Wisdom and Worship
Proverbs 9:10, “The fear of (reverential trust in) the Lord is the beginning of wisdom and knowledge of the Holy One is understanding.” Nakita natin last week – God grants wisdom from above – at ang karunungang ito ay nagsisimula at nagpapatuloy sa pamamagitan ng isang maganda at malapit na relasyon sa Dios. So we see that the big deal about this wisdom is not merely about making the right decisions daily but about getting in touch with God’s heart, having intimate communion with God. At doon ngayon natin makikita kung ano talaga ang problema nating mga tao. Sina Adan at Eba noon malapit na malapit ang relasyon sa Dios – nakakausap, nakakasamang maglakad sa hardin, nakakakuwentuhan (Gen. 3:8). Pero nasira ang magandang relasyong ito nang pagnasahan nilang maging marunong nang hiwalay sa pagsunod sa Dios (3:6). Dahil doon pinalayas sila sa presensiya ng Dios at binantayan ng mga kerubin ang hardin para di na muli sila makapasok (3:23-24).
Hanggang ngayon ganoon pa rin ang problema. Nilikha tayo ng Dios para bigyan siya ng karangalan, purihin at sambahin siya, pero sumuway tayo. Dapat sana siya ang nasa sentro ng buhay natin pero tayo ang naupo sa trono na dapat ay para sa Dios. Ganoon man ang nangyari, hindi pa rin nagbago ang gusto ng Dios – gusto pa rin niya mula noon, hanggang ngayon, maging sa darating na panahon na siya lang ang sambahin natin, wala nang iba. Kaya kung may hahadlang doon, tatanggalin niya. Kung lumayo ang tao sa Dios, ibabalik niya iyon. Kung hindi natin kayang baguhin ang puso natin, ipapakita niya ang kapangyarihan niya. Kung hindi ang pagsambang nakasentro sa kanya ang focus ng church natin, itutuwid niya tayo, babaguhin niya tayo. Kung sa buhay mo ngayon ay hindi nakasentro sa Dios at sa pagsamba sa kanya at maraming mga distractions na humahadlang sa buhay mo, sama-sama nating pakinggan ang kuwentong ito…galing sa 1 Kings 5-8 (parallel sa 2 Chronicles 2-7).
Solomon’s Temple
Ayon sa ipinangako niya, binigyan ng Dios si Solomon ng karunungan. Nang ibalita niya kay Haring Hiram ng Tyre ang planong pagpapatayo ng templo para sa pangalan ni Yahweh, natuwa ito at nagpuri sa Dios dahil sa karunungan at kapangyarihang bigay ng Dios kay Solomon. Nagkasundo sila na magtutulungan para dito. Pinadalhan siya ng haring ito ng mga kahoy na kailangan. Pinilit naman ni Solomon ang libu-libong Israelita sa pagtatrabaho para sa templo, at pinagtabas ng malalaking bato para sa pundasyon ng templo.
Ika-480 taon noon matapos lumabas ang mga Israelita sa Egipto at ika-apat na taon naman ng paghahari ni Solomon nang masimulan ang pagpapatayo ng templo. Itinayo ito sa Bundok ng Moria, sa lupang binili ni David. Hawig ang plano nito sa Toldang Sambahan pero higit na maganda at malaki. Inihanda ni Solomon ang Pinakabanal na Lugar sa loob nito para ilagay ang Kahon ng Kasunduan. Natatakpan lahat ng ginto ang loob ng templo. Nagpagawa din si Solomon ng dalawang kerubin (isang uri ng anghel) sa loob ng Pinakabanal na Lugar. Pitong taon ang inabot bago matapos ang templo, at sinunod ang mga detalye nito ayon sa plano.
Nagpatayo rin si Solomon ng palasyo niya at inabot ito ng 13 taon bago matapos. Higit na mas malaki ito kaysa sa templo. Nagpagawa rin siya ng bahay para sa kanyang asawa na anak ng hari ng Egipto.
Panahon noon ng Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol nang ipapasok na ni Solomon sa mga pari ang Kahon ng Kasunduan sa loob ng Templo. Walang ibang laman ang kahong ito maliban sa dalawang batong ibinigay ng Dios kay Moises kung saan nakasulat ang kasunduan ng Dios sa mga Israelita. Nagpakalinis ang mga pari. Tumugtog ang mga musikero at ang mga mang-aawit ay nagpuri at nagpasalamat sa Dios. Inawit nila, “Si Yahweh ay mabuti; ang pag-ibig niya’y walang hanggan.” Paglabas ng mga pari, may ulap na bumalot sa templo, binalot ito ng kapangyarihan ng Dios. Pagkatapos, nanalangin si Solomon, “Ngayon, nakapagpagawa na ako ng kahanga-hangang templo para sa inyo, kung saan kayo maninirahan magpakailanman.”
Humarap si Solomon sa mga tao at sinabi, “Purihin natin ang Dios! Ang templong ito ay katibayan na tinupad niya ang kanyang pangako sa ama kong si David. Ipinatayo ko ang templong ito para bigyang karangalan ang Dios.”
Sa pandinig ng mga tao, nanalangin si Solomon, “Yahweh, Dios ng Israel, walang ibang dios na katulad n’yo. Tumutupad kayo sa pangako n’yo. Ipinapakita n’yo ang pag-ibig n’yo sa mga tapat sa inyo. Patuloy n’yo pong tuparin ang pangako n’yo sa lingkod n’yong si David. Sabi n’yo sa kanya, ‘Laging sa angkan mo magmumula ang maghahari sa Israel kung sila rin ay magiging tapat sa akin tulad mo.’
“Pero maninirahan po ba kayo dito sa mundo, pati sa templong ito, kung hindi nga kayo magkasya sa kalawakan? Pakinggan n’yo po ang dalangin ko. Ingatan n’yo po ang templong ito araw at gabi. Pakinggan n’yo po ang dalangin ng mga taong ito. Patawarin n’yo po kami sa tuwing magkasala kami sa iyo. Kung matalo man sila sa labanan, magkaroon ng taggutom, dahil nagkasala sa iyo, at kung lumapit sa iyo at humingi ng tawad, patawarin n’yo po. Turuan n’yo po sila ng matuwid na pamumuhay. At muling ibalik ang pagpapala n’yo sa lupang ito. Alam n’yo po ang puso ng tao, na walang hindi nagkasala kahit isa.
“Kung mayroon mang dayuhang nakabalita ng inyong kapangyarihan at nanalangin sa templong ito, pakinggan n’yo rin po para lahat ng tao sa mundo ay kumilala sa inyo.”
Sinabi niya sa mga tao, “Maalala sana palagi ng Dios ang panalanging ito at ibigay lahat ng kailangan natin sa araw-araw. At sana, kayong lahat ay maging tapat sa kanya. Sundin n’yo ang mga utos niya tulad ng ginawa n’yo ngayon.”
Pagkatapos, naghandog sila ng 22,000 baka at 120,000 tupa at kambing para sa mabuting relasyon. Sa ganitong paraan, itinalaga nila ang templo para kay Yahweh. Dalawang linggo silang nagdiwang at nagkasiyahan sa presensiya ng Dios. Pagkatapos, pinauwi na ni Solomon ang mga tao, at umuwi silang masayang-masaya dahil sa lahat ng kabutihang ginawa ng Dios sa kanyang lingkod na si David at sa kanyang bayang Israel.
The Temple and the Story of God
Pinalitan na ang Tabernacle ng Temple. Naranasan ang presensiya ng Dios na bumaba sa templo. Nakita ng mga tao ang kadakilaan ng Dios. Sinamba nila ang Dios. Masayang-masaya sila. The message of this temple story is very clear: God indwells God-centered worship! Oo, lahat ng tao sumasamba – pero ang iba sa di tunay na dios, o kung sa Dios man, makasarili ang hangarin sa pagsamba. Ang gusto ng Dios, God-centered ang worship. Siyempre naman, worship nga di ba? Originally ang title dapat ng sermon ko, “God desires God-centered worship” pero gusto ng Dios makita natin dito na ang presensiya niya ay nandoon kasama ng mga taong ang pagsamba ay nakasentro sa kanya. Nananahan ang Dios sa mga taong ang pagsamba ay nakasentro sa kanya.
Mas maiintindihan natin ito at makikita natin ang kahalagahan nito sa buhay natin ngayon kung alam natin ang buong kuwento. Simula’t simula pa ito na ang nais ng Dios. Na masayang makasama ang tao at ang tao ay sumamba sa kanya. Hanggang sa dulo ng Kuwento, ito pa rin ang nais ng Dios. Mula kina Adan at Eba. Hanggang kina Noe, Abraham, Isaac, Jacob, Moises, Josue…na silang lahat ay kinakausap ng Dios at nakakausap nila ang Dios…sumasamba sila sa Panginoon. Pero ang gusto ng Dios hindi lang paisa-isang tao, kaya nga pinaranas niya rin ito sa buong bansang Israel. Ipinatayo ang Tabernacle para maging tirahan ng presensiya ng Dios at lugar sambahan ng mga Israelita habang nasa disyerto sila at kahit sa loob ng ilang daang taong nasa Lupang Pangako na sila. Hanggang dumating ang oras na ipinahayag ni Haring David sa Dios ang nais niya na magpagawa ng permanenteng tirahan para sa Dios. Na sinabi naman ng Dios na hindi siya kundi si Solomon ang magpapagawa noon. Tinupad nga ng Dios ang pangako niya!
Ang panahong ito ni Solomon ang “peak” ng Old Testament story. Ibig sabihin, pagkatapos nito padausdos na. Tumalikod si Solomon sa Dios. Nahati ang kaharian sa dalawa noong panahon ng anak niya – Israel at Judah. Bumagsak ang Israel sa Assyria, sumunod naman ang Judah sa Babylon. Sinira ang Jerusalem, ang templo sinunog. 70 years silang nasa Babylon, pero pinabalik din sila ng Dios. Tinayo ulit ang templo sa panahon ni Zerubbabel, pero di na singganda ng kay Solomon. Sa panahon ni Haring Herodes, nang ang mga Judio ay sakop ng mga Romano pinalaki niya ito.
Dumating ang Panginoong Jesus. Nakita niya na ang templo ginagawang palengke sa halip na bahay-sambahan. Nagalit siya. Sinabi niya sa kanila na mawawasak ang templo at sa ikatlong araw ay itatayong muli. Pero ang tinutukoy niya doon ay ang katawan niya na mamamatay at muling mabubuhay (John 2:13-22). So, nagkaroon ng shift mula sa centrality ng physical temple sa Old Testament patungo sa reality nito sa katauhan ni Jesus sa New Testament. Nabuhay nga siyang muli at pag-akyat niya sa langit, ang Espiritu naman ang bumaba sa Iglesia na tinawag ni Pablo na templo ng Dios (1 Cor. 3:16-17). Hindi ito limitado sa mga Judio, kasama ang mga di-Judio tulad natin. Now including the Gentiles (Eph. 2:19-22). Ito naman talaga ang plano ng Dios simula’t simula pa. Narinig din natin ‘to sa prayer ni Solomon tungkol sa mga dayuhan at nang sambahin ang Dios sa buong mundo. Hindi lang ang Iglesia sa kabuuan ang templo ng Dios, kundi bawat isa sa atin ay templo ng Espiritu ng Dios (1 Cor. 6:19). Nananahan sa atin ang Dios, kasama natin siya, at sasambahin natin siya kahit saan tayo naroroon. At kapag namatay na tayo, pupunta tayo sa langit at makakasama ang Dios at sasambahin siya – forever! Pagdating ni Jesus, magkakaroon ng new heavens and new earth. Wala nang templo doon dahil ang Dios mismo ang templo na makakasama natin magpakailanman (Rev. 21:3, 22).
We will worship forever and ever! Before that day comes, we must busy ourselves with worship. We are created to worship, redeemed to worship, forgiven to worship, freed to worship, blessed to worship. Our primary occupation in this life and the next is not students or businessmen or OFWs or engineers or doctors or moms or dads or teachers, but worshippers! If you are not a worshipper, you are not a Christian!
The Church as a Worshipping Community
Worship is our life. That’s our single passion. Individually, yes. But more importantly, corporately. Hindi ko alam kung gaano na kahalaga sa inyo ang oras na ito na ginugugol natin as one church, as one family worshipping God together. Bakit mahalaga kaysa ano pang appointments o business meron ka? Tingnan n’yo to, “Hindi na makaganap ang mga pari ng kanilang gawain sa templo dahil sa ulap, dahil binalot ng makapangyarihang presensiya ni Yahweh ang kanyang templo” (2 Chr. 5:14). Ito rin ang prayer natin – that God’s presence in our midst to be unmistakeable. Makikita natin dito ang pattern of worship sa dedication ng temple.
Malaking tulong sa akin dito ang book ni Bryan Chapell na Christ-Centered Worship: Letting the Gospel Shape Our Practice, pp. 104-105, 118. Nakita niya ang pattern na ito hindi lang dito kundi sa buong Bibliya. Bakit ganito? Some things never change. God never changes! Our worship must remain God centered. Some things change. Wala nang temple at sacrifices. Kasi natupad na ito kay Cristo at sa Iglesia. Worship must not just be God-centered, but Christ-centered and Spirit-empowered. If the story of the cross and his redemptive grace is missing, worship is not God-centered. We worship not in a way that reflects our personal preferences, conveniences, or long-held traditions but biblical principles, The Story of God. Ito yung pattern na makikita natin sa 2 Chronicles 5-7:
Adoration: Recognition of God’s character. Sa 5:1-5, tapos na ang templo, nandoon na rin ang mga gamit. Tinipon ni Solomon ang mga tao at nasilayan nila ang kagandahan ng templo na nagpapakita ng karangalan ng Dios. Sa 5:14, nakita nila ang makapangyarihang presensiya ni Yahweh sa pamamagitan ng ulap na bumalot sa templo. Nang magsimulang manalangin si Solomon, narinig ng mga tao, “Walang Dios na katulad n’yo sa langit at sa lupa…” (6:14). He is the God of everlasting love. He is faithful to all his promises. Naroon ang Dios sa templo, pero di malilimitahan nito ang presensiya niya (6:18). Sa simula ng pagsamba mahalaga na nakikita nating ang gagawin natin ay para sa Dios. This is all about him, not about us. This is God-centered worship.
Confession: Acknowledgment of Our Character. Sa 5:6-10, nakita nating ipinasok na ang Kahon ng Kasunduan sa loob ng Pinakabanal na Lugar at nasa ilalim ng kerubin. Ang tabing sa silid na ito ay nagpapakita na ang taong makasalanan ay di makakalapit sa presensiya ng Dios. Ang Kahon (na kinalalagyan ng Sampung Utos) ay simbolo ng awtoridad ng Dios bilang Hari. Ang kerubin ay nagpapaalala ng kerubing nagbabantay sa Garden of Eden para di makapasok sina Adan at Eba. Kaya ginagawa nila ang paghahandog ng mga hayop bilang pagpapakita ng pagsisisi nila. Sabi ni Solomon sa prayer niya, “At kung marinig n’yo po kami, patawarin n’yo po kami” (6:21). Alam nating binayaran na ni Jesus ang mga kasalanan natin, pero sa pagsamba natin sa Dios, alam pa rin nating may mga kasalanan tayong nagagawa na makahahadlang para makasamba tayo. Kaya sa simula ng pagsamba, kapag nakita natin ang kadakilaan ng Dios (sa pagbasa ng Salita ng Dios, awit ng pagsamba, o salita ng tagapanguna), makikita rin natin ang kasalanan natin at hihingi tayo ng tawad sa kanya. Kaya nga dapat lahat tayo nasa oras ang pagpunta.
Assurance: Affirmation of Grace. Sa 5:11-13, nagpuri sila sa Dios at tiniyak ng mga pari ang mga tao tungkol sa kabutihan ng Dios, “Si Yahweh ay mabuti; ang pag-ibig niya’y walang hanggan” (5:13). Ipinakita ng Dios na naroon ang presensiya niya at kasama nila siya (5:14). Ganyan din gusto nating mangyari sa pagsamba natin, maramdaman natin ang pagpapatawad ng Dios, ang pagyakap niya, ang pagsama niya sa atin. Kaya lalo na sa iba na nagdadalawang-isip kung pupunta dahil may nagawa kayo na feeling n’yo guilty kayo o nahihiya kayo sa Dios o hindi nakahanda ang puso n’yo, sa sama-sama nating pagsamba, mararanasan n’yo at masasabi n’yong, “God is with me, God is for me.”
Thanksgiving: Expression of Devotion. Sa 6:1-11, nagbigay ng personal na patotoo si Solomon, nagpuri sa Dios at ikinuwento kung ano ang ginawa ng Dios para sa kanya, sa ama niyang si David at sa Israel. Verse 10, “Tinupad ni Yahweh ang kanyang pangako. Ako ang pumalit sa aking amang si David bilang hari ng Israel, ayon sa pangako ni Yahweh. At ipinatayo ko ang templo para parangalan ang Dios.” Sa kadakilaan ng Dios, dapat siyang purihin. Sa kabutihan niya, dapat siyang pasalamatan. Ginagawa natin ito sa pag-awit natin sa kanya, sa pagpapatotoo ng isang kapatid nating ikinukuwento ang ginawa ng Dios sa kanya, sa pagbabalita ng mga ginagawa ng Dios sa ating iglesia, at sa pagbibigay natin ng ating mga “tithes and offerings” na nagpapahayag ng pasasalamat natin sa mga pagpapalang materyal na tinatanggap natin sa Dios.
Petition and Intercession: Desire for Aid in Living for God. Sa 6:12-21, hiniling ni Solomon sa Dios na pangalagaan ang kanyang bayan. “Sa harap ng kapulungan ng Israel, lumapit si Solomon sa altar ni Yahweh at itinaas niya ang kanyang mga kamay…tumayo siya sa tansong entablado na kanyang ipinagawa…lumuhod si Solomon sa harap ng mga mamamayan ng Israel na nakataas ang kanyang mga kamay. Nanalangin siya…” (6:12-14). Anong prayer niya? “Tuparin n’yo po ang ipinangako n’yo…Pakinggan n’yo ako na inyong lingkod sa aking panalangin at pagsusumamo…Pakinggan n’yo ang panawagan at pananalangin ko sa inyong presensiya. Ingatan n’yo po sana ang templong ito araw at gabi” (6:17, 19-20). Ang panalanging ito ay ayon din sa mga sinabi ng Dios, mga pangako niya, kalooban niya, layunin n’ya. Ang panalangin natin para sa isa’t isa, para sa church, para sa ating bansa, para sa buong mundo ay dapat ganito rin: “Hallowed be your name, your kingdom come, your will be done on earth as it is in heaven.” Nananalangin tayo at humihiling dahil alam nating sa sarili natin wala tayong magagawa kung hindi kikilos ang Dios.
Instruction from God’s Word: Acquiring Knowledge for Pleasing God. Sa 6:22-42, patuloy ang prayer ni Solomon, pero dito nagbigay siya ng ilang mga cases o situations na hindi lang basta para bigyang detalye ang Dios (alam niya ang lahat!). This was also for the sake of the people, na malaman nila ang kalooban at plano ng Dios, ang pagsuway nila sa Dios, ang kailangang pagtutuwid sa kanila, ang puso nila para sa mga dayuhang at sa buong mundo para makakilala din sa Dios. Ginagawa din natin ito kapag binabasa natin ang Kasulatan at pinapakinggang mabuti at isinasapuso ang sermon na tapat sa mensahe ng Salita ng Dios.
Charge and Benediction: Living Unto God with His Blessing. Sa 7:1-3, pinagpala ng Dios ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapakita ng ebidensiya ng kanyang presensiya at pagtanggap sa mga handog nila habang ang mga tao ay nagpupuri dahil sa kabutihan ng Dios. Ginagawa natin ito sa panalangin at awit pagkatapos ng sermon.
Communion: Communing with God and His People. Sa 7:4-9, talagang masayang-masaya sila at nagpuri dahil sa pag-ibig ng Dios. Nagkaroon sila ng “peace offering” o handog para sa mabuting relasyon, na ang handog dito ay masaya nilang pinagsasaluhan (libu-libong litsong baka!). Ginagawa din natin ang tulad nito sa Lord’s Supper, sama-sama nating inaalala ang “peace” (reconciliation) na natanggap natin dahil kay Cristo. Magkakasama tayong kumakain at nananalangin sa isa’t isa. Siguro sa mga susunod, gawin naman natin at least once a month, talagang kainan tayo sa dulo ng worship service natin sa halip na konting piraso lang ng tinapay at inumin.
Adjustments in Our Personal and Corporate Worship
Kapag ang worship natin ay God-centered, ibig sabihin ito rin ay Christ-centered. “God is not only enthroned on our praises, he indwells them through the ministry of Christ’s gospel that enables and forms our worship. As our worship reflects his story, we become his face to his people, renew his message among them, and present him to them” (Bryan Chapell, Christ-Centered Worship, p. 124). Physically wala na ang templo. Wala rin tayong nakikitang apoy na bumabagsak sa langit o ulap na bumabalot sa templo. Pinapakita nito na ang reality ng worship ngayon ay ito – it is a matter of the heart.
Concerned tayo hindi lang sa pagkakasunud-sunod ng mga gagawin natin. The movement of the heart is what matters, not just going through the motions of a worship service. Tulad ng nangyari sa dedication ng temple, sana maramdaman din natin ang presensiya ng Dios na nasa puso na natin. Para mangyari iyon, may mga adjustments tayo na dapat gawin. Oo, may gagawing adjustments kami na mga leaders sa pag-organize at preparations ng worship service natin. Pero tingnan natin ngayon kung ano ang dapat gawing adjustments ng bawat isa sa atin.
The Need to Prepare (Before Corporate Worship). Pansinin n’yo kung paano nila pinaghandaan, pinagtrabahuhan, at ginastusan ang pagpapagawa ng templo. Bakit ganito? Sabi ni David, “Malaki ang gawain na ito, dahil ang ipapatayong gusali ay hindi para sa tao, kundi para sa Panginoong Dios” (1 Chr. 29:1). Kapag magde-debut ang anak n’yo o ikakasal kayo, paano n’yo pinaghahandaan? Pero kapag pagsamba tuwing Linggo, bakit di pinaghahandaan ng mga Cristiano? Puso ang pinag-uusapan dito, hindi lang damit o transportation. Kaya Saturday night pa lang, paghandaan na. Dumating 15 minutes earlier para ang puso ay “at rest” talaga sa Panginoon. Pag-akyat dito sa worship hall natin, wala nang mag-uusap. Parents, let us discipline our children to prepare to worship this way also.
The Need to Focus (During Corporate Worship). Wala dapat ibang umaagaw ng attention natin. Exclusive dapat ang worship. Tanggalin natin lahat ng distractions tulad ng cellphones at anumang gadgets. Turn it off! Mahirap para sa may alagang bata, pero gawin natin lahat ng magagawa natin. Hindi lang exclusive, dapat excellent din. Sa music team, sa nasa technicals, lahat ng may part para maisaayos ito, gawin natin nang may kahusayan. At lagi dapat nakafocus tayo sa pagsamba, hindi sa performance o sa pag-please ng mga tao. Kung nandito kayo, siguraduhin n’yong ang isip at puso n’yo ay nandito din, hindi lumilipad-lipad kung saan-saan.
The Need to Respond (After Corporate Worship). Let it not be another Sunday event. Let it shape the way you live. Let if fuel your daily personal worship. Apply God’s Word. Be missional. Kapangit namang marinig pag-uwi sa bahay o malaman ng mga kaibigan natin na nagsisimba tayo pero ala namang nagbabago sa buhay natin, “Pasimba-simba ka pa, ganoon din naman!” Ito ang naging error ni Solomon – meron siyang divided heart na makikita natin sa mga susunod pang kuwento. Pero ngayon pa lang nakita na natin ang ilang ebidendiya nito – pinilit niyang magtrabaho ang iba, mas binigyan niyang atensiyon ang pagpapagawa niya ng palasyo niya, nakipagsabwatan siya sa Egipto, nag-asawa ng hari nito. Naging divided ang puso niya. Unlike David whose heart was wholly true to God. This was the highest point in OT story – ibig sabihin, this will be sliding down from here. Bakit? Because the heart is divided in worship. Kasi sumamba nga sila pero pag-uwi sa bahay, hindi nagbago ang buhay.
Hindi ba’t malinaw nating nakita ang kahalagahan ng God-centered worship? Oo, unang-una kasi siya ang nabibigyan ng karangalan doon. Pero nakita rin natin ‘to: God indwells God-centered worship. Kapag nandoon ang presensiya ng Dios, siyempre lahat masaya. Tingnan n’yo ang 2 Chr. 7:10. Pinauwi na ni Solomon ang mga tao, masayang-masaya silang umuwi ng bahay. At ito rin ang gusto nating mangyari tuwing sasamba tayo. Na pagkatapos ay masabi nating, hindi “Haay, sa wakas natapos din…” kundi “Ang saya na maranasan ang presensiya ng Dios. Sana palaging ganito.”
1 Comment