puso niya. Sugatan ang puso ng Israel dahil hinati nila kay Yahweh at kay Baal, na ang puso ay dapat ibigay na buong-buo sa Dios. Sugatan ang puso nating mga tumalikod sa kanya at nagpakasasa sa ibang dios. Pero pangako ng Dios, “Pagagalingin ko kayo.” “I will heal their apostasy; I will love them freely, for my anger has turned from them” (14:4).
I will faithfully restore you to myself. Hindi na “not my people” kundi ito, “And in that day, declares the LORD, you will call me ‘My Husband,’ (from ‘is’ – Eve’s Adam) and no longer will you call me ‘My Baal’ (dati itong ginagamit nila para sa “husband” na may sense din na “master, lord”). For I will remove the names of the Baals from her mouth, and they shall be remembered by name no more” (2:16-17). “And I will betroth you to me forever. I will betroth you to me in righteousness and in justice, in steadfast love and in mercy. I will betroth you to me in faithfulness. And you shall know the LORD” (2:19-20). Pangako ng Dios na ibabalik sila muli palapit sa kanya. God will not divorce his wife!
The Redemption
Paano mangyayari iyon? Paano ang isang banal na Dios ay ilalapit sa kanya ang mga makasalanan? Makikita ang sagot sa Hosea 3. Heto ang summary ng kuwentong iyon:
Sabi ng Dios kay Hosea, “Mahalin mo ulit ang asawa mo kahit na nangalunya siya. Mahalin mo siya tulad ng pagmamahal ko sa mga Israelita.” Kaya kinuha ulit ni Hosea ang asawa niya sa pamamagitan ng pagbabayad ng 15 pirasong pilak at apat na sakong sebada at sinabi, “Huwag ka nang sumiping sa iba.” Ang ibig sabihin nito, mahabang panahong mawawalan ng hari ang Israel. Pero sa bandang huli, manunumbalik silang muli sa Dios at sa angkan ni David na kanilang hari. Buong paggalang silang lalapit sa Dios dahil sa kanyang kabutihan.
Ang hirap noon para kay Hosea! Ang hirap noon para sa Dios? Hindi. Kasi mahabagin siya. Makatarungan din siya at siya ang gumawa ng paraan para manumbalik ang tao sa kanya. Manunumbalik ang Israel sa “angkan ni David na kanilang hari” (3:5). Ang Juda na lang ang nasa ilalim ng angkan ni David. Pero darating ang araw “magkakasamang muli ang mga mamamayan ng Juda at Israel, at pipili sila ng iisang pinuno” (1:11). Sino ang haring iyon? Sino ang pinunong iyon? Walang iba kundi ang dumating na Mesias, ang Panginoong Jesus! Jesus is Israel’s Redeemer. Hindi natin alam kung bakit dapat bayaran ni Hosea si Gomer para makuha ulit na asawa. Maaaring dahil naalipin na siya at kailangang hanguin doon. Pero ang point dito ay ang laki ng halagang binayad niya, isang larawan ng laki ng binayad ng Dios para maibalik tayo sa kanya, ang dugo ng kanyang sariling Anak.
Siya ang gumanap ng dapat na tungkulin ng Israel sa Dios, na hindi sila naging tapat at nagtaksil sila. Tungkol sa Israel, “Itinuring ko siyang anak at tinawag palabas sa Egipto” (11:1). Ginamit din ito sa Panginoong Jesus nang sabihin ni Mateo sa kanyang aklat pagkatapos ikuwento kung paano niligtas ng Dios sina Jose at Maria at si Jesus mula kay Herodes, “Sa gayong paraan, natupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta (galing sa Hosea 11:1), “’Tinawag ko mula sa Egipto ang aking anak’” (Matt. 2:15). Inako ni Jesus ang anumang parusang dapat ay sa atin. Pinatay siya sa krus (destroy). Hindi lang iyon, ang krus ang kahiya-hiyang kamatayan noong panahong iyon, ipinako siyang nakahubad, walang awa (dishonor). At naranasan niyang abandunahin siya ng Dios, sumigaw siya, “My God, my God, what have you forsaken me (disown)? Posible sa Israel, posible sa atin na mabuhay at malapit muli sa Dios dahil sa ginawa ni Cristo para sa atin. Hindi lang siya namatay kundi nabuhay sa ikatlong araw ayon sa Kasulatan (1 Cor. 15:3). Ito ang pag-asa, ito ang mabuting balita ayon kay Hosea, “After two days he will revive us; on the third day he will raise us up, that we may live before him” (6:2). He is not just the redeemer of Israel, Jesus is the Church’s Redeemer.
For while we were still weak, at the right time Christ died for the ungodly. For one will scarcely die for a righteous person—though perhaps for a good person one would dare even to die—but God shows his love for us in that while we were still sinners, Christ died for us. Since, therefore, we have now been justified by his blood, much more shall we be saved by him from the wrath of God. For if while we were enemies we were reconciled to God by the death of his Son, much more, now that we are reconciled, shall we be saved by his life. More than that, we also rejoice in God through our Lord Jesus Christ, through whom we have now received reconciliation (Rom. 5:6-11)
(Also a picture of the story of Hosea and Gomer) Husbands, love your wives, as Christ loved the church and gave himself up for her, that he might sanctify her, having cleansed her by the washing of water with the word, so that he might present the church to himself in splendor, without spot or wrinkle or any such thing, that she might be holy and without blemish (Eph. 5:25-27).
The Call to Respond
Itinuturo sa atin ng pag-ibig ni Hosea kay Gomer, ng pag-ibig ng Dios sa Israel, at ng pag-ibig ni Cristo sa atin ngayon ang malinaw na katotohanan: God loves the unfaithful unfailingly. Hindi tayo naging tapat sa Dios. Pero nanatili siyang tapat at hindi kumupas ang pag-ibig niya sa atin, hindi magwawakas ang pag-ibig niya sa atin – dahil kay Cristo. Ginawa niya iyon, hindi para manatili tayo sa kasalanan (no way!) kundi para magkaroon ng pagbabago sa puso natin. Tulad nga ng sabi ni Hosea kay Gomer pagkatapos niya itong bilin at kuhanin ulit matapos siyang magtaksil at maalipin, “Makikisama ka sa akin ng mahabang panahon, at huwag ka nang sumiping sa ibang lalaki” (Hosea 3:3). Sinasabi din sa atin ng Dios ngayon, “Sa akin ka na, binili na kita at pinalaya mula sa pagkaalipin mo sa kasalanan sa pamamagitan ng aking Anak, huwag ka nang bumalik sa dati mong pamumuhay. Akin ka na.”
Return to God and confess sins. Dahil sa ipinakitang pag-ibig ni Hosea, dapat sabihin ni Gomer, “I will go and return to my first husband, for it was better for me then than now” (2:7). Iyon din ang mensahe ng Dios sa Israel, “Manumbalik kayo sa Panginoon at sabihin ninyo sa kanya, ‘Patawarin n’yo po kami sa aming mga kasalanan’” (14:2). Iyon din ang sinasabi ng Dios sa atin ngayon. Lumapit tayo sa kanya at aminin ang ating kasalanan (5:15). Ikaw na matagal nang nalayo sa Dios, naririnig mo ngayon ang mensaheng ito dahil kinakausap ka ng Dios, “Bumalik ka na sa akin. Iwanan mo na ang kasalanan mo.” Kayo naman na nakikipaglaro pa sa kasalanan, oo nga’t di ka pa tuluyang nalalayo sa Dios, pero huwag mo nang subukan, huwag ka nang humakbang palayo, bumalik ka agad sa Dios.”
Come to him, love him, and be satisfied in him. Sabi ng Dios, “For I desire steadfast love and not sacrifice, the knowledge of God rather than burnt offerings” (6:6). Ito rin ang binanggit ni Jesus nang magreklamo ang mga religious leaders dahil nakikisalamuha siya sa mga tax collectors at mga prostitutes, “Those who are well have no need of a physician, but those who are sick. Go and learn what this means, ‘I desire mercy, and not sacrifice.’ For I came not to call the righteous, but sinners” (Matt. 9:12-13). Ang mga taong aaminin lang na makasalanan sila ang lalapit kay Cristo at sasabihin sa kanyang, “Ikaw lang ang kailangan ko. Ikaw lang ang makapagbibigay sa akin ng tunay na kaligayahan. Ikaw lang wala nang iba.” Iyon ang ibig sabihin ng pag-ibig sa Dios. Wala nang ibang sasapat sa atin maliban kay Cristo. Lumapit ka sa kanya. Hindi mga religious activities o busyness sa ministry ang pinag-uusapan natin dito, kundi iyong totoong lumalapit sa kanya.
Press on to know him. “Let us know; let us press on to know the LORD…” (6:3). Hangga’t nakikilala natin siya, mas napapaibig tayo sa kanya, mas humihina ang hatak ng mundong ito sa atin. Kung kilala natin siya, balewala ang mga kayamanan sa mundong ito, ang kasiyahang bigay ng mga entertainment ngayon, balewala lahat. I want to know him more. I want to love him more. I want to be faithful to him more. Iyan ang ipanalangin natin na gawin ng Dios. At nakatitiyak tayo, wala nang parusa, wala nang kapahamakan, hindi na tayo malalayo sa kanya. Hahabulin niya tayo pabalik sa kanya, pagagalingin niya ang mga sugat natin, gagawin niya ang lahat para malapit tayo sa kanya, para mas makilala natin siya. Ipinakita na niya sa atin iyan sa krus ni Cristo. Iyan ang pinaniniwalaan natin, ipinamumuhay natin, ibinabalita natin sa iba. That’s the gospel. Iyan ang mensahe ng Bibliya. Iyan ang mensahe ng Hosea. Iyan ang mensahe ng Dios sa atin ngayon, bukas, at hanggang sa pagbabalik ng Panginoong Jesus.
1 Comment